Friday, February 11, 2011

Chapter 7

[Gabby's Point Of View]


Naginit nun yung lalamunan ko. Iba talaga yung pakiramdam ko. Nakipagtitigan ako nun kay Paolo na parang walang epekto sa kanya yung ininom namin.

"Ano? Lasing ka agad? Kakasimula pa lang natin? Ganyan ka ba kahina pagdating kay Dustin?" tanong niya sakin nun. Parang nag-init yung dugo ko ng marinig ko yung pangalan ni Dustin. Pakiramdam ko puro bitterness at hate na lang ang nararamdaman ko sa kanya.
"Syempre, hinde! Kaya ko pa to!" Napalunok naman ako ng lagyan niya ng laman yung glass ko.
"Oh. Yan para patayin ang friendship niyo ng Toni na yun" Ininom ko ulit yung beer nun. Medyo nahilo pa nga ako nun eh. "At eto para maka-move on ka na sa kagaguhang ginawa ni Dustin sayo!" Uminom ulit ako ng beer nun. Medyo naluluha na din ako. Hindi ko alam kung bakit. Naubos na namin yung isang bote pero ang dame ko ng naisumpa. Halos yung iba hindi ko na din tanda. Kumuha ako ng isa pa at ininom ko yun ng buong-buo.
"Oh. Gabby. Nagmamadali ka ata" narinig ko nun yung boses ni Paolo pero hindi ko siya pinansin. Tuloy pa din ako sa pag-inom kahit nawawalan na ako ng poise. Parang ginawa ko nung tubig yung ininom ko. Hindi din tumigil sa pagtigil yung pagbuhos ng luha ko. Naaalala ko yung kaplastikan na ginagawa sakin ni Toni at Dustin. Nabwibwiset ako. Sana pagtapos neto, matapos na ang lahat. Ayaw ko ng may maalala. Ayoko ng maalala si Toni. Oh di kaya si Dustin. Kahit alam kong hindi ko kakayanin.

Halos 3 minutes akong walang tigil na uminom. Nung naubos ko na, linapag ko na sa mesa yung isang bote. Medyo naluluha ako nun. Hinawakan nun ni Paolo yung kamay ko at tiningnan niya ako ng diretso.

"Okay ka lang ba?" tanong niya sakin. Sasagot na sana ako kaso masyado akong nahilo at binagsak ko muna yung ulo ko sa lamesa. Siguro, para na ding itago yung mga luha 'ko.

[Paolo's Point Of View]


"Bagsak na agad" sabi ko sa sarili ko ng may ngite. Ibang klase talaga 'tong babaeng 'to. Nagulat naman ako ng bigla siyang umayos ng upo at tiningnan niya ako ng diretso.
"Hindi pa no! Kailangan kong makalimutan si Dustin gamit 'to!" tinawanan ko lang naman siya. Kumuha ulit siya ng isang bote at linaklak niya na naman. Wala talagang poise 'tong babaeng 'to. Hindi na nahiya sakin. Naramdaman ko naman na nagtitinginan samin yung mga tao. 3 minutes niyang ginawa nun at ubos na naman. Halatang lasing na lasing na siya nun. Grabe ba naman makainom. Parang sanay na sanay eh.
"Alam mo ba..." lasing na lasing na nun yung boses niya nun. Halos hindi na rin siya makatingin ng diretso sakin pero tinititigan ko lang siya ng may ngite. nakakatawa talaga siya eh. "Alam mo ba si Dustin, gago siya!" sumigaw siya nun. Nagtawanan talaga yung mga tao sa kanya. Mukhang narealize naman yun pero dahil lasing na siya, mas pinili pa ata niyang magpakatanga. Tumayo siya nun kaya lalo siyang nag-attract ng attention.


"alam niyo po bang lahat na ang Dustin na tinutukoy ko ay sinaktan ako! Parang pinaso niya ako ng sigarilyo! Ang tanga niya diba? Ang bobo niya! Tapos alam niyo ba kung sino yung pinalit niya sakin?! Yung bestfriend ko! Ang sakit-sakit diba?" Umiiyak siya nun. Nataranta na din ako nun. Hinila ko siya pababa dahil sobrang nakakahiya na siya.
"Mukha ka lang baliw. Wag ka ngang ganyan. Wala rin naman silang care dun eh" sabi ko sa kanya ng diretso.
"Pero ikaw may care diba?" tanong niya sakin. Ngumite lang ako sa kanya then kumuha ulit siya ng isang bote. "Ayoko na talaga kay Dustin!" uminom ulit siya ng one straight bottle.

Tinititigan ko lang siya nun habang inuubos niya yung ibang bote. Siya lang yung uminom nun pero hindi ko na siya pinapansin. Kumbaga, pinapabayaan ko na lang siya na gawin yung gusto niya. Sa bawat pagtapos niya ng bote, puro si Toni at Dustin ang bukambibig niya. Halatang lasing na lasing na din siya kasi kulang na lang eh matulog na siya dun sa tindahan. Isang patak na lang ng beer yung natitira dun sa last bottle.

"Wala na?" tinanong pa niya pero napapapikit na siya ng mata nun.
"Inubos mo na. Umuwi na tayo" tumayo na ako nun. Pero hindi pa din siya gumalaw sa upuan niya.
"Ayoko pang umuwi!" sabi niya kahit na hilong-hilo na siya at sobrang pangit na ng boses niya.
"Lasing ka na oh. Lika na!" hinila ko na siya nun papalabas nung tindahan. Ang gulo ng buhok niya at sobrang lungkot ng mukha niya. Tulala sa kawalan. Umiiyak pa din siya dun. Ganun niya ba talaga kamahal si Dustin para iyakan ng ganito? Nakakapikon lang eh. "Kaya mo bang maglakad?" umiling siya sakin nun. Ibang klase talaga 'tong babaeng 'to eh. Hindi talaga nahiya sakin. Lumuhod ako ng nakatalikod sa kanya."Sumakay ka sakin" mabilis siyang sumakay sakin nun. Grabe, sobrang bigat pala niya. Nagsimula na akong maglakad nun. Grabe, parang may dala akong sampung sako ng bigas sa likod ko

Ramdam ko pa din naman yung bawat paghikbi at pag-iyak niya. Narinig ko siyang bumulong nun.

"ang dame ko ng nainom pero bakit ganun? andun pa din yung sakit? hindi ko pa din nakakalimutan ang lahat?" binulong niya sakin.
"syempre naman. pampalipas oras lang naman yun. Dahil bukas, hindi ka na magiging si Gabby" sabi ko sa kanya.
"eh di sino na ako?" parang siyang bata kung magsalita nun. Ganito ba talaga 'to kapag lasing?
"Si Gabby" sabi ko sa kanya.
"anong kaibahan nun?"
"Kasi bukas si Gabby ay magiging malakas na. Makakalimutan niya na si Dustin. Si Toni. Bukas wala na yung mga masasamang memorya na yun. Pupunuin natin yun ng masasayang memorya. Kakalimutan mo na yung dalawang tao na nang-iwan sayo. Magiging ikaw si Gabby na susumpa na hindi na iiyak. Susumpa ka na hindi ka na magsasayang ng luha sa kanilang dalawa, okay?" naramdaman ko na lalong tumindi yung pag-iyak niya nun.
"Thank you Paolo. Thank you kuya. Salamat talaga" Napangite ako nung binulong niya sakin nun. Lalo na nung tinawag niya akong kuya. Inayos ko pa nun yung pagkakabuhat ko sa kanya. From that moment, hindi ko napansin na mabigat pala talaga siya.

[Gabby's Point Of View]


Ang sakit sakit ng katawan ko nun. Grabe, tapos ang sakit pa ng ulo ko. Naparami ata yung inom ko ah. Minulat ko ng paunti-unti yung mata ko. Tumingin ako sa paligid ko. Narealize ko na wala ako sa kwarto 'ko. Napaupo ako bigla at narealize ko na nakatulog ako sa sala. Tiningnan ko yung isang sofa at nakita ko dun si Paolo na tulog pa din. Napangite na lang ako nun. Mukha naman pala siyang mabaet kapag tulog. Haha.

Ano bang nangyare kagabe? AHHH! Natandaan ko na! Grabe pala akong uminom nun. Nakakahiya naman kay Paolo. Tapos sa sobrang katigasan ng ulo ko, binuhat niya pa ako papunta dito. Siguro, sobrang bigat ko nun. Nakakahiya naman talaga! Nagulat naman ako ng gumalaw ng kaunti si Paolo nun. Parang siyang bata. Nakakatuwa. Medyo napansin ko naman na minumulat niya na yung mata niya.

"Good Morning Gabby" sabi niya sakin ng may ngite. Ngumite din ako sa kanya.
"Hindi na ako si Gabby diba?" umupo naman na siya nun sa sofa at nakangiteng nakatitig sakin."Kasi ako na si Gabby. Si Gabby na hindi na iiyak. Yung Gabby na nakamove on na kay Dustin at Toni. Yung Gabby na malakas na at hindi masyadong nagpapadala! Ako na yung Gabby na yun. At papatunayan ko yan sayo"
"Talaga?" tumayo siya nun at pumunta sa kwarto niya. Hindi naman siya matagal na nawala. Bumalik din siya ng may papel na dala. Narealize ko naman na yun yung papel na binigay sakin ni Toni. Inabot niya sakin nun yung papel na invitation pala. "Dyan ka magsimula"


Binasa ko yung invitation na yun. Bumilis yung pagtibok ng puso ko. Ito yung fund raising project na ino-organize nung dalawa. 

"Kailangan kang pumunta dyan para ipakita sa kanya na hindi ka na apektado sa kanila. Tandaan mo. Hindi na ikaw ang dating Gabby. Ikaw ang bagong Gabby" sabi niya sakin. Parang nag-boost nun yun yung special confidence ko. Dun ko lang nasabi sa sarili ko na kaya ko 'to. Kaya mo 'to Gabby. Kaya mo 'to.

Lumipas ang oras. Ang mga araw. Nagpatulong ako nun kay Paolo sa pagpili ng kakantahin dun sa performers' night. Gusto ko sana eh maitatak sa isipan nung dalawa yung kanta na ipe-perform ko. Pero sa bawat pagtick ng oras, lalo lang akong kinakabahan. Gusto kong umatras pero ayaw ko na rin naman kasing magmukhang kawawa. Gusto ko ng magbago. Hindi na ako yung tipo ng tao na pwedeng maliitin na lang.

Sa kasamaan palad, dumating din yung Friday. Medyo tanghali nun ng nagulat ako ng magsalita ang kuya ko/Paolo.

"Kailangan mo ng maghanda mamaya" nagtaka naman ako sa kanya. Masyado pa naman atang maaga.
"Don't worry kuya! hinanda ko na yung susuotin ko!" syempre, proud ako sa sarili ko no! Haha.
"Patingin nga!" pumasok kami nun sa kwarto ko. Kinuha ko yung isang tokong, tsinelas at simpleng t-shirt na may collar galing sa cabinet ko.

"Oh. Ayan na!" may self confidence talaga ako ng tinuro ko yun.
"Ano? Yan ang susuotin mo mamaya?" parang nagulat naman siya sakin. Anong tingin niya sakin, magsusuot ng two piece?! Haha. Tumango na lang naman ako sa kanya nun. "ano ba yan?! Magmumukha ka namang losyang dun eh!"
"Hindi ah!" sabi ko naman sa kanya.
"Baguhin mo yung damit mo!" naghalungkat siya nun sa cabinet ko pero mukhang wala siyang makita. nagbukas pa siya ng ibang cabinet ko. Dun nakalagay yung mga damit na hindi ko sinusuot. May nilabas siya nun na color yellow na dress na may ribbon. Parang tube yun eh. Regalo yun sakin ng ninang ko last year pero never ko pa nasusuot. Hindi naman ako mahilig sa dress eh. Binato niya yun sa kama ko.

"Ayan ang susuotin mo" halos malaglag yung panga ko nun. "Kukuha na lang ako ng bagay na sapatos dyan ni mama para sayo. Magkasing size lang naman kayo siguro ng paa diba?" Hindi ako maka-react nun. Magsusuot ako ng dress na above the knee?! EEEHHHH. Yun ang hindi ko kakayanin eh! Grabe namang torture 'to eh. "Susuotin mo yan ah?"
"Yes sir!" yun na lang yung nasabi niya sakin.

Nung bandang 6pm, unang naligo nun si Paolo. Grabe, kinakabahan na talaga ako para mamaya. Paano kung pumiyok ako? Paano kung hindi ko kayanin yung mga nota sa sobrang kaba. Pakiramdam ko may contest ako na sasalihan eh! Nung tapos na si Paolo, syempre ako na yung sunod na naligo. Mabilis lang naman yun. Pumunta ako sa kwarto ko. Sinuot ko yung yellow dress at yung 3-inches na high heels na sapatos na silver ang kulay nung mama niya. Hindi kaya ako matapilok neto?!

Lumabas na ako nun ng kwarto ko ng magulat ako ng makita ko si Paolo. Nakablack pants siya nun at nakalong sleeve na polo na color blue. Ang simple lang nung suot niya pero nagmumukhang mamahalin kapag siya ang nagdadala. Napatitig ako sa kanya habang binobutones niya yung butones dun sa kamay nung sleeves niya. Biglang bumilis yung puso ko habang tintingnan ko siya. Lumapit ako sa kanya nun. Medyo nagulat pa nga siya nun eh.

[Paolo's Point Of View]

Nagulat ako ng lumapit sakin si Gabby nun. Tinulungan niya akong ibutones yung butones sa sleeves ko. Bumilis yung pagtibok ng puso ko. Ewan ko ba. Bumagay sa kanya yung damit niya. Bagay pala sa kanya ang kulay na yellow. Umaliwalas din yung mukha niya. Hindi na siya nagmukhang haggard. Napatingin ako dun sa shoulders at leeg niya na lutang na lutang naman talaga. Pakiramdam ko lalo akong pinagpawisan. Nung tapos na siyang magbutones, tiningnan niya ako ng diretso at ngumite siya sakin.

"Lika na?" hinawakan niya nun yung arm ko na parang escort niya ako. Naramdaman kong huminga siya ng malalim nun. "Kaya mo ba?"
"Kakayanin" napatigil pa siya nun. "Kaya 'ko 'to kasi ibang Gabby na 'to"

No comments:

Post a Comment