Friday, April 1, 2011

Chapter 33

[Gabby's Point Of View]


Grabe. At last, nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob para matanong kay Paolo yung tungkol dun sa "kiss". Kasi naman baka mamaya umasa ako na may something deeper dun. Lalo lang ma-develop 'tong "crush feelings" 'ko sa kanya. Mukha namang "naguluhan" lang talaga siya. Ang labo no? Bakit mo magagawang halikan ang isang tao kapag naguguluhan ka? Ibang klaseng rason no.

Saktong pagpasok namin eh naghahain na si Kuya Patrick ng hapunan. Ang sosyal ng pagkaen nun. Hindi 'ko alam yung tawag. Feeling 'ko nakikita 'ko lang yan sa mga TV eh. Ang sarap ng amoy at sobrang bango ng aroma. Kaso sa tingin 'ko eh kahit kainin 'ko lahat, hindi ako mabubusog. Feeling 'ko French food 'to kasi diba ganun yung mga pagkaen nila. Kung mag-serve eh sobrang kakaunti. Sabay kaming pumunta nun ni Paolo sa may dining area.

"Oh. Upo na kayo. Nagluto si Patrick para sating lahat" napatingin ako nun kay Paolo. Halatang sobrang bitter niya dun sa pagkaen kahit na parang takam na takam naman siya.
"Wow. Mukhang masarap naman yan!" parang akong bata nun. Ang cute 'ko naman. Ay, sige ako na napuri 'ko sa sarili 'ko. Haha.
"Sana magustuhan mo yan. Specialty 'ko yan. Nagluto ako ng Garlic Turkey Sausage at Traditional Croque Monsieur para sating lahat. Natutuhan 'ko lang yang lutuin sa States" sabi naman samin ni Kuya Patrick kahit ni isang salita eh wala akong naintindihan. Basta ang alam 'ko masarap ang hapunan namin ngayon.

Sabay naman kaming umupo nun ni Paolo. Syempre, dahan-dahan akong kumuha ng ulam para hindi naman halata na medyo PG (patay-gutom) ako no. Nakakahiya naman. Napatitig ako nun kay Paolo at kay Kuya Patrick na magkatabi. Sabay na sabay yung paggalaw ng mga kamay niya sa bawat paghiwa nung sausage. Parehas sila ng kamay. Parang sobrang malambot tapos halatang kamay-mayaman. Magkamukha pa sila. Ang cute. Parang kambal sila! Nakakatuwa.

"Ang galing" I blurted out. Nagulat silang tatlo dun sa sinabi 'ko. Kasi naman out of the blue, bigla 'yan ang sasabihin 'ko.
"Anong meron?" tanong naman sakin ni Paolo.
"Ang galing kasi. Sobrang magkamukha kayo ng kuya mo. Kung hindi 'ko kayo kilala, baka isipin 'ko na sobrang close niyo kasi sa sobrang pagiging magkamukha niya, parang nagkakapalit na kayo ng mukha" sabi 'ko naman sa kanila. Natawa naman nun si Kuya Patrick tapos yung mukha ni Paolo eh parang sinusumpa na niya yung mukha niya kasi naging kamukha pa niya yung kuya niya.
"Hindi mo lang alam, Gabby" sabi naman ni Kuya Patrick.
"Kung mag-bonding kaya tayong apat bukas sa mall. Diba masaya yun?" nag-suggest naman ako sa kanila. Nagkatinginan nun si Kuya Patrick at si Paolo. Mukhang aayaw naman si Paolo nun.
"That's nice pero busy ako tomorrow dahil may meeting ako with the shareholders. Siguro kayong tatlo na lang. Ikaw na lang Gabby ang bahala sa dalawang yan" sabi naman sakin ni Tita.
"Yes ma'am!" may pasalute-salute effect pa naman ako nun. Ngumite si Kuya Patrick nun kay Paolo. Halatang nage-effort talaga si Kuya Patrick para mapalapit siya kay Paolo pero eto namang si Paolo nag-iinarte pa.
"Go ako dyan. I will cancel all my appointments tomorrow" natuwa naman ako dun kay Kuya Patrick. Siguro ayos din naman na mag-spent siya ng quality time with his brothet.
"Oh? Mas importante ba ang paggala ngayon kesa sa trabaho? Bago yan ah" sabi naman ni Paolo.
"Ay, kuya Patrick! Hayaan mo yan si Paolo. For sure, masaya yan kasi magbo-bonding tayong tatlo!" sinalo 'ko na lang naman nun yung aura. Baka kasi mamaya magka-awayan na naman dito eh. Haha. Nginitian ako nun ni Kuya Patrick. Kamukha talaga siya ni Paolo. Parehas silang cute. Sana siya na lang si Paolo na pala-ngite sakin. Haaayyy.

"Wag mo ngang ngitian si Gabby ng ganyan" nagulat ako dun sa sinabi ni Paolo. Parang tumigil nun yung mundo 'ko.
"Bakit? Natatakot ka na maagaw 'ko siya sayo?" sagot naman ng kuya niya. Nagulat ako dun. Halata naman na inaasar lang nun ni Kuya Patrick si Paolo. Halatang-halata pa nun na sobrang namumula nun si Paolo kaya naman nagtawanan na lang kami nina Kuya Patrick at Tita.

Natapos na rin naman kaming kumaen nun. Hinayaan namin ni Tita na yung dalawa na ang maghugas ng pinggan para naman magkausap sila. Nakakatuwa nga silang panuorin habang andito lang kami ni Tita sa sala. Mukha kasing nagkaka-riot na dun sa kitchen eh.

"HINDI KA BA MARUNONG MAGHUGAS NG PINGGAN?!" sumisigaw nun si Paolo sa kuya niya pero nginingitian lang at niloloko-loko lang siya ng kuya niya. Ang pikon ni Paolo eh. Pero sobrang cute nilang mag-kuya. Sana may ganyan din ako.
"Dapat kasi tinuturuan mo 'ko Pao-pao" ayyy, ang cute. Pao-pao! nababaliw naman na ako kakatawa sa kanila.
"'WAG MO NGA 'KONG TAWAGIN NG GANYAN!! IKAW NA LANG MAGBANLAW. PATAGALIN MO NAMAN!" kung makapag-utos naman si Paolo wagas.
"Wag mong sigawan si Kuya. Kawawa naman si kuya" parang nagpapabata nun si Kuya Patrick. Nakakatuwa sila. Parang lalo namang napikon nun si Paolo pero mukhang napagtya-tyagaan na din nila yung isa't-isa.
"ANG KULIT MO NAMAN! BILISAN MO!" sigaw ulit ni Paolo.
"Eh sabi mo patagalin 'ko tapos ngayon bibilisan 'ko naman" natawa ako dun sa pang-aasar ni Kuya Patrick kay Paolo. Ano kayang feeling ng may ganyan na kapatid no?

Natapos na din naman sila ng paghuhugas nun. Basang-basa si Paolo. Parang naligo lang eh. Siguro dahil sobrang epic fail maghugas si Kuya Patrick.

"Ang sayang maghugas ng pinggan kasama ni bunso!" sabi samin ni Kuya Patrick. Natawa na lang kami ni Tita nun.
"Nakakapikon naman oh. Maliligo muna ako" sabi naman samin ni Paolo. Nagulat naman ako ng biglang hinawakan ni Kuya Patrick sa braso si Paolo.
"Bunso, gusto mo sabay na tayo?" sobrang tawang-tawa ako nun. Mukhang namula sa galit nun si Paolo.
"Ano ba kuya?! Nakakahiya ka!" ang cute ni Paolo. Grabe. WAHAHAHAHA.
"Bakit na naman? Nahihiya ka lang kasi kaharap mo si Gabby eh" nginitian 'ko lang naman nun si Paolo. Napansin 'ko naman na bigla siyang namula nun. "Namumula ka pa. Wag ka namang pahalata, bunso"
"Ano ba? Dun na lang ako sa kwarto 'ko!" padabog nun na umalis si Paolo. ang pikon talaga kahit kelan eh. Pumasok siya nun kaagad sa kwarto at mag-isang nagkulong. Parang siyang bata eh.
"Ang kulit niyo talagang dalawa. Sige, dun muna ako sa kwarto 'ko. May mga gagawin pa 'ko" tumayo nun si Tita tapos kiniss yung cheeks ni Kuya Patrick.
"Sige ma" sabi naman ni Kuya Patrick. Grabe, ang cute nilang magkapatid. Ilang beses 'ko na ba 'tong nasabi?!

Umalis na din nun si Tita at pumasok sa kwarto niya. Sobra siya talagang nagiging busy this days. CEO ba naman kasi ng isang Indoor Designing Company. Malamang, magiging busy talaga. Sobrang yaman nga ng mga Trinidad. Si Kuya Patrick kasi, siya lang naman ang CEO ng Trinidad Corporations na kinabibilangan ng iba't-iba pang maliliit na kompanya. Meron nga ata silang mall na pagmamay-ari eh. Tapos ang alam 'ko bibilhin pa ni Kuya Patrick yung isang channel sa Philippine TV. Sosyal diba. Eh di bilyon-bilyon na yun. Hindi man lang nagsasalita si Paolo tungkol dun. Kaya rin pala naging kumare ni ninang si tita kasi parehas silang may mga pera. I wonder... Ano kayang itsura nung Ate Paula at gaano kaya siya kayaman? Nakaka-enjoy namang subaybayan ang pamilya nila.

"Hayaan mo na si Paolo. Ganun lang talaga yun. Ang kulit niya no" sabi naman sakin ni Kuya Patrick.
"Oo nga po eh. Nakakatuwa kayong tingnan!" sagot 'ko naman sa kanya. Tumabi naman siya sakin dun sa sofa.
"Pwede mo ba 'kong tulungan na mapalapit kay Paolo?" tanong naman sakin ni Kuya Patrick. Hindi 'ko naman akalain na ang isang sobrang yaman na tao eh hihingi sakin ng pabor.
"sige po! Walang problema!" ngumite ulit sakin si Kuya Patrick. Hindi 'ko maiwasan na matuwa. Haha. "Uh... may tanong po ako pero wag niyo sanang isipin na chismosa ako ha!"
"Bakit? Ano yun?" parang naging seryoso naman si Kuya Patrick nun lalo tuloy akong nag-aalanganin kung makiki-usi pa ba ako sa buhay nilang magkakapatid.
"Ano kasi... Uh... Gusto 'ko lang malaman kung ano pong nangyari sainyo ni Paolo? Parang kasi pong sobrang laki ng galit niya sayo eh" nahihiya talaga akong magtanong sa kanya.
"Ah. Yun ba" may kinuha naman siya na isang picture nun mula sa bulsa niya. Nakilala 'ko agad na yun si Ate Summer. May same picture din si Paolo na ganun at may nakasulat din na Summer sa likod ng picture na yun. "Pangalawa siya sa magkakapatid. Patricia Summer Trinidad is her name. Bago ang araw na namatay siya, binigyan niya kami ng isa-isa ng picture niya. Remembrance daw. Alam mo kasi, merong Leukemia si Summer. Alam na namin na maikli na lang yung buhay niya" napatitig ako nun kay Kuya Patrick at mukhang naluluha siya habang tinitingnan yung picture ni Ate Summer. "So yun binigyan niya kami ng picture na 'to. Nung sumunod na araw. Niyaya ni Paolo si Summer na lumabas sila at dun sila sa labas maglaro. Alam 'ko na hindi oras yun pwedeng maglaro. Ako ang pinakapanganay sa kanilang lahat kaya dapat ako yung mag-alaga sa kanila. Pero hindi 'ko nagawa" napa-close fist siya nun at unti-unti na din siyang napapaluha. "Pinayagan 'ko silang maglaro sa labas kahit na alam 'ko na bawal. Wala nun si mama. At malamang eh wala na din ang papa namin na nilayas kami. Hindi 'ko alam ang gagawin 'ko ng may bumunggong motorsiklo kay Summer. Sobrang lakas ng impact. Pero tinakbuhan lang siya nung nakabunggo. Sobrang kinakabahan ako nun. Hindi 'ko kasi alam yung gagawin 'ko eh"


Naawa ako nun kay Kuya Patrick. All this time pala eh never niyang sinisisi si Paolo. Sarili lang pala niya ang sinisisi niya sa mga nangyare.

"Wala ka dung kasalanan, kuya Patrick" sabi 'ko naman sa kanya.
"Mula ng mamatay siya, napalayo na yung loob 'ko kay Paolo at Paula. Nahihiya kasi ako sa kanilang dalawa. Pakiramdam 'ko kasi galit sila sakin. Pakiramdam 'ko kasi ako yung sinisisi nila kaya nawala si Summer." kwento naman ni Kuya Patrick.
"Alam mo Kuya Patrick, sigurado ako na sobrang lungkot ni Ate Summer ngayon" napatingin sa 'king bigla nun si Kuya Patrick.
"B-bakit?" parang mas matanda ako sa kanya nung mga oras na yun.
"Kasi parang nawalan siya ng pamilya. Hindi naman niya gugustuhin na makita kayong magkakagalit at magkakalayo. Siguro nga nalulungkot siya kasi diba nga nawala na siya sa piling niyo. Natatakot siya kasi kulang na ang pamilya niyo. Pero sigurado akong nagtitiwala siya sa inyong lahat na kahit wala siya at kahit wala ang papa niyo, pwede pa din kayo maging isang masayang pamilya" sabi 'ko naman sa kanya. Naks 'ko naman. May mga nalalaman pa akong ganito. Sosyal ako ha! Haha.
"Tama ba na magpunta kaming lahat ng America at dun na lang manirahan?" tanong naman niya sakin. Napasigh at ngumite ako sa kanya bago sagutin yung tanong niya.
"Wala naman akong magagawa kung pupunta kayo dun pero basta masaya at buo kayo, syempre yun na ang magiging tama" pero sa totoo lang gusto 'ko sabihin na ayaw 'ko silang umalis.

Nagkaroon ng katahimikan nun. Nag-ngitian lang kami sa isa't-isa as a sign a very satisfying discussion. Mukhang namataan niya naman yung piano sa may gilid.

"Natugtog ka ba?" tanong naman niya sakin. Napatango lang naman ako nun. "Pwede ka bang mag-play ng kahit isang piece lang?"
"Syempre" sabi 'ko naman. Sabay kaming tumayo nun at lumapit kami sa may piano. Nagtabi kami dun sa upuan sa harapan nung piano.

Nag-isip ako ng isang piece na makakapanglimot ng problema. Siguro sa pag-play ulit ng piano, makakalimutan ni Kuya Patrick ang mga regrets niya at ako naman siguro ay makakalimutan 'ko ang fact na may possibility nga iiwanan na rin ako ni Paolo. Isang piece lang ang naisip 'ko. Ang Pachelbel's Canon in D. 

Sa pag-press 'ko ng keys, pakiramdam 'ko lumilipad ako. Parang nagkakaroon ako ng freedom na mag-isip ng kung anu-ano. Dun naman bumabalik ang mga masasayang memories 'ko. Naaalala 'ko si mama habang tinugtog niya sakin ang piece na 'to. Naaalala 'ko si papa na palaging nanunuod sa pagtugtog ni mama. Naalala 'ko rin ng una 'kong makalaro si Dustin. Ang saya ding balikan nung highschool life 'ko kung kelan kami naging mag-bestfriend ni Toni. Ang sayang balikan ang araw ng March 28, 2010. Ang gabing yun sa oras ng 7:35 P.M. Dun pumasok si Paolo sa buhay 'ko. Masaya ako kasi ang daming nangyari para mapalapit ako ng husto kay Paolo. Masaya ako kasi naging kaibigan, bestfriend, kuya at pamilya 'ko na rin siya. Kulang na lang maging boyfriend o asawa 'ko siya eh. Natutuwa din ako ng makilala 'ko si Joni, Kyla at Yael. Sa totoo lang, nami-miss 'ko na din silang lahat. At syempre masaya ako kasi nakilala 'ko si Kuya Patrick at si Tita.

Halos anim na minuto 'kong binabalikan ang 18 years ng existence 'ko. Nung natapos na yung kanta, tiningnan 'ko nun si Kuya Patrick na naluluha-luha habang nakatingin sakin.

"Bakit po?" tanong 'ko naman sa kanya. Mabilis niyang pinawi yung mga namumuo niyang luha.
"Uh... Wala lang... Akala 'ko kasi ikaw si Summer eh" napangite ako nun. Pangalawang beses 'ko ng narinig yan. Nung una, galing kay Paolo. Ngayon naman, galing kay Kuya Patrick.

No comments:

Post a Comment