Saturday, February 12, 2011

Chapter 10

[Gabby's Point Of View]


Natigilan ako dun sa sinabi niya. Pero kahit na ganun, napangite pa din ako. Hindi ko alam kung bakit. Napatitig tuloy ako kay Paolo. May pagkasweet din pala yung lalaking 'to. Tintigan ko lang siya ng tinitigan hanggang makaramdam siya ng awkwardness sa mga titig ko.

"Bakit ka ganyang makatingin?" Awkward.
"Mahal mo talaga ako?" pang-aasar kong tinanong sa kanya. Nakita ko naman siyang nagsmirk nun.
"Oo, bakit?" diretso naman niyang pagsagot sakin. Aysus, patigasan pa kami ng puso. Haha.
"Wala lang." Hinawakan ko nun yung kamay niya. Naalala ko yung time na hinawakan niya yung kamay ko at animo nag-fit yung kamay ko sa kamay niya. Hindi ko alam kung paano ko nasabi yung word na 'fit' pero yun lang talaga yung naramdaman ko nung nag-hawak kamay kami.
"Syempre mahal kita. Tinuturing ata kitang nakakabatang kapatid no!" sabay akbay sakin. Ginulo pa niya yung buhok ko. Hindi pa ako makawala sa kanya nun. Nakakainis. Ang hirap hirap ayusin nung buhok ko eh! Tinulak ko siya nun. Ang epal talaga eh. Haha. Nakangite pa siya sakin nun.

"Ano ba yan kuya. Ginulo mo yung buhok ko!" nagpout pa ako nun. Nagulat naman ako ng biglang ini-squeeza niya yung dalawa kong pisngi. Pakiramdam ko tuloy namula yung cheeks ko! Hay nako naman. "Ang sakit nun ah!"
"Wag ka kasing magpacute. Hindi bagay sayo!" pinalo ko naman siya nun. Ang tikal talaga ng mukha eh. Nagulat naman ako ng bigla siyang humiga sa lap 'ko. Kinilabutan ako nun. Ewan ko ba. Tiningnan ko yung mukha niya. Nakakatawa. Haha.
"Umalis ka na nga dyan!" tumayo ako nun kaya naman nabigla yung ulo niya sa pagbagsak. Tinawanan ko lang naman siya nun.

Nagpatuloy kami sa walang sawang kwentuhan. Dun ko lang nakakalimutan si Toni at Dustin. Pero sa bawat segundo na naalala ko si Dustin, lalo lang akong nasasaktan. Nakakainis. Napakahina ko talaga. Bakit siya pa? Bakit?! Sobrang hirap.

"Labas tayo" yinaya ako nun ni Paolo. Yes! May date?! Ay joke! Merong gala! Haha.
"Osige! Maliligo muna ako ah!" nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko para kumuha ng damit. Pumunta ako kaagad sa CR para magsimula sa pagligo 'ko.

[Paolo's Point Of View]


Nagbasa muna ako ng dyaryo nun habang naghihintay sa pagligo ni Gabby. Tutal naman ay nakaligo na din ako, nagpalit na lang ako ng damit. Nakataas nun yung paa 'ko sa center table. Tiningnan ko yung orasan. Halos 15 minutes na pala siyang naliligo. Nakakapanibago ata. Parang dati 5 minutes lang tapos 15 minutes na ngayon. Baka nalunod na yun sa loob. Haha.

Napangite ako habang iniisip yun. Nagmumukha akong buang dito eh. Bakit ko ba siya iniisip? Napakaisip bata talaga eh. Halos hindi na ako maka-concentrate sa binabasa ko kaya tinabi ko muna yun. Napa-cross arms ako nun at dun ko lang narealize na iniisip ko na pala si Gabby.

Napatingin ako dun sa ceiling. Naalala ko yung mga nangyare kanina. Yung walang-sawa naming kulitan. Ilang beses ng napapalapit yung mukha ko sa kanya pero pakiramdam ko, wala siyang nararamdamang awkwardness. Pero bakit ako, isang milyong porsyentong awkwardness ang nararamdaman ko. Nakakainis. Pero natutuwa ako sa thought na yun.

10 minutes ang makalipas ng hindi pa din natatapos sa pagligo si Gabby. Baka wala na yung balat sa sobrang pagkuskos niya ng katawan. Haha. Napagpasyahan ko nun na tumayo at kumatok dun sa pintuan ng CR.

"Gabby?" tawag ko sa kanya. Mukhang di niya ata narinig. Tiningnan ko kung bukas yung pintuan. At narealize ko nga na bukas nga yun. Dahan-dahan kong binuksan yung CR at nagulat ako sa nakita 'ko. "Shit. Sorry" sinarado ko kaagad nun yung pintuan.

Pucha. Nakakahiya. Pero napapangite ako. Nakita ko nun si Gabby na naglalagay ng towel sa katawan niya. Buti na lang nakatalikod siya nun. Dahil kung sa harapan yun, hindi ko na alam kung anong gagawin 'ko. Napahawak ako dun sa panga 'ko na nangangalay na sa sobrang pag-ngite 'ko.

[Gabby's Point Of View]


Speechless ako nung nakita ko si Paolo na sumilip dun sa banyo. Wala naman siyang nakita sakin pero kahit na. EEEEHHHH. Pakiramdam ko hubad ako kanina eh. Napakunot talaga yung ulo 'ko nun. Nakakahiya na. Ifla-flush ko na lang yung sarili 'ko sa toilet bowl. Hindi ko na kaya 'to. Nakakapikon. Nagsuot ako kaagad ng damit nun at tumingin ako sa salamin. Nagmistulang naka-tape sa utak ko yung mga nangyare kani-kanina lang. nagre-rewind at pause pa eh. Kamusta naman yun?!

Napailing na lang ako. Kalimutan na lang ang lahat. Lumabas ako nun sa banyo at napatingin ako kay Paolo. Nagulat naman ako ng mahuli ko siyang nakangite. Napahawak ako nun sa katawan 'ko. Hindi kaya... Hindi kaya... HAAAAHHHH!! Hindi pwede!

"Oh. Bakit ganyan yung expression ng mukha mo?" Kinabahan ako dun sa sinabi niya. Lumapit siya sakin tapos nakangite pa din siya.
"May pagnanasa ka sakin no?!" napasigaw ako sa kanya.
"HAH?" gulat naman siya dun sa sinabi ko. Sige, ako na pahiya. "Joke ba yun Gabby? Pero ngalay na ngalay na yung panga 'ko kakangite!"


Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to oh. Tinalikuran ko naman siya nun at nagsuklay ako ng buhok 'ko.

"Mag-sorry ka nga!" sabi ko sa kanya habang nagsusuklay ako.
"Bakit?! Wala naman akong nakita ah!" sabi niya sakin ng may halong ngite. Naiinis na ako sa mga ngite niya.
"Magso-sorry lang ba kapag may nakita?!" pasigaw kong tinanong sa kanya. Hindi naman ako galit. Parang away-kapatid lang naman 'to.
"Eh di ipakita mo sakin kung gusto mo akong magsorry!" binato ko siya agad nun ng unan. Badtrip talaga 'tong lalaking 'to.

"joke lang. Eto naman. Natatawa lang ako sayo!" nakakainis talaga.
"Bakit kasi nakangite ka?!" parang akong bata nun kung makapagtanong ako sa kanya.
"Wala lang!" yun lang yung sinabi niya sakin. "Lika na!"

hinawakan nun yung kamay ko tapos hinila niya ako paalis dun sa bahay 'ko. Sabay kaming naglakad sa may traysikelan. Grabe, sobrang lamig nun. Ewan ko ba. Hindi pa din maalis sa isipan ko na may nakita siya.

Ano ba Gabby. Wala naman siyang nakita ah.
Meron!
Wala. Ilusyonada ka!
May nakita siya! Naka-towel lang ako nun!
So? Akala mo naman lumabas yung kaluluwa mo?!
Tse! Hindi ka nakakatulong.

Ugh. Ano ba 'tong iniisip 'ko. Bumaba kami sa isang mall. Nung pumasok kami dun at naramdaman ko na ang malamig na dampi ng aircon, nakalimutan 'ko na yung mga nangyari kanina. Pumunta muna kami dun sa Tom's World. Naglaro kami dun nung parang may tinatapakan na arrows na parang nagsasayaw kami. As usual, nagmukhang expert si Paolo. Ako naman etong nagmukhang tanga. Kinuha din ni Paolo sakin yung isang teddy bear dun sa bunutan. Ang galing nga niya eh. Nagtitinginan samin yung mga tao. Haysus, inggit lang sila kasi ang gwapo ng kasama ko. Haha.

Nanuod din kami ng sobrang corny na movie ngayon. Pero natatawa pa din kami. Pakiramdam ko nga kami lang yung natawa sa movie eh. Nagtitinginan tuloy samin yung mga tao. Nagconcentrate na lang tuloy kami sa pagkaen ng popcorn. Lumabas na din kami ng sinehan pagkatapos.

"Nakakatawa talaga yung movie no!" sabi ko sa kanya na may halong hampas pa! Haha.
"Kailangan talaga ng hampas?" pabiro niyang tinanong sakin.

Natuwa naman ako ng may namataan akong photo booth. Hinila ko siya nun sa photo booth sabay sabi sa kanya ng "Dito tayo!"

Pumasok kami nun sa  photo booth. Binilisan ko ang pagkuha ng isang hindi gusto na 50-peso bill. At linagay ko dun sa lusutan ng bayad. Buti naman at tinanggap yung bill 'ko.

"Treat ko 'tong picture na 'to. Promise!" ngumite lang naman siya sakin nun. Nagsimula naman na yung pagcountdown nung machine.

Nagpicture ako nun ng naka-peace ako tapos naka-akbay sakin si Paolo. Sa susunod na pag-countdown, kiniss ko nun si Paolo. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun pero basta bigla ko na lang nagawa. Parang bumagal yung oras nun. Hindi ko namalayan na kakatapos lang ng pangatlong countdown at nag-flash na ulit. Tumingin sakin nun si Paolo at nagmistulang nag-slow motion yung paligid mo. Isang flash ulit. Binalin ko yung tingin ko dun sa harapan nung camera para lang maiiwas ko yung tingin ko kay Paolo. And here comes tha last flash. Then, tapos.

Lumabas kaming dalawa nung photo booth ng pawisan. Ewan ko ba. Tapos sobrang awkward talaga. Tiningnan ko nun si Paolo na halos hindi na makangite. Nginitian ko na lang siya para itago yung akward feeling 'ko. Kinuha ko na yung isang strip ng picture na lumabas dun sa isang butas.

[Paolo's Point Of View]

Pinagpawisan talaga ako dun sa loob ng photo booth. Nakakatense palang magpa-picture no? Tiningnan namin ni Gabby ng sabay yung picture. Pucha. Ang sagwa ng mukha ko sa mga picture.

Dun sa unang picture, maayos pa naman yung mukha 'ko. Nakapeace lang nun si Gabby at naka-akbay at nakangite lang ako sa kanya. Pero dun sa second picture nagsimula yung nakakainis na picture 'ko. Hinalikan ako sa cheeks ni Gabby sa picture at nakita sa picture yung paglaki ng mata 'ko. Dun sa pangatlong picture eh, medyo lumalayo na yung labi ni Gabby sa pisngi 'ko at ako naman etong napatingin sa kanya ng may halong kaba. Sa pangatlong picture, magkaharapan na kami sa isa't-isa nun. Mukhang may sinasabi nun yung mga mata namin. At dun sa huling picture. Nakatingin pa din ako sa kanya pero si Gabby na yung mukhang umiwas yung ngite.

Napasigh na lang ako nun.

"Grabe yung pictures! ang cute natin! Itatago ko 'to!" hindi ako nakapagsalita. Nakita 'kong linagay niya yun sa wallet niya. Nakangite siyang humarap sakin nun. Parang laglag naman yung puso ko nun. Lalakad na sana kami para maggala pa sa department store ng may nakita kaming dalawa na hindi kanais-nais.

Parang tumigil nun yung mundo namin ng makita namin si Toni at Dustin na magkasama. Nakamini skirt at nakasando lang si Toni nun habang magkahawak kamay sila ni Dustin. Tiningnan ko nun si Gabby na mukhang nanghihina na. Pakiramdam ko sasabog na nun yung puso niya at iiyak na siya nun.

Lumapit ako sa kanya ng biglaan nun. At gamit ang kanang kamay 'ko tinakpan ko yung mga mata niya.

"Tatakpan ko na para hindi mo sila makita. Wag ka ng umiiyak" bulong ko sa kanya.

No comments:

Post a Comment