Gusto kong isipin na joke lang lahat ng narinig ko galing kay Paolo. Napatitig ako sa kanya. Ayokong tumingin kay Toni. Pero naramdaman ko na hindi nagsasalita nun si Toni. Napatingin na lang ako sa kanya at nahalata ko na pinagpapawisan siya at napapalunok siya.
"Sabihin mong joke yun. Sabihin mong hindi totoo yun" mukhang nagmamakaawa na ako nun kay Toni. Kaso biglang nagsalita nun si Paolo. Parang nadudurog yung puso ko. Kung alam ni Paolo, bakit hindi niya pinaalam sakin? Lalo tuloy akong nasasaktan.
"Sabihin mo sa kanya na harapan. Ngayon na. Kesa naman linoloko niyo siya sa likod niya! Ano ka ba sa kanya?" kinakausap niya nun si Toni na hanggang ngayon ay hindi pa din nagsasalita. Gusto ko sanang magsalita nun para sabihin kay Paolo na bestfriend ko si Toni at hinding-hindi niya magagawa na lokohin ako. Kaso mas tumitibay ang ebidensya na niloko lang ako ni Toni at Dustin.
"Please Toni. Diba hindi totoo yun?" Napapaluha na ako nun. Hinawakan ko nun yung kamay ni Toni pero pumalag agad siya sakin. Durog na durog na talaga yung puso ko nun.
"Bakit ba nagpapakatanga ka pa din Gabby? Halata naman diba?" ang taray niya nun sakin.
"Toni?" ang tense nung atmosphere.
"Gabby, ako ang dahilan kung bakit nakipagbreak sayo si Dustin. Ako ang pinili niya. Ako ang mahal niya. Hindi ba obvious yun? Yun lang naman ang gustong sabihin ng kaibigan mo!" sinabi niya sakin ng diretso. Sobrang sakit. Ang bestfriend ko niloko ako. Ang bestfriend ko nilandi ang boyfriend ko. "I'm sorry kung nasaktan ka pero tanggapin mo na lang. Hindi ka na mahal ni Dustin"
tumatak yung mga salitang yun sa utak ko. Sobrang sakit. Nangingig na talaga ako nun. Nagulat na lang ako ng biglang lumapit saming dalawa si Paolo. Tinulak niya nun si Toni ng mahina.
"Umalis ka na dito" kitang-kita ko yung expression ng mukha niya na may halong pagkaaawa at galit. Binuksan ni Paolo yung gate nun tapos galit na lumabas si Toni nun. Napasigh na lang ako nun para pigilan yung luha ko.
"Alam mo pala, hindi mo sinabi kaagad" Dun na bumuhos yung luha 'ko. Paunti-unti niya akong hinila papalapit sa kanya. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Sobrang sakit. Bakit ganito? "alam mo, pero hindi mo sinabi. sobrang sakit pala. hindi ako handa"
"Kung sinabi ko yun sayo, lalo ka lang masasaktan" Nababadtrip ako. Sa halos dalawang linggo, iyak na lang ako ng iyak. Ang dameng kong nalaman. At sobrang sakit talaga. Naninikip ulit yung dibdib ko.
"Ayoko na" yun yung sinabi ko sa kanya. Ang hirap paniwalaan. Si Toni at Dustin. Yung mga taong tinuturing ko na makakasama ko panghabang buhay. Iniwan na nila ako. Linoko nila ako. Sinaktan. Nagmistulang durog na polvoron yung puso ko ngayon.
"Tama na. Kakayanin mo yan" yun yung huling mga salita na tanging prinocess ng utak ko.
[Toni's Point Of View]
Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi ko inakala na magagawa ko yun kay Gabby. Napapaluha na rin ako nun. Nasa labas pa din ako ng bahay nila Gabby nun. Sobrang sakit talaga. Pakiramdam ko nadurog na din yung puso ko. Dun ko narealize na, mag-isa na din pala ako. Wala na akong bestfriend.
Napasigh na lang ako. Sinimulan ko na 'to. Ayaw ko ng umatras. Itutuloy ko na ang napagplanuhan. Kami ni Dustin. Dapat kami lang.
Hinatid ko na nun si Gabby sa kwarto niya. Wala pa din siyang tigil sa pag-iyak. Sumasakit na din yung ulo ko sa pagsalo ko sa kanya kapag may nangyayaring ganito sa kanya. Bestfriend niya pala yung babaeng yun. Anak ng tinapa. Sobrang sakit nun. Pucha. Napaka-kapal pa ng mukha ng babaeng yun na puntahan siya. Pumunta ako nun sa gate para siguraduhin na sarado na lahat. Napansin ko nun yung isang papel na binigay nung babae kay Gabby. Pinulot ko yun at narealize ko na invitation yun.
Invitation
We invite you, Gabrielle Josephine Paras
to join the performers' night this Friday in
cooperation with the organizers of a fund
raising activity for Rosmerto Elpidio.
We will expect you that evening.
Thank you for your cooperation
Kinabukasan ng araw na yun, maaga akong gumising. Pero hindi na para mag-jogging. Sinet ko yung alarm clock para lang ipagluto ng masarap na almusal si Gabby. Linagay ko sa tray yung, kanin na may bacon at egg sa top. Kumatok ako sa kwarto ni Gabby. Nakita ko na gising siya nun pero nakatulala lang siya sa bintana. Baka sa mga namamagang mata niya ang 9 hours straight na pag-iyak.
"Breakfast is served!" sabi ko sa kanya ng may ngite. Binigay ko sa kanya yung almusal niya. Mukhang nagulat pa siya nun. Akala ko hindi siya ngingite nun pero pinilit niya pa ring ngitian ako. "Kumain ka na" tumango lang siya sakin nun. Halatang wala siya sa mood na kausapin ako. Nagsimula na siyang kainin yung almusal niya. Habang kumakain siya, umiiyak pa siya nun. Nahahaluan ata tuloy ng luha yung kinakain niya. Kadiri lang eh. Haha. "Umiiyak ka na naman"
"ang sarap kasi nung pagkaen eh. Tears of joy" Hay Nako. Ewan ko ba kung joke yun o sadyang hindi lang talaga siya marunong magpalusot.
"Adik ka talaga. Anong gusto mong gawin ngayon? Ayusin mo ulit yung kuko ko. O talian mo yung buhok ko" sabi ko sa kanya pero umiling lang siya. Alam ko naman na masakit talaga yun para sa kanya. "Sige, kumaen ka na lang dyan" sabi ko sa kanya habang tinititigan ko lang siya sa pagkaen.
Nagpatuloy nun yung buong araw. Wala nun si mama kasi may inaasikaso siya dun sa business na plinaplano niya. Syempre, nagmovie-marathon na lang kami. Pinanuod namin yung Final Destination pero hindi ako makaconcentrate dun sa pinapanuod ko. Halata din namang hindi rin siya nakakaconcentrate. Naiinis na ako nun kasi masyado siyang nagpapakalulon kay Dustin. Pinatay ko agad nun yung TV at DVD player.
"Bakit mo pinatay?" tinanong pa niya sakin.
"Nagsasayang lang tayo ng kuryente" parang may pagkapikon na ako nung sinabi ko yun. Tumayo ako nun para iligpit yung DVD player at extension. Habang nagliligpit ako, nagsalita nun si Gabby.
"Sorry Paolo. Sorry talaga. Pasensya na talaga" Naiyak siya nun na parang siyang bata. Napatitig siya sakin. "Sorry. Kung parang pinahirapan lang kita. Sorry talaga kung ikaw yung pinapasahan ko ng problema ko" Naawa ako sa kanya nun. Lumapit ako sa kanya nun at tinabihan ko siya dun sa sofa. "Wag ka ng magalit sakin. Sa ngayon, ikaw na lang ang kakampi ko. Please, wag ka ng magalit sakin" Parang nahulog nun yung puso ko sa sinabi niya sakin.
"Hindi naman ako galit eh" ang seryoso ng boses ko nun sa kanya.
"Hinde. Alam kong pikon ka na eh" iyak pa din siya ng iyak nun.
"Hinde nga. Ang ayaw ko lang eh pinapaikot mo yung mundo mo kay Dustin. Hindi mo naman mundo yun eh. 0.1% lang ang parte niya sa mundo mo. Naiintindihan mo ba ako?" tumango lang siya nun kahit halatang hindi siya nagpe-pay attention sa mga sinasabi ko sa kanya. "Oh. Tingnan mo. Hindi mo naman talaga naiintindihan eh"
"Naiintindihan ko naman eh! Hindi ko lang alam kung ano ang gagawin ko!" sabi niya sakin
"Naiintindihan ko naman eh! Hindi ko lang alam kung ano ang gagawin ko!" sabi niya sakin
"Umiinom ka ba?" parang nagulat siya nun sa sinabi ko.
"A-ano?" halata ngang gulat siya. Nauutal pa siya nun sa pagkakasabi niya.
"Lika. Tuturuan kita" Hinawakan ko nun yung kamay niya. Tapos lumabas kami ng bahay. Halos hapon na din nun. Siguro mga 5:30 pm na din.
Hindi kami nagsasalita sa isa't-isa. Wala pa akong masyadong alam tungkol dun sa lugar na yun kaya nanghula na lang ako ng isang lugar kung saan pwedeng uminom. Pumasok naman ako sa isang carinderia na nagseserve ng beer. Umorder ako ng isang bucket dun sa babae na halatang nakikipag-flirt pa sakin. Pucha. Halata bang wala akong panahon sa ganyan?
Umupo kaming dalawa ni Gabby sa isnag vacant seat. Mukhang kabado nun si Gabby.
"Umalis na kaya tayo dito?" sabi niya sakin.
"Bakit?"
"Ayaw ni Dustin na nag-iinom ako ng hindi ko siya kasama eh" nagulat ako dun sa sinabi niya. Hanggang dito pa naman!
"Kaya dito natin babaguhin yun. Hindi mo commander si Dustin, okay? Itatak mo yan sa isip mo. Hindi siya ang tagadikta sa pwede at dapat mong gawin mo sa buhay mo. Dahil una, hindi siya ang nagpapakain at bumubuhay sayo kaya wala siyang karapatan na kontrolin ang buhay mo. At ikaw naman, wala kang karapatan na paikutin ang buhay mo sa mundo niya dahil may sarili kang mundo. May sarili kang buhay. Tandaan mo na hindi siya ang kinabubuhay mo. Naiintindihan mo ba?" Ang dami kong sinabi. Pero madameng tango lang ang binigay niya sakin. Sakit talaga siya sa ulo.
Dumating na din yung babae na may dalang bucket at dalawang glass. Syempre, pinaalis ko na din siya. Linagyan ko ng laman yung glass ko at glass niya. Napalunok pa siya nun.
"Kunin mo" Nangingig siya habang kinukuha niya yung glass niya. Tinaas ko nun yung glass ko para makipagcheers sa kanya.
"Oh. Eto ay para sa pagkalimot kay Dustin at Toni" Nagcheers kami nun ni Gabby at sabay naming ininom yung beer.
No comments:
Post a Comment