Tuesday, April 5, 2011

Chapter 43

[Toni's Point Of View]


Nakaupo lang ako nun sa bench habang mag-isang ine-enjoy ang mga bituin na tila kumikinang para lang sakin. Sobrang ganda ng gabi at ang lamig ng simoy ng hangin. Hinahangin nun yung buhok 'ko sa direksyon kung saan nakita 'ko ang isang familiar na lalaki na papalapit sakin.  Sobrang bumilis yung pagtibok ng puso 'ko. Sanhin nito ang pagtayo 'ko. Sa sobrang gulat 'ko ay hindi 'ko maiwasan na hindi lumuha. Bakit pinatagal pa niya? Pupunta din naman pala siya.

"Toni" pagsabi pa lang niya ng pangalan 'ko, parang na-speechless kaaagd ako. Wala akong masabi sa kanya kaya niyakap 'ko na lang siya ng sobrang higpit. Naiinis ako. Bakit napaka-kumplikado ng buhay 'ko?
"Thank you" yun na lang yung nasabi 'ko sa kanya. Masaya na ako sa pagpunta niya lang dito.

Medyo humiwalay naman na siya sakin nun. Siya mismo ang nagpunas ng mga luha 'ko. Parang kinikilabutan ako nun sa pag-touch ng kamay niya sa mukha 'ko. Sobrang sarap sa feeling.

"Bakit ka nagpapasalamat?" tanong naman niya sakin. Sabay kaming umupo nun sa bench. Medyo nahihiya na din ako na magsalita sa kanya. Pagkatapos ng pag-reject 'ko sa kanya, ngayon naman eh eto akong habol ng habol sa kanya.
"Kasi nakilala kita" sabi 'ko naman sa kanya. Hinawakan niya nun yung kamay 'ko. Sobrang lambot ng kamay niya. Sobrang sarap hawakan.
"Totoo ba na ikakasal ka na talaga?" natameme naman ako nun. Sa totoo lang ayaw 'ko naman na talaga kay Dustin eh. Alam 'kong mabilis pero eto na talaga eh. Ano pa bang magagawa 'ko?
"I'm sorry" yun na lang yung nasabi 'ko.

Nagkaroon ng moment of silence. Napa-sigh naman ako nun. Isa lang naman ang dahilan kung bakit ako nakipagkita sa kanya diba? Para maging malinaw na ang lahat.

"I love you" nagulat siya dun sa sinabi 'ko at nahalata 'ko yun. "Kaya kung mahal mo din ako, sabihin mo lang. Kung kaya mo tanggapin ang lahat, sabihin mo sakin. Para mag-back out na ako sa kasal na 'yun. Sabihin mo lang talaga"


Natatakot ako nun sa pwede niyang isagot. Kasi pakiramdam 'ko mamamatay na ako nun kung sabihin niya na nagkamali siya at hindi niya na ako mahal. Masasaktan na naman ba ako? Ayaw 'ko na.

[Gabby's Point Of View]

Nagulat ang lahat sa biglang pag-alis ni Kuya Patrick. Naka-ngite kaming dalawa ni Paolo habang pumupunta sa may dining area. Kainan na din naman kasi eh. Wala naman si Tita nun kasi bigla na lang siyang umalis ng bahay para humabol sa isang meeting.

"Bakit biglang umalis si Patrick?" tanong naman sakin ni Joni. Nagtinginan naman kami ni Paolo nun bago sagutin ni Paolo yung tanong na 'yun.
"May inasikaso lang siya sa kanila ni Toni" mukhang nagulat yung mga tao dun. Hindi 'ko alam kung kinikilig ba sila o ano. Umupo naman na kami dun sa mga upuan at nagsimula na rin kaming kumain.
"Infairness ah. Ang mga taste ni kuya ay mga mas bata sa kanya!" sabi naman ni Ate Paula na nakapagpatawa saming lahat.
"Kaya nga eh. Buti pa si Kuya Paolo at si Ate Gabby, ayos na" napangite naman ako nun samantalang si Paolo naman ay namula pa. "Si Ate Toni at si Kuya Patrick, malapit na. Tapos si Joni at si Ate Paula naman nagiging malapit na." tumingin ako kay Joni na parang diring-diri kay Ate Paula na in love na in love naman sa kanya. "Aba, Kyla! Tayo na lang ang hindi!"
"Ano ba?!!" sigaw naman ni Kyla. Tawa naman kami ng tawa nun. Kung makabanat naman si Yael, wagas!
"Kayo ah!" sabi 'ko naman sa kanila. Well, dyan din ako nagsimula. 14 years old pa lang ako, nagnilandi na agad ako!
"Anyways, Gabby... Bakit ba biglang ikakasal si Toni? Hindi pa nga siya tapos ng college eh" sabi naman sakin ni Ate Paula na parang nakapagpatigil saming dalawa ni Paolo sa pagkain.
"Oo nga. Ano ba kasing nangyari?" tanong naman ni Joni.

Napa-sigh naman ako nun. Tutal naman eh pamilya sila at kaibigan na din naman sila ni Toni, dapat siguro din naman ay may karapatan na rin silang malaman ang lahat.

[Toni's Point Of View]

"Mahal kita kaya sabihin mo lang" sabi naman sakin ni Kuya Patrick. Medyo kinakabahan naman ako nun.

Medyo lumayo naman ako sa kanya para lang mag-ipon ng loob para sabihin sa kanya ang buong katotohanan. Parang nanlalambot nun yung buo 'kong katawan.

"Alam mo ba..." sisimulan 'ko na. Wala na akong pakielam kung ano mang sabihin niya. Basta alam niya na mahal 'ko siya. "...na sobrang sama 'ko... Ang sama 'ko kasi nagawa 'kong saktan si Gabby... Kasi nagkaroon ako ng relasyon sa boyfriend niya nung panahon na yun eh... Si Dustin yun... Hindi lang ako masama, Kuya Patrick! Tanga din ako! Alam mo ba kung bakit? Nagpabuntis kasi ako sa taong yun eh!"

Nanlaki nun yung mata ni Kuya Patrick. Sobrang kinakabahan ako. Iyak naman ako ng iyak sa harapan niya nun. Parang biglang may kumurot sa puso 'ko ng sobrang sakit.

[Gabby's Point Of View]

"Sa totoo lang, nabuntis ni Dustin si Toni" nanlaki yung mga mata nila.
"And in fact, iniwan pa ni Dustin si Toni" dag-dag naman ni Paolo. Parang lahat ng nakikinig saming dalawa eh napatigil sa pagkaen nila.
"A-ano?! Si Ate Toni?! Buntis?! Shocks!" mukha namang nag-aalala talaga si Kyla kay Toni. Well, pare-parehas lang naman kaming nag-aalala sa kanya.
"Omg. Sobrang bata niya. Too bad hindi na niya mae-enjoy yung kabataan niya" dag-dag naman ni Ate Paula.
"Paano kung malaman yun ni Patrick?" tanong naman ni Joni. Napa-sigh na lang ulet ako nun.
"It is for Kuya Patrick's choice pero kung mahal niya nga talaga, tatanggapin niya yun. Diba? Magagawa niya yun kahit na sobrang hirap" naks naman. Mga nalalaman netong si Yael?!
"Oo nga. Na kay Kuya Patrick na lang naman kung gusto niyang masaktan o gusto niyang malunod sa ka-bitteran" Aba, ang mga batang 'to! Daig pa ata kami.

[Toni's Point Of View]

Tinanggal nun ni Kuya Patrick yung kamay niya sa pagkakahawak niya sakin. Lalong bumuhos yung luha 'ko. Bakit ganito yung nangyayari?

"I'm sorry" sobrang nadurog yung puso 'ko. Sobra na akong nahihirapang huminga. Sana panaginip na lang ang lahat ng 'to. Please.
"Kuya Patrick" I said his name as if he was the only thing I need in the world for me to keep on breathing.
"I'm sorry" sinabi niya ulit.

Tumayo siya nun at mabagal niya akong iniwan habang umiiyak ako sa mismong bench na yun. Badtrip na badtrip ako sa sarili 'ko. Sino pa ba ang niloloko mo, Toni!? Sa sobrang kadumihan ng ugali mo, kahit na magbago ka, wala ng tatanggap sayo.

Tinitigan 'ko lang ang pag-alis ni Kuya Patrick. Sobrang hirap na tingnan siya. Gusto 'kong pumikit pero alam 'ko sa sarili 'ko na kahit anong mangyari eh nasaktan pa din ako. Kahit pagbali-baliktarin ang mundo, hindi niya pa rin kayang tanggapin ang totoo. Nakakainis kasi akala 'ko hindi ako masasaktan ng ganito. Akala 'ko mas malaki ang pagmamahal niya sakin. But it turns out to be na mas minahal 'ko na pala siya.

[Gabby's Point Of View]

"Dami niyong alam" pang-aasar 'ko naman nun kay Kyla at kay Yael.

Nagpatuloy naman kami sa pagkaen nun at pagkwe-kwentuhan tungkol sa mga bagay na gusto naming gawin para kay Toni. Syempre as a friend and as a family, gagawin namin ang lahat para sa kanya.

Dun namin na-realize na sobrang tagal ni Kuya Patrick para makabalik. Buti nga nakapaghintay pa nga kaming lahat eh. Nag-aalala na lang naman kasi kaming lahat sa ginagawa ni Kuya Patrick. 11:34 P.M ng sakto siyang dumating. May fake smile siyang dinadala. Alam 'kong peke yun kasi halata naman pero trina-try niyang magpakasaya. May nangyari ba?

"Oh. Bakit ang tagal mo?" tanong naman sa kanya ni Ate Paula.
"Inasikaso 'ko na kasi yung mga tickets natin eh" napatayo ako nun. Sobrang bumilis yung pagtibok ng puso 'ko. Anong tickets? Anong ibig sabihin neto?!

"Ano?" napasigaw nun si Paolo sa kuya niya. At parang namumula na din siya sa sobrang galit. Parang ang sakit ng puso 'ko nun. Paanong tickets?!
"Tickets natin papuntang America. Diba sabi 'ko naman dun na tayo titira?" alam 'ko na ang tinutukoy niya dun ay si Ate Paula at si Paolo na halatang gulat na gulat.

No comments:

Post a Comment