Tinakpan ni Paolo yung mata 'ko nun. At sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Isa sa mga dahilan ay sa pagkakita ko kay Toni at Dustin. Ang isa naman, ay sa kadahilanan na nare-realize 'ko na sobrang caring at thoughtful ni Paolo sa akin. Napakalma niya ako nun. Halos 5 minutes ding nakatakip yung mata 'ko. Sigurado akong nagtitinginan na samin yung mga tao. Dumating din ang oras na tinanggal na rin niya yung kamay niya sa pagkakatakip ng mata 'ko.
"Oh. Yan wala na" sabi niya sakin na may halong ngite. Pinilit ko nun na mapangite pero... Ewan ko ba. Ang sakit pa din. Pero nagi-improve ata ako ngayon. Hindi ko sila inayakan! "Wag mo na lang silang pansinin! Hindi nila masisira 'tong araw mo." Hinawakan niya nun yung kamay 'ko tapos mabagal kaming naglakad at nakipagsiksikan sa mga tao. Tiningnan ko yung mukha niya na punong-puno ng kasiyahan. Bumilis ulit yung pagtibok ng puso 'ko. Hindi ko talaga alam kung bakit.
Kumaen lang naman kami nun. Trying hard si Paolo nun na patawanin ako. Guilty tuloy ako kasi hindi ako nakikisakay sa kanya. Hay nako. Syempre, napagpasyahan namin na umuwi na nun. At dahil gusto naming magpalipas ng oras, hindi kami nagtraysikel pauwi. Naglakad lang kaming pauwi. Anything's possible naman diba. Haha.
"Hindi ka talaga napapagod no?" sabi niya sakin. Umiling lang ako sa kanya nun. "Ano ba yan. Hindi ka nagsasalita. Ang sarap mong iwanan" pangrereklamo niya sakin.
"Alam mo ba nung tinakpan mo yung mata ko kanina, hindi ko masyado naramdaman yung matinding sakit" sabi ko sa kanya.
"Kaya ko nga tinakpan para hindi mo sila makita eh" pagpapaliwanag niya sakin.
"Eh di kapag naulit yun, palagi mong tatakpan yung mata ko ha?" ngumite naman siya sakin nun tapos inakbayan niya ako habang naglalakad kami.
"Hindi pwede yun. Dapat kaya mo ng kontrolin yung emotions mo" sabi naman niya sakin. Kaso ang hirap naman nung pinapagawa niya sakin.
"Eh. ang hirap nun!" sabi ko sa kanya.
"Magtre-training tayo!" sabi niya sakin. Napangite naman ako nun. Ano namang klaseng training yun? Haha
Humiwalay na siya sakin nun. Medyo nauna siyang maglakad nun. Ewan ko ba. Bigla akong bumagal sa paglalakad. Napatigil siya nun ng tinawag ko siya.
"Sige. Turuan mo 'ko. Basta wag mo 'kong iiwan ha?" sabi ko sa kanya. Nakita 'kong ngumite siya sakin nun. Linapitan niya ako nun at hinawakan niya yung kamay 'ko.
"Oo. Hindi kita iiwan. Promise" ngumite lang ako nun.
Nagsimula kaming maglakad nun ulet.
"Eh paano natin gagawin yun?" tanong ko naman sa kanya.
"Basta ganito" tumigil siya nun. Tapos pinakita niya sakin yung dalawang palm ng mga kamay niya. Napasigh ako nun. "Kapag sa tingin mo sasabog na yung puso mo, paluin mo yung kamay 'ko."
Napatingin ako sa kanya nun. Masakit pa naman akong pumalo.
"Practice tayo!" sabi niya sakin. "Anong nararamdaman mo kay Dustin ngayon?"
"Eh. Wala pa akong maramdaman. Tinakpan mo kasi yung mata ko kanina eh" sabi ko naman sa kanya. Napasmirk lang naman siya nun. Inakbayan niya ulit ako tapos nagsimula ulit kaming maglakad.
"Basta wag kang bibigay kaagad kay Dustin. Wag kang maniniwala sa mga sasabihin niya sayo. Okay?" kaya ko ba yun?
"Yes sir!" yun na lang yung nasabi ko sa kanya kahit walang kasiguraduhan yung mga sinabi 'ko.
Naglakad ulit kami nun. After ilang minutes, nakarating na din kami sa bahay nun. Grabe, pagod na pagod na kami. Halos malapit na ding mag-dinner nun at wala pang pagkaen.
"Gutom na ako!" sigaw ko nun.
"Bumili ka nga sa tindahan! malapit lang naman yun!" ang kapal talaga. Inutusan pa ako!
"Eh. Tinatamad ako" sabay higa dun sa sofa.
"Sumunod ka sakin! Kuya mo ako!" sabi niya sakin.
"Eh. bato bato piks tayo!" naghamon ako sa kanya. Ngumite lang naman siya sakin nun. Nagbato bato piks nga kami. Super effort naman ako sa pag-iisip ng ititira 'ko pero talo ako nun. Dinadaya ako netong si Paolo eh! Haha.
"Oh. Talo ka! Bumili ka na!" nakahiga lang siya nun sa sofa. ang tamad talaga eh.
"Tamad!" lumabas na ako nun sa bahay.
Nagsimula na akong maglakad dun sa pinakamalapit na turo-turo kung saan ako makakabili ng Adobo. Syempre, madali lang naman yun kaya nakabili ako kaagad. Nagpadagdag na din ako ng extra rice dahil alam kong gutom kaming pareho. Haha.
Halos 5 minutes lang yung tinagal 'ko dun sa tindahan. Babalik na sana ako ng bahay 'ko nun ng makita ko si Dustin sa labas ng bahay namin. Sobrang bigat ng puso 'ko nung makita ko siya. Lalagpasan ko na sana siya nun kaso nga lang tinawag niya yung pangalan 'ko.
"Gabby?" napatingin ako sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" pagmamataray ko sa kanya.
"Gusto lang kitang makita" sabi niya sakin. Parang lumambot nun yung puso 'ko.
"B-bakit?" nauutal ako nun.
"Gusto lang kitang kamustahin. Gusto kong makita kung okay ka lang ba o hindi" sabi naman niya sakin. Medyo nainis ako nun. Syempre, hindi ako okay! Hindi pa ba obvious yun?!
"Hindi ako okay. Masaya ka na?" dineretso ko siya nun.
"I'm sorry Gabby. Hindi ko intensyon na saktan ka. Naiipit lang ako sa inyo ni Toni!" nababadtrip ako sa kanya. Siya naman ang dahilan kung bakit kami nasira ni Toni sa isa't-isa.
"Pumunta ka lang ba dito para sabihin sakin yan?! Para ipamukha mo sakin na mas pinili mo si Toni kesa sakin?" napapaluha na ako nun.
"Sorry talaga Gabby. Gusto ko kasing magpakasigurado na naka-move on ka na" Gago.
"Sa tingin mo ba ganun kadali yun?! Magisip ka nga Dustin!" sinigawan ko siya nun. Pakiramdam ko nun sasabog na yung puso ko.
"Hindi ko ipagkakaila sayo Gabby, na may nararamdaman pa ako sayo" parang tumigil nun yung mundo 'ko. Kaso wag kang maniwala Gabby. Maging matigas ka. "At inaamin 'ko naguguluha ako sa inyo ngayon ni Toni. Pumunta ako dito para... para malaman sa sarili 'ko kung sino talaga ang kailangan 'ko"
"Ayoko na!" sumigaw ako nun. Alam ko naman na si Toni yung kailangan niya eh. "Please! Wag ka ng magsinungaling Dustin! Wag mo na akong paglaruan! Ang sakit-sakit na eh! Nakakabwiset ka na! Palagi ka na lang ganyan! Palage mo na lang akong sinasaktan!"
Bwiset. Hindi ako nakapagsalita kaagad. Parang sumabog yung puso ko nun sa mga sinabi sakin ni Gabby. Totoo bang palagi ko na lang siyang sinasaktan. Nababalutan ako ngayon ng guilt feelings. Lumapit ako dun s agate nila. Gusto kong kumatok pero masyado akong nakonsensya. Siguro, dapat na akong lumayo sa kanya kung palagi ko naman siyang nasasaktan.
Bumulong ako sa sarili ko nun. Nagbabakasakali na maririnig ni Gabby.
"Pero ikaw pala ang kailangan 'ko" Ngayon lang ako nagpakatotoo sa buhay 'ko. May mga bagay talaga na kapag nawala lang, dun mo lang mare-realize kung gaano mo sila kamahal at kung gaano sila kaimportante sa buhay mo. Dumadating sa point na kinakailangan mo na sila.
Lalayo na ako sayo Gabby. Kung yan, ang gusto mo. Pero sisiguraduhin 'ko na hindi madadalian si Paolo sayo.
Umalis na din ako nun sa tapat ng bahay nila Gabby.
[Paolo's Point Of View]
Nagulat ako ng binuksan ni Gabby yung gate tapos iyak pa siya ng iyak. Parang tumigil nun yung mundo 'ko. Ayoko na siyang makitang naiyak. Nakakabadtrip. Lumapit ako sa kanya kaagad. Tapos hinawakan ko yung shoulders niya. Tinanggal ko naman at tinabi ko muna yung binili niyang pagkaen para saming dalawa.
"Oh. Bakit ka naiyak?" tinanong ko sa kanya pero hindi siya nagsalita.
Napagtanto ko naman na si Dustin na naman siguro ang iniyakan niya. Bumilis yung pagtibok ng puso 'ko. Pinakita 'ko sa kanya yung dalawa 'kong kamay.
"Paluin mo." sabi ko sa kanya.
Nagsigh muna siya nun habang napapatingin siya dun sa dalawa kong kamay. Naaawa ako sa kanya nun. Iyak na lang siya ng iyak. Sinumulan niya ng paluin yung dalawa 'kong kamay. Nung una, natitiis ko pa naman. Dumadating sa point ng palakas ng palakas na yung palo niya sakin. Kasabay nun ang paglakas din ng pag-iyak niya.
"Ayoko na! Ayoko na! Ang sakit sakit na!" sumisigaw siya nun habang pinapalo niya yung dalawa 'kong kamay.
Hindi ko rin napigilan yung sarili 'ko. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Sobrang pula na nun ng arm at kamay 'ko. At sobrang sakit na din pero wala akong pakialam. Ramdam na ramdam ko pa din yung pag-iyak niya. Niyakap niya rin ako nun pabalik. Halos magusot na yung likod ng damit 'ko dahil halos i-crumple niya yung tela na parang papel. Pero wala pa din akong pakielam.
Ang tagal ng pagkakayakap ko sa kanya nun. Pero pakiramdam ko, walang gustong humiwalay.
"Kuya. Sobrang sakit" sabi niya sakin.
Napasigh na lang ako nun. Gusto 'kong sabihin sa kanya na hindi ako tutulad kay Dustin. Ayos lang sakin na masaktan basta para sa kanya. Hindi ako tutulad kay Dustin na walang pakielam sa kanya. Pero hindi 'ko masabi dahil baka meron siyang masabi. Pero... Pero bakit ko nga ba gustong sabihin 'to? Yun ang hindi 'ko alam. Basta ang alam 'ko...
Mahalaga siya sakin
No comments:
Post a Comment