[Paolo's Point Of View]
Hindi na kami nagkakaroon ng matinong usapan ni Gabby magmula nung gabing yun. Totoo naman yung mga sinabi 'ko sa kanya eh. Pero hindi 'ko rin talaga maintindihan yung sarili 'ko kung bakit ko biglang sinabi yun. Para naman makapatay lang ng oras, napagpasyahan 'ko na pumunta muna sa pinakamalapit na pasyalan dun. Gusto 'ko lang makasimoy ng masarap na hangin at syempre, gusto 'ko ring kumaen. Haha.
Ayaw 'ko na din munang pumunta sa bahay ni Gabby. Ang weird ng atmosphere eh. Forever na atang nakalock si Gabby dun sa kwarto niya. Hindi ko rin naman siya madisturb dun kasi nahihiya ako. Ewan 'ko ba. Nawe-weirdohan din ako sa sarili 'ko.
Tumambay naman ako sa may Starbucks dun. Matagal na din akong hindi nakakapag-starbucks eh. Buti na lang may iniwan na pera si mama sakin. Palagi nga siyang wala dun sa bahay eh. Yan tuloy, wala kami masyadong bonding moments. Napasigh naman ako at sinimulan ng inumin yung Frappé na inorder 'ko.
[Toni's Point Of View]
Pinagusapan lang nun ng mga magulang namin ni Dustin yung plano sa kasal namin pero ayaw 'ko ng makinig. Paano kung hindi ako siputin ni Dustin, diba? Masasaktan na naman ako. Ayaw 'ko ng umasa. Tumayo naman ako nun. Halatang nagulat silang lahat sa kinilos 'ko.
"San ka pupunta, Toni?" tanong sakin ni mama.
"Uuna na ako, Ma. Siguro papahangin lang ako. Kakain na din po ako. Maiwan 'ko na po kayo. Salamat po" sabi ko naman sa kanila at mabagal akong umalis sa kwarto na yun.
Nakita 'ko nun si Dustin na nakasandal lang sa pader. Napatigil ako nun. Nakipagtitigan ako sa kanya kahit alam 'ko na ako ang unang matutunaw. Hindi ako nakapagsalita sa kanya. Alam 'kong hindi niya rin naman ako kakausapin eh. Linagpasan 'ko na lang siya na parang hangin pero sa pagtalikod 'ko sa kanya, hindi 'ko na kinaya ang bigat ng luha 'ko. Napaiyak na lang talaga ako.
Walking distance lang mula sa bahay namin ang pinakamalapit na pasyalan sa subdivision namin. Pumunta ako dun para lang makapagbigay ng oras sakin na mag-relax. Ang dami-dami ng nangyare sakin. Siguro kailangan 'ko na rin naman makalanghap ng fresh air.
Naglakad-lakad lang ako nun paikot sa park habang pinupunasan 'ko yung mga luha 'ko. Ayaw 'ko ng umiyak ng dahil kay Dustin. Grabe, ang swerte ni Dustin. Ang daming umiiyak dahil sa kanya. Ganun ba talaga siya kagago para magpaiyak ng babae? Ugh. Napagpasyahan 'ko naman nun na pumasok muna dun sa Starbucks na madalas 'ko naman talagang tambayan.
Sa pagbukas 'ko ng pintuan, nakita 'ko kaagad ang isang familiar na lalaki. Naka-blue siya na t-shirt at naka-pants lang habang suot ang isang sobrang astig na sapatos. Napatitig ako sa taong yun. At dun 'ko narealize na siya yung kaibigan ni Gabby na nag-rent nung two-storey building sa bahay ni Gabby. Syempre, nag-back din naman ako sa reality nun, umorder ako ng hot coffee muna pansamatala para painitin yung katawan 'ko.
[Paolo's Point Of View]
Busy naman ako dun sa pagsa-soundtrip habang iniinom 'ko yung frappé 'ko. Nagulat naman ako ng biglang may babae sakin na nakamini skirt at nakasuot ng isang sleeveless na top na lumapit sakin. Tiningnan 'ko yung babaeng yun at nakita 'ko si Toni. Yung mang-aagaw na bestfriend ni Gabby. Iba nga talaga siya kay Gabby. Hindi 'ko maimagine si Gabby na makapagsuot ng tulad sa suot ni Toni ngayon.
"Can I have a seat with you?" tanong niya sakin. Nagulat naman ako dun sa sinabi niya. Eh first time namin na makapagusap ng ganito. Ang tanging naalala 'ko lang ay nung "accidentally" 'kong tinapon kay Dustin yung iced tea. Ang saya 'ko nun.
"Sure" mahirap naman kung tatanggi pa ako diba. Dahan-dahan naman siyang umupo dun sa upuan sa harapan 'ko.
"Alam 'kong wala pa tayong formal na introduction. Pero I'm Toni." sabi niya sakin habang hinahaloniya yung coffee niya.
"Ah. Oo nga. Ako si Paolo" sabi 'ko naman sa kanya.
Nagkaroon ng katahimikan between samin. Ayaw 'ko naman na ako yung unang mag-open ng topic. Ayaw ko rin naman siyang kausap eh. Pakiramdam 'ko walang thrill. Haha.
"Uh... Ikaw yung friend ni Gabby, diba?" tanong naman niya sakin.
"Oo. Ako nga" nagulat naman ako ng bigla siyang ngumite sakin. Pakiramdam 'ko naman nun may bagay na mali sakin. Bigla niyang rineach out yung kamay niya sakin tapos hinawakan niya yung mukha 'ko. May pinunasan siya nun sa parte ng mukha 'ko na malapit sa labi 'ko.
"How cute" biglang niyang sinabi.
"Ay sorry" kumuha ako nun agad ng tissue at pinunasan 'ko yung labi 'ko. Nakaramdam naman ako nun ng awkwardness na parang inis na ewan. Ramdam na ramdam 'ko agad yung aura ng pagkalandi eh. Sobrang layo sa aura ni Gabby na isip bata. Mas gugustuhin 'ko pang sumama kay Gabby kesa sa sobrang dangerous na babaeng 'to.
"Anyway, alam mo naman yung nangyare samin ni Gabby diba?" nagulat ako dun sa sinabi niya.
"Uh... Oo" yun na lang yung nasabi 'ko.
"Ako yung mali dun eh" nanlaki yung mata 'ko nung sinabi niya yun. Syempre, hindi 'ko naman kayang sabihin na 'Oo, ikaw ang may kasalanan! Sinulot mo kasi yung boyfriend nung tao eh'. "Nagkamali ako sa mga pinili 'ko. Hindi 'ko dapat inagaw si Dustin sa kanya. Naiinis ako sa sarili 'ko. Grabe" nakita 'ko nun yung mga luha niya na pinipigilan niyang lumuha. Hindi 'ko rin naman napigilan na kunin yung panyo 'ko mula sa bulsa 'ko at binigay 'ko sa kanya yun.
"Gamitin mo" dahan-dahan niyang kunuha sakin yung panyo 'ko sabay sabi ng "thanks"
"Hay. Gusto 'kong mag-sorry kay Gabby. Sobrang miss 'ko na yung times na nagtatawanan kami. Alam 'ko na friend ka niya. Pwede bang tulungan mo ako?" sabi naman niya sakin.
"Kaibigan ka din naman niya Toni eh" sabi 'ko naman sa kanya.
"Pero hindi ko alam kung kaya niya pa akong patawarin" umiyak ulit siya nun at ginamit niya yung panyo 'ko para punasan yung mga luha 'ko.
"Mapapatawad ka ni Gabby. Sigurado ako dun. Sobrang bait niya na minsan tine-take na siya as advantage. Mahilig din siyang magpakatanga. Don't worry. Mapapatawad ka niya" sabi 'ko naman sa kanya but still I'm half-joking nung mga panahon na yun. Nakita 'ko namang ngumite siya.
"sobrang bait nga ni Gabby. As in, sobra. Ang hirap isipin na linoloko ko lang siya. Bilang bestfriend niya, napakawala 'kong kwenta" sabi naman ni Toni pero tila wala ng luha galing sa mga mata niya.
"Maswerte tayo na nakilala natin siya. Kaya sana wag mong sayangin ang lifetime na 'to na hindi mo naibabalik ang kung ano mang pinagsamahan niyo dati" sabi 'ko naman sa kanya.
"Miss na miss 'ko na talaga siya. Yung mga panahon na naglolokohan at nag-aasaran kami. Yung mga panahon na natugtog siya ng piano para sakin. Nakakapag-uplift ng puso. Nakakapang-pakalma. Narinig mo na ba siyang tumugtog ng piano?" bumilis naman yung pagtugtog ng puso 'ko. Oo nga no, hindi 'ko pa siya naririnig na tumugtog ng piano.
"Sa totoo lang, hindi pa" sabi 'ko naman sa kanya at nakita 'kong ngumite siya sakin nun.
"Ibabalik ko sayo yung sinabi mo sakin kanina. Maswerte tayo na nakilala natin siya. Kaya wag mong sayangin ang lifetime na 'to na hindi mo siya nariring na tumugtog ng piano" sabi niya ng nakangite. Napangite din naman ako dahil dun sa sinabi niya.
Nagkakwentuhan kami tungkol kay Gabby ng mas matagal. Hindi 'ko alam kung totoo ba siya o ano pero masaya ako kay Gabby. Masaya ako kasi pwede na silang magkaayos ni Toni. Pagkatapos ng pagtambay namin sa Starbucks, napagpasyahan na din namin na pumasyal muna hanggang mapagod yung paa namin. Halos buong araw din kaming magkasama. Hindi rin naman ako na-bored sa companion niya. Napapangite din naman ako kahit kung makapagjoke din naman siya ay sobra kung umapaw ang kakornihan. Haha.
[Gabby's Point Of View]
Tiningnan 'ko nun yung orasan 'ko. Narealize 'ko na 7 pm na tapos wala pa si Paolo. Nakakainis naman. Gusto 'ko na siyang makita. Nagulat naman ako ng biglang may kumatok na tao sa pintuan. Dali-dali 'kong binuksan yun pero nadismaya ako na isang lalaki lang na nagbibigay sakin ng pizza ang tumabag sa harapan 'ko.
"Ito po ba yung bahay ni Miss Andrea?" ay. Akala 'ko libreng pizza na. Haha.
"Ay hindi po. Siguro po sa likod namin yun. Sorry" sabi 'ko naman ng may ngite. Halatang napahiya naman talaga ng bonggang bongga sakin yung delivery guy.
"Ay sorry po. Sige po. Salamat" sabi naman sakin tapos umalis na din yung delivery guy. Ano ba yan?! Akala 'ko si Paolo na!
Sinarado ko naman na yung pintuan tapos umupo ako dun sa sofa. Nakakainis ah. Gusto 'ko na talagang makita si Paolo. Bakit ba ako nagkakaganito? Narinig 'ko naman na biglang bumukas yung pintuan tapos napangite ako ng makita 'ko si Paolo.
"Paolo!" napasigaw ako kaagad.
"Kumain ka na ba ng hapunan?" tanong naman niya bigla sakin.
"Eh... Hindi pa eh" sagot 'ko naman sa kanya.
"Bakit? Hinihintay mo 'ko?" alam 'kong inaasar niya lang ako eh. Hay nako talaga. Haha.
"Hindi kaya!" pakiramdam ko nun namumula ako. "Wag mo na nga akong asarin. Kumaen na tayo"
"Hindi naman kita inaasar eh. Sa totoo lang, magiging masaya ako kung sinabi mong hinihintay mo naman talaga ako" sabi naman niya sakin.
Ang bilis ng pagpintig ng puso 'ko. Grabe, ibang klase yung nararamdaman 'ko. Bakit ako nagkakaganito? Tinitigan 'ko si Paolo. Lalo tuloy akong nahihirapan na mag-decide.
No comments:
Post a Comment