Mabilis akong naglakad nun. Papalabas na sana siya dun sa malaking pintuan at hindi na rin sana ako matitigilan ng makita 'ko si Dustin na sinundan din pala siya. Parang hindi ako nakagalaw. Pero nakaramdam ako ng inggit. Naunahan ako ni Dustin. Yun ang nakakainis eh. Napa-close fist ako habang pinapanood ang kung ano mang gagawin ni Dustin kay Gabby.
[Gabby's Point Of View]
Hindi na kaya ng buong katawan 'ko yung mga nalaman 'ko. Parang nadudurog yung puso 'ko na ewan tapos walang tigil pa din yung pagpatak ng luha 'ko. Nakakainis. Nagulat naman ako ng biglang may humawak sa wrist 'ko. Sobrang higpit ng hawak na yun. Yung tipong, ayaw na akong pakawalan. Tiningnan 'ko yung taong yun. Si Dustin. Sa totoo lang, hindi siya ang ine-expect 'ko. Mas ine-expect 'ko na humigit ng kamay 'ko ay si Paolo. Maling Akala.
Nagkatinginan kami ni Dustin nun. Naiinis ako sa kanya. Manloloko talaga. Maniniwala na sana ako na may nararamdaman pa siya sakin eh. Papatawarin 'ko na sana siya kaso lahat pala talaga ay kalokohan lang. Tama si Paolo. Wala siyang kwentang tao. Walang kwenta si Dustin. Hindi ako makapagsalita. Lalo lang akong nahihirapan mag-isip lalo na't nasa harapan 'ko si Dustin. Parang sasabog yung puso 'ko sa sobrang galit. Dahan-dahan niya akong nilapit sa kanya. Alam ko na nun na yayakapin niya ako pero bago pa man mangyari yun, tinulak 'ko na siya kaagad.
"Ano ba?!" napasigaw na ako nun. Ang hirap huminga. Grabe.
"Gabby?" ang lumanay niya nun. Madadala na sana ako kaso wag, Gabby! Wag ka magpadala ngayon. 4 years ka ng nagpapadala sa kanya, hindi ka pa din ba natututo?!
"Ayoko na, Dustin!" sabi 'ko sa kanya. Halatang napatigil siya nun. Pinunasan 'ko yung mga luha 'ko at tumingin sa kanya ng diretso. "Ang sakit naman eh. Pinapaasa mo na naman ako! Pinapahirapan mo na naman ako! Palagi na lang akong naiyak! Palagi na lang akong nasasaktan! Ako na lang palagi ang talo! At dahil sayo yun! Nakakainis na. Ayoko na talaga!"
"Ano bang sinasabi mo, Gabby?!" napatanong siya sakin.
"Dustin naman. Makikipaglokohan ka pa ba sakin. Binuntis mo si Toni. May nabuntis kang tao eh!" sigaw 'ko sa kanya. Parang nagulat pa siya nun. bakit? Wala siyang planong sabihin sakin yun?!
"I'm sorry, Gabby" hinawakan niya ulit nun yung kamay 'ko. Linayuan 'ko siya kaagad. Ayaw 'ko na eh. Sobrang sakit na talaga.
"Ayoko na" napaluha ulit ako nun. Isa lang ang napansin 'ko sa mga tingin sakin ni Dustin. Awa. Yun lang.
"Gabby, please give me some time to explain" sabi niya sakin.
"Ano pang ie-explain mo?! Sabihin mo nga, Dustin!" sumigaw ako sa kanya. Halos wala naman siyang masagot sakin. Ayoko ng makipagusap sa kanya. Kailangan 'ko ng tapusin ang kabaliwan 'ko 'tong sa kanya. Bumaba na lang ako kaagad sa may stairs. Wala na akong pakielam kung may sumunod pa sakin o ano.
Bumaba ako ng hanggang 11th floor. Tiningnan 'ko yung likod 'ko. Kalokohan. Hindi man lang niya ako sinundan. Napaupo na lang ako sa isang step nung stairs. Hinawakan 'ko nun yung puso 'ko. Grabe, sobrang sakit.
[Paolo's Point Of View]
Umalis na nun si Gabby sa harapan ni Dustin. Nakita 'ko pa si Dustin nun na napayuko. Halatang nalulungkot siya. Nagtataka din ako sa ugali ng Dustin na 'to. Hindi mo maintindihan kung totoo na ba o ano. Lumabas na din ako ng pintuan. Nagkatinginan pa kami ni Dustin nun. Nagkaroon pa ng kakaibang tensyon.
Napa-iling na lang siya sakin. Linagay niya yung dalawang kamay niya sa loob ng dalawang bulsa niya at mabagal siyang pumasok ulit dun sa party. Napasigh na lang ako. May bata na naman akong patatanahin. Bumaba agad ako ng stairs. Pagdating dun sa 11th floor, nakita ko si Gabby na nakaupo sa isang step ng stairs. Mabagal akong lumapit sa kanya. Ayaw 'ko lang na gulatin siya.
Dahan-dahan akong tumabi ng pagkakaupo sa kanya. Nakasandal yung ulo niya dun sa pader habang patuloy siyang umiiyak nun. Tiningnan ko siya pero siya yung tipo ng tao na wala na atang kakahayan na tingnan ako pabalik. Sobrang tahimik nun. Yung tipong, yung scene na 'to ay ginawa lang para samin.
"Naiyak ka na naman" inayos ko nun yung buhok niya pero kahit na ganun, parang hangin lang ako sa kanya. "Anong nangyare?" nakita 'kong nag-smirk siya nun. Marunong na pala siyang idaan sa tawa ang kalungkutan.
"Tama ka talaga" binulong niya. "Sasaktan niya lang ako. Manloloko pa din siya. Mahal ko siya pero wala akong ginawa kundi magpakatanga sa kanya"
Hinawakan ko nun yung kamay niya na sobrang lamig. Naiinis ako sa sarili 'ko kasi wala akong magawa.
"Ang sakit sakit na, kuya eh. Sobrang sakit na" naawa ako sa kanya nun. Priness niya yung ulo niya sa tuhod niya at patuloy siyang umiyak.
"Tumigil ka na nga dyan. Umuwi na tayo" tumayo ako nun habang hawak ko yung kamay niya. Parang gusto ng magpalamon sa hagdanan nun. Ayaw na rin kasi niyang tumayo. "Tumayo ka na"
Mabagal kaming naglalakad nun pero ang bilis din naming makababa. Nakarating na din kami nun sa ground floor. Lumabas kami dun sa pintuan syempre. Nauuna na akong maglakad nun ng marealize 'ko na biglang napatigil si Gabby sa paglalakad. Napatingin ako nun sa likod 'ko.
"Paolo! nasira yung sapatos 'ko!" sabi niya sakin. Napakamot akong bigla nun sa ulo 'ko. Of all times naman oh.
"Naghigh-heels ka pa kasi eh!" lumuhod ako sa harapan niya nun tapos dahan-dahan 'kong tinanggal yung sapatos niya.
[Gabby's Point Of View]
Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. Parang first time akong niluhuran ng lalaki. Tumingin na siya sakin nun. Grabe, nakakahiya. Nasira yung takong ng sapatos 'ko. Tumayo na rin siya nun ng inabot niya sakin yung sira 'kong sapatos.
"Ang layo ng bahay! Paano ako uuwi?!" tanong 'ko naman sa kanya.
"eh di maiwan ka dyan" pabiro niyang sinabi sakin. Napangite ako nun at pabiro 'ko din sanang ihahampas sa kanya yung sapatos 'ko.
Nagkaroon kami ng katahimikan. Pero syempre, hindi naman niya talaga ako iniwan. Nagulat naman ako ng bigla niyang tinanggal yung dalawang sapatos niya.
"Tanggalin mo yang isang sapatos mo para makaalis na" ANO DAW?
"Ha?"
"Dadamayan na lang kita. Wag ka ng maarte. Lika na" Tinanggal 'ko na nun yung sapatos 'ko.
Grabe. Nakakahiya yung gagawin namin na 'to. Pero syempre, nakisakay na lang din ako. Naka-paa lang kami na naglalakad habang nakasakay sa jeep. Nagtitinginan samin yung mga tao. Natatawa na nga din ako eh. Grabe, nakakahiya talaga. Pero okay na din 'to, at least hindi 'ko na muna naiisip si Dustin.
Sumakay din kami ng tricycle at naka-paa pa din kami. Astig no? Sobrang dumi na ng paa ko, infairness. Haha. Ilang minuto lang ang makalipas nung nakarating na din kami sa bahay 'ko. Tahimik kaming pumasok nun sa bahay.
Sabay kaming pumasok sa CR para hugasan yung paa namin syempre. Dun 'ko lang ulit naisip si Dustin. Masakit pa din pero at least, nabawasan ng kahit kaunti. Nagulat naman ako ng tilampsikan ako ni Paolo ng kaunting tubig nun.
"Epal neto eh!" sigaw 'ko naman sa kanya. Pero tumawa lang naman siya sakin nun.
Pagkatapos nun, umupo na ulit kami sa sofa at naghanap ng pwedeng panuorin sa TV. Si Paolo nun yung may hawak ng remote.
"Sige, teka lang. Kukuha ako ng pagkaen. Nagugutom ako eh" sabi ko naman sa kanya. Tumango lang naman siya sakin nun.
Tumayo na ako nun at pumunta sa may kitchen. Dahil sa sobrang pagiging makakalimutin at burara 'ko, hindi 'ko alam kung saan 'ko nilalagay yung mga chichiria 'ko. Badtrip naman oh. Pinapahirapan pa akong maghanap. Pawis na pawis na din ako nun.
"Hindi mo ba mahanap yung mga chichiria?" nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.
"Oo eh." nakita 'ko namang may binuksan siyang cabinet nun tapos naglabas siya ng Chippy at V-cut. Hinagis niya sakin yun.
"Oh ayan. Inayos 'ko kasi yan eh. Napakaburara mo talaga" nahiya naman ako nun. Ano ba yan lalaki pa ang nag-aayos. Haha.
Napansin 'ko naman na biglang lumapit sakin si Paolo. Bumilis na naman yung pagtibok ng puso 'ko.
"Ano bang nangyare kanina?" ano ba yan. Ayaw 'ko ng alalahanin ang lahat. umiling na lang ako para malaman niya na ayaw 'kong pagusapan ang kung ano mang nangyare.
"Sige. Okay lang. Dahil ba kay Dustin?" tanong niya sakin. Tumango na lang naman ako sa kanya. Hindi rin ako makatingin ng diretso sa kanya.
"Kunware ako si Dustin, anong gagawin mo?" dun lang ako napatingin sa kanya ng diretso.
"Kung ikaw si Dustin, papatayin na kita. Sasampalin kita ng maraming beses! Ipapakulam kita! Walang makakapigil sakin! Nababadtrip na ako sa kanya! Mamamatay siya sa mga kamay 'ko!" yun yung sinabi 'ko sa kanya na nagmukhang joke naman.
"Good. Gawin mo yan, ha?" kaya 'ko kaya yun?
No comments:
Post a Comment