Sunday, February 13, 2011

Chapter 12

[Gabby's Point Of View]


Hindi na rin kami masyadong nakapagusap ni Paolo. Nawalan na din ako sa mood makipagusap. Maaga akong natulog nun. Dahil dun hindi na rin ako nakakain. Pero kahit na gutom ako, hindi ako tumayo sa kama 'ko para kumaen. Parusa 'ko 'to sa sarili 'ko. Parusa sa pagmamahal ng isang walang kwentang tao na katulad ni Dustin.Bwiset talaga.

Naiinis ako sa tono ng pagsasalita niya kanina. Pinaparamdam niya kung gaano ako ka-pathetic. Nakakabadtrip lang talaga. Pakiramdam ko gusto niya na naman akong paasahin. Tapos magugulat na lang ako sa isang iglap eh masasaktan na naman ako. Ayaw 'ko ng magpakatanga.

Hindi ko na rin namalayan yung sarili ko sa pagtulog. Kahit na gusto kong pigilan ang paglabas ng araw, alam kong wala naman akong magagawa. Dumating na din ang kinabukasan. Nagising ako nun at nagunat-unat. Tumingin ako sa may bintana 'ko. Napasigh na lang ako. Ano ba 'tong ginagawa 'ko sa sarili 'ko? Nagpapakalunod ako kay Dustin. Tumayo na ako nun at lumabas ako ng kwarto 'ko. Nakita 'ko nun si Paolo na seating pretty este handsome dun sa sofa.

"Good Morning" sabi niya sakin. Ngumite lang ako sa kanya. Ano bang maganda sa umaga 'ko? "Hindi mo man lang ba ako babatiin ng good morning?"
"Ang epal mo talaga" sabi 'ko naman sa kanya. Syempre, joke lang naman yun diba.

Pumunta ako nun sa may kitchen tapos nagluto lang ako ng pancit canton. Napapasigh ako nun. Naiimagine ko yung mukha ni Dustin na linulublob 'ko dun sa kumukulong tubig. Nakakabwiset talaga yung pagmumukha niya. Naramdaman ko naman nun na biglang lumapit sakin si Paolo.

"Okay ka na ba?" tanong niya sakin.
"Ha? Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?" sabi ko naman sa kanya. Tumalikod ako sa kanya nun. Bagsak na bagsak nun yung mata 'ko. Sa sobrang lungkot siguro.

Niyakap niya ako ng dahan dahan nun. Nakaramdam ako ng awkwardness. Paano kung makita kami ng mama niya? Anong iisipin ng mama niya sakin? O saming dalawa?

"Wait. 5 seconds lang" nagtagal kami ng 5 seconds sa pagyakap. Speechless ako nun. Hindi ako makagalaw. At higit sa lahat, sa sobrang kaba at gulat nahihirapan na din akong huminga. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin neto. Siguro, wala lang diba. Humiwalay na rin siya sakin nun ng dahan-dahan. Pero sa bawat pagusog ng mga kamay niya papalayo, pakiramdam 'ko nun gusto ko na din siyang yakapin.

[Dustin's Point Of View]

Problema. Eto na nga ba ang sinasabi 'ko eh. Kakagising ko lang nun. Napakamot ako nun sa ulo 'ko at sobrang sakit ng buong katawan 'ko. Tiningnan ko yung isang side ng kama ko, umalis na pala si Toni. Napasigh ako nun. May nakita akong letter sa tabi 'ko na siguro ay mula kay Toni. Binuksan at binasa ko yung laman nung letter.

Babe, thanks for the night. XOXO

-Toni

Crinumple ko yung papel na sabay tapos sa basurahan. Ano bang ginawa sakin ng babaeng yun? Alam kong may nangyare kagabe but I swear, hindi ko na-enjoy yun. Tumayo na ako nun mula sa kama 'ko at nagsimula ng mag-shower. 

[Toni's Point Of View]

Kakauwi ko pa lang sa bahay at inulan na ako ng sermon. Ugh. Hindi naman ako makapalag sa mga magulang 'ko kasi sobrang sakit na din ng katawan at ulo 'ko. Winalk-outan ko na lang tuloy silang dalawa. Sanay naman na sila sakin eh. Umakyat ako nun sa kwarto 'ko at nagshower. Grabe, pakiramdam 'ko may nawala sakin na alam 'kong hindi ko na maibabalik pa. Hinawakan ko nun yung lips 'ko and I smiled. May nangyare samin ni Dustin kagabe and I swear, I really liked it. 

Nagbihis na rin ako nun at napahiga na lang dun sa kama 'ko. Kinapa 'ko nun yung tiyan 'ko. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o hinde. Basta ang alam 'ko, masaya ako sa nangyare kagabe.

[Paolo's Point Of View]

Nakaluto na nun si Gabby ng pancit canton. Umupo kaming dalawa sa dining area. Tinitigan ko lang naman siya habang kumakaen siya ng mag-isa. Halatang gutom siya kasi hindi naman siya nag-dinner kahapon eh.

"Bakit ka ganyan makatitig?" tanong naman niya sakin.

Nakaramdam naman ako ng awkwardness kaya napa-ayos ako ng upo. Napalunok pa ako nun. Ewan ko ba pero kinakabahan lang talaga ako kapag kasama ko siya.

"Oo nga pala" na-caught ko yung attention niya nun. "Io-open na yung business ni mama sa Thursday. Gusto ko sana na pumunta ka dun sa opening" sabi ko sa kanya.
"Sigurado ka? Wala naman kasi akong damit na siguradong babagay dun eh" sabi niya sakin. Wala talaga siyang confidence sa sarili niya.
"Casual lang naman yun eh. Okay lang kahit na ano. Pumunta ka ha?" Tumango lang naman siya sakin nun. Bigla na lang akong naexcite nun nung um-oo siya sakin.

Wala namang nangyare masyado ngayon. Bwiset naman kasi si Gabby eh, sobrang tahimik. Nakakamiss lang. Haha. Dumating naman ang kinabukasan na parang dumaan lang ang isang oras. Kaso kahit na ganun, wala pa ding pinagbago. Tahimik pa din siya.

[Toni's Point Of View]

Hapon ngayon. Pumunta ako sa isang drugstore para bumili ng isang bagay na makakapagsabi sakin kung negative o positive. Nung sinabi ko yun dun sa cashier. Mukhang nagulat sakin yung cashier.

"Neng, ikaw ang gagamit?" nataranta ako nun.
"Ay hinde po. Yung ate ko po." sabi ko naman sa kanya. Pero wala naman talaga akong ate.
"Ah. Buti naman. Bata ka pa eh" sabi naman niya sakin.

Ngumite na lang ako at binayaran na yung hinihingi sakin. Mabilis akong umalis nung drugstore. Napasigh na lang ako. Oo nga. Tama siya. Bata pa nga ako. Ano bang ginawa 'ko sa buhay 'ko?

Walking distance lang nun. Tiningnan ko yung cellphone 'ko. Ang daming text messages galing kay Dustin. Dinelete ko na lang lahat yun. Sa ngayon, ayaw ko muna siyang kausapin. Sobrang kinakabahan ako sa pwedeng resulta. Nakauwi na din ako nun. Pumasok agad ako ng CR at ginawa sa sarili ang test na magsasabi sakin kung positive ba o negative.

[Dustin's Point Of View]

Ngayon ko lang naman nalaman na bukas pala ay meron akong opening na aatendan. Psh. At sa  pagkakaalam 'ko, ito ay patungkol dun sa business na itatayo nung nanay ni Paolo. At the thought of Paolo, parang nag-iinit yung ulo 'ko.

Tiningnan ko nun yung cellphone 'ko. Aba, wala man lang text galing kay Toni. Bwiset. Ano namang nangyare sa babaeng yun?! Binato ko yung cellphone ko dun sa kama sa sobrang inis.

Ano na kayang nangyayare kay Gabby ngayon? Badtrip.Bakit ba siya ang iniisip 'ko? Ano ka ba Dustin? Sira ka ba? Linoko mo yung tao tapos ganyan ka! Bwiset.

Ilang minuto lang ang nakalipas ng biglang nag-vibrate yung cellphone 'ko. Ibig sabihin lang nun ay may natawag. Tiningnan ko kung sino yun.

Si Toni.

Sinagot ko kaagad yung tawag na yun. At nagulat ako na ang una 'kong narinig ay yung pag-iyak niya.

"Dustin" umiiyak siya habang binibigkas niya yung pangalan 'ko.
"Oh. Toni! Bakit?" nataranta ako nun at sobrang bilis ng pagtibok ng puso 'ko.
"Dustin, hindi ko na alam kung anong gagawin 'ko!" sinigaw niya sakin. "Dustin, anong gagawin 'ko?! Wala na akong mapupuntahan! Ayoko na! Anong sasabihin ni mama at papa sakin?! anong sasabihin ng mga tao sakin?!
"Ano bang nangyare, Toni?" mas bumilis nun yung pagtibok ng puso 'ko.
"Dustin. Buntis ako. Nabuntis mo 'ko!" umiiyak siya habang sinasabi sakin yun.

Parang tumigil nun yung mundo ko. Hindi. Hindi pwede. Ang gago mo, Dustin. Gulo 'tong pinasok mo.

"Ha?"
"Hindi ko na alam kung anong gagawin 'ko! Nabuntis mo 'ko Dustin. Nabuntis mo 'kong gago ka!" sumigaw siya sakin nun.

[Gabby's Point Of View]

Gabi na ngayon. Napagpasyahan ko na itapon na yung basura namin sa labas. Nagulat naman ako nun ng makita ko na naman si Dustin sa labas. Gusto na nung sumabog yung puso 'ko ng makita ko siya. Hindi ako makagalaw nun. Lumapit naman na siya sakin nun.

Nakaramdam ako ng kakaibang amoy. Alak. Amoy ng alak.

"Gabby" binigkas niya ang pangalan 'ko. Umiiyak siya nun. At hindi 'ko alam kung bakit. Mas lumapit siya sakin nun. At sa bawat paglapit niya, sobrang kaba ang aking nararamdaman.

Naglasing siya. Ibig sabihin lang nun may problema siya. Hindi ako makapagsalita nun sa harapan niya. Confused na din ako nun.

"Kanina pa kita hinihintay. Bakit ngayon ka lang lumabas?" hinawakan niya nun yung kamay 'ko.

Binalot ako nun ng electrifying force. Napapatitig ako sa kanya. Naaalala ko yung mga magagandang dahilan kung bakit ko siya minahal. Pakiramdam 'ko lalo akong nahuhulog sa kanya. Lalo siyang lumapit sakin nun. hinila niya ako papalapit sa kanya. Naramdaman ko nun na magkadikit na yung katawan namin.

Wala akong magawa. Wala akong masabi. Hindi ako makagalaw. Hinawakan ni Dustin nun yung leeg 'ko at linapit niya yung mukha 'ko sa kanya. Ang bagal ng mga pangyayare pero hindi ako nag-effort na pigilan ang kung ano mang gagawin niya.

Hinalikan niya ako nun. Nakaramdam ako ng kakaibang sensation. Sobrang tagal nun. Napapikit na din ako nun dahil gusto 'kong iparamdam sa kanya na kahit anong gawin niya, siya pa din ang mahal 'ko. Napahawak ako nun sa leeg niya para mas ilapit yung mukha ko sa kanya. Mali 'to. Yun ang naisip 'ko. Pero hindi ko na talaga alam kung anong gagawin 'ko.

Biglang sumagi sa isipan 'ko na baka akala niya ako si Toni kaya kinalas ko yung kamay ko sa pagkakahawak ko sa kanya. Tinulak ko siya nun. Bwiset. Panigurado ako na iniisip niya lang na ako si Toni.

"Hindi ako si Toni, okay?" hindi siya nagsalita nun. Pakiramdam ko uhaw na uhaw ako nun. Feeling ko nawala na lahat ng laway sa bibig 'ko.

"Alam ko. Ikaw si Gabby" diretso niyang sinabi sakin.

Naantig yung puso 'ko nun. Bumilis din yung pagtibok neto. Napahawak ako dun sa labi 'ko. Hindi ko itatanggi na namiss ko din yung halik niya. Promise. Napaclose fist ako nun para pigilan ang kung ano mang gusto 'kong gawin. Pero kahit na anong gawin 'kong pagpigil, mahal ko pa rin talaga siya. Hindi ganun kadali yun.

Ako na mismo ang lumapit sa kanya. Hinawakan ko nun yung t-shirt niya tapos hinila ko siya papalapit sakin. Yinakap niya ako nun at nagdikit ulit ang mga labi namin. Mali 'to pero pakiramdam 'ko sobrang tama.

No comments:

Post a Comment