Friday, March 18, 2011

Chapter 19

[Dustin's Point Of View]


Umabot ang gabi. Umabot na rin sa point na naisip 'ko na wala pala akong matakbuhan no. Dadating din pala ang oras na mare-realize ko na si Gabby lang pala ang tanging tao na pwedeng makatulong sakin. Asan na nga ba ang mga katropa 'ko? Ang pamilya 'ko para suportahan at tulungan ako? Wala sila. Wala talaga.


Nakakabadtrip isipin na ginagawan ko ng solusyon ang isang bagay na hindi lang basta basta naayos ng pag-inom ng San Mig. Gulong gulo na nun yung buhok 'ko. Halos kalbuhin ko na rin kasi yung sarili 'ko eh. Ano kaya ang gagawin ni mama at ni papa? Ano na kaya ang ginagawa ng mga magulang ni Toni sa kanya?


Kahit na wala na akong nararamdaman sa kanya, andun pa din ang pagaalala. Pero para sakin, wala na talaga akong nararamdaman para sa kanya.


[Toni's Point Of View]


Gabi na nun. Hindi ako lumalabas ng kwarto 'ko. Ayaw 'ko na. Hindi na rin ak tumitigil sa pag-iyak. Ang sakit-sakit sa puso. Grabe. Lalo na nung nakikipagbreak sakin si Dustin. Bakit ba umabot pa sa puntong yun?

Akala 'ko pananagutan niya ako pero sigurado ako na tatakbuhan niya lang ako. Nakakainis. Mahal na mahal ko si Dustin. Umabot na sa point na parang wala ng natira para sa sarili 'ko. Gusto 'ko ng mamatay kung hindi lang siya ang makakasama 'ko habang buhay.

Hinawakan 'ko nun yung sinapupunan 'ko. Napangite din ako ng bahagya. Siguro iisipin ng mga tao na wala akong alam at wala akong kwenta pero gagawin 'ko ang best ko para mabuhay ng tahimik ang magiging anak 'ko.

Humiga ako nun sa kama 'ko. Naiiyak pa din ako. Sa lahat ng babae sa mundo, bakit ako pa ba ang pinagbagsakan ng problema na 'to?!

Bumukas nun yung pintuan. Hindi ko na tiningnan kung sino. Sa presensiya pa lang ni mama, alam ko na rin na siya yun.

"Toni", malumanay niya akong tinawag. Ewan ko ba. Naiinis ako sa kanya. Hindi man lang niya kami hinayaang mag-explain. Hindi 'ko siya pinansin nun. "Toni, sana maintindihan mo kami. Alam namin na mahal mo si Dustin pero hindi tama na magkita pa rin kayo. Puro problema ang binigay sayo ni Dustin"
"Grabe naman kayo magsalita, ma! Dati gustong-gusto niyo si Dustin tapos dahil dito, kung i-degrade niyo siya parang walang bukas! Grabe naman kayo ma!" halos pumutok na ako nun.
"Pero bad influence siya sayo. Siguro naman kung walang magulang na gustong mabuntis agad ang anak nila diba?" sabi naman sakin ni mama.
"Ano ba ma. Hindi niyo na problema yun. Alam kong mali 'ko to. Kung pwede lang sana, solusyon na lang problemahin natin" sabi ko naman sa kanya. Nagulat ako sa sarili 'ko. Parang sobrang bastos 'ko.
"Hay nako, Toni. Ayaw namin para sayo si Dustin. Pero kung handa niyang panagutan ka, sige. Pagbibigyan ka namin" malumanay niyang sinabi sakin. Lalo lang akong nalungkot nung sinabi niya yun.
"Imposibleng panagutan niya ako, ma. Imposible talaga. Hindi niya na ako mahal" parang nagulat pa si mama nun sa sinabi 'ko."Bago pa kayo sumugod sa bahay nila, nakipagbreak na siya sakin. Ano ngayon? Masaya na kayo?"


Naalala ko na naman yung mga sinabi niya sakin kanina. Nakakainis talaga. Lalo lang akong nawala sa sarili 'ko. Nakakalimutan 'ko na si mama pala yung kausap 'ko.

"A-ano? Nakipaghiwalay siya sa gitna ng lahat ng 'to?" nagulat talaga si mama nun. Napatingin naman ako sa kanya. Dun 'ko narealize na nanay ko pala siya. At meron siyang magagawa na hindi 'ko magagawa. 

Hindi ako makapagsalita nun. Sa time na 'to, ayaw 'ko ng ilabas kay mama ang sama ng loob 'ko kay Dustin. Sa katahimikan na pinairal 'ko, tumayo nun si mama. Nakaramdam ako ng takot. Hindi 'ko kasi alam kung ano mang pwede niyang gawin.

[Gabby's Point Of View]

Nakaupo lang ako nun sa may garden. Tinitingnan 'ko lang yung mga stars. Gusto kong yayain si Paolo na tabihan ako pero ewan 'ko ba. Nakaramdam na naman ako ng awkwardness sa kanya. Nung una, may ibang ambiance samin dahil bago pa lang siya at hindi ko pa siya masyadong kilala. Pero ngayong close ko na siya, nakaramdam na ulit ako ng kakaibang aura. Ewan 'ko ba kung bakit. 

Simpleng tumingin ako sa kanya. Nakaupos siya dun sa sala habang nanunuod ng isang anime sa Hero na hindi 'ko naman alam kung ano. Hindi naman ako mahilig dyan. Napangite na rin lang ako. Naalala 'ko lang yung mga words na sinabi niya sakin kanina. Nakakatouch lang. Tiningnan ko yung mukha niya. May itsura siya. Matangkad din naman siya. At okay fine. Cute din naman siya. Pero yun na yun. Bakit 'ko ba iniisip 'to?

Napailing na lang ako. Hindi na naman mapakali ang diwa 'ko. Haha. Nagvibrate nun bigla yung cellphone 'ko. Ine-expect ko naman na si ninang lang yun o kung sino man. Pero nakaramdam ako ng inis ng makita 'ko ang pangalan ni Dustin. Of all times, nakayanan pa niyang mag-text sakin ha. Hindi naman talaga matikal ang mukha niya no.

Binuksan 'ko nun yung message niya.

From: Dustin
Alam kong nagkamali ako
at alam kong iniicp mo n sbrang kpal ko
ok lng kung ayaw mo akong mkita
nde nmn ako mgppkita syo
ang gsto ko lng ay mrinig m aq
nasa labas ako
nghihintay. kht anong oras
lumabas ka. twagin mko.
gsto ktang makausap. pls.

Ang haba ng text niya sakin nun. Alam 'ko namang mage-explain lang siya. Half of me says na lumabas ako. At yung other half naman eh nagsasabi na magmatigas ako at hayaan siyang lamigan sa labas. Hindi 'ko na lang pinansin nun yung text niya pero kahit anong gawin 'ko, bothered pa din ako.

Napatingin ulit ako sa cellphone 'ko. Nagvibrate ulit ito. Tumatawag naman na siya nun. Wala akong ginawa. Tinitigan 'ko lang yung cellphone 'ko. Kahit anong gawin niya, hindi talaga ako lalabas. Kahit anong mangyari. Ayoko na talagang magpakatanga sa kanya. Sa pagiisip ko ng mga 'to, napaluha na naman ako.

Napatayo ako ng wala sa oras. Dala-dala 'ko yung cellphone 'ko at mabilis akong pumasok sa kwarto 'ko. Na-sense ko naman nun na napatingin na din sakin si Paolo. Nagkulong ako nun sa kwarto. Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. Nate-tempt akong lumabas pero pilit 'kong sinasabi sa sarili ko na WAG. WAG AKONG LALABAS. Wag akong magpapatalo sa kanya. Sasaktan niya lang ulit ako. Paulit-ulit na lang eh. 

Tiningnan ko ulit yung cellphone ko nun. Nagvibrate na naman. Tinakpan 'ko ng unan yung mata 'ko nun. Ayaw 'ko na. Please lang. Kelan pa ba siya aalis?

Ang bilis ng oras nun. Pawis na pawis ako. Lumagpas na ang isang oras. Nakailang missed calls na rin siya sa cellphone 'ko. Sobrang sakit na tingnan yung cellphone 'ko. Naiiyak ako. Tumingin ako sa orasan nun. 10 p.m na. Imposible. Sigurado akong nakauwi na siya. Kaya niya naman akong tiisin eh. 

Pero ako. Hindi ko siya kayang tiisin.

Tumayo ako nun. Kinuha 'ko yung cellphone 'ko na pa din sa pagva-vibrate. Kumuha ako ng jacket 'ko. Lumabas ako ng kwarto 'ko. Sakto ko pang nakita si Paolo nun.

"Oh. San ka pupunta?" tanong niya sakin.

Hindi 'ko na siya sinagot nun. Lumabas ako ng bahay 'ko na nagbabakasakali na sana naghintay talaga siya sakin. First time niyang maghintay sakin. Sana nakaya niya.

Napasigh ako nun. No sign of him. 

Wala. Wala akong nakikitang Dustin. Ang lakas ng hikbi 'ko nun. Sabi 'ko na nga ba, hindi niya kaya yun eh. Hindi naman niya kasi ako...

"Gabby, ikaw ba yan?" narinig 'ko yung boses niya pero hindi 'ko siya nakikita. "Ayaw 'kong magpakita sayo pero please. Payagan mo akong makipagusap sayo"

Nanginginig yung buong katawan 'ko ng marinig ko yung boses niya. Tumigil ako sa pagiyak. Overwhelmed ako na nakapaghinytay pala siya.

No comments:

Post a Comment