Halos 5 pm na din nung umalis ako sa bahay nila Toni. Grabe, namromroblema na ako sa gagawin ko. Mahal na mahal ko si Toni pero naaawa ako kay Gabby. Sigurado ako na iiyak yun. Sigurado ako na sisisihin niya ako sa pagiging miserable niya. Hay Nako. Sana hindi ko na lang siya nakilala. Dumaan ako dun sa bahay niya. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Gusto kong kumatok. Pero paano nga ba akong makikipagbreak sa kanya? Pero sa pag-isip ko pa lang sa reaksyon niya, pakiramdam ko hindi ko kakayanin. Napasigh na lang ako at tahimik na nilagpasan yung bahay nila.
[Gabby's Point Of View]
Rineady ko na nun yung popcorn na kakainin namin ni Toni. Pati yung TV at yung mga tinago kong DVD's. Grabe, ang dami ko talagang kwento sa kanya. Pakiramdam ko iiyak na naman ako dahil kay Dustin. Nakakamiss naman kasi eh. 4 years na kami in two days. Grabe, kinakabahan ako.
Tiningnan ko nun yung cellphone ko. Nagulat naman ako ng makareceive ako ng text galing kay Toni.
From: Toni
Gabby, sorry can't come
busy e. take care.
Nalungkot naman ako nun. Sino namang kakausapin ko tungkol sa problema ko?! Alangang si Paolo?! diba. Tsaka andyan na din yung nanay niya. Siguro ibibigay ko na sa kanila yung oras na 'to. Mag-isa na lang akong nanuod ng Blue Moon na movie. Nakakainis. Hindi pa nagsisimula yung dramatic part. Naiiyak na ako kaagad. Bakit ba ganito?! Masyado kong inaalala si Dustin eh. Tiningnan ko ulit yung cellphone ko. Wala man lang talagang text o tawag. Binaon ko na yung mukha ko sa unan ko. Bakit parang ang sakit ng puso ko?! Hindi tumigitil yung pagbuhos ng luha ko nun. Sobrang sakit. Trinatry ko yung best ko na wag mag-create ng ingay pero mukhang waepek ata. Naramdaman ko naman nun na may tumabi sakin. Sinilip ko yung taong yun. Si Paolo. Pinunasan ko agad yung luha ko.
"Bakit ka naiyak?" tanong niya sakin.
"Nakakaiyak kasi yung Blue Moon eh!" palusot ko naman sa kanya.
"Loko. Wala pa nga sa kalagitnaan, naiyak ka agad! Penge nga ako niyan." Kinuha niya sakin yung popcorn. Ang adik talaga ng lalakeng 'to. Medyo napangite naman ako nun. At least naman, may kasama na ulit ako. Sabay naming pinanuod yung Blue Moon. At hanggang ngayon, hindi pa din natigil yung mga mata ko sa pagluha.
Kinuha ko nun yung cellphone ko. Lalo akong naiyak. Wala pa rin talaga call o text. Pakiramdam ko mababaliw na talaga ako. Hindi ko na kaya. Hindi ako makapagpigil. Gusto ko na siyang makausap. Tinawagan ko nun si Dustin pero hindi niya sinasagot.
[Dustin's Point Of View]
Nagulat ako ng magvibrate yung cellphone ko. Putek. Tumawag pa si Gabby. Napagpasyahan ko na wag siyang sagutin. Tinapon ko na lang yung cellphone ko sa kama ko. Napatingin ako sa labas. Tama ba 'tong ginagawa ko? Napabuntong hininga ako. Ayaw ko ng makipaglokohan pero at the same time ayaw ko din naman makasakit. Ano bang gagawin ko?! Ano bang TAMA ang pwede kong gawin?! Bwiset. Badtrip.
[Gabby's Point Of View]
Hindi siya sumasagot. Napabuntong hininga na lang ako. Hay nako. Nakakapagod naman. ang sakit na din ng ulo ko. Ang sakit na din ng puso ko. Natapos na din yung movie.
"Oh anong kasunod?" tanong naman sakin ni Paolo.
"Ayoko na. Ang sakit na ng ulo ko. Paki-ayos na lang niyan ha? Thank You. Matutulog na ako..." tumayo naman na ako nun.Hindi ko na hinintay na magsalita siya. Binilisan ko yung paglakad ko papasok sa kwarto ko at dun ko binuhos lahat ng sakit ng ulo at puso ko. Iyak ako ng iyak. Miss na miss ko na talaga si Dustin. At ang sakit-sakit na :'(
[Paolo's Point Of View]
Napabuntong hininga na lang ako. Syempre, inayos ko na din DVD player at pinatay ko yung TV. Ano ba naman yan, Gabby? Nakakaawa ka. Uminom ako ng malamig ng tubig nun. Napailing na lang ako. Napakaiyakin at childish talaga ng babaeng yun. Lumapit ako dun sa kwarto niya. Binuksan ko ng kaunti para silipin siya. Nakahiga siya dun sa kama niya at tulog na tulog na nga. Linapitan ko siya at tinitigan ko yung mukha niya. Ang gulo ng buhok niya nun.
"Dustin... Hmmm..." Yun yung sinabi ni Gabby habang natutulog. Napailing na lang ako. Kinumutan ko siya ng maayos nun then lumabas na din ako ng kwarto niya.
Hay nako Gabby. Pag tulog ka, siya pa din ang panaginip mo. Kapag gising ka, parang tulog ka pa din. Kelan ka pa ba magigising?
[Gabby's Point Of View]
Kakagising ko lang naman nun. April 1 na ngayon. At bukas na ang 4th anniversary namin. Napabuntong hininga na lang ako. Ano ba naman yan. Kelan ba magpaparamdam si Dustin? Tumayo naman na ako nun mula sa kama ko. Nagluto ako ng itlog tapos syempre, magisa akong kumaen. Kakapasok lang naman ni Paolo dun sa bahay ko. Nagjo-jogging nga pala siya no. Dumiretso siya kaagad dun sa kwarto niya. So yun, tapos na din naman akong kumaen. Linigpit ko na yung pinagkainan ko. Nagpunta naman ako dun sa garden. Nagulat naman ako ng may nakita akong isang picture na nakakalat sa garden.
Pinulot ko yun. Ang ganda nung babae sa picture. Ang ganda ng kutis. Ang ganda ng mata. Lahat maganda sa kanya. Tiningnan ko yung likod nung picture and may nakasulat na summer.sino kaya 'to?
Lumabas naman na nun si Paolo mula sa kwarto niya.
"Sayo ba 'tong picture na 'to?" lumapit siya sakin para tingnan yung picture. Pero mabilis niyang kinuha yun.
"Oo, akin 'to..." Tinago niya agad sa pocket niya yung picture na yun. Sino kaya yun?! curious na ako ah! Haha.
"Sino yan?! Girlfriend mo?!" pang-aasar ko naman sa kanya. "in fairness, maganda siya. may taste ka din pala..." ngumite lang naman siya sakin na may halong pagkaasar.. Hindi na rin naman niya ako sinagot nun. Linagpasan niya lang ako tapos pumunta siya dun sa sala para manuod ng TV. Sus, halata naman na iniiwasan niya yung mga tanong ko. Nakakatawa lang eh. Haha.
Wala naman ako masyadong ginawa nun. Syempre, tinext ko din si Dustin.
To: Dustin
Dustin, advance happy 4th anniversay :)
i love you so much. mag-celebrate naman tayo!
i miss you so much :*
[Toni's Point Of View]
Nasa bahay ako ni Dustin ngayon at hawak ko din yung cellphone niya. Nagulat naman ako ng mabasa ko yung message ni Gabby sa kanya. Nakakainis talaga.
"Dustin!" tawag ko naman sa kanya. Syempre, tumingin naman siya sakin. "Akala ko ba makikipagbreak ka na kay Gabby?"
"Oo nga... hahanap lang ako ng tyempo..." sabi naman niya sakin. Ang bagal naman niyang maghanap ng tyempo. Nakakabwiset.
"So papaabutin niyo pa sa 4th anniversary niyo bukas?! Yun ba ang plano mo?! Mas lalo mo lang siyang sinasaktan Dustin?!" mukhang nagulat pa si Dustin dun sa sinabi ko.
"Anniversary namin bukas?!"
"Oo... Kung nagmamalinis ka pa din, makipagbreak ka na sa kanya ngayon, okay?" sabi ko naman sa kanya.
[Gabby's Point Of View]
Ano ba yan. Wala pa ding text galing kay Dustin. Nakakatampo na talaga. Hay nako. Gabby, look at the bright side! Malay mo may pakulo siya sayo. Malay mo paglabas mo ng bahay niyo, may parada dyan para batiin ka lang ng Happy Anniversay. Tama, tama. Thing positive! Baka nagplaplano lang si Dustin ngayon kung paano niya ako papakiligin. At the thought of it, sobrang kinikilig talaga ako. Haha.
"Nakangite ka na namang mag-isa diyan!" nagulat naman ako nun kay Paolo. Panira ng moment eh. Haha.
"Eto naman. Nagi-imagine lang!" sabi ko naman sa kanya. Tinabihan ko naman siya nun sa sofa at nagkwentuhan kami. Mabilis na dumaan ang oras. Nakakaen na din kami ng dinner at lahat-lahat.
[Dustin's Point Of View]
Napabuntong hininga na lang ako. Gabi na. At nasa labas ako ng bahay nila Gabby. Eto na talaga. Gagawin ko na ang bagay na dapat sana ay dati ko pang ginawa. Kinuha ko yung cellphone ko at tinext ko siya.
To: Gabby
Gab, pnta ka sa labas.
Kaya ko 'to.
[Gabby's Point Of View]
Biglang nag-vibrate yung cellphone ko nun. Nanlaki yung mata ko ng makita ko yung text sakin ni Dustin. Sobrang kinikilig talaga ako. Bumilis yung pagtibok ng puso ko. Napatayo nga ako sa sobrang saya eh.
"Grabe! Paolo! Pinapalabas ako ni Dustin?! Ayos ba yung itsura ko?" hindi naman makapagsalita nun si Paolo o siguro natagalan lang siya sa pagsagot.
"Okay lang. Goodluck" yun lang yung sinabi niya sakin. Nakangite akong lumabas ng bahay ko. Gusto kong isurprise yung sarili ko kaya pumikit muna ako. Nage-expect ako ng parada. Ng fireworks. O ng balloons. O kung ano mang kasweetan. Minulat ko yung mata ko at narealize ko I was staring at nothing.
"Dustin?" tawag ko naman sa kanya. Mabagal siyang naglakad sa harapan ko. Grabe, parang nakalimutan ko yung pagkamiss ko sa kanya. Sa pagkakita ko sa kanya, lalo akong nainlove. Napangite ako kaagad. Pakiramdam ko lulutang na lang. Ang sarap sa pakiramdam na makita ko lang siya. "Alam mo Dustin, miss na miss na talaga kita!" tumakbo ako papalapit sa kanya at yinakap ko siya ng sobrang higpit. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Sobrang saya ko talaga ngayon. Medyo humiwalay na rin ako sa kanya. " i love you Dustin..."
"Gabby..." biglang tumaas yung buhok ko sa katawan. "I'm sorry..." napapanganga ako. Pakiramdam ko kasi alam ko na kung saan mapupunta 'to. "Ngayon lang, may mga bagay na nagbago at mga bagay akong narealize... Sorry talaga..."
"Gabby! Makinig ka naman sakin! Sorry talaga pero hindi na kita mahal!" Parang dinurog nun yung puso ko. Napayakap ako sa sarili ko. Iyak ako ng iyak. Parang hindi ko kakayanin na marinig yung mga salitang yan, galing sa kanya. Sobrang sakit. "Nahihirapan na akong pagtyagaan ka! At alam ko naman na nahihirapan ka na din na pagtyagaan ako. diba?!"
"How could I?" yun yung sinabi ko sa kanya. "Kahit kelan hindi ako napagod at nahirapan na pagtyagaan ka?!!" Napapasigaw na ako sa kanya nun. "Hindi mo ba alam na mahal na mahal kita?!!"
"Hindi naman sapat na yung mahal mo lang ako eh!" ang sakit-sakit. Sobra.
"Pero binigay ko naman sayo ang lahat ah?" ang lumanay na ng pagsasalita ko nun. Hindi ko talaga kakayanin.
"Pero hindi yun enough..." lalo akong nasaktan sa sinabi niya. "...at hindi yun ang kailangan ko..."
"I'm sorry..." Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. "It's over..."
No comments:
Post a Comment