Ine-enjoy 'ko pa nun ang mga moments ng paghawak-kamay namin kaso na-disturb naman yun ng biglang magtawanan yung mga tao sa loob. Napatingin kami ng sabay nun ni Paolo. At dahil dun, hiniwalay na din namin yung mga kamay namin sa isa't-isa. Sobrang lambot nga ng kamay niya at sobrang sarap hawakan. Nakitawa lang naman kami dun sa loob ng makita namin na pinipilit ni Ate Paula na magpa-picture kay Joni pero sobrang asim ng mukha ni Joni. Grabe talaga yung laughtrip eh.
"Joni, diba dito muna kayo matutulog pansamantala?" tanong 'ko naman kay Joni. Medyo umiling naman si Joni nun kaso alam 'ko na wala siyang kawala kay Ate Paula.
"Omg! Dito ka matutulog! Eh di dito na din ako! Together with you, Nicholas!" nakakatawa lang si Ate Paula. Alam niya kaya na bading talaga si Joni? Halata naman, diba?
"Sure. Kung dito ka na lang kaya, Paula para magkakasama na rin tayong tatlo" sabi ni Kuya Patrick kay Ate Paula. Nag-thumbs up agad naman si Ate Paula nun. Ang isip-bata niya pero para sakin, ang cute din naman.
"Masaya 'to. Ikaw, Toni? Gusto mo dito ka muna? Sigurado naman akong papayag yung mama mo" medyo nagulat nun si Toni. Siguro, hindi niya expected yun.
"Sige na, ate Toni" sabi naman ni Yael kay Toni. Medyo naging close na din pala sila. Pero natawa naman ako ng biglang pinalo ni Kyla si Yael sa hita. Mukhang nagseselos yung spoiled brat ah. "Aray naman, Kyla!"
"Ikaw naman kasi eh" nagtawanan na lang naman kami sa dalawang yun. Ang bata pa eh nagninilandi na eh.
"Dali na, Toni!" sabi 'ko naman sa kanya.
"Sige na nga" sabi naman sakin ni Toni.
Nagpatuloy naman kami sa kwentuhan. Naglaro din naman kami ng kung anu-anong board games. Grabe, sobrang saya ng gabing yung para sakin. So inarrange na rin namin yung mga room arrangements.
Kasama 'ko si Toni, Yael at si Kyla dun sa kwarto 'ko. Samantalang si Tita, Kuya Patrick at Paolo ang nandun sa kwarto ni Tita. Si Ate Paula naman eh nagbigay sakin ng request na dun sila sa kwarto ni Paolo kasama si Joni. Syempre, sa sobrang lakas ng trip 'ko, sumang-ayon na rin naman ako sa kanya.
11 P.M na naming napagpasyahan na matulog nun kahit na mukhang hindi pa naman talaga kami inaantok. Pinahiram 'ko muna nun si Toni ng damit. Ang tagal na din naming hindi nakakapag-over night ng ganito. Pumasok na kaming dalawa nun ni Toni sa kwarto at nagkwentuhan lang naman kami ng kung anu-ano.
"Inaantok ka na ba?" tanong 'ko naman kay Toni. Kasi naka-ilang hikab na din siya habang nagkwekwentuhan kami. Wala pa nun si Yael at si Kyla sa kwarto kaya pwede kaming mag-usap ng mga sikreto namin. Haha.
"Uh... Medyo eh" sabi naman sakin ni Toni.
"Uh.. Sige, matulog ka na dyan. Tatawagin 'ko lang si Yael at si Kyla" sabi 'ko naman sa kanya sabay tayo.
"Okay. Good night Gabby" nginitian 'ko lang naman siya. Sinarado 'ko na nun yung ilaw at lumabas muna ako ng kwarto. Nakita 'ko naman nun sa sala na magkausap yung tatlo, si Joni, Yael at si Kyla. Syempre, lumapit naman ako sa kanya.
"Guyssss, kamusta na kayo?" tanong 'ko naman sa kanilang tatlo. Tinabihan 'ko nun si Joni.
"Masaya naman ako" sabi sakin ni Kyla. Ang cute niya talaga. Nakakatuwa. Haha.
"Ako din naman. Enjoy na enjoy ako" masyado din naman halata na masaya si Yael no.
"Well, buti pa kayo. Malapit na ata akong mamatay!" baklang-bakla naman nun yung boses ni Joni.
"Ano bang meron sainyo ni Ate Paula?" tanong 'ko kay Joni. Aba, dapat siyang mag-explain sakin no!
"Kasi ganito yan, nakakachat 'ko siya sa YM at sa facebook. Nagwe-webcam kami ang everything. Tapos yun akala niya siguro lalaki ako. Tapos sabi niya sakin this last days na in love siya sakin. and omg! Pumunta siya sa Pilipinas para lang hanapin ako! Then bigla 'ko siyang nakita sa may village namin. Dun 'ko naisip na pumunta sayo para hindi niya ako makita and hindi 'ko naman inakala na kapatid niya pala si Paolo at si Mr.Trinidad?! Duh!" tawa kami ng tawa nila Kyla nun habang nagkwekwento si Joni. Ibang klase kasi yung expression niya eh.
"Wag nga kayong tumawa!!!" sigaw naman ni Joni.
"Kasi naman Joni?!! Nakakatuwa ka?! Baka magpakalalaki ka na dyan kay Ate Paula?! Cute naman siya ah!" sabi naman ni Yael sa kanya.
"Oo nga Joni?!! Bagay kayo, infairness" tawa lang naman ako ng tawa. Hindi 'ko aakalain na masasaksihan 'ko ang pag-usbong ng pagkalalaki ni Joni.
"Ano ba kayo?! Hindi kami talo?! Duh" sabi ni Joni with his gay accent. "Tsaka nakakadiri talaga. Ang gulo niyang matulog. Buti nga nakalabas pa ako sa kwarto na yun eh! Si Gabby naman kasi eh?!!"
"Sorry naman?!! Pero bagay kayo ni Ate Paula ahhh!!" lalo lang kaming nagtawanan nun.
"Shocks!! Aalis na kami dito bukas, Gabby!! Promise!!" sabi naman ni Joni kaso bigla naman siyang kinontra ng alaga niyang si Kyla.
"Anong aalis?! Okay na kaya ako dito?! Umupa na lang tayo dito, Joni!" nagulat ako dun sa sinabi ni Kyla pero halata namang gumuho na ang mundo ng manager niya na si Joni.
"Oo nga. Dito na lang tayong lahat. Papayag naman si mama kasi kilala niya kayo tsaka at least kasama natin dito si Ate Gabby" ang sweet talaga ni Yael kahit kelan oh. Kinurot 'ko naman nun yung malambot niyang pisngi. Ang cute cute talaga eh.
"Tsaka andito si Mr.Trinidad?!! baka kunin niya pa 'kong artista dun sa bago niyang channel no?!" mukhang joke lang naman yun ni Kyla pero hindi natin siya masisi kasi gusto niya talaga sumikat. Parang nag-sparkle pa nun yung mga mata ni Joni pero mukhang alanganin pa din dahil kay Ate Paula.
"Oo nga Joni. Pumayag ka na. Mas masaya 'kung dito na lang kayo" sabi 'ko naman kay Joni na mukhang naguguluhan na.
"Sige na Joni!" gamit ang convincing powers ni Yael, mukhang umaamo naman na ang mukha ni Joni.
"SIGE NA! MASYADO NIYO AKONG PRINE-PRESSURE EHHHH!!!" sabi naman ni Joni. Nagtawanan na lang naman kaming lahat. Sobrang saya neto kung lahat kami nasa iisang bahay lang.
"Tutal naman may isa pang room kaso medyo madumi pa yun. Lilinisin 'ko na lang bukas" sabi 'ko naman sa kanila.
"Ang sakit niyo sa ulo?! Kaloka! Matulog na nga kayo!" lalo lang kaming natawa nun. Sabay-sabay naman kaming tumayo nila Kyla at Yael nun.
"Okay Joni?! Good night!" sabi naman ni Kyla. Nagbeso-beso naman sila ni Joni nun at sabay-sabay na din kaming tatlong pumasok ng kwarto.
[Toni's Point Of View]
Inaantok naman na talaga ako nun kaso bigla 'kong nakitang umilaw yung cellphone 'ko. Tiningnan 'ko naman kung sinong nag-text baka kasi mamaya kung anu-ano pa tanungin ni mama. Alam mo naman yun, defensive na sakin magmula ng mangyari yung kay samin ni Dustin. Well, ayoko ng isipin si Dustin. Sakit lang siya sa ulo. Kaso napangite naman ako ng nakita 'ko kung sino yung nag-text sakin. Parang nagising yung buong diwa 'ko.
From: Kuya Patrick
Good night :)
AYYYY. Grabe naman talaga. Wala na akong pake sa age gap, okay? Hahahahaha. Ilang oras lang ba ang nakalipas, aba meron na nga ata akong crush sa kanya. Ang gaan ba naman kasi kausap. Pwede na din bang dito ako tumira?! Hihihihi. Landi 'ko po. Dyusko. Haha.
To: Kuya Patrick
Good night din po :)
"Wag kayong maingay. Tulog na si Toni" bulong naman ni Gabby dun sa dalawa. Sobrang bait niya talaga. Napapangite naman ako ng bahagya nun. Dahil na din kay Gabby at kay Kuya Patrick.
Naramdaman 'ko naman nun na tumabi sakin si Gabby nun at halata namang nakatulog din naman siya kaagad. Aba, isang bagsakan lang ah. Yung dalawa naman eh naglatag lang ng comforter dun sa baba. Mukhang tulog na din. Grabe ha. Si Yael at si Kyla magkasama sa isang kama, kinabahan ako sa kanila. Ayaw 'kong matulad sila sakin na nasisira na ang pagkatao. Tsk. Pero mukha namang wala silang gagawing masama kasi parang magkapatid lang naman sila. Sana ganyan na lang yung lalaki na makakasama 'ko panghabang buhay no. Yung responsable at maayos.
[Paolo's Point Of View]
BADTRIP. ALAM NIYO YUNG BADTRIP, ETO YUN EH. Ayaw akong patulugin ni kuya. Nakakainis naman. Putek. Ang bakla talaga ng kuya 'ko. Kinikilig daw kasi nag-text back daw sa kanya si Toni. SIGE, PARANG TIMANG LANG. Kanina lang nakilala eh, nagninilandi na. Ang tanda-tanda na tapos ganyan pa. ISTORBO SA PAGTUTULOG. Tulog na tulog naman agad si mama. Mukhang hindi niya kami nairirnig ni kuya kasi naka-ear plugs pa siya nun.
"Grabe Paolo. Bakit hindi mo sakin pinakilala 'to?!" tanong naman sakin ni kuya.
"Alam mo kuya, ang bakla mo!" sabi 'ko naman sa kanya. Medyo natatawa din naman ako sa kanya. Hindi 'ko akalain na may oras din pala siya para maghanap ng chicks.
"Bakit ba?! Ikaw din naman kay Gabby ah" sabi naman niya sakin. Palagi na lang niya akong blina-black mail kay Gabby eh.
"Eto si kuya eh. Parang ngayon lang nagkaroon ng babae" parang ako naman ngayon lang din eh. Makapagsalita naman ako no.
"Sus. Wala kang alam. Anong tingin mo sakin? Hindi matinik sa chicks?" nagulat naman ako dun sa sinabi ni kuya and at the same time, eh natawa na din ako sa mga kilos niya.
Nakita 'ko naman nun yung tinext ni Kuya kay Toni at pusang galis, SOBRANG LANDI. Hahaha.
To: Toni
Antok ka na ba? :)
"Ang landi mo, kuya" sabi 'ko naman sa kanya pero tinawanan niya lang naman ako. Medyo napaisip ako dun sa huli niyang sinabi. Meron na nga kayang naging ex si kuya?
Mabilis naman na nag-reply si Toni at pusang galis, SOBRANG LANDI DIN. Hahahaha.
From: Toni
Hindi pa po :) Ikaw po?
"Panis. Alam 'kong antok na 'to kaso nag-text ako kaya hindi na" ang hangin ni kuya grabe. Tinawanan 'ko lang naman siya at nagpatuloy sa pagtingin sa screen ng cellphone niya.
To: Toni
Labas ka :)
"Kuya, nagkaroon ka na ba ng GF?" tanong 'ko naman kay kuya. Naks naman. First time naming mag-usap ng ganito.
"Ako ba tinatanong mo?" AY HINDE! Yung pader?! Kuya 'ko kasi yung pader eh?! Pwede yun?! Sige. Pader, nagkaroon ka na ba ng Gf?!! Malamang, ikaw diba?!
"Di nga?" pagpilit 'ko naman sa kanya.
"Oo naman. Isa" sabi niya sakin. Medyo nagulat naman ako dun. Binuksan niya yung bagong text na padala sa kanya si Toni. At ako naman etong nakitingin. Haha.
From: Toni
Ok lng po :) Ge. Bakit po muna?
"Oh? Sino?" tanong 'ko naman sa kanya.
"Sa States pa yun. Sharmaine yung pangalan niya. Secretary 'ko siya pero nag-resign na rin naman siya nung na-engage siya" sagot naman niya sakin habang tina-type yung sunod na irereply niya kay Toni.
To: Toni
Wala lang :) Kwentuhan tayo
"Ilang months kayo?" tanong 'ko naman sa kanya.
"2 years kami, bunso" sabi niya sakin. Nagulat ako dun. Nag-break sila sa ganung katagal na relasyon. Sobrang sayang naman.
"Eh bakit nagbreak kayo?" sobrang nagiging chismoso na nga ata ako ah.
"Nagmahal na siya ng iba eh" ewan 'ko kung malungkot nun si kuya pero nakangite pa din siya. Ang galing niya pa ding magdala ah.
"Ganun ba? Kasal na siya?" tanong 'ko naman.
"Hindi pa. Malapit na ata eh. At dito sa Pilipinas yung kasal niya. Sabi niya sakin dati invited pa din daw ako kahit anong mangyari" direktang sinabi sakin ni kuya. Hindi 'ko akalain na may magmamahal kay kuya. Haha. Ang sama 'ko no?
"Nasaktan ka ba?" tanong 'ko habang binubuksan ni kuya yung reply ni Toni sa kanya.
From: Toni
Ok po :) Lalabas na 'ko.
Bago pa man niya buksan yung pintuan, tumingin muna siya sakin para sagutin yung huling tanong 'ko sa kanya.
"Oo, nasaktan ako. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na 'ko magmamahal ulit" nginitian 'ko na lang naman si kuya nun. Binuksan niya ng dahan-dahan yung pintuan at lumabas na din siya ng kwarto.
No comments:
Post a Comment