Friday, April 1, 2011

Chapter 34

[Gabby's Point Of View]


Medyo napangite naman ako nun. Nagagandahan ako kay Ate Summer at hindi 'ko naman akalain na maalala nila si Ate Summer sakin.Overwhelmed lang naman ako. Nagkakwentuhan pa kami ng kaunti nun ni Kuya Patrick tungkol kay Paolo, Ate Paula at Ate Summer. Ang saya nga niyang kausap eh. Medyo late na rin nun ng napagpasyahan naming matulog na. Sa kwarto pala siya ni Tita natutulog. Hanep no? Hindi pa talaga sa kwarto ni Paolo. Halatang hindi magkasundo eh.

Dumating na din naman ang bestfriend 'kong si Mr.Sun. Ang corny 'ko no? Nagunat-unat ako ng kaunti nun para mag-ready sa isang plano mamaya para kay Kuya Patrick at kay Paolo. Tiningnan 'ko yung orasan nun. 7 A.M pa lang. Nagi-improve aga. Sobrang aga ng gising na 'to. Syempre, naghilamos at nag-ayos muna ako ng sarili 'ko. Lumabas naman ako ng kwarto 'ko nun. Nakita 'kong nagluluto ng almusal si Kuya Patrick samantalang nakaupo lang si Paolo sa dining area. Mukhang hinihintay niya yung pagkaen na ginagawa ni Kuya Patrick. Halata namang kakaalis lang ni Tita. Sobrang busy talaga.

"Good morning" sabi 'ko naman sa kanila.

Sabay silang tumingin at ngumiti sakin. Natuwa naman ako dun. Parang may dalawa akong kuya. Isang big happy family na talaga no. Parang akong nasa heaven. Nakakatuwa. Umupo naman ako nun sa upuan sa tapat ni Paolo at naghintay dun sa Egg and Bacon na linuluto ni Kuya Patrick. After ilang minutes lang naman eh, natapos na din yung niluluto niya. Amoy palang, alam 'ko na sobrang sarap na. Siya yung naglagay ng mga plato namin. Parang siyang tatay namin. Ang cute siguro naming tingnan. Hee hee. Parang naman akong tanga e no?

"Oh yan, kumaen na kayo" sabi ni Kuya Patrick at umupo siya sa upuan kung saan katabi si Paolo. Tahimik kaming kumaen nun.
"Tuloy ba mamaya?" Ay, pakipot pa 'tong si Paolo. Halata namang excited. Haha.
"Syempre naman! Mayang before lunch, punta na tayo ng mall, ha?" sabi 'ko naman sa kanilang dalawa.
"Sure! Mukhang excited ka ah" ngumite lang naman ako nun at nagpatuloy ako sa pagkaen.

Lumipas naman ang ilang oras. Nung 10 A.M, napagpasyahan 'ko ng maligo at mag-ayos. Start na ang oplan 'ko para kagkaroon sila ng bonding together. Sinabi 'ko rin naman kasi kay Kuya Patrick na tutulungan 'ko siya para magkalapit sila ni Paolo. Kaya 'ko to! Aja!

Nung natapos na din ako sa lahat ng aayusin, lumabas na din ako ng kwarto nun. Medyo nagulat naman ako ng naka-ayos na din pala sila. Ang cute talaga nilang tingnang dalawa. Sobrang magkamukha sila except sa fact na mas matangkad si Kuya Patrick kay Paolo. Amaze talaga ako sa dalawang kuyang 'to.

"Oh. Ano? Lika na?" sabi naman ni Kuya Patrick.
"Sige!" sobrang energetic 'ko naman nun. Umaabot sa point na nare-realize 'ko na nakakahiya ako pero keri yan! Haha.

Ginamit namin yung kotse ni Kuya Patrick. Ang sosyal tingnan. Silver kasi pero hindi 'ko alam kung anong tawag sa kotse na yun. Anyways, wala naman akong pakielam dun. Basta ang alam 'ko, mahal ang kotseng 'to. Dun naman ako sa back seat. Tinabihan nga ako ni Paolo sa loob, eh dapat nga dun siya sa front seat.

"Dun ka kaya sa unahan" sabi 'ko naman sa kanya. Pumasok na si Kuya Patrick nun sa loob nung driver's seat. Ang astig ng aura niya.
"Ayoko nga!" ang spoiled naman netong si Paolo. Parang bata lang eh.

[Paolo's Point Of View]


May dalawa akong rason para tumabi kay Gabby. Una, ayaw 'kong katabi si kuya. Nakakainis lang eh. Panira ng umaga. At pangalawa, siyempre gusto 'ko namang tabihan si Gabby. Inaamin 'ko naman na sa mga simpleng bagay na 'to eh, "kinikilig" din ako. Kahit na hindi 'ko naman talaga alam kung ano ang word na "kilig". Tsss. Siguro yun yung mga oras na nagpapanggap ang isang lalaki na magpa-cool kahit na sobrang tense na sila kasi katabi na nila yung babae na gusto nila. Katulad na lang ng ginagawa 'ko ngayon. Ang lamig ng aircon pero pinagpapawisan pa din ako. Ang hot kasi ng presensiya ni Gabby. Ano ba 'tong sinasabi 'ko?! Haha.

Dahil hindi naman masyado traffic nun, mabilis kaming nakarating sa pinakamalapit na mall. Nag-park naman si kuya sa isang space na madali rin naming mapupuntahan. Sabay-sabay kaming lumabas sa kotse at malamang eh sabay-sabay na din kaming naglakad papunta sa mall. Sobrang energetic namin ni Gabby. Siguro dahil sa almusal namin ngayon. Anong konek, diba?

"Punta tayo sa Arcade House. Lika, masaya dun!" yinaya naman kaming dalawa ni Gabby.
"Ano ka ba? Pambata lang yun" sabi 'ko naman sa kanya. Nakakahiya naman no. Lalo na kapag kasama 'ko pa 'tong corny 'kong kuya.
"Pumayag ka na nga, Paolo. Baka gusto mong solohin 'ko si Gabby sa Arcade House" pang-aadar sakin ni kuya. Bwiset naman talaga eh. Tamang ipagduldulan 'ko sa mukha yun? Nakita 'ko namang natatawa lang nun si Gabby.
"Ano bang problema mo?" sabi 'ko naman na parang naghahamon ng away kay Kuya.
"Wag ka ngang magpanggap na cool ka dyan. Halata namang kinikilig ka lang eh" hindi naman na ako nakapagsalita nun lalo na nung hinawakan ni Gabby yung kamay 'ko tapos siya mismo ang naghigit sakin papasok dun sa Arcade House. Sumunod na lang samin nun si Kuya.

Naglaro lang naman kami ng kung anu-ano. Parang bata si Gabby. Kapag tuwing nanalo kasi siya sakin, talagang tuwang-tuwa siya. Napapatitig naman ako sa kanya lalo na kapag nakangite siya. Ang dami naming nilaro nun. Halos mabutas na ang bulsa ni Kuya para magpapalit lang ng mga tokens. Nag-basketball kaming tatlo nun sa hiwa-hiwalay na game. At dahil sobrang galing 'ko, ako ang nanalo. WAHAHAHAHA.

Nagkatuwaan talaga kami nung mga oras na yun. Hard to admit, nagkaroon rin ng moment na natuwa ako na kasama si Kuya. Parang lang kaming magkakapatid nun. Nakakamiss talaga. Lalo 'ko lang naaalala kay Gabby si Ate Summer. Siguro magiging masaya din siya kung makilala niya man si Gabby na parang younger version niya.

Nagpahirapan naman kami sa pagkuha nung teddy bear. Sobrang daya naman kasi. Palagi na lang nahuhulog. Parang 34th time na namin 'to. At sa ngayon naman eh, magtra-try si kuya. Baka naman daw kasi maka-tyamba siya.

"Waaaa. Malapit na. Ayan na" sabi naman ni Gabby habang tinitingnan yung Teddy bear na buhat buhat nung parang pang-kuha na metal.
"Ssshhh. Baka mahulog!" sabi 'ko naman. Parang kaming bata nun.
"Malapit na talaga" napangite kami parehos ng hindi nahulog yung teddy bear. Sa wakas, after ilang trials nakasungkit din ng isang bear. Lugi ata kami sa presyo neto ah. Haha. "yes! Ang galing mo, kuya Patrick!"
"syempre!" yabang talaga ni kuya eh. Pero hindi naman na ako napikon sa kanya, natutuwa nga ako kasi hindi 'ko akalain na pwede din palang maging isip bata 'tong kuya 'ko.

Kinuha ni kuya yung teddy bear at inabot niya sakin. Anong tingin niya sakin, bata?! Osige, napikon na ulit ako sa  kanya. Badtrip lang eh. Tsss. Mukhang natawa naman nun si Gabby. Kinuha 'ko ng mabilis yung teddy bear at binigay 'ko kay Gabby yung bear. Parang namumula pa nga ako nun eh. Dahan-dahan namang kinuha ni Gabby yung teddy bear tapos ang cute pa kasi niyakap niya pa yung bear.

"Ang sweet niyo naman!" nagulat kaming dalawa nun sa sinabi ni kuya kaya naman nagtawanan na lang kami. "Bago kayo langgamin dyan. Tara, kumaen na muna tayo!" parang nagbago yung ugali ni kuya. Uma-astig siya ngayon ah. Nakiki-uso na ba talaga siya? Haha.

Sumunod lang naman kami sa kanya sa Pancake House. Dun naman kami kumaen, nagtawanan at nagkwentuhan. Sa gitna naman ng kwentuhan eh biglang linabas ni Gabby yung cellphone niya kaya medyo napatigil kami. Halata 'ko nga na mabilis siyang kumaen ngayon kasi ubos niya kaagad eh.

"Ay, may iche-check lang ako ha? Yung kaibigan 'ko kasi andito sa mall eh. Titingnan 'ko lang ha? Maiwan 'ko muna kayo ha" sabi naman niya samin.
"sure" sabi naman sa kanya ni kuya.

Tumayo siya nun tapos lumabas siya ng Pancake House. Ang awkward naman ng feeling nun kasi pakiramdam 'ko nawala yung referee namin ni kuya. Haha.

"Uh.. So, kamusta?" nagulat ako dun sa tanong ni kuya. Ngayon niya lang ako kinamusta.
"Uhm... Okay naman. Ikaw ba?" nakakaramdam naman ako ng awkwardness. Nagtitinginan samin yung mga tao dun sa Pancake House. Hindi 'ko alam kung dahil ba sikat si kuya o sobrang gwapo 'ko lang talaga. O baka naman iniisip nila na nagde-date kami dito. Langhiya nila kung yun nga ang iniisip nila. Gusto nilang mabasag yung panga nila?!
"Masaya naman ako. Hindi 'ko akalain na meron akong second Summer na makikilala sa pagbalik 'ko dito" alam 'ko na agad nun na si Gabby yung tinutukoy niya.
"Si Gabby?" tumango na lang naman si Kuya nun.
"She really reminds me of our sister." nakangite niyang sinabi at sumasang-ayon naman ako dun.

Maya-maya naman eh biglang tumunog yung cellphone 'ko. Tiningnan 'ko naman kung sino yung nagtext. Si Gabby lang naman pala. Pero nanlaki yung laman 'ko ng makita 'ko yung laman ng text niya sakin.

From: Gabby
enjoy kayo dyan!
iniwan 'ko na kayo! :P
INGAT. MWAH!


Nainis naman ako dun except sa part na may 'MWAH'. Badtrip naman kasi. Tamang iwanan kami? Anong klaseng set up naman 'to?!

"Shit" yun na lang ang nasabi 'ko.
"Oh. Bakit? Anong problema?" tanong sakin ni Kuya. Pinakita 'ko naman sa kanya yung text ni Gabby pero ang tanging ginawa niya lang ay ngite at tumawa. "Nice one talaga, Gabby. So, lika na bunso. Solo kita ngayon"

[Gabby's Point Of View]

BWAHAHAHAHA. Alam 'kong sobrang badtrip na sakin ni Paolo sa mga oras na 'to. Ramdam na ramdam 'ko na dindemonyo na 'ko sa isip niya. Kaso wala siyang magagawa. Nasa jeep na ako pauwi na sa may subdivision namin. Bago pa naman ako umuwi, naisipan 'ko muna na tumambay sa part. Pampatay lang ng oras.

Umupo muna ako sa isang bench. Naalala 'ko nun si Toni. Kamusta na kaya siya? Kamusta na rin kaya yung baby niya no? Natutuwa naman ako kasi parang ang ganda ng takbo ng buhay 'ko ngayon. Siguro nagkakaroon ng masayang time together si Kuya Patrick at Paolo. Bigla namang nag-vibrate nun yung cellphone 'ko. Unknown number pero in-accept 'ko na din.

"Hello?"
"Gabby! Si Joni 'to. Kailangan namin ng tulong, girl!" natataranta naman nun si Joni. Tamang-tama. Miss na miss 'ko pa naman na sila.
"Anything. Ano yun?" tanong 'ko naman sa kanya.
"Pwede bang tumira muna kami sa bahay mo? Please, kailangan lang talaga!" nagulat naman ako dun sa sinabi ni Joni.

No comments:

Post a Comment