Nagulat naman ako dun sa sinabi niya. Si Yael at Kyla naman, malamang eh alam na yung tungkol sa trabaho nila. Palibhasa, bagong salta lang ako dito eh. Bumilis naman yung pagtibok ng puso 'ko. Ano naman ang ibig sabihin nung ako ang boses?
"Bigla ka bang naguluhan?" eto na naman. Napapahiya na naman ako. Syempre, honest ako kaya tumango na lang naman ako kay Joni. "Nagandahan kasi ako sa boses mo. Alam mo naman na si Kyla, isa siyang cosplayer at ume-extra na din siya sa mga commercial. Pero gusto nitong si Kyla na mas sumikat. So I wanted to hire a..."
"...a voice coach?" humirit na ako para hindi naman ako magmukhang bobo.
"No, I hired you as her voice" lalo naman akong napuno ng question marks sa ulo.
"a-ano?" naguguluhan na talaga ako nun.
"ang gustong sabihin ni Joni ay sa backstage, kakanta ka pero sa mimsong stage, si Kyla ang nagpe-perform. Gets mo na?" nagulat naman ako dun. Eh di parang nandadaya kami dun no.
"Sigurado ba kayo dyan?" tanong 'ko naman sakanila.
"Okay lang yan, Joni. Mukha namang ayaw niya eh. Hahanap na lang tayo ng iba diba?" nagpaparinig sakin si Kyla nun. Halata naman.
"Hindi naman sa ayaw ko..." hihirit pa sana ako kaso pinutol ni Yael ang mga salita 'ko.
"So, gusto mo ate Gabby?" tanong naman sakin ni Yael. Ano ba yan? Nagpa-panic na yung buong katawan 'ko.
"Oh. Ano? 10,000 pesos yun for every show niya. Eh mamaya may show si Kyla sa Megamall" parang nagkaroon naman ng dollar sign nun sa mga mata 'ko kaso alam 'kong pandadaya 'to.
"so, ayaw mo talaga no? Sayang ka pa naman!" sabi naman sakin ni Kyla.
"Oo nga ate Gabby. Maganda yang boses mo. Mapapakinabangan yan!" dagdag pa ni Yael.
"Sunod-sunod kayo sa pagsasalita ah! Napre-pressure ako!" napasigaw na ako nun. Sobra naman kasi silang mag-pressure diba.
"So, ano ngang desisyon mo?" tanong sakin ni Joni. Napasigh naman ako nun.
"Magkano ba ulit yun?" eto na. Kailangan 'kong i-unleash ang bidding powers 'ko. Haha.
"10,000 pesos" sagot naman niya sakin.
"Gusto 'ko 11,000 pesos" sabi 'ko naman.
"grabe ka naman! Over na yun!" lumabas naman ang kabaklaan niya nun. Hahaha.
"Eh di bahala kayo. Mamaya na yan. Alangang palagpasin niyo pa ako!" ako na talaga ang pinakamagaling na black-mailer.
"10,500 lang!" sinuggest naman niya sakin.
"Hinde! 10,850!" sabi 'ko naman. Nakita 'kong napa-sigh nun si Joni. Bibigay din 'to.
"Sige. Call" malamya niyang sinabi. Yes! Panalo ako!
Nagpatuloy naman kami sa pagkaen nun. Ang laki din pala ng kita ng ganito no. Hindi kaya bonggang-bongga 'tong si Kyla sa ibang tao. Haha.
"So, ano palang plano mamaya?" tanong 'ko naman sa kanila. Mukhang devastated pa din sila dun sa iswesweldo nila sakin. Sobrang galing ko talaga oh! Haha. May nilabas nun si Yael na parang isang leaflet na may nakasulat na 'Live Power Music in Megamall'. Syempre, andun yung kung sino-sinong tao na hindi 'ko kilala pero malamang ay sikat pagdating sa mga cosplays at anime stuff.
"Pagkatapos natin dito, magpra-practice muna tayo para naman magka-match yung boses niyo ni Kyla. Tapos mamayang gabi, diretso na tayo sa Megamall. Wag kang magpahalata. At wag kang magpapakita kundi lagot tayo" sabi naman sakin ni Yael. Ang cute ni Yael eh. Parang munchkins ang pisngi. haha.
"Oh sure." sabi 'ko naman sa kanila.
"Siguraduhin mo lang talaga, ha!" ang sungit talaga ni Kyla eh.
"Sure Cutie pie." parang akong nang-aasar nun. Kay Paolo 'ko ata natutuhan 'to eh. Haha.
So yun, pagkatapos kumaen, sumakay kami sa isang Van na malamang eh pag-aari nila. Halatang-halata naman kasi yung design ng van sa labas, eh picture ni Kyla na sobrang cute. Medyo matagal din ang byahe namin papunta sa "headquarters" nila. Sosyal din no. Headquarters ang tawag.
Halos isang oras at kalahati ang dumaan bago kami makarating sa headquarters. Isang simpleng bahay lang naman na may dalawang palagpag ang tinigilan namin. So eto pala ang headquarters no. Pumasok na kami nun sa gate at syempre sa mismong bahay. Maganda naman sa loob. Parang may native na ambiance pero at the same time, alam mong hindi ka naliligaw sa isang modernisanong mundo. May isang closed room dun na may glass. Parang yung sa mga recording studio.
"Sa practice natin ngayon, si Yael at si Gabby ang sa loob nung studio. Kaming dalawa sa labas, okay?" sabi naman samin ni Joni. Lahat naman kami tumango lang sa kanya.
Mabilis kaming pumasok ni Yael sa may studio. Siya yung nag-set up nung mic at kung ano-ano pang abubot na hindi 'ko naman alam kung ano ang tawag. Pwumesto siya sa isang sulok at parang inaayos yung camera niya na sobrang ganda. Syempre, linagay 'ko naman na yung headphones nun tapos tiningnan 'ko yung mga lyrics ng kanta na kakantahin 'ko. Nanlaki naman yung mata 'ko kasi Japanese na kanta yung kakantahin 'ko. Yan tuloy lalo akong nagpanic.
"Joni! Hindi ako marunong mag-japanese no! Baliw ka ba?" napasigaw ako nun. Sayang naman ang 10,850 pesos!!!
"Ano 'ba?! Madali lang yan! Kaya nga may practice diba" narinig 'kong sinabi ni Joni. Mukhang sinigaw niya yun pero sa pagkakarinig 'ko parang binulungan niya lang ako.
Napakamot naman ako sa ulo 'ko nun. Osige bahala na lang. Lumapit naman sakin ni Yael na may hawak na iPod. Tinanggal 'ko muna yung headphones at sinuot sa tenga 'ko yung isang earphones.
"Madali lang naman yang kantahin. Eh di bale mamaya, habang kumakanta 'ka, hiramin mo 'to para hindi ka malito" sabi sakin ni Yael. Tiningnan 'ko yung title nung kanta. Lonely in Gorgeous yung title. Sa totoo lang, ngayon 'ko lang 'to napakinggan at maganda din naman yung melody at madaling imemorize yung tune. Malamang, yung lyrics hindi diba! Haha.
"Anata wa daijobuda" biglang sinigaw ni Joni mula sa labas. Lalong tumaas nun yung isang kilay 'ko. Ngumite lang sakin si Joni nun at nagpatuloy siya sa pakikipagusap kay Kyla tungkol sa mga steps at kung anu-ano pa.
"Ano daw?" napatanong ako kay Yael.
"Ah. In english, You will be fine. Kaya wag kang mag-alala. Mga magic words lang yan ni Joni para lumakas ang loob nating lahat." sabi sakin ni Yael. natuwa naman ako dun. Gaano kalaki na kaya ang mga naitulong ni Joni sa dalawang batang 'to kaya parang sobrang lapit na nila sa isa't-isa? Siguro, mahaba yung pinagsamahan nila. Ako kaya? Makakasama 'ko kaya sila ng mas malaki?
"Ahh. Thanks!" sabi 'ko naman sa sobrang tuwa. Pinahiram niya muna sakin yung iPod niya nun.Bago siya pwumesto sa isang sulok, hinawakan niya nun yung balikat 'ko.
"Anata wa daijobuda" sabi niya sakin ng nakangite then pumunta na siya sa sulok nung kwarto.
Napasigh ako nun. Tiningnan 'ko sila Joni at Kyla na nag-uusap pa rin tungkol sa mga gagawin ni Kyla sa stage. Ako naman etong prinapractice na sa isip yung mala-tongue twister na lyrics na 'to. Biglang humarap sakin si Joni nun at nagpakita siya ng isang thumbs up. At syempre, nagbigay din ako ng thumbs up sa kanila. Pwumesto sa harapan si Kyla. Isang salamin lang ang naghahati saming dalawa nun. Siya ang nasa stage. Ako ang nasa backstage. Huminga ako ng malalim nun. Pinatugtog ni Yael yung kanta nun at dun na kami nagsimulang mag-practice.
[Paolo's Point Of View]
Halos 1 P.M na rin ngayon. At hanggang ngayon, hindi 'ko pa din nakikita si Gabby. Malamang eh nag-lunch muna ako sa isang hindi kilala na kainan. Buti na lang may TV dun at medyo nalilibang 'ko din ang sarili 'ko. Medyo matagal na din akong naghahanap kay Gabby pero kahit anong clue kung asaan siya, wala pa din akong alam.
Naramdaman 'ko naman nun na nag-vibrate yung cellphone 'ko. Syempre, chineck 'ko kung sino yung tumatawag. Nagtaka naman ako nun kasi minsan lang naman tumawag sakin si mama. In-accept 'ko nun yung call.
"Oh. Ma, bakit napatawag ka?" tanong 'ko naman sa kanya.
"Ay anak. Nakalimutan 'kong sabihin sayo..." medyo napatigil naman siya nun kaya nagkaroon ako ng ilang segundong tumingin dun sa TV. Nanlaki yung mata 'ko ng biglang humirit ang isang Breaking News. "...kakadating lang sa Pinas ng kuya mo. At bukas ng umaga pupunta siya dito. Wag 'mong kalimutang umuwi ha? Okay?"
Hindi ako makapagsalita nun. Napa-close fist ako nun. Napatitig na lang ako dun sa TV kung saan pinapalabas ang paglabas ni Kuya sa Airport ng NAIA.
Breaking News:
Patrick Trinidad has arrived!
Too much for the special welcome naman no. Ano namang ginagawa niyang sa Pilipinas at nagpakita pa siya sa mga press?
"Hey Paolo? Nakikinig ka ba?" natauhan naman ako nun sa mama 'ko.
"Ay, opo ma. Sige po. bye" then binaba 'ko na yung phone 'ko.
Tumutok na lang ako dun sa TV para makita ang pagbabalik ng kuya 'ko na nagmana ng halos kalahati ng kayamanan ng mga Trinidad. Siya lang naman ang pinakamatanda saming apat. At siya din ang tumayong tatay ng sumakabilang bahay na yung napakawalang kwenta naming ama. At dahil siya ang panganay, binigay sa kanya ni mama ang lahat ng pribilehiyo na gumawa ng kung anu-anong korporasyon at investments na malamang eh nagpalaki ng kita niya. Badtrip na badtrip ako sa pagmumukha niya. Dahil ako pa din ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Ate Pat.
"Mr.Trinidad? Bakit po kayo bumalik dito sa Pilipinas?" tanong ng isang reporter sa kanya. Ganito ba talaga siya kasikat? Sus.
"Because I have important matters to discuss with my family..." yun ang sagot niya sa reporter. Family pala ha. Nako. Nakakainis talaga eh."Ah. Ganun po ba? So, ano naman po ang mga events na aatendan niyo mamaya or in the following days?" isa pang tanong ng reporter na galing sa ibang istasyon.
"I will be one of the guest of honor sa Live Power Music sa Megamall later. 7 P.M po yun. Please coordinate my Executive assistant for my other events. Thank you" aba, loko talaga 'tong kuya 'ko. Kung makapagsabi ng 'Executive Assistant' eh akala mo anak ng presidente ng Pilipinas.
No comments:
Post a Comment