Kakatapos ko lang mag-jogging. Hindi naman talaga ako nagjo-jogging eh. Gusto ko lang tyempuhan 'tong si Paolo. Ewan ko ba. Nababadtrip ako sa presensiya niya. Parang punong-puno ng yabang. Tsaka siguro takot din ako na makuha niya si Gabby. Mahal ko pa rin si Gabby. Yan ang totoo. At kung ano mang naramdaman ko kay Toni noon, alam 'kong Lust disguised as love lang yun.
Tiningnan ko nun yung cellphone 'ko. Inis agad yung naramdaman 'ko ng makita 'ko ang sunod sunod na pangalan ni Toni sa inbox 'ko. Hindi rin naman masyado iba yung text. Naglalabas lang naman siya ng sama ng loob sakin. Sinisisi niya ako sa pagbubuntis 'ko sa kanya. Sinisisi niya ako sa pagsusuka niya. Sa totoo lang, relax lang ako. Ewan ko ba. Tinawagan 'ko nun si Toni. Ayoko ng pagtyagaang basahin yung mga text messages niya sakin.
"Now what? Ngayon ka lang tumawag! Ano ba talagang gusto mo?!" Kainis. Wala man lang Hello. Lintek naman yan oh.
"Sumisigaw ka na naman. Dala lang yan ng pagkabuntis mo" sabi ko naman sa kanya.
"Ano ba! Hindi ka pa ba nagpa-panic? Natatakot na talaga ako kay papa at mama tapos ganyan ka pa!" kasalanan ko ba yun. Eh nung gabing yun, siya naman talaga ang humalay sakin.
"Please Toni. Just relax. We will find a way"
"WE? Kung IKAW kaya ang maghanap ng paraan!" isang sigaw na naman.
"Bakit ako? Ako ba ang buntis? Ako ba ang magdadala ng kahihiyan?"nakaramdam ako ng selfishness sa ugali 'ko. Babalik din naman sa point na dapat 'kong panagutan si Toni.
Which is yun ang kinatatakutan 'ko.
"Kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo, Dustin. Ikaw ang nakabuntis sakin. So deal with it or die for it" wala na akong masabi. In-end ko na lang bigla yung call.
Napasigh na lang ako. Siguro kung si Gabby ang karelasyon ko, wala namang mangyayaring ganito.
[Toni's Point Of View]
Pinagbabaan niya ako ng phone. Nakakabadtrip talaga. Pakiramdam 'ko parang umiikot yung sikmura 'ko. Hindi ko na rin naman ma-take. Napasuka na naman ako. Buti na lang hindi pa ako nahuhuli ni papa o di akay ni mama na nagsusuka. Grabe, sobrang hirap pala ng ganito. Nakakainis si Dustin. Siya talaga ang may kasalanan ng lahat.
Naligo ako nun kaagad para walang maiwan na scent sa katawan 'ko. Plano ko na ding puntahan mismo si Dustin sa bahay nila. Kailangang pag-usapan 'to. Kailangang pagplanuhan ang lahat. Bumaba ako nun. Syempre nagpaalam ako kay mama at kay papa na pupunta lang ako kay na Dustin. Oo, legal kami sa parents ko. Pero sa parents ni Dustin, hinde. Dahil mas gusto nila si Gabby kay Dustin.
So yun, pinayagan naman ako ni mama. Umalis agad ako ng bahay. Walking distance lang naman yung bahay nila Dustin pero kung tutuusin, sa arteng kong 'to dapat nakapag-tricycle na 'ko.
Mga 5 minutes lang ng mabagal na paglalakad, nakarating na rin ako sa bahay nila Dustin. Wala nun yung kotse ng mga magulang niya. Kaya malamang ay siya lang mag-isa sa bahay na yun. Pwedeng mapagusapan ang konpidensyal na bagay na 'to.
Pinindot ko na yung doorbell nun. Ang bagal ng pagrespond. Ayoko pa naman ng pinaghihintay ako. Then unti-unti na ding bumukas yung pintuan. Malamang si Dustin yung nagbukas. Naka-sando lang siya nun at naka-boxers. Halatang kakagising lang. Ang gwapo niya at iba ang aura niya. Pero sa ngayon, hindi ko na napapansin ang kung ano mang positive sa kanya.
Mataray akong pumasok sa bahay niya at umupo agad ako sa sofa ng hindi man lang ako nag-goo-goodmorning sa kanya. Dahan-dahan din naman siyang umupo sa isang sofa.
"Oh. Bakit ka andito?" unang tanong niya sakin.
"Malamang para sayo diba! Ano na bang plano mo, ha?!" sinigawan ko na naman siya. Nakakainis naman kasi eh.
"Wala akong plano" grabe. Napakawalang kwentang tao.
Sa sobrang pagkainis 'ko. Hindi ko na ring napigilan na itapon sa mukha niya yung pinakamalapit na unan sa tabi 'ko. Tumayo ako nun tapos sinampal ko yung mukha niya. It feels so great na masampal yung mukha niya. Napatingin siya sakin nun. Halatang nagulat siya dun sa ginawa 'ko.
"Ikaw ang may kasalanan neto eh! I hate you Dustin!" sabi 'ko sa kanya. Pinipigilan ko nun yung pag-iyak 'ko. At times like this, ayokong magpakita ng kahinaan 'ko sa kanya.
"Ako na naman. Lagi na lang ako! Lagi mo na lang ako sinisisi. Nakakabadtrip ka na ah" sabay sipa niya nung center table. Nakaramdam ako ng takot nun.
"Ikaw naman talaga ang dapat sisihin ah!" sinigawan ko ulit siya nun. Sinipa niya ulit yung center table nun tapos tumayo na siya. Tiningnan ko lang yung mga mata niya. Alam 'ko namang hindi niya kaya na saktan ako eh. Mahal niya ako diba.
"Please. Toni. Kung gusto mong ma-solve yung problem na 'to. Isa lang ang naiisip 'ko" napatigil siya nun. Parang tumigil yung oras sa paligid 'ko. "Mag-break na tayo. Okay?"
"Ano?!" parang pumutok ang bulkang mayon sa loob ng puso 'ko. "Nagjojoke ka ba?!"
"Hinde. Please. Mali ako na pinili kita. Dapat si.." hindi ko na kailangang marinig yung pangalan niya. Palagi na lang ganyan. Palagi na lang siya ang mabait. Nakakainis na.
"Sino?! Si Gabby?! Yung napaka-walang class na taong yun pipiliin mo kesa sakin?!!" sabi ko sa kanya.
"Wag mo siyang sabihan ng ganyan kasi at least siya may descent na pagu-ugali. Hindi tulad mo. Na gagawin ang lahat para lokohin ang bestfriend mo!" napakakapal ng mukha niya. Grabe.
"Parte ka rin ng pangloloko na yun, Dustin. Tandaan mo! Bumigay ka sakin!" sabi ko sa kanya.
"Yun nga lang. Bumigay ako sa isang tulad mo. Na dapat hindi naman. Kaya let's stop this. Let's break up. Okay?" sabi niya sakin. Kumikirot nun yung puso ko.
"Hindi pwede yun. Wala kang choice para panagutan ako. Okay?" sabi ko naman sa kanya.
Yan na lang yung nasabi 'kong dahilan. Naiinis ako. Kasi mahal na mahal ko siya tapos hihiwalayan niya ako ng ganito. Ayoko. Hindi ko kakayanin.
"What if kung ayaw 'ko? Wala namang makakapagpilit sakin eh" sabi niya sakin.
"Pero hindi ako pumapayag na makipag-break ka sakin!" sinigawan 'ko siya nun.
Naiintindihan niya kaya ako? Malamang hinde. Lalaki kasi siya eh. Hindi nila naiintindihan ang damdamin ng isang babae. Napatigil ako nun ng may narinig ako na pagtigil ng isang kotse sa labas ng bahay nila Dustin. Tiningnan ko nun yung labas. Nagulat ako sa nakita 'ko.
Isang Vios na kotse. Isang familiar na vios na kotse. Kotse ni papa yun. Kotse ng papa ko yun. Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. Lumabas silang dalawa ni mama at ni papa na tila parang galit na galit.
"Bakit andito sila?" Napatingin na lang ako sa mabilis nilang paglalakad at pagkatok ng sobrang bigat sa pintuan nila Dustin.
Ako yung nagbukas ng pintuan nun ng may halong kaba. "Ma?"
Isang sampal agad ang binigay sakin ni mama nun. Tapos naiyak siya. Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. Pano kung alam na nila? Oo, eto na talaga. Alam na nga nila.
"Toni! Eto ba ang tinuro namin sayo?!" sabi sakin ni mama habang hawak niya yung kanang kamay 'ko. Ang sakit ng pagkakahawak niya sa kamay 'ko. Hawak niya sa kabilang kamay niya nun yung binili ko sa drug store para ma-test kung buntis na nga ba ako o hindi. Badtrip. Saan nila nakita yun?! Pinakielaman nila ang gamit 'ko. "Nung una, ayaw kong maniwala sa mga kinikilos mo?! Pero totoo pala?! Napakagaga mo! T*ngina mo Toni?! Sana hindi na lang kita naging anak!"
Ang sakit na marinig nun yung mga salitang ganun galing sa nanay mo. "Sorry ma." napapaiyak na talaga ako nun
Pumasok ng tuluyan nun si papa tapos mistulang nag-init yung paningin niya ng makita niy si Dustin.
"Ikaw ba ang bumuntis sa anak ko?" tanong ni papa kay Dustin. Tumingin lang sa kanya si Dustin. Walang sagot. Tanga ka talaga Dustin. Dyan mo pa naisipang magpaka-cool sa mga sitwasyon. Nagulat ako ng biglang sinuntok ni papa si Dustin. Pero walang ginawa si Dustin. Kinalas ko agad yung kamay ko nun kay mama. Tumakbo ako papalapit nun kay Dustin. May pasa na siya agad dun sa mata niya. At halatang nahilo din siya.
"Dustin?" hindi man lang siya tumingin sakin.
"Lika na Toni. Pumunta ka na sa bahay." hinila ako nun ni papa. Walang ginawa si Dustin kundi tingnan lang ako. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko na bawiin siya sakin. Gusto kong marinig galing sa kanya yung mga salita na pananagutan niya ako.
Nakalabas na ako ng bahay nila pero wala akong narinig ng kung ano man galing sa bibig ni Dustin. Naiiyak ako. Pinasok ako dun sa kotse namin. Iyak lang ako ng iyak. Hindi na ako kinausap ni mama at ni papa. Bumaba na kami sa bahay namin. Lumabas agad ako ng kotse. Mabilis ako na pumasok ng bahay namin at nagkulong ako sa kwarto ko.
Sobrang sakit. Grabe. Bakit ganun si Dustin? Pakiramdam 'ko tino-torture ako. I'm emotionally tortured.
[Dustin's Point Of View]
Nakakabadtrip. Pagalis na alis nila. Kumuha agad ako ng yelo sa freezer para ilagay sa mata 'ko. Ano bang gagawin 'ko. Kumuha ako ng beer sa loob ng ref.
Sana mawala neto lahat ng problema 'ko. Pero isang tao na lang ang naiisip ko ngayon sa bawat paglunok 'ko. Si Gabby.
No comments:
Post a Comment