Thursday, March 31, 2011

Chapter 30

[Gabby's Point Of View]


Iba rin talaga ang takbo ng utak ni Dustin no. Naging proud din pala ako sa kanya, after all. Natuto na siyang tumayo sa sarili niyang mga paa. At sa wakas, napagpasyahan niya na ring hanapin ang tunay niyang sarili. Natutuwa ako bigla sa takbo ng kwento ng buhay 'ko. Parang sobrang kakaiba lang. Unpredictable ang mga pangyayare. Parang kahapon, mag-isa lang ako nakanta sa bahay tapos ngayon pala ang boses 'ko pang-stage na. Bongga naman yun no. Tapos ang isa pa! Parang kahapon lang, nagkakilala lang kami ni Paolo pero ngayon natikman 'ko na ang mga halik niya. Walanjo naman oh. Matatawag bang two timer ako neto? Ang daming kalokohan na pumapasok sa utak 'ko ah.

Pumasok na rin namin si Paolo dun sa loob nung kotse. Parang nag-iba yung tingin 'ko sa kanya. Parang lalo akong napapangite at natutuwa na kasama 'ko siya. Siguro nga mas panatag at masaya ako kapag siya ang kasama 'ko. Napansin naman niya na sobra akong makatitig sa kanya with matching ngite pa yun ha!

"Oh. Ano na naman yan?" nakangite niyang sinabi. Ang cute ng wala eh. Hahahaha.
"Wala lang... Uh... Ano kasi..." hindi 'ko naman ma-open sa kanya yung ginawa namin kanina. Duh. Paano 'ko ba sasabihin yun? Alangang sabihin 'ko sa kanya ganito: 'Hoy Paolo. Hinalikan mo ako kanina, diba? Ang saya pala. Try ulit natin!' o alangan namang ganito: 'Paolo, nahihiya ako pero ang saya palang halikan ka. Ang cute mo pala kahit na dati 'ko pa alam yun' o alangan namang sabihin 'ko sa kanya na 'Paolo! Ang landi 'ko! Crush na ata kita eh!'
"Ang kulit mo ah" sabi niya sakin habang ini-start na yung kotse.

Dun 'ko lang naman naalala sila Joni, Kyla at Yael na walang kaalam-alam sa mga nangyare sakin. Baka nagtaka yung mga yun kung saan ako nagpunta. Baka naman naisip nila na na-kidnap ako or something.

"Uh... Paolo" parang pareho kaming nataranta nung tinawag 'ko siya. Awkward. K.
"A-ano?" napautal-utal naman siya nun. Nakakatuwa lang eh.
"Ano kasi... May mga tao akong nakilala na nakatulong naman sakin... Gusto 'ko sanang magpaalam sa kanila bago umalis" medyo umayos naman na yung aura na pumalibot samin nun nung nagsalita ako.
"Ah. Ganun ba. San ba yan?" tanong naman niya sakin. Napansin 'ko naman na parang ang astig at sobrang cool niya ngayon. At lalo atang gwumagwapo ang loko ah. Haha.
"Sa Yosemite Village lang. Malapit lang yun. Alam 'ko naman yung papunta dun sa headquarters eh" mukha namang nagtaka siya dun sa headquarters. Ako din nung una nagtaka eh. Haha. Pero hindi na rin naman siya nag-react nun. Basta nag-drive na lang siya dun sa sinabi 'kong Village na malapit lang naman dun sa Frontier Hotel.

Napasandal na lang ako dun sa may bintana. Naiisip 'ko si Dustin. San na kaya nagpunta yung lalaking yun? Meron kayang tinitirhan yun? Pero wala rin naman sense kung mag-alala ako sa kanya. Sa ngayon, he needs to grow up. Dadating din ang araw na makakalimutan 'ko si Dustin. Siguro, isa lang siya sa mga lalaki na magtuturo sakin kung paano masaktan at kung paano babangon. Siguro, isa lang siya sa mga pathway 'ko sa tunay 'kong makakasama panghabang buhay. At the thought of this, ngayon 'ko lang narealize na yung mga mata 'ko eh nakatutok lang kay Paolo.

Medyo 30 minutes lang naman yung byinahe namin papunta sa Yosemite Village. Syempre, tinuro 'ko na lang sa kanya yung mga directions papunta dun sa headquarters. Dahil masunurin naman siyang bata, nakarating din naman kami ng buhay dun sa tapat ng bahay. Lumabas kaming pareho nun ni Paolo ng kotse.

"Dito ba?" tanong naman niya sakin habang nakatingin dun sa bahay.
"Yup" sabi 'ko naman habang papalapit ako sa may gate nila para mag-door bell.

"Teka lang po!" narinig 'ko yung sigaw at footsteps ni Yael nun. Mamimiss 'ko ang cute na lalaking 'to! Binuksan na ni Yael nun yung gate at natuwa naman siya nung makita niya ako pero parang naguluhan din siya nung nakita niyang kasama 'ko si Paolo. "ate Gabby!"
"Yael! Nagce-celebrate ba kayo?" tanong 'ko naman sa kanya.
"Oo ate Gabby! Hindi ka namin makita kanina eh! Sorry ha! Pasok kayong dalawa! Makikaen na din kayo" sabi naman samin ni Yael. Syempre, narinig yun ni Paolo. Mukha namang nahihiya pa si Paolo na pumasok nun.
"Lika Paolo" pag-aanyaya 'ko naman sa kanya.
"Wag na. Nakakahiya" ang cute ng ngite niya nun. Grabe, parang bata lang. Hindi 'ko rin naman napigilan yung sarili 'ko. Hinawakan 'ko nun yung kamay niya tapos hinila 'ko siya papasok nun sa bahay. Bago kami pumasok nun sa mismong bahay, nahalata 'ko na hiniwalay mismo ni Paolo yung kamay niya mula sa pagkakahawak 'ko sa kanya. Napatingin tuloy ako sa kanya ng wala sa oras nun. Mukhang iniwasan niya yung tingin 'ko kaya naman napakamot na lang siya sa batok niya. Hindi 'ko na lang naman yun pinansin. Umupo lang nun si Paolo sa sofa. Dahil sobrang hiyang-hiya naman si Paolo, lumapit na lang ako kay Kyla at Joni kasama ni Yael.

"Heyyy!" bati 'ko naman sa kanila. Niyakap naman ako ni Kyla kaya medyo nagulat at natuwa ako dun.
"Bakit nawala ka kanina?! Sayang ah. Alam mo ba na si Mr.Trinidad inalok si Kyla para maging isang commercial model?!" sabi naman sakin ni Joni. Nakakatuwa naman yun. Instant sikat na si Kyla ah.
"Oh.Talaga? Congrats Kyla!" naalala 'ko naman nun na ka-apelido ni Paolo yung Mr.Trinidad na sinasabi nila. Yun nga ata yung nakabangga 'ko kanina eh. Feel 'ko lang naman.

"Paolo!" sumigaw naman ako kaya napatingin sakin si Paolo nun. "Kaano-ano mo ba yung Mr.Trinidad? Magkamukha kayo tapos magka-apelido pa kayo!" tanong 'ko naman sa kanya.

Parang hindi naman niya narinig yung tanong 'ko kasi napakunot lang yung noo niya nun. K. Too much for being deaf diba. Haha. Nagpapansin lang naman ako sa kanya eh. Pero syempre, hindi 'ko na siya kinulit dun at baka mabisto lang ako.

"Oo nga no. Kamukha nga niya" sabi naman ni Yael.
"Nakabangga 'ko kaya yun si Mr.Trinidad! Akala 'ko nga yun si Paolo eh. Nakakahiya nga eh!" napa-share naman ako sa kanila ng wala sa oras.
"Oh?! Talaga?!! Wow. Parang siyang prinsipe no. Sobrang gwapo tapos sobrang yaman." parang in love na in love naman nun si Kyla. Nakakatawa lang eh.

Puno naman kami ng tawanan nun. At inalok din naman kami ng pagkaen. 11:45 P.M na din pala no. Medyo matagal na din kami dito sa headquarters. Kinakausap rin nila si Paolo pero mukhang bored na bored naman siya.

"Paolo, ang tahimik mo ah!" sabi ni Joni pero ang tanging ginawa ni Paolo eh ngitian siya.
"Alam mo ba sa mga anime, kapag tahimik yung ibang lalake, minsan kasi may magandang nangyari sa kanila!" sabi naman ni Kyla na ikinapula ng mga pisngi ni Paolo. Napatitig ako sa kanya. Magandang nangyari? Napapikit na lang ako kasi yung "kiss" lang namin yung naalala 'ko.

Nagpatuloy naman kami sa kwentuhan at pagbo-bonding. Nagpicturan din kami gamit yung bonggang camera ni Yael. Ang swerte naman niyang magka-camera na ganun. Tinitingnan 'ko naman nun si Paolo. Halos tunawin 'ko na nga siya sa mga titig 'ko. Kapag nahuhuli niya naman akong nakatingin sa kanya, nginingitian 'ko na lang siya para kunware inaasar 'ko lang siya.

12:30 midnight na. Sobrang late na din nun pero hindi pa din ako dinadapuan ng antok. Pero mukhang antok na antok naman na nun si Paolo.

"Paolo, kung dito na lang kaya tayo muna matulog. Antok na antok ka na eh. Siguro, hindi naman pwede na mag-drive ka. baka hindi tayo makauwi niyan" sabi 'ko naman sa kanya.
"Pwede yun. May extra na kwarto sa taas? Kaso isa lang yun. Ayaw ni Kyla ng may kasama sa kwarto. At si Yael uuwi lang yan sa bahay nila mamaya. At syempre, malamang hindi tayo pwede sa isang kwarto no. Baka kung ano pang makita mo dun eh!" feel na feel 'ko naman na sobranng defensive nun si Joni. Haha.
"Okay na samin ni Paolo yun" sabi 'ko naman ng may halong ngite.
"Okay lang?" napatanong naman sakin si Paolo nun. Natawa lang naman ako sa kanya. Halatang kinakabahan siya eh.
"Okay lang. Tara taas na tayo" hinawakan 'ko nun yung kamay niya tapos hinila 'ko siya sa taas.

Mukhang hindi naman siya nagre-react nun. Binuksan 'ko ng dahan-dahan yung libreng kwarto at binuksan 'ko yung ilaw. Hinanap 'ko agad yung outlet. Syempre, nilabas 'ko agad yung charger 'ko tapos nag-charge agad ako ng cellphone 'ko.

[Paolo's Point Of View]


Sobrang pinagpawisan naman ako sa mga nangyari. Feel 'ko tuloy nawala yung antok 'ko.

"Grabe! Namiss 'ko yung cellphone 'ko! Sa wakas, nabuhay na rin siya!" narinig 'kong sinabi niya habang nakaupo siya sa sahig.

Napangite na lang namann ako nun. Tiningnan 'ko naman yung buong kwarto. Ang sosyal kasi may sariling banyo kaso isang malaking kama lang yung andun. Bumilis naman yung pagtibok ng puso 'ko. Alangang magtabi kami sa isang kama diba.

"Uh... Antok ka na ba?" tanong 'ko naman sa kanya. Tumayo naman siya nun tapos naghanap siya ng mga bagong damit dun sa bag na dala-dala niya pagpasok dun sa bahay.
"Medyo. Tumalikod ka. Magpapalit ako ng pang-taas" lalong bumilis yung pagtibok ng puso 'ko. Nababakla na ata ako sa presensiya ng babaeng 'to. Haha. Shit lang ah. Mabilis naman akong tumalikod nun. Gusto 'kong sumulyap nun pero asa naman diba. Ano ba 'tong iniisip 'ko?!
"Okay na ba?" tanong 'ko naman sa kanya.
"Yup, okay na" buti naman. Buti nakahinga na ako ng sobrang luwang.

Nanlaki naman yung mata 'ko nun kasi naka-sando lang siya. Kung anu-ano yung nararamdaman 'ko. Ilang araw lang siyang nawala, bumalik na naman yung kakaibang feeling na nararamdaman 'ko kapag nakikita 'ko siya in such a way na katulad nito. Mukha namang nagtaka siya dun sa reaksyon 'ko.

"Bakit?" tanong naman niya sakin.
"W-wala. Dito na lang ako sa sahig. Dyan ka na lang sa kama." sabi 'ko naman sa kanya.

Kinuha 'ko yung comforter sa kama tapos yun yung nilatag 'ko sa sahig. Kumuha na din ako ng unan at inayos 'ko yung hihigaan 'ko sa sahig. Nauna naman na siyang humiga nun sa kamay. ang hirap tumitig sa kanya kasi bigla akong nakaramdam ng hiya.

Napalunok na lang ako at para maibsan ang karamdamang 'to, humiga na lang ako dun sa comforter sa sahig. Tinext 'ko na din naman si mama na uuwi na lang ako bukas. Hindi rin naman importante kung magkita lang kami ni kuya o ano. Medyo nawala na nga yung antok 'ko nun kaya napatitig na lang ako sa may kisame.

"Paolo, gising ka pa?" mukhang hindi rin pala siya makatulog.
"Hindi na. Tulog na 'ko" sabi 'ko naman. Napangite naman ako ng marinig 'ko yung cute niyang pagtawa.

Nagkaroon ng moment of silence pero pagkatapos ng ilang segundo, sabay naming binasag yung katahimikan na yun.

"May sasabihin ako" sabay naming sinabi at sabay rin naman kaming napatawa nun.
"osige. Ikaw muna" sabi 'ko naman sa kanya.

Narinig 'ko muna siyang tumawa nun. Nakakamiss talaga eh. Buti na lang kasama 'ko na siya ngayon.

"Namiss kita" sabi naman niya sakin. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. "Yun lang. Eh ikaw anong sasabihin mo?"
"Medyo ganun na rin. Nag-iba lang sa part na 'sobra'. Sobrang na-miss kita" diretso 'ko namang sinabi sa kanya.

No comments:

Post a Comment