Saturday, February 5, 2011

Chapter 1

[Gabby's Point Of View]


"Talaga? Sabi ko naman sayo open ako para turuan ka ng piano lessons no!" sabi ko naman sa kanya. Tumayo naman siya nun.
"Asa naman ako na matuto nu! Sige Gabby, alis na ako ha? Thank you sa pagpapakita mo sakin niyan, may gagawin pa kasi ako eh" medyo nadismaya naman ako nun. pakiramdam ko kasi nagiging uber busy na yung bestfriend ko eh.
"Ayy ganun ba? Nagiging busy ka na ngayon ha? Ano bang meron?" Tumayo naman na ako nun at tuluyan na kaming naglakad papalabas dun sa right side nung garden sa gitna. Tinanggal ko na din kasi lahat ng gamit dun sa two-storey building. Pag nagpupunta kasi ako dun, naalala ko si mama at si papa eh. Kaya mas mabuting wag ng gamitin yung building na yun. Diba?
"Hindi ba nasabi sayo ni Dustin?" nagtaka naman ako nun. Wala akong alam ah.
"Ayy, hindi pa kami nakakapagusap ng matino eh. Ano ba yun?" palusot ko naman sa kanya.
"Nago-organize kami ng isang fund raising project para matulungan yung babuyan nila Mang Rosme. Alam mo naman na siya ang over-all supply natin dito no? Tsaka kawawa naman si Mang Rosme kung mawawala lang yung business niya diba?" napangite naman ako nun. Ang bait-bait talaga ni Dustin. Naisip niya pa si Mang Rosme. Nagtatampo lang ako kasi bakit hindi na lang ako yung hinayaan niyang tumulong sa kanya? Hay nako. siguro kasi hindi naman maasikaso, hindi tulad ni Toni. Siguro alam niya na wala akong kakahayan sa pag-oorganize ng mga activities na ganyan. Gusto kong malungkot pero naisip ko din naman na tama siguro si Dustin. Yung bahay ko nga hindi ko maayos, yung activity pa kaya na yan. Haha.
"Ayy ganon ba? ano ba yan? miss na miss na kita eh..." Nasa garden na kami ngayon. Ngumite lang naman sakin si Toni. Grabe, ang ganda niya talaga. Sobrang idol ko siya eh. Sana ako na lang siya. Pero naisip ko din, kung siya ako, eh di hindi magiging kami ni Dustin. Haha. Lumapit sakin si Toni nun tapos niyakap niya ako.
"Syempre, miss din kita no! Gusto mo bang mag-movie marathon tayo bukas ng gabi?" Napangite naman ako nun. Hobby namin 'to ni Toni eh. Wantusawang panunuod.
"Sure! Grabe, magre-ready talaga ako ng madamng popcorn!" Nung sinabe ko yun parang akong nagmistulang bata. Ngumite lang naman nun si Toni. Grabe, ang tindi ng poise. Hindi ko ata keri yan! Haha.
"Sige Gabby, baka hinihintay na ako ni Dustin. Aalis na ako ha?" sabi naman niya sakin.
"Ay Sige" binuksan ko yung gate para sa kanya. Lumabas na rin naman siya nun tapos nag-wave na din ako ng goodbye sa kanya.

Na-realize ko na naman na sobrang miserabe ko. Eto na naman ako. Walang kasama. Mag-isa pa din sa sobrang laking bahay na 'to. Hay nako. Kung bibigyan ako ng wish... Sana... Gusto ko sana magkaroon ng kasama... Tipong bestfriend... bestfriend na halos padala na ng langit sakin... Alam kong medyo nagiging selfish na ata ako... Meron na nga akong Dustin at Toni pero naghahanap pa ako ng iba... Kaso naman... Para sakin... Kulang pa din sila... Ewan ko ba...

Tiningnan ko nun yung cellphone ko. May isang message. Akala ko nun kay Dustin pero galing pala kay ninang. Nakakatampo naman si Dustin

From: Ninang
Gab, mag-skype ka now...

Napaisip naman ako nun. Ano kayang meron? So, binuksan ko naman yung laptop ko. Habang naghihintay magbukas ng maayos, kinuha ko ulit yung cellphone ko at naisipan ko na itext si Dustin. Miss na miss ko na din yun eh.

To: Dustin 
Pst:) tawag ka naman mamayang gabi
miss na kita. i love you :*

Priness ko naman na yung send nun. Okay naman na din yung skype ko. Makakachat ko na ulit si ninang. Ang tagal na rin nun ah. Haha.

"Hi ninang!" sabi ko naman. video call kasi yun eh. Nakangite pa ako nun pero mukhang atubili si Ninang.
"Iha, meron kasing problema pagdating sa budget mo eh..." Medyo nadismaya naman ako nun. Ang laki na din ng utang na loob ko kay ninang. Binibigyan ko pa siya ng problema.
"Ayy, okay lang po!" sabi ko naman.
"Siguro babawasan ko muna yung budget mo ngayong summer para makapag-save ako para sa next year mo... Nakaisip na din naman ako ng alternative eh..." sabi naman sakin ni ninang.
"Okay lang po ako dun. Ano pong alternative?" tanong ko naman kay ninang.

[Paolo's Point Of View]

Kakasakay ko pa lang sa kotse namin nun. Si mama yung nagdra-drive. Kung saan kami pupunta, yun ang hindi ko alam. Basta alam ko lalayas na kami sa bahay namin dito sa Makati. Meron kasing business na inaasikaso si mama sa Laguna. Bago ako magsidaldal dito, ako nga pala si Paolo Winter Trinidad. Parang kalokohan lang yung pangalan ko no? Ewan ko ba kung anong trip ang pumasok sa utak ng magulang ko. Apat kaming magkakapatid. Si Patrick Fall, Patricia Summer, Paula Autumn at ako. Haha. Grabe no? Ako yung pinakabunso. Si Kuya Patrick at si Ate Paula kasi may kanya-kanyang pamilya na din. Si Ate Patricia naman...ayun. Ayoko ng balikan yung pangyayare na yun.

[Gabby's Point Of View]

"Iha... naisip ko kasi  na pa-rentahan yung dating music room niyo ng mama niyo..." Medyo nanlaki yung mata ko nun. Kinakabahan ako. Yung two-storey building? Eh miski ako, ayaw kong ipagalaw yun.
"Uh..." Yun lang yung nasabi ko.
"Yun na lang talaga ang paraan na naisip ko. Don't worry iha... naayos ko na ang lahat... Baka bukas ng umaga dumating yung rerenta... Mag-ina lang naman yun eh tsaka kasing age mo lang yung anak ni Madam" Ang hirap i-absorb yung mga sinasabi ni ninang nun.
"Ganun po ba?" 
"Naayos ko na din yung babayaran nila. Ayusin mo na lang yung building na yun ha? Kung mapaaga man sila, baka mamayang gabi yung dating nila" sabi naman ni Ninang. Napatango na lang ako nun. "Sige Iha. May trabaho pa ako. Balitaan mo na lang ako. Mag-ingat ka ha?" Tumango na lang ako ulit at hinintay na lang na mag-out si ninang. 

Napabuntong hininga ako nun. Pinatay ko naman na nun yung laptop ko. Tiningnan ko yung cellphone ko at wala pa ding text ni Dustin. Kailangan ko siya ngayon. Ano ba naman yan. Pumasok ako dun sa two-storey building namin. Binuksan ko yung mga ilaw. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Naaalala ko si mama... at si papa... Naluluha ako... Ano ba naman yan?! Napaka-iyakin mo talaga Gabby.

Kinuha ko nun yung vacuum cleaner at sinimulan ang paglilinis.

[Paolo's Point Of View]

Halos isang oras na din kaming nabyahe. Tumigil muna kami sa Caltex ng mamataan ni mama yung kakilala niya na may kasamang isang lalaki na halos kasing age ko lang. Buti na lang may kakilala si mama dito na nagturo samin ng direksyon papunta dun sa bahay na rerentahan muna namin pansamantala. Lumabas muna ako ng kotse nun. Nakakainip kasi. Ang tagal pang makipagchikahan ni mama dun sa kakilala niya. Tiningnan ko ng mabuti yung lalaki na kasama nung kakilala ni mama. Pero hindi ko rin naman pinansin. Kumuha ako ng sigarilyo mula sa bulsa ko nun. Syempre, nagtago ako dun sa tabi nung kotse para hindi ako mahuli ni mama. Isang higop. Hay sarap. Nakakaadik lang. Haha.

[Dustin's Point Of View]

Nasa Caltex ako ngayon kasama si mama na nakikipagusap sa kakilala niya. Medyo nanlaki nga yung mata ko ng malaman ko na rerentahan nila yung bahay ni Gabby. Tiningnan ko muna yung cellphone ko nun para malibang. 2 new messages received.

From: Gabby
Pst:) tawag ka naman mamayang gabi
miss na kita. i love you :*

Ano ba naman yan?! Dinelete ko lang naman yung message niya. Masyadong naghahabol eh. Bahala na siya. Tiningnan ko naman yung isang message. Galing kay Toni. Parang tumaas yung buhok ko nun sa katawan. Medyo napapangite din ako na ewan. Binuksan ko naman yung message niya sakin.

From: Toni :)
Dustin, asan ka na ba?
ang tagal tagal ko ng naghihintay dito ah!

Nagtatampo na naman siya. Lalo lang akong napapangite. Siguro, eto nga talaga yung bagay na nagustuhan ko sa kanya.

To: Toni
Chill Toni. May kausap lang si mama.
wag atat. i love you ^_^

[Gabby's Point Of View]

Medyo 7pm na din nun. Kakatapos ko lang maglinis. Grabe, parang first time kong maglinis sa buong talambuhay ko. At sobrang gutom na din ako. Tiningnan ko ulit yung cellphone ko para tingnan kung nagreply ba sakin si Dustin. Kaso nga lang wala naman akong natanggap na message sa kanya. Nakakalungkot naman. Naligo naman muna ako nun. Sobrang baho ko na rin nun eh. Syempre pagkatapos nagbihis na din ako. 

Bubuksan ko na sana yung TV nun ng marinig kong may nag-park ng kotse sa harapan ng bahay namin. Hala, ang aga naman ata. May kumatok nun sa gate. Syempre, dali-dali akong nagayos at dahan-dahan kong binuksan yung pintuan.

[Paolo's Point Of View]

Kumatok na si mama dun sa gate nung malaking bahay na rerentahan namin. Unti-unti namang bumukas yung pintuan. Isang babae na malapit lang siguro sa age ko yung nagbukas. Nakatingin lang siya sa paa niya. Mukhang hindi makatingin samin ng diretso. Ano ba yan. Halatang walang tiwala sa sarili. Nakakatawa eh. Ang pathetic. Haha.

"Pasok po kayo" Pinapasok niya ako dun sa bahay niya. Nagtaka naman ako kung bakit wala ata siyang kasama. "Uh.. Dito po kaya sa building na 'to." nginitian lang naman siya ni mama nun.
"Iha, anong pangalan mo?" tanong ni mama dun sa babae.

[Gabby's Point Of View]

Grabe. Nahihiya ako at hindi ako makatingin ng diretso. Medyo nakaramdam pa ako ng pagka-awkward dun sa lalake na kasama niya. Bakit ba hindi ko tinanong kung babae o lalake yung titira dito kasama ko?! 

"I'm Gabby po..." sabi ko naman.

No comments:

Post a Comment