Friday, March 11, 2011

Chapter 17

[Gabby's Point Of View]


Naging mabilis din yung gabing yun. Pero tila sobrang bagal din kasi hindi ako makatulog. Nakapagbilang na 'ko ng mga sheep pero wala pa ring nangyare. Kahit ulit-ulitin ko yung pagbibilang ng mga natalon na sheep sa imagination 'ko, bumabalik pa din ako sa pagbilang ng mga kasalanan sakin ni Dustin. Pero hindi lang yun ang nabibilang 'ko. Nabibilang ko din yung mga bagay na dahilan kung bakit ako in love na in love kay Dustin. Okay. Yan na naman. Ayoko na diba?

Sinabi ko na kay Paolo na wala na talaga si Dustin. Sinabi ko na talaga na papatayin 'ko siya at kukulamin 'ko siya kung may voodoo doll ako. Ugh. Naiimagine ko din na ginagawa ko yun pero sa huli maiisip 'ko na kapag nawala na siya, ako na pala ang magiging PINAKAmalungkot na tao sa buong mundo. Haaaay. Gusto kong patayin yung sarili ko. Pero oo nga pala, hindi naman ako Emo para gawin yun. Amp.

Kasabay ng oras, hindi ko na rin namalayan na nakatulog na din ako. Nagising ako kinabukasan. Syempre. Diba. Tumayo ako nun. Binuksan ko yung pintuan ng kwarto ko para makita si Paolo. Gusto ko lang siya na yayaing manood ng movie para naman mawala yung pagkabadtrip 'ko. Nakakainis nga eh. Hanggang ngayon, hindi pa din maalis sa utak ko yung fact na tatay ng dinadala ni Toni si Dustin. Akala ko, ako na ang pipiliin ni Dustin. Akala ko, nagsisisi na siya at nagkamali siya sa pagpili kay Toni. Linoloko pa rin niya ako. Sabihin niyo nga, ano ba talagang tinatakbo ng utak niya?!

Muntik ko ng makalimutan na ang sadya 'ko pala ay si Paolo. Grabe. Dahil kay Dustin, nagkaka-short term memory loss na 'ko. Haha. Inikot ko naman yung buong bahay. Narealize ko sobrang laki din pala no. Nakakapagod. Pumasok ako dun sa two-storey building. Bago ako pumasok dun, huminga muna ako ng malalim.

Sa pag-twist ko ng doorknob, nanginginig ako. Naalala ko si mama. Kinakantahan niya ako. Nakakatuwa. Nakakaiyak. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. Bumabalik sa tenga ko yung pagbulong niya sakin ng "Ang cute mo naman, Gabby. I love you so much". Tumutulo na yung luha 'ko. Napapaclose fist ako. Hindi ako makagalaw.

Nagbalik sakin yung memories ng halos ibuhos na ni papa lahat ng luha niya ng mamatay si mama. Nightmare para sakin yun kasi halos isang buwan niya 'kong hindi nakakausap. Nababadtrip na ako sa sarili 'ko. Wala akong kwenta. Hindi 'ko siya naalalayan.

Tumaas ako dun sa second floor. Napapaiyak pa din ako. Grabe talaga. Naalala ko yung mga panahon na pinagluluto ko pa si papa pero hindi niya tinatanggap sakin yung niluto ko para sa kanya. Sobrang sakit. Hindi ko akalain na sobra 'ko pa lang tinago yung sama ng loob na yun sa puso 'ko.

[Paolo's Point Of View]


Kakatapos ko pa lang mag-jogging. Badtrip pa nga eh. Nakita 'ko pa si Dustin na nagjo-jogging din. Hindi ko alam kung tyinetyempuhan niya ako o sadyang coincidence lang ang lahat. Kinausap niya ako nun at malamang fresh pa naman yun sa utak 'ko.

"Paolo" maangas niyang pagtawag sakin kanina. Napatingin ako sa kanya. Istorbo naman kasi diba.
"Oh?" tanong ko naman sa kanya.
"So, kamusta naman kayo ni Gabby?" pang-asar lang no. Ang sarap niyang suntukin sa mukha eh.
"Ahh. Kami. Okay na okay naman kami. Tutal nga, nagiging sweet na kami sa isa't-isa" pagsisinungaling ko sa kanya.
"Oh. Talaga? Wala ka bang napansin sa kanya na kakaiba?" tanong niya sakin.
"Wala naman. Mas naging masaya nga siya eh" sabi ko naman.

Nagulat lang ako ng bumulong siya sa sarili niya ng "Marunong na pala siyang magtago ngayon"


"Ha? Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya kahit malinaw naman na narinig ko yun.
"Ay. Wala. Goodluck na lang sayo." Nakangite siyang sinabi sakin. Tapos nagpatuloy siya sa pagjo-jogging at iniwan na ako.

Grabe. Badtrip. Fresh talaga sa utak 'ko eh. Napaisip din naman ako sa sinabi niya. Ano kayang nangyare kay Gabby at kay Dustin? Wala akong alam. Basta ang alam ko badtrip si Gabby kay Dustin. At sa pagsasalita ni Dustin (kahit na maangas yun), parang may concern siya kay Gabby. Ang labo talaga.

Kakadating ko lang dun sa bahay. Binuksan ko yung gate. Nagulat naman ako, bakit parang wala si Gabby. Tumingin ako sa may kwarto niya. Wala rin naman siya nun. Pumasok ako dun sa kwarto ni mama. Tumaas din naman ako sa kwarto at napa-atras ako ng makita ko si Gabby sa iisang sulok ng kwarto 'ko tapos iyak siya ng iyak. Grabe, nakaramdam ako ng pagka-panic. Linapitan 'ko din siya kaagad nun. At pawis na pawis siya. At halatang nahihirapan na din siyang huminga.

"Gabby? Bakit ka naiyak? Anong nangyare sayo?" tanong ko sa kanya habang hawak ko yung likod niya. Parang hangin lang ako sa kanya. Tila wala siyang narinig. Hinawakan ko na yung balikat niya tapos pinatingin ko siya sa mga mata ko. Nakakaawa yung mata niya. Sobra yung pagkalungkot niya.
"Ano bang nangyare, Gabby? Sabihin mo nga" Linayo niya yung tingin niya sakin.

Napa-sigh na lang ako. Alam kong wala naman akong magagawa eh. Tinabihan ko na lang siya sa sulok na yun. Wala akong masabi. Wala din kasi akong maisip na advice sa kanya. Wala rin naman kasi akong alam tungkol sa kanya.

"Nakakainis ka Gabby" tiningnan ko siya. Pero parang wala rin siyang emosyon. Parang may malalim siyang inaalala. "Wala akong alam sayo. Nakakainis"


Napasigh ulit ako. "Ang tanging alam ko lang ay linoko ka ng ex-boyfriend mo na si Dustin at ang bestfriend mo since highschool na si Toni. Yun lang. Tapos. Wala ng iba. Hindi ko alam kung may kaibigan ka pa ba sa ibang lugar o mag-isa ka na lang. Hindi ko alam kung anong nangyare sa magulang mo. Wala akong alam tungkol sayo"

Nakita ko siyang yumuko sa tuhod niya. Siguro, umiyak ulit siya. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa mga sinabi niya.

"Pero Gabby, unfair din naman ako sayo. Wala ka rin kasing alam tungkol sakin. Pero handa ako na sabihin sayo lahat. Okay lang kahit na wala na rin naman akong alam tungkol sayo" napapangite ako. Hindi ko alam kung bakit. "Nakakatawa nga eh. Sabihin na nating hindi kita kilala pero importante ka sa'kin"

[Gabby's Point Of View]

"...hindi kita kilala pero importante ka sa'kin" Dahan-dahan akong napatingin sa kanya nun. Bumibilis din yung pagtibok ng puso 'ko. "Mahal kita, Gabby"

Parang umiikot yung mundo 'ko. "Umaabot sa point na inaakala ko na ikaw siya" Hindi ko maintindihan. Sinong siya? May kinuha siya dun sa bulsa niya. Isang picture. Dun ko lang naman naalala na yun yung picture na nahulog niya. Yung may nakasulat na "summer" sa likod. "Umaabot sa point na inaakala ko ikaw yung ate ko. Ikaw yung kapatid ko na laging nag-aalaga sakin kapag wala si mama at si papa. Umaabot sa point na nakikita na kita bilang isang kapatid"

Bumagal naman na yung pagtibok ng puso ko. Kapatid lang naman talaga ang turing niya sakin. Nakita ko pa siyang ngumite.

"Naiinis ako. Hindi ko siya napakilala sayo. Siya si Patricia Summer. Ang ate 'ko. Wala na siya. Simula ng mag-high school ako. Ayun, kinuha na siya ni Lord. Sa totoo lang, hindi na din ako naging masaya sa bahay. Umalis nun si papa. At hindi ko alam kung ano ng ginawa niya. Yung iba kong kapatid, nagtrabaho sa ibang bansa at nag-asawa na din. Si mama na lang ang kasama ko pero naalala 'ko, palagi din naman pala siyang wala" napatigil siya nun at tumingin siya sakin ng diretso. "Masaya ako ng nakilala kita. Pakiramdam ko kasi nagkaroon ulit ako ng pamilya"

"Pinangarap ko nun na magkaroon ng isang sobrang laking pamilya. Pero hindi pala kailangan nun para masabi mong may pamilya ka. Ang kailangan mo lang ay isang tao o mga tao na magpaparamdam sayo na hindi ka mag-isa. Para sakin, ikaw yun" sabi niya sakin ng diretso. Hindi ako makapagsalita.

"At sana para sayo, ako din yung taong yun" nagkaroon ng moment of silence. Medyo na-speechless ako nun. Wala akong masabi.

"Talaga?" yun lang yung nasabi 'ko. Tumango lang naman siya nun. Nakita 'ko naman na medyo nahihiya pa siya. "Hindi naman kita kayang alagaan. Patawanin, pwede pa"
"Eh di ako ang mag-aalaga sayo" inakbayan niya ako nung sinabi niya yun. Parang nagkaroon nun ng koneksyon saming dalawa.
"Thank you" hinawakan ko yung isang kamay niya. Alam kong nagulat siya sakin nun. "Alam mo ba na in the past 8 years of my life, ngayon ko na lang ulit yan narinig"

Mukhang nagulat siya nun sa sinabi 'ko. "Salamat kasi pakiramdam ko hindi ako napag-iiwanan." Napangite ako nun. Pinilit ko na din na makatayo ako nun. At tumayo din naman siya. Magkasabay kaming lumabas dun sa kwarto. 

Siguro, dadating din ang oras na papasok ako sa kwartong yun ng hindi na ako naiyak. 8 years na din nun. Panahon na din siguro na makahanap na din ako ng tao na magpaparamdam sakin na hindi na nga talaga ako mag-isa

No comments:

Post a Comment