Hindi ako makapagsalita. Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. Pakiramdam 'ko nun lumulutang ako. Naiinis ako sa sarili 'ko. Bakit ba ganito ang response ng katawan 'ko sa mga nagawa ni Dustin para sakin? Ibang klase talaga. Ayaw 'ko ng balikan yung mga mapanloko niyang pambobola at panloloko. Kasi alam ko na sa huli, ako pa rin ang talo. Alam 'ko na sa huli, ako pa din ang masasaktan.
"Gabby. Please. Wag kang umalis. Pakinggan mo muna ako" narinig 'ko ulit yung boses niya. Narealize 'ko nun na nasa kabilang pader lang siya ng pader na nasa kanan 'ko ngayon. Nangingig at garalgal yung boses niya. Halata din sa boses niya na galing lang siya sa iyak.
"Alam 'kong gago ako, Gabby. Pero gusto 'kong malaman mo na nagkamali at nagsisisi ako sa mga nagawa 'ko sayo. Mali ako na pinili 'ko talaga si Toni. I'm still not over you, Gabby. Totoo na 'to" napatigil yung buong mundo 'ko nung sinabi niya yun. Lalong nanginig yung buong katawan 'ko. Alam 'kong hindi 'to totoo eh. Napagpasyahan 'ko na pumasok na lang sa bahay pero tila ayaw gumalaw ng mga paa 'ko. Gusto 'ko pang marinig yung boses niya.
"And dun sa fact na nabuntis 'ko si Toni. Grabe. Yun na talaga ang final na pagkakamali 'ko. Sobrang pinagsisihan 'ko yun. Gusto 'kong tumakas pero sabi 'ko sa sarili 'ko, kailangan 'kong panagutan yun. Kailangan 'kong harapin yung problema 'ko" dugtong naman niya sa mga sinabi niya. Nahihirapan na akong huminga nun. Badtrip.
"At gusto ko sana. Kung haharapin 'ko yun, may kasama ako" nanlaki yung mata 'ko nun. "At ikaw lang ang naiisip 'ko na pwede 'kong makasama. Gusto kitang makasama, Gabby. Narealize 'ko na hindi ko kayang mabuhay ng wala ka" Hindi 'ko alam kung anong sasabihin 'ko. Nagmimistulang wild animal yung puso 'ko nun.
"Gabby, kailangan 'kong umalis dito. Kailangan 'ko munang magpakalayo-layo. May favor lang sana ako" sabi niya. "Bibigyan kita ng limang araw para makapagisip. Sa Friday, maghihintay ulit ako sa labas ng bahay niyo. Samahan mo ako. Gusto 'ko munang lumayo" Nagulat ako dun sa mga sinasabi niya. Gusto niya akong umalis kasama siya.
"Alam 'kong ten percent lang ang chance 'ko na sumama ka sakin pero I will risk it. Mahal pa rin kita, Gabby. Sobrang mahal at hindi ko kaya na mawala ka. If you still feel the same way, wag na tayong maglokohan. Magpakalayo-layo na tayo." sabi niya sakin.
Pagkatapos nun, hindi na siya nakapagsalita. At ako din naman etong super speechless. Nakarinig ako ng paggalaw ng motor. Siguro, yun yung motor niya. Dahan-dahan akong napasandal sa pader.
"Dustin..." bumulong ako sa sarili 'ko. May tumulong luha galing sa right eye 'ko pero mabilis 'kong pinawi yun. Hindi 'ko alam kung magiging masaya ako o ano. Pero natutuwa ako na narealize niya yung mga bagay na yun. Mahal pa nga ako ni Dustin.
Napagpasyahan 'ko nun na pumasok na din sa bahay 'ko. Nagulat naman ako ng makita 'ko si Paolo na nakaupo sa sofa. Pakiramdam 'ko hinihintay niya ako.
"San ka galing?" tanong niya sakin. Pinilit 'ko nung ngumite para hindi niya ako pagdudahan.
"Uh... Sa labas lang. Nagpahangin lang ako" sabi ko sa kanya ng may pilit na ngite.
Medyo napatigil naman siya nun. Tumayo siya nun at naglakad papunta sakin.
"Wag ka ng ngumite kung pilit lang" nagulat ako dun sa sinabi niya.
Pero mas nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko tapos parang bumagal yung pagtakbo ng panahon. Tapos parang hinahangin nun yung puso 'ko. Ibang klase din yung feeling ng pagyakap niya sakin. May kakaibang sensation na hanggang ngayon, hindi 'ko ma-decipher kung ano ba talaga.
"Gusto pa kitang maintindihan. Gusto pa kitang makilala. Kaya wag mo muna akong iwanan ngayon" bulong niya sakin.
"Uh... Ha?... Ano?"
Lalong bumilis yung pagpintig ng puso 'ko. Si Paolo. Anong meron sa kanya ngayon? Hindi 'ko siya maintindihan. Dahan-dahan siyang humiwalay sakin nun.
"Sige. Goodnight" sabi niya sakin at mabagal din siyang pumasok sa kwarto niya.
Napahawak ako nun sa puso 'ko. Hanggang ngayon, ang bilis pa din ng pagtibok ng puso 'ko. Dahil ba 'to kay Dustin o dahil kay.... Paolo?
Ang hirap makatulog ng gabing yun. At sa mga lumipas na araw, nahirapan akong mag-decide para sa sarili 'ko. Sino bang mas matimbang, si Dustin o si Paolo? Syempre, si Dustin. Pero ayaw 'kong iwan si Paolo eh! Naguguluhan na talaga ako sa sarili 'ko. Hinanda 'ko na din yung mga gamit 'ko para kapag magbago man ang isip 'ko eh, may dadalhin agad ako na gamit. Tinago 'ko na lang yun sa ibaba ng kama 'ko para hindi makita ni Paolo kapag napasok siya sa kwarto 'ko. Pero napansin 'ko din naman na unlike dati, hindi na nga talaga siya napasok sa kwarto 'ko. Nadi-disturb tuloy ang diwa ng katawang lupa 'ko.
[Toni's Point Of View]
Halos dalawang araw na nung malaman ni mama at ni papa na nabuntis na ako ni Dustin. Hindi 'ko akalain na mangyayari 'to sa sobrang ikli ng panahon. Nakipagkasundo sila sa mga magulang ni Dustin na dapat na kaming ipakasal. Ang bilis ng pagpintig ng puso 'ko habang papasok yung nanay at tatay ni Dustin and Dustin itself sa sala namin.
Nakita 'ko nun na may pasa siya malapit sa left part ng labi niya. Siguro, mula 'to sa tatay niya. Peaceful naman yung aura niya pero hindi 'ko mapigilan na mapaluha kapag nakikita 'ko si Dustin na tila wala ng natirang pagmamahal para sakin. Sobrang sakit.
"Pumapayag na ba talaga kayo na ipakasal si Toni at si Dustin?" tanong ng mama 'ko sa papa ni Dustin.
"Masyadong mabilis pero pwede natin yang pag-usapan" sagot ng papa ni Dustin.
"Pero mas nararapat na sa West muna sila ipakasal" dagdag naman ng mama ni Dustin.
Tiningnan 'ko si Dustin na mukhang napipikon na sa pinaguusapan ng mga magulang namin.
"Siguro nga ay pwede na yun. Pagusapan na lang natin ang ibang detalye kapag napapayag na natin ang mga bata" sabi naman ni papa.
"Hindi ako pumapayag" biglang sinabi ni Dustin. Pinigilan 'kong umiyak nun. Grabe, nakakainis talaga eh. Mukhang nag-init din naman ang dugo ng mga magulang 'ko sa sinabi ni Dustin.
"Anong hindi ka pumapayag?! Binuntis-buntis mo yung anak ka tapos ganyan ka!" sinigawan siya ng mama 'ko.
"Hindi 'ko kasalanan yun" sagot naman niya. Walang respeto talaga kahit kelan.
"Kahit anong gawin mo, dapat mong panagutan ang anak ko!" sigaw ulit ni mama.
Hindi na nagsalita nun si Dustin. Sinipa niya nun yung lamesa na nasa harapan namin pareho at mabilis niyang tinahak yung pintuan. Binuksan niya agad nun at lumabas siya kaagad na may kasama pang mabigat na pagsara ng pintuan.
Hindi 'ko mapigilang umiyak nun. Bakit ba ganun si Dustin?! Hinawakan ni mama nun yung likod 'ko at triny niya na i-comfort ako. Nagso-sorry naman nun yung mga magulang ni Dustin sa inasal ng anak nila pero sa ngayon, wala na akong pakielam dun. Sobrang hirap na hirap na ako. Sana hindi na lang 'to nangyare.
[Dustin's Point Of View]
Lumabas ako ng kwarto nun. Ayaw 'ko naman talaga ipakasal kay Toni eh at gagawin 'ko ang lahat para hindi mangyari yun. Nandun lang ako sa labas nung bahay nila Toni at sinandal 'ko lang yung sarili 'ko pader. Naalala 'ko nun si Gabby. Paano kung hindi siya pumayag? Ano ng mangyayari sakin? Naramdaman 'ko naman na nag-vibrate yung cellphone 'ko. Tiningnan 'ko naman kung sino yung tumatawag. Nakita 'ko yung pangalan ni Gabby. Sobrang kinabahan talaga ako at pakiramdam 'ko sobrang nanlamig ako.
Ina-accept ko yung call niya. At pinakinggan 'ko yung kung ano mang sasabihin niya.
"Dustin..."
[Gabby's Point Of View]
Binigkas 'ko nun yung pangalan niya. Hinihintay 'ko yung boses niya pero ang tanging paghinga lang niya ang narinig 'ko. Wala naman talaga akong gustong sabihin. Gusto 'ko lang talaga na marinig ulit yung boses niya. Halos isang minuto na walang nagsasalita saming dalawa. Kaya in-end niya na lang yung call.
Napasigh naman ako. Bakit hindi pa siya nagsalita? Gusto 'ko lang naman manigurado na hindi niya pinagsisisihan yung mga sinabi niya sakin nung isang gabi.
[Dustin's Point Of View]
In-end ko na lang yung call. Hindi ako makapagsalita. Sobra akong nahihiya na ipakita ang sarili 'ko sa kanya tapos ngayon, nahihiya na din ako na makapagsalita sa kanya. Ang laki nga talaga ng kasalan 'ko sa kanya.
No comments:
Post a Comment