Biglang tumayo nun si Paolo at padabog siyang nag-walk out. Napatingin na lang ako sa kanya. Nung mga oras na 'to, wala akong magawa kundi mabagabag. Baka naman mamaya, buong buwan na badtrip at malungkot si Paolo. Napakagat na lang ako ng labi nun. Napatitig ako kay Kuya Patrick. Mukha namang malungkot siya. Hinawakan ni Tita nun yung kamay ni Kuya Patrick para i-comfort siya.
"Okay lang yan, Patrick. Magpapalamig muna ng ulo 'yang kapatid mo" sabi naman ng mama niya. Tumango lang naman si Kuya Patrick. Hinihintay 'ko siya nung tumayo para sundan si Paolo pero wala siyang ginawa kundi ipagpatuloy ang pagkaen. Siguro nga nahihiya nga lang talaga siya kay Paolo. Pero sa pag-iisip ni Paolo, siguro iniisip niya na walang pakielam sa kanya yung kuya niya.
Tumayo ako nun pagkatapos 'kong kumaen. Bumulong na lang ako ng 'excuse me' bago ako umalis sa dining room. Mukhang hindi naman nila narinig yun kasi sobrang tahimik at tila nawalan na rin sila sa mood na makipagusap pa.
Gusto 'ko nung kumatok sa kwarto ni Paolo kaso mas minabuti 'ko munang pabayaan siyang makapagisip. Ano nga kaya talaga ang nangyari ng araw na yun? Curious na nga talaga ako. Napagpasyahan 'ko naman nun na maligo muna at magpalit ng damit. Siguro mas mabuti na iwanan 'ko muna pansamantala ang bahay na 'to para magkaroon ng "family bonding" yung tatlo. Syempre, hindi na ako maglalayas no. Tatambay lang naman ako sa park.
So yun, tahimik naman akong lumabas ng bahay nun. At mabagal na naglakad papunta ng park. Walking distance lang naman yun kaya okay lang. Feel na feel 'ko nun ang malamig na simoy ng hangin kahit tanghaling tapat. Na-miss 'ko din ang pasyalan na 'to. Wala pa ring pinagbago. Andyan pa din ang mga sweet na couples, mga batang naglalaro, ang Starbucks, ang Italianni's at kung anu-ano pang masasarap na kainan. Haayyy. Nakakamiss. Dalawang araw lang akong nawala pero feeling 'ko dalawang taon. Over no.
Umupo ako sa isang bench na katabi ang isang malaking puno na sa awa ng Diyos eh pinayagan akong gawin na silong. Ang lakas ng hangin at ang sarap sa pakiramdam. Mula naman sa malayo, natanaw 'ko si Toni. Mukhang nakatingin din siya sakin. Nakaupo din siya sa bench sa may kabila. Napasigh naman ako nun. Parang naghihintayan kasi kami kung sino ang unang mamansin. Ewan 'ko ba. Bigla na lang ako nawalan ng hate feelings para sa kanya. Maya-maya naman ay tumayo siya at mabagal na naglakad papunta sakin. Nakahigh-heels siya nun at match na match yung footwear niya sa suot niyang dress na hanggang tuhod. Ang ganda nga niya. Nakakainggit lang. Ayaw 'ko lang aminin sa sarili 'ko na namimiss 'ko din siya.
Lumapit siya sakin nun at ngumite siya. Hindi 'ko alam kung ngingite din ako pabalik. Nakaramdam din kasi ako ng hiya. Umupo siya sa tabi 'ko.
"Ang ganda ng araw ngayon no" sabi naman sakin ni Toni.
"Ah. Oo nga eh" yun na lang yung nasabi 'ko. Hindi 'ko akalain na makakausap 'ko ulit siya ng ganito.
"Dalawang araw ka daw nawala ah. Alalang-alala sayo si Paolo" nagulat ako dun sa sinabi niya. Napatingin tuloy ako sa kanya ng wala sa oras.
"Uh.. But I'm back" parang hindi ako yung nakikipagusap sa kanya. Andun na nga talaga yung awkward at bitter feeling na yun no. Pero mukhang umunti naman ngayon.
"Yes. It's good for you to be back, Gabby" sabi niya sakin ng may ngite. Pero napansin 'ko naman na lumuluha na siya nun paunti-unti. Parang nataranta ako nun kasi umiiyak si Toni sa harapan 'ko. Parang kasi nakaramdam ako ng awa sa kanya.
"Ui Toni!" sobrang nag-panic ako nun. Hindi 'ko maitanggi sa sarili 'ko na nagke-care pa din ako sa kanya. Tutal naman, bestfriend 'ko siya diba.
"I'm so sorry, Gabby" sabi niya sakin habang pinapawi yung luha niya. Hindi 'ko rin mapigilan na hindi umiyak nun. Hindi naman ako makapagsalita nun. Parang kasing napaka-fragile ni Toni nung mga panahon na yun. Mas lumalambot naman yung puso 'ko sa kanya, ang dali 'ko kasing magpatawad eh.
"Alam mo bang palagi akong andito kasi palagi kitang naaalala. Lagi akong nagbabakasakali na mapadalaw ka rin dito para makapag-sorry ako sayo" sabi naman niya sakin habang pinipigilan niya yung pag-iyak niya. "Sorry talaga Gabby"
Hinawakan niya nun yung nanlalamig 'kong kamay tapos linagay niya sa mukha niya. Ramdam na ramdam 'ko yung bawat paghikbi niya. Hindi 'ko akalain na mangyayari 'to.
"Gabby, sampalin mo na 'ko oh. Saktan mo na 'ko. Alam 'kong kulang pa 'to sa mga ginawa 'ko sayo. Pero Gabby, sana patawarin mo 'ko." sabi niya sakin. Mukhang nagtitinginan samin yung ibang tao. Nakakahiya naman 'to pero nung tiningnan 'ko siya, pakiramdam 'ko sobrang sincere niya.
Pinipisil niya nun yung kamay 'ko. Siguro nga gusto niya talaga na saktan 'ko siya kaso hindi naman ako ganun. Alam 'kong walang mangyayari kung gawin 'ko man yun. Imbis na sampalin at saktan 'ko siya, niyakap 'ko na lang siya. Halatang nagulat siya dun. Lalo naman siyang napaiyak kaya lalo 'ko ding hinigpitan yung pagyakap 'ko sa kanya.
"Sorry talaga Gabby! Sorry talaga!" parang siyang bata nun kung makasigaw at maka-iyak.
"Okay lang Toni. Okay lang yun. Wag ka ng umiyak" sabi 'ko naman sa kanya.
Parang kaming naging highschool students ulit nun. Bumalik ang mga memories nung una kaming naging mag-best friend. Nung panahon na yun, ako ang umiiyak dahil iniwanan ako ni Dustin sa school. Niyakap niya din ako nun at sinabi niya rin sakin ang mga salitang "Okay lang yan Gabby. Okay lang yun. Wag ka ng umiyak."Sobrang caring siyang bestfriend sakin at sobrang saya 'ko kasi nakilala 'ko siya. Kaso nabaliktad na ngayon, ako naman ang yumayakap sa kanya ang nagsasabi ng mga salitang yan nung iniwan siya ni Dustin. Unexpected no.
Humiwalay siya sakin ng dahan-dahan nun. Nagkatawanan pa kami nun. Ang bilis naming magbati no. Iba nga siguro talaga ang mag-best friends. Tumayo kami nun at hawak-kamay kaming naglakad-lakad sa buong park while recollecting the memories na sobrang na-miss namin pareho.
[Paolo's Point Of View]
Ang bilis ng oras nun. Naiinis nga ako eh. Kung kelan kailangan 'ko ng kausap, dun naman nawala si Gabby. Alangang kausapin 'ko si Kuya. Bakit kasi dito pa yan matutulog eh ang dami-daming inn at hotel dyan sa tabi-tabi? Akala 'ko ba mayaman siya, bakit nakikisingit siya dito?
Lumabas ako ng bahay nun at tumambay na lang ako. Umupo na lang ako dun sa elevated na parte ng sidewalk. Sa sobrang inis, hindi 'ko na mapigilan na kumuha ng isang stick ng sigarilyo. Halos isang buwan 'ko ng tinigilan 'to pero mukhang iwe-welcome 'ko ulit ang bagay na 'to sa buhay 'ko.
Maya-maya naman eh may nakita akong dalawang babae na nagtatawanan na magkahawak-kamay na naglalakad papunta dito. Halos 6 P.M na rin nun kaya hindi 'ko na rin masyado masabi 'kung sino yung dalawang yun. Nagulat naman ako ng makita 'ko na si Gabby at si Toni ay magkasama. Mukha ngang nagkakatuwaan pa sila eh.
Napatigil sila sa paglalakad nun at sa pagtawa. Nginitian lang ako ni Toni while si Gabby naman eh sobrang sama ng tingin sakin. Siguro dahil sa naninigarilyo ako ngayon. Medyo tinago 'ko naman nun yung kamay 'ko kahit alam 'kong bistado niya na ako.
Humiwalay siya sakin ng dahan-dahan nun. Nagkatawanan pa kami nun. Ang bilis naming magbati no. Iba nga siguro talaga ang mag-best friends. Tumayo kami nun at hawak-kamay kaming naglakad-lakad sa buong park while recollecting the memories na sobrang na-miss namin pareho.
[Paolo's Point Of View]
Ang bilis ng oras nun. Naiinis nga ako eh. Kung kelan kailangan 'ko ng kausap, dun naman nawala si Gabby. Alangang kausapin 'ko si Kuya. Bakit kasi dito pa yan matutulog eh ang dami-daming inn at hotel dyan sa tabi-tabi? Akala 'ko ba mayaman siya, bakit nakikisingit siya dito?
Lumabas ako ng bahay nun at tumambay na lang ako. Umupo na lang ako dun sa elevated na parte ng sidewalk. Sa sobrang inis, hindi 'ko na mapigilan na kumuha ng isang stick ng sigarilyo. Halos isang buwan 'ko ng tinigilan 'to pero mukhang iwe-welcome 'ko ulit ang bagay na 'to sa buhay 'ko.
Maya-maya naman eh may nakita akong dalawang babae na nagtatawanan na magkahawak-kamay na naglalakad papunta dito. Halos 6 P.M na rin nun kaya hindi 'ko na rin masyado masabi 'kung sino yung dalawang yun. Nagulat naman ako ng makita 'ko na si Gabby at si Toni ay magkasama. Mukha ngang nagkakatuwaan pa sila eh.
Napatigil sila sa paglalakad nun at sa pagtawa. Nginitian lang ako ni Toni while si Gabby naman eh sobrang sama ng tingin sakin. Siguro dahil sa naninigarilyo ako ngayon. Medyo tinago 'ko naman nun yung kamay 'ko kahit alam 'kong bistado niya na ako.
"Sige Gabby. Alis na ako. Thanks sa lahat. Bye! Bye Paolo!" sabi naman ni Toni. Tinanguan 'ko na lang siya. Nagyakapan naman muna silang dalawa bago magpakalayo-layo si Toni.
Lumapit si Gabby sakin nun ng naka-crossed arms pa. Tapos tuumigil siya sa harapan 'ko ng nakapamewang. Para siyang nanay 'ko na handa ng magsermon eh.
"Ano na naman yan, ha?" tanong niya sakin. Hindi 'ko naman siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa ginagawa 'ko.
"So hindi mo 'ko kakausapin ha!" sumigaw na siya nun sakin. Parang nakakatakot din naman siya kung magalit. Tinabihan niya ako nun sa ikinauupuan 'ko. "Itigil mo na yan" kinuha niya bigla yung isang stick mula sa kamay 'ko tapos tinapon niya sa kalsada. Ang pasaway na bata eh. Kumuha naman pa ako ng isang stick mula dun sa bulsa 'ko. "Ang kulit mo. Sabi 'ko tigil na eh"
"Ano bang nangyayare sayo?" tanong naman niya sakin. Napa-iling na lang ako.
"Wala. Ang kulit mo naman oh. Sayang yung pera 'ko dun" ang cold 'ko nun sa kanya.
"Eh dapat kasi tigilan mo na yun eh. Ikaw kaya ang makulit dyan" naalala 'ko sa kanya si Ate Summer. Yung tuwing pinapagalitan niya ako kapag may mga inaasar akong ibang bata.
"Wag ka na nga dito. Pumasok ka na" sabi 'ko naman sa kanya kahit na gusto 'kong andyan siya sa tabi 'ko.
"Eh baka mamaya kunin mo sa basurahan yung sigarilyo eh! Hindi ako aalis dito" medyo napangite naman ako dun sa sinabi niya.
"Anong tingin mo sakin? Cheap? Syempre, bibili ako ng bago" pabiro 'ko namang sinabi sa kanya. Hinawakan niya nun yung kamay 'ko kaya medyo tumaas nun yung balahibo 'ko sa batok.
"Hindi ka pwedeng umalis" sabay sabi sakin.
"Umalis ka na. Bitawan mo na 'ko. Pumunta ka na kay Toni. Siya bestfriend mo, diba? Dun ka na lang. Iwanan mo 'ko dito" syempre, joke lang naman yun. Masaya ako sa kanilang dalawa kasi mukhang nagkaintindihan na sila.
"Bakit? Nagseselos ka? Alam mo namang bestfriend din kita eh!" nung sinabi niya yun, bigla niya akong niyakap. Parang nagising yung diwa 'ko. Nakalimutan 'ko ang hayop na pagmumukha ng kuya 'ko dahil dun sa ginawa niya.
"Bestfriend lang?" tanong 'ko naman sa kanya. Hindi siya naka-react nun. Mukha ngang medyo nagulat siya kasi unti-unti siyang humiwalay sakin pero hindi pa rin natatapos dun ang pagtitigan namin. Nasungkit niya na nga ata yung paningin 'ko eh. "Joke lang"
"Paolo, hanggang ngayon bothered pa din ako" sabi naman niya sakin habang nilalaro yung dust na nasa kalye. Kadiri lang eh. Parang bata talaga 'to eh.
"saan?" tanong 'ko naman sa kanya. Sa wakas eh tinigil niya na ang paglalaro dun sa parang buhangin sa kalye.
"Yung nangyari dun sa parking lot. Alam mo naman yun diba" patay tayo diyan. Sabi 'ko na nga ba eh uungkatin niya ako dito eh. Sobrang pinagpawisan ako at kinabahan dun sa sinabi niya. Paano 'ko ba sasabihin sa kanya na ginawa 'ko yun kasi hindi 'ko na mapigilan yung sarili 'ko.
"Uh... oo" yun na lang yung nasabi 'ko. sobrang nahihiya talaga ako sa kanya. "Sorry ha"
"Alam ko namang wala lang yun eh" sabi niya naman ng may halong ngite. Hindi 'ko alam kung bakit siya ngumingite.
"Eh paano kung hindi yun 'wala lang'?" parang nadulas naman sa dila 'ko yung mga salita na yun kaya napatingin siya skain ng diretso ng wala sa oras. "I mean..." nauutal-utal naman ako nun. "Hindi naman sa may meaning yun. Hindi lang naman sa trip lang yun. Syempre, masama naman sasabihin 'kong trip yun. Pero sa totoo lang, hindi 'ko rin alam kung paano 'ko nagawa yun. Naguluhan lang nga talaga siguro ako" sana naman ayos yung palusot 'ko diba. Nakita 'ko naman siyang napatango nun.
"Akala 'ko kasi... Alam mo na... May something deeper" sabi naman niya sakin. Sobrang unpredictable ng iniisip niya. Ano bang gusto niyang mangyari? Umamin ako?
"Ay, wala ha" Ang tumal 'ko talaga kahit kelan. Badtrip lang.
Tumayo naman siya nun. Napatitig ako sa mukha niya na mukhang match na match sa sobrang gandang full moon ng gabi ngayon.
"Lika. Pasok na tayo" sabi naman niya sakin. Tumayo naman ako nun tapos sabay kaming pumasok sa bahay.
No comments:
Post a Comment