[Gabby's Point Of View]
Ang hirap imulat ng mga mata 'ko. Dun 'ko lang na-realize na isang puting kisama kaagad ang nakita 'ko. Tiningnan 'ko nun yung paligid 'ko, puro puting pader. Nasa ospital pala ako. Ano bang nangyari nung araw na yun? Buti naman at ok lang ako. Si Paolo agad ang hinanap 'ko pero wala palang taoo dun sa kwarto. Tiningnan 'ko nun ang isang digital clock sa tabi nung kama 'ko. 4:16 P.M, Saturday, May 21, 2010. Nagulat ako dun. Ano?! Saturday na! Na-miss 'ko lang ang flight nila Paolo nung Thursday. Sobrang nahihirapan akong huminga at unti-unti na ding nabuhos yung luha 'ko.
"Paolo" yun na lang yung nabanggit 'ko sa sarili 'ko. Sobrang lakas ng pagpintig ng puso 'ko. Ang hirap paniwalaan na hindi 'ko man nakita si Paolo. Naiinis ako sa sarili 'ko.
Maya-maya naman ay tahimik na pumasok nun si Joni sa kwarto 'ko. Alam 'ko na nakita niya ako nung naiyak kaya naman binilisan 'ko ang pagpawi ng mga luha 'ko.
"Gising ka na pala. Ang tagal mo ding tulog. Miss ka na namin" sabi naman sakin ni Joni. Sobrang kinabahan ako nun. Parang hindi 'ko kakayanin na malayo sakin si Paolo.
"Umuwi na tayo. Gusto 'ko ng umuwi" yun lang naman ang nasabi 'ko sa kanya.
"Sure ka bang kaya mo na? Tatawagin 'ko na muna yung doctor" sabi naman sakin ni Joni. Tinanguan 'ko lang naman siya nun.
Napa-upo naman ako nun. Ok na ok yung pakiramdam 'ko nun. Parang ngang hindi ako nabunggo eh. Parang lahat ata ng sakit 'ko sa katawan eh napunta sa sakit 'ko sa puso. Sobrang sakit. Kasi wala na pala si Paolo. Nakakaiyak lang. Badtrip.
Dumating din naman yung doctor at chineck naman niya nun yung mga bagay na dapat i-check sakin. Medyo nagtagal din naman yun ng mga 30 minutes. Ang tagal no? Nagugulat din siya siguro kasi ang bilis 'kong maka-recover sa insidente.
"Ok ka na. Pwede ka ng umuwi. Ok na pala lahat ng charges mo. Nabayaran na ang lahat" hindi naman na ako nun nagulat sa sinabib nung doctor. Siguro bago umalis sila Kuya Patrick eh binayaran na nila 'to. Tutal naman, marami silang pera eh.
"Sige po. Thank you" nagbihis naman ako nun ng damit na dinala sakin para ni Joni. Then lumabas ako sa may CR wearing a very very very very fake smile.
"Uwi na tayo" sabi 'ko naman kay Joni.
"Magiging ok din ang lahat. I promise" sabi naman sakin ni Joni habang papalabas kami dun sa kwarto. Hindi 'ko pa din maiwasang hindi umiyak. Bwiset. Miss na miss 'ko na kaagad si Paolo.
Hindi ako nagsalita sa buong byahe namin papunta dun sa subdivision namin. Naglakad na din naman kami nun papunta sa bahay 'ko para tipid pamasahe. Nung andun na kami sa harapan nung bahay 'ko, medyo nahihirapan akong gumalaw. Natatakot kasi ako na baka hindi na nga ako sanay na wala sila dyan. Na wala si Kuya Patrick at si Paolo na palaging nag-aaway. Wala si Tita para maging referee sa kanilang dalawa. At wala si Ate Paula na palaging nakakakapit kay Joni. Sa pagiimagine 'ko pa lang ng kawalan nila, parang hindi 'ko na kakayanin.
"Pasok na tayo" sabi naman sakin ni Joni.
Nag-sigh muna ako nun bago 'ko hawakan yung handle nung gate. Grabe. Kaya 'ko 'to. Binuksan 'ko nun yung gate. Naiinis ako. Wala man lang akong nakikitang bakas nila dito. Lalo naman akong nalungkot at nanlmambot. Inakbayan ako nun ni Joni tapos siya na mismo ang nagbukas ng pintuan papunta dun sa bahay 'ko. Ine-expect 'ko nun na wala na talaga sila pero kusang tumulo yung mga luha 'ko ng makita 'ko silang lahat dun.
"Bunso!! I-try mo 'tong damit na 'to! Dalian mo na kasi!" narinig 'ko nun ang pagsigaw ni Kuya Patrick kay Paolo habang binbigyan siya ng isang baduy na damit.
"AYOKO NGA!! SOBRANG KULIT MO NAMAN EH!" sigaw naman ni Paolo. Natatawa ako at kasabay nun ay naiiyak ako.
"Gabby!" tawag naman sakin ni Tita. Sobrang namumula ako nun at sobrang nablu-blurred na yung vision 'ko dahil sa mga luha 'ko.
"Nicholas my love!!! And Gabby, I miss you!" sabi naman sakin ni Ate Paula. Ang sakit ng puso 'ko nun. Bwiset. Iyak ako ng iyak. Andyan lang pala sila.
Tumayo nun si Kyla at si Yael tapos lumapit sila sakin para yakapin ako ng sobrang higpit.
"Na-miss 'ko kayo" sabi 'ko naman sa kanila.
"Namiss ka rin namin" sabi naman ni Yael sakin. Hindi pa din natigil yung pagluha 'ko nun. Pakiramdam 'ko nun nasa panaginip ako. Akala 'ko ba, wala na sila. Pero andyan sila sa harapan 'ko ngayon.
Lumapit ako nun sa kanilang lahat. Niyakap din ako ni Ate Paula nun. Sobrang warm ng pagkakayakap niya sakin. Ang sarap pa lang magka-ate no. Niyakap din ako ni Kuya Patrick nun. Totoo nga sila. Kasi nahahawakan 'ko sila eh. Napatingin ako nun kay Paolo na mukhang nahihiya pang yakapin ako. Pero dahil sa sobrang namumula na siya, yinakap 'ko na din siya. Lalo akong naiyak kasi andito nga siya. Sa sobrang saya 'ko, napapaiyak na talaga ako.
"Nakakainis kayo! Akala 'ko wala na kayo!" sabi 'ko naman sa kanya. Medyo humiwalay na din naman ako sa kanya. Tumingin naman ako nun kay Kuya Patrick na nakangite naman sakin.
"Syempre hindi ka namin iiwan. Bakit ka namin iiwan, diba? Eh pamilya ka na namin" sabi naman niya sakin. Napangite at na-touch ako nun.
Isa lang naman ang gusto 'ko. Ito lang naman ang gusto 'ko. Isang pamilya.
Lalo akong naiyak nun sa sinabi ni Kuya Patrick. Nakakainis naman eh. Ang drama. Naiinis ako.
"Ui wag ka na umiyak! Lagot na naman ako niyan kay bunso!" natawa naman ako dun sa sinabi niya.
Maya-maya naman ay biglang may dalawang tao na pumasok dun sa bahay 'ko. Andun si Toni at si Dustin. Medyo nagulat nga ako kasi andun si Dustin eh.
"Gabby! Grabe, buti ok ka na! I miss you!" bigla siyang lumapit sakin tapos yinakap niya ako ng sobrang higpit.
"Na-miss din kita" sabi 'ko naman sa kanya ng may ngite. Pagkatapos nun ay umupo siya sa tabi ni Kuya Patrick tapos mukhang sobrang sweet na din naman nila sa isa't-isa.
"Ikaw ha. Kasama mo si Dustin. Selos ako" sabi naman ni Kuya Patrick kay Toni. Tawang-tawa naman ako dun. Ang cute ni Kuya Patrick eh.
"Ano ka ba? Seloso ang wala eh. Sinama 'ko lang siya dito no!" tapos niyakap niya nun si Kuya Patrick. Nagthumbs up na lang naman ako nun kay Kuya Patrick. Grabe eh. Nakakatawa lang.
"Ok ka na ba?" tanong naman sakin bigla ni Dustin.
"Ok lang ako" sabi 'ko sa kanya ng may ngite.
Tumingin naman nun si Dustin kay Paolo na katabi 'ko lang nung mga oras na 'yun. Tapos rineach out niya yung kamay niya kay Paolo. Nagtaka naman ako kung para saan yun...
"Congrats. Alagaan mo na lang si Gabby" nagulat naman ako dun sa sinabi ni Dustin. Tinanggap nun ni Paolo yung kamay ni Dustin tapos nakipag-shake hands pa siya.
"Oo. Aalagaan 'ko siya" kinilig naman ako dun sa sinabi ni Paolo. Haha. Sinabi niya yun habang tinatanggal niya na yung kamay niya mula sa pagkakahawak nito kay Dustin.
Maya-maya naman ay parang nagkanya-kanya na yung mga tao. Kausap na nun ni Kuya Patrick si Dustin. Grabe si Dustin. Ang daming atraso sa kung sinu-sinong tao. Pero mukhang nagkakasundo din naman sila, kaya walang awayan 'to.
Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Paolo yung kamay 'ko tapos bigla niyang hinalikan yun. Kinikilig naman ako ng bonggang-bongga nun.
"Akala mo iiwan kita, ha? Pwes, hindi pwede yun" sabi naman niya sakin. Pakiramdam 'ko nun mas namumula na ako kesa sa kanya. Grabe. Nabaliktad na ata ang mundo ngayon. Dati, siya lang ang namumula tapos ngayon, ako naman! Haha.
"I love you" sabi 'ko naman sa kanya. Na-realize 'ko naman nun na hindi 'ko pa pala siya nasasabihan ng i love you. Mas hingipitan niya yung pagkakahawak niya sa kamay 'ko tapos humarap siya sakin.
"I love you too" napatawa naman ako nung sinabi niya yun. Ano ba?! Hirap kayang magpigil ng tuwa at kilig.
Hinawakan niya nun yung leeg 'ko tapos dahan-dahan niyang nilapit yung ulo niya sa ulo 'ko. Hindi ako gumagalaw nun, hinahayaan 'ko na lang na siya ang gumawa ng move. Pakiramdam 'ko nalutang kami sa outer space at walang tao sa paligid namin. Sobrang sarap ng feeling. Sobrang lapit na ng mga labi 'ko sa kanya nun at sobrang sarap sa feeling na sobrang lapit 'ko na pala sa kanya.
"FAMILY PICTURE NA TAYOOOO!!" bigla namang sumigaw si Kyla kaya biglang naudlot ang bonggang-bonggang kiss namin. Grabe ha! Eto na yun eh?!
Natawa na lang naman kami pareho ni Paolo nun. Niyakap niya na lang naman ako nun para safe.
"Next time na lang!" sabi 'ko naman sa kanya. Tumawa lang naman siya nun. Hawak-hawak pa din niya yung kamay 'ko tapos sumama kami dun sa iba na nagtitipong-tipon na sa sala para magkaroon man lang kami ng Family Picture.
Si Yael nun yung nag-set up ng camera sa may Tripod. At kanya-kanya kaming ayos ng damit at mga buhok namin. Katabi 'ko nun si Paolo. Nakatayo kami nun habang yung kamay niya ay nakalagay nun sa bewang 'ko. Magkatabi namang nakaupo sa sofa si Kuya Patrick at si Toni. Katabi rin nila ang sobrang sweet na si Joni at Ate Paula. Sa likod naman ng sofa ay andun si Tita, si Dustin at si Kyla. May isang spot naman para singitan ni Yael ang nandun sa tabi ni Kyla.
"10 seconds lang 'to ha!" sigaw naman ni Yael then clinick niya na yung button then mabilis siyang tumabi kay Paolo.
"Okaaayyyy. Say 'Maganda si Paula'!" sabi naman ni Ate Paula. Natatawa naman na ako nun. Ibang klase talaga eh.
"MAGANDA SI PAULAAAAA" sabay-sabay naming sinabi yun kaya mga mukha lang kaming timang dun sa picture.
Nag-flash nun yung camera at pagkatapos nun ay tawa na lang naman kami ng tawa nun. Napatingin ako sa ngite nilang lahat. Masaya ako kasi andyan silang lahat. Masaya ako na hindi nila ako iniwanan. Masaya ako sa bagong pamilya ako. Sana andito si mama at si papa para makita nila ang lahat ng 'to.
"Isa pa!" sabi naman ni Kuya Patrick.
Hindi naman ako nun tumingin sa camera kasi mukhang nabihag na ni Paolo yung mga tingin 'ko. Siya yung nginitian 'ko kahit na hindi naman siya yung camera 'ko. Nakatingin din siya sakin nun at sobrang nakakatunaw yung mga titig niya.
"Hindi mo pa ako natutugtugan ng piano" sabi naman niya sakin na lalong mas nakapagpangite sakin.
"Don't worry. Tutugtugan din kita. Sa magiging kasal natin" sabi 'ko naman sa kanya.
Then nag-flash nun yung camera ng hindi man lang kami nakatingin sa pero sobrang sweet ng shot na yun kasi parang kami lang ni Paolo nun yung nagkakaintindihan.
Hindi man kapani-paniwala pero dito na talaga nagtatapos ang kwento na 'to. Maraming magtataka kung bakit 'When Winter Falls' ang title na 'to. Dalawa ang pwedeng maging dahilan. Una, dahil sa kwentong 'to naunang nain-love si Paolo Winter Trinidad. Pangalawa, nagpapatungkol ang 'Winter' sa pinakamalungkot na parte ng isang kwento ng isang tao. Ang 'Winter' ay patungkol sa pinakamalamig na araw ng isang taong katulad 'ko. Malungkot ako nung una. Nawalan ako ng nanay, tatay, bestfriend at boyfriend. Pero dumating sila Paolo para i-build up ulit ako. Para samahan akong tumawid sa malamig 'kong buhay. Para samahan ako sa pag-welcome ng isang masayang buhay.
Hindi 'ko pa alam kung anong susunod na mangyayari. April 6, 2011 na ngayon. Halos malapit ng maging isang taon ng magsimula ang 'Summer' ng buhay 'ko. Kami na ni Paolo, kaka-two months lang namin kahapon. Grabe no. Syempre, pahirapan akong ligawan no. Hindi rin naman natuloy yung kasal ni Toni at ni Dustin. Malamang, diba! Haha. Naging si Toni din at si Kuya Patrick. Sobrang saya nga nila eh. Lagi na lang silang nagkukulitan lalo na at andyan na ang baby girl ni Toni na si Jam-jam. Tawag naman ni Jam-jam kay Kuya Patrick ay daddy samantalang kay Dustin naman ay papa. Wala pa namang nagiging GF ngayon si Dustin. Ewan 'ko ba dun. At sa wakas naman ay pumayag na ding makipagdate si Joni kay Ate Paula. Matagal ding niligawan ni Ate Paula si Joni no! Baligtad. Haha. Si Yael naman at si Kyla ay ayun, pa-sweet lang ng pa-sweet sa isa't-isa. Si Tita naman ay hindi pa din nagbago. Referee pa din siya!
4th year college naman na ako next year sa kursong BS Psychology. Nakatira pa din ako sa malapalasyong bahay na 'to pero ngayon hindi na ako nag-iisa. Andito si Paolo, Tita, si Ate Paula, si Kuya Patrick, si Kyla, si Yael at si Joni. Mahilig pa din akong tumugtog ng piano at sa ngayon ay tumugtog na nga ako para kay Paolo eh. Hindi 'ko rin napigilang tugtugan siya kahit hindi namin kasal. Masyado kasing mapilit eh.
Sa bawat pag-press 'ko ng keys ay puro happy memories na ang nagbabalik sakin. Nawala na yung mga malulungkot 'kong memories. Sobrang saya 'ko. Pakiramdam 'ko sobrang buo ako. Pagkatapos 'ko i-press nun yung last key, tiningnan 'ko si Paolo na tinutunaw na naman ako sa titig niya.
"Ang galing mo." sabi naman niya sakin pero nginitian 'ko lang siya.
Hindi pa naman siguro nagtatapos ang kwento 'ko. Siguro nagsisimula pa lang 'to ng isa pang sunod na kabanata. At sa uulitin, I'm Gabrielle Josephine Paras. For short, Gabby.