Hindi 'ko akalain nun na masasampal ako ni Gabby. Parang biglang natulala na lang ako nung ginawa niya yun. Ganun na nga ba talaga ako naging masama sa kanya? Malamang, oo nga. Linayas niya ako nun at parang unti-unting nadudurig yung puso 'ko. Badtrip na badtrip talaga ako. Nakakainis.
Tiningnan 'ko yung orasan 'ko nun. 7:45 A.M. Tumayo na ako nun at iniwan 'ko na din yung park na yun kung saan first time 'ko ma-reject tapos si Gabby pa. Umuwi naman na ako dun sa bahay 'ko dahil baka akalain na naman nila eh naglayas ako. Syempre, sinermunan ako kaninang umaga nung bagong dating ako. Hindi naman maiiwasan yun eh. Ang gago 'ko ba naman kasi, diba?
Pero ngayon, pumayag na ako na ikasal sa taong hindi 'ko naman mahal. Eto nga ba talaga ang dapat gawin? Hanggang ngayon, parang hindi 'ko pa din alam. Isa pa 'to sa dumagdag sa pagkainis 'ko. Nagulat naman ako ng makita 'ko si Toni na nakasandal lang sa pader ng bahay namin. At mukha namang hinihintay niya ako nun. Nung nakita niya ako, dun lang siya umayos ng tayo para tingnan ako ng diretso.
"Bakit andito ka?" tanong 'ko naman sa kanya. Hindi naman sa ayaw 'ko siyang makita, pero masyado na akong nalulungkot sa mga nangyayari sa buhay 'ko.
"Gusto 'ko lang kamustahin ka. Medyo matagal na din nun nung nagkita tayo, diba?" sabi naman niya sakin. Parang punong-puno ng ka-bitteran yung mga sinabi niya.
"Okay lang naman ako. Ikaw ba? Okay ka?" tanong 'ko naman sa kanya.
"Okay lang ako. And in fact, I'm so much better" parang may gusto siyang iparating sakin nung mga panahon na yun. Hindi 'ko lang naman alam kung ano.
"Buti naman. Eh kamusta yung baby?" hindi 'ko akalain na mapapatanong ako ng ganito sa kanya. Pero anak 'ko din naman yung dinadala niya eh, wala naman sigurong problema diba?
"Uh.. Okay lang. Pero hindi pa ako nakakapagpa-check up. Siguro, after nung kasal dun lang ako magpapa-check up" sabi naman niya sakin. Malapit na palang mag-2 months sa tiyan niya yung bata no.
"Ahh. Ganun ba. Sorry pala kung linayasan kita noon. Akala 'ko kasi yun yung solusyon 'ko eh" hiyang-hiya ako nung sinabi 'ko yun. Ang laki din pala ng kasalanan 'ko kay Toni,
"Hindi. Napatawad na kita. Don't worry. Wala na rin naman akong pakielam kung pakasalan mo 'ko o hindi eh" sabi naman niya sakin. Nagulat ako dun. Parang sinasabi niya sakin nun she is better without me. Parang pinarating niya sakin na hindi niya na ako mahal at matagal na niya akong kinalimutan.
Hindi naman ako nakapagsalita nun. Naiisip 'ko nun na parang lugi ako. Palibhasa ako naman kasi talaga ang may kasalanan ng lahat kaya nagkagulo-gulo.
"Sige. Yun lang. Aalis na pala ako. Thanks" hindi naman na ako nakapagsalita nun. Basta bigla na lang siyang umalis nun. Hindi 'ko mapigilan na suntukin yung pader. Eto na ba yung tinatawag na karma? Parang akong napag-iiwanan.
[Toni's Point Of View]
Umalis na ako nun sa bahay nila Dustin. Gusto 'ko lang naman kasi ipamukha sa kanya na kahit wala siya eh, nabuhay ako. Natuto akong bumangon mula sa pagkakamali 'ko at natuto din ako na magmahal ng iba kahit na alam 'kong masasaktan ako. Sa sobrang liit na panahon, hindi 'ko akalain na magagawa 'ko ang lahat ng yun. Mas namamangha din naman ako sa fact na sa loob ng ilang linggo lang eh mabilis akong na-develop kay Kuya Patrick kaso andun pa din yung takot na iiwanan niya rin ako katulad ng ginawa sakin ni Dustin. Naglakad ako nun papunta sa bahay nila Gabby. Gusto 'ko lang sana siyang yayain nun na magkwentuhan kami kahit saglit lang. Ohhh puh-leaseee. Kailangan 'ko ng presensiya ng bestfriend 'ko. Parang lesbi na ako eh. Haha. Pakiramdam 'ko sa sobrang bait ni Gabby eh magkakagusto na din ako sa kanya. Joke!
On the way ako nun sa bahay ni Gabby ng makita 'ko din siya na papauwi dun sa bahay nila. Siguro galing siya dun sa park.
"Gabby!" tawag 'ko naman sa kanya. Napatingin naman siya sakin nun tapos ngumite siya.
"Ui Toni, pupunta ka sa bahay?" tanong naman niya sakin.
"Ah.. Oo sana. Gusto 'ko lang na makipagkwentuhan sayo. Pero dito na lang sa labas" tumango naman siya sakin nun. Umupo kaming dalawa nun sa elevated na part nung sidewalk. Grabe, masaya pa din ako kahit na iwanan ako ng lahat basta andyan si Gabby sa tabi 'ko.
"Naks naman. Masyado mo na akong namimiss ah" sabi naman niya sakin
"Syempre naman. Haaaay" sabi 'ko naman sa kanya.
"Ano bang kwento mo ngayon, Toni?" napa-sigh naman ako dun. Wala pa siguro siyang alam sa mga bagong balita 'ko ngayon.
"I'm getting married... to Dustin" napatingin siya sakin ng diretso nun at kitang-kita yung pag-alala sa mga mata niya.
"Ganun" alam 'ko na wala na din siyang pakielam kay Dustin kasi ang may pakielam na lang siya ngayon ay sa akin.
"Pumayag na kasi siya eh" parang gusto 'ko nung umiyak sa harapan niya. Dati, ako 'tong may gustong ipakasal sa kanya. Pero ngayon, ayaw 'ko na!
"Nagkita kami kanina at nabanggit nga niya yan sakin. Loko talaga yung lalaking yun" medyo natawa ako nun kasi hindi 'ko akalain na makakapagsalita siya ng ganyan.
"Next week na ata yun eh. Sinabi lang sakin ni mama. Pero wala pang invitations. Pero gusto na kitang sabihan agad, syempre dapat andun ka no. Hindi naman din mawawala sila... Paolo" Medyo napatigil ako sa part ni Paolo. Naisip 'ko kasi bigla si Kuya Patrick eh.
"Eh paano ka? Magiging masaya ka ba?" tanong niya sakin. Na-antig yung puso 'ko nun nung sinabi niya yun.
"Hindi 'ko alam" yun na lang yung nasabi 'ko. Alam 'ko na hindi naman talaga ako magiging masaya eh.
"Hay nako, Toni. Kung hindi ka magiging masaya, wag ka ng makipaglokohan. Wag ka ng magpanggap. Magpakatotoo ka naman ngayon" sabi naman niya sakin. Napaisip ako nun. Magpakatotoo na? Paano nga ba?
"Ang gulo 'ko no?" sabi 'ko naman sa kanya. Totoong magulo nga akong tao.
"Hindi ka magulo, Toni. Sadyang takot ka lang." parang nag-pierce yung mga words niya sa puso 'ko. Hindi 'ko mapigilan na hindi ngumite.
"Haha. Well. Sige Gabby. Alis na ako, ha? Text na lang kita mamayang gabi" sabi 'ko naman sa kanya.
"Sige. Bye" sabi niya sakin.
[Gabby's Point Of View]
Umalis naman na si Gabby nun. Buti naman ay naka-usap 'ko na din siya. Ano ba yan? Nag-aalala din naman ako sa kanya kasi alam 'ko na nawala na din yung feelings niya kay Dustin magmula ng nakilala niya si Kuya Patrick.
Pumasok naman na ako nun ng bahay. Andun na pala si Paolo. Nagkasalisi lang siguro kami. Ngumite siya sakin nun na mukhang tumunaw naman sa puso 'ko. Kinikilig ako na, ewan. Mas matindi pa 'to sa nararamdaman 'ko kay Dustin kapag nginitian niya ako nuon eh. Haha.
"Uy Gabby!" tawag naman sakin ni Joni. Umupo naman ako nun sa may sofa. Kumpleto kami nun sa may sala. Andun si Tita, si Kuya Patrick, Joni, Ate Paula, si Paolo, si Yael at si Kyla. At siguro halata naman na may iba akong iniisip, diba?? Nabagabag kasi ako kay Toni eh.
"Mukhang may malalim kang iniisip, ate Gabby" ang galing naman ni Yael. Nalaman niya yun. Haha. Masyado siyang mapagmatiyag! Kuya Kim ka ba, Yael?!
"Ay, Ganun. Bothered lang naman kasi ako eh" sabi 'ko naman. Napatingin naman ako nun kay Paolo.
"Bakit naman?" kinikilig naman ako nun. Kung makapagtanong siya sakin ng 'bakit naman?' parang asawa 'ko na siya. Hihihi. Tigil naaa! Tama na! Ang landi 'ko na po. Haha.
"Si Toni kasi" sabi 'ko naman. Napatingin ako nun kay Kuya Patrick na parang umayaw ng pakinggan yung sasabihin 'ko.
"Sige. May gagawin pa ako" sabi ni Kuya Patrick bigla. Kakatayo niya palang nun pero mukhang napatigil siya dun sa sinabi 'ko.
"Malapit ng ikasal si Toni kay Dustin" sabi 'ko naman. Parang tumigil nun yung mundo ni Kuya Patrick at mabagal siyang napatingin sakin nun.
"Ano?!! Si Dustin?! As in yung ex mo, ate?" tumango ako nun kay Kyla. Parang hindi naman makapaniwala nun si Kuya Patrick sa kanya.
"Shocks! Pero bakit naman?!" gulat na gulat nun si Ate Paula. Hindi 'ko naman masagot yung tanong na yun. Parang ayaw 'ko muna na sabihin sa kanila na nabuntis ng ex 'ko si Toni.
"Basta. Pero pwede pang matigil yun, no!" sabi 'ko naman para lang magparinig kay Kuya Patrick. "Diba Kuya Patrick?"
"Bakit ako ang tinatanong mo? Wala akong pake dyan" sobrang bitter niya, grabe. Bigla na lang siya nung lumayas sa may sala nun.
"Patrick!" tawag naman sa kanya ni Tita pero hindi siya natinag. Pumasok siya dun sa kwarto nila at mukhang mabubulok naman siya dun. Napa-sigh na lang naman ako. Mas mahirap pa lang kausap si Kuya Patrick.
Hindi na naman nila inungkat yung kwento 'ko tungkol kay Toni. Nagkaroon na rin kami ng iba't-ibang buhay. Halos nabulok din kaming lahat sa bahay dahil pare-pareho lang kaming bored. Ang bilis naman ng oras nun. Dumating din naman ang sunset. At naamoy 'ko na din ang pagluluto ni Joni at ni Ate Paula sa may kitchen. 6 P.M na din pala no.
[Toni's Point Of View]
Nanginginig ako habang pinipindot sa cellphone 'ko yung text 'ko para kay Kuya Patrick. Parang mababaliw na kasi ako hanggat hindi 'ko nasasabi 'ko kay Kuya Patrick yung mga gusto 'ko sabihin sa kanya.
To: Kuya Patrick.
Pst. Gsto 'kong makausap ka :(
Please. I'll be waiting later. Sa Park
Then I pressed send. Sobrang kinakabahan talaga ako. Paano kung hindi siya dumating, diba? Tinext 'ko na din nun si Gabby sa plano 'ko para na rin tulungan niya ako.
Kumaen naman na ako ng tahimik nun ng dinner kasabay si mama at si papa. Ako yung naghugas ng pinggan and pagkatapos nun nagbihis na ako para lang pumunta sa may park. Gusto 'ko na din kasing linawin kay Kuya Patrick ang lahat.
Pumunta ako nun sa park ng suot ang isang dress. Best dress 'ko nga ata yun eh. Ewan 'ko ba. Gusto 'ko lang paghandaan ang moment na 'to kahit wala akong kasiguraduhan kung pupunta ba siya o hinde.
[Paolo's Point Of View]
Kakatapos lang nun magluto ni Joni at ni Ate Paula kaya tinulungan sila nila Yael at Kyla para maghain ng pagkain. Kanina pa naman nakakulong si kuya sa may kwarto. Ang kulit na bata talaga eh. Pumasok naman ako ng dahan-dahan dun sa kwarto. Nakita 'ko naman siya nun habang nakahiga siya sa may kama. Tinitingnan niya yung cellphone niya. Parang nagkaroon ng inis yung mga mata niya kasi bigla na lang niyang tinapon yung cellphone niya sa sahig.
"Kuya?" grabe. Parang sobrang bitter niya nun at sobrang badtrip siya.
Hindi naman niya ako kinakausap nun. Nagulat naman ako ng biglang pumasok dun si Gabby sa may kwarto. Andun lang pala siya sa likod 'ko nung mga oras na yun.
"Kuya Patrick?" parehas lang kami ni Gabby na nag-aalala para kay kuya.
"Ang kulit niyong dalawa. Hindi muna ako kakain. Dito muna ako. Iwan niyo muna ako" sabi naman ni kuya.
"Papayagan ka namin na hindi ka kumaen. Pero ako... Hindi ako papayag ng hindi ka makipagkita kay Toni ngayon" sabi naman ni Gabby. Medyo nagulat ako dun. Makipagkita? Wala akong alam dun ah.
"Ang kulit mo, Gabby. Ayoko" sabi naman ni Kuya Patrick.
"Kuya... Ano ba?" medyo napipikon ako nun kay kuya. Sobrang tigas ng ulo niya.
"Iwanan niyo na lang kasi ako" napasigaw na nun si kuya.
"Hindi ka namin iiwan. Alam mo kung bakit? Kasi mahal ka namin eh! Alam namin kung anong magpapasaya sayo! Kaya kung mahal mo si Toni, diba hindi mo din siya iiwan?! Eto ba talaga ang gusto mo?! Sa ngayon, ikaw ang kailangan niya! Wala akong magagawa kasi ikaw lang naman ang kailangan niya eh!" sabi naman ni Gabby.
Parang napatigil nun si Kuya Patrick at napa-isip siya. Umupo siya nun sa kama para lang siguro i-refresh yung utak niya sa mga katangahan na ginawa niya.
"Papakawalan mo pa ba yun, kuya?" tanong 'ko naman sa kanya.
Mukhang hindi naman siya makapagsalita nun. Medyo kinakabahan na din naman ako kasi ngayon, pinagsasabihan 'ko na ang kuya 'ko.
"Ano ba kuya Patrick?! Wag ka na ngang matakot!" napasigaw na rin nun si Gabby at napapaluha na din siya.
Tumingin sa kanya ng diretso. Medyo nagulat ako kay kuya ng bigla siyang tumayo tapos lumapit siya sa umiiyak na si Gabby. Pinat niya nun yung ulo ni Gabby.
"Wag ka ng umiyak. Baka masuntok ako ni bunso eh" parang bumalik na nun yung Kuya Patrick na kilala 'ko. Pinawi nun ni Gabby yung mga luha niya tapos ngumite siya kay Kuya Patrick.
"Puntahan mo na siya" bulong ni Gabby pero narinig 'ko naman.
Nag-sigh muna nun si Kuya Patrick tapos mabilis siyang lumabas sa kwarto niya. At dun mo lang mare-realize na nakalabas na rin siya ng bahay sa sobrang bilis ng pagtakbo niya.
No comments:
Post a Comment