Sunday, April 3, 2011

Chapter 40

[Gabby's Point Of View]


Mukhang hindi pa ata sasagutin ni Toni yung tanong 'ko kasi sobrang tagal pa niya bago magsalita at mukhang hindi rin siya makatingin sakin ng diretso. May tinatago na kaya sakin ang bestfriend 'ko?

"Toni? Okay ka lang ba?" tanong 'ko naman sa kanya. Mukha kasing bothered siya ng bonggang-bongga.
"Okay lang ako. It's just that..." hindi niya maituloy yung dapat na sasabihin niya sakin. Hinawakan 'ko nun yung kamay niya para i-comfort siya.
"Bakit? May problema ba?" maya-maya naman eh may nakita na 'kong mga luha mula sa mga mata niya. Medyo nataranta ako nun kasi ibig sabihin lang nun ay may problema nga siya.
"Kasi Gabby... Nakakainis talaga eh" parang siyang bata nung mga panahon na yun.
"Ano bang nangyari?" tanong 'ko naman sa kanya at sana naman ay sagutin niya para makatulong ako sa kanya. After all, bestfriend niya pa din naman ako kahit anong mangyari eh.

[Paolo's Point Of View]


"Sige. Iiwan 'ko muna kayo diyan, ha" sabi naman sakin ni Sharmaine sabay lumabas na siya  dun sa kwarto at sinarado niya ng maigi yung pintuan. Dun ako nag-sigh. Mukhang lasing na lasing nun si kuya. Hindi naman pala siya nagtrabaho eh, umalis lang siya para makalimot ng isang problema. Akala naman niya effective. Loko-loko talaga eh.

"Oh. Ano ba kuya ang ginagawa mo, ha?!" tanong 'ko naman sa kanya. Nakita 'ko siyang ngumite nun. Anak ng kambing talaga eh. Pangite-ngite na lang eh. Sarap kayudin ng mukha.
"Naks naman. Nag-aalala ka sa 'kin, bunso!" sabi naman niya sakin. Ano bang tingin niya sakin?! Nagjo-joke?!
"Gusto mo bang masapak kita, kuya?! Para na din magising ka sa sarili mo!" sigaw 'ko naman sa kanya. Napagpasyahan 'ko naman nun na maging mahinahon muna. Umupo ako sa tabi niya dun sa kama at nag-isip kung paano ko sisimulan ang isang conversation na matino kasama ang kuya 'ko. Ngayon 'ko lang 'to gagawin at medyo kinakabahan din ako.

[Gabby's Point Of View]


"Alam 'kong may nangyari dun sa Paseo. Ano yun, Toni?" tanong 'ko naman sa kanya. Lalo lang siyang umiiyak nun. Ano bang magagawa 'ko kung wala siyang ginawa kundi umiyak diba?

"Toni" sabi 'ko naman sa kanya. Napatingin siya sakin ng diretso nun at pinawi niya na yung mga luha niya.
"Naguguluhan na kasi ako, Gabby eh. Naguguluhan ako sa nararamdaman 'ko. Natatakot din ako, Gabby" sabi naman niya sakin. Medyo nagtaka naman ako nun kasi hindi niya ako dinederetso.
"Bakit ba?" tanong 'ko naman sa kanya. Medyo kinakabahan ako kasi parang sobrang lungkot talaga ni Toni.
"Umamin sa 'kin si Kuya Patrick na gusto niya daw ako" hindi na ako nagulat dun sa fact na 'yun. Pero nagtaka ako kung bakit natatakot si Toni?

[Paolo's Point Of View]


Bago pa man ako makapagsalita kay Kuya, siya na mismo ang nanguna para kausapin ako ng matino. Hindi talaga ako magaling sa mga ganitong bagay eh.

"Gusto mo bang malaman kung bakit nagkakaganito ako?" tanong niya sakin. Wala na nga talaga siya sa tamang pag-iisip. Parang tanga lang eh.
"Hindi. Kaya nga tinatanong 'ko sayo, diba?" sabi 'ko naman sa kanya. Nag-sigh naman siya nun.
"Nasaktan kasi yung gago mong kuya eh" buti naman alam niya na gago siya. Napatingin din naman ako sa kanya ng diretso nun, ngayon 'ko lang siya narinig ng nagkakaganyan.
"Bakit?" tanong 'ko naman sa kanya. Parang nagiging seryoso na nun yung aura saming dalawa.
"Umamin na ako kay Toni na gusto 'ko siya pero wala siyang sinabi. Basta ang sinabi niya, hindi pwedeng maging kami" nakita 'ko yung mga mata nun ni kuya na parang pinipigilan niyang lumuha. Hindi naman ako makapaniwala na makakapag-confess siya sakin ng mga ganyang bagay.
"Nababakla ka na naman kuya no" sabi 'ko naman sa kanya. Nakita 'ko siyang ngumite nun pero kasabay nun ang pagluha ng mga luha niya.
"Ano bang hindi pwede samin? Yung age gap? Eh juskopo, kakayanin naman yun, diba? Ano bang pakielam ng mga tao kung ang laki ng age gap namin. Wala naman silang magagawa, diba? Pero bakit hindi kami pwede?!" ang daming tanong ni kuya na hindi 'ko pwedeng sagutin. Sa tingin 'ko kasi eh nangangamba si Toni na baka iwanan siya ni kuya kapag nalaman niya na buntis siya sa ibang lalaki. Hula 'ko lang naman yun pero hindi 'ko pwedeng sabihin yun kay kuya.
"Malay mo may problema lang siya na ayaw niyang ipaalam sayo" sabi 'ko naman sa kanya.

[Gabby's Point Of View]


"Halata namang gusto mo din siya, diba?" tanong 'ko naman sa kanya. Kaso naisip 'ko na baka hindi pa siya nakaka-move on sa ginawa sa kanya ni Dustin.
"Hindi 'ko pa masabi kung gusto 'ko siya eh. Pero bawal talaga kasi kami eh" sabi naman niya sakin. Bakit naman sila bawal, diba? Tsaka dapat maging open na si Toni sa mga ganito para makalimutan niya na din si Dustin.
"Bakit naman? Ano bang problema? Yung age gap niyo?" tanong 'ko naman.
"Hinde yun. Wala naman akong problema sa age gap. Alam 'kong kakayanin namin yun. Natatakot lang kasi ako na baka iwanan niya din ako katulad ng ginawa ni Dustin sakin. Baka kasi mandiri siya sakin kasi nabuntis ako sa ibang lalaki. Gabby, ayaw 'ko na ako na naman ang masaktan sa huli. Kaya marapat na lang na layuan 'ko na lang siya" sabi naman niya sakin. Naawa ako nun kay Toni. Parang may tinayong pader sa puso niya kaya hindi na siya makatawid.
"Siguro naman eh maiintindihan niya yun, Toni" wala na yung sakit sa puso 'ko na nabuntis ni Dustin si Toni. Parang wala na nga akong pakielam kay Dustin eh.
"Pero natatakot pa din ako" umiyak ulit siya nun. Haaaayyy. Ang laking problema naman nito oh.

[Paolo's Point Of View]


"Ano namang problema yun?! Syempre, maiintindihan 'ko yun no" sabi naman niya sakin. Ang hirap naman pagsabihan ni kuya. Dapat lang talaga ay mag-usap sila ng matino ni Toni eh.
"Hindi natin alam kung ano yung problema na yun, kuya. Kaya wag ka munang magsalita ng ganyan. Malay mo natatakot lang si Toni na baka masaktan lang siya sa huli" sabi 'ko naman kay kuya. Napahawak nun si kuya sa ulo niya at medyo ginulo din yung buhok niya sa sobrang inis.
"Ano bang gagawin 'ko?" aba, parang ngayon 'ko lang narinig si kuya na makipagusap sa 'kin ng ganyan ah.
"Dapat mo siyang makausap ng maayos. Yun lang yun" sabi 'ko namann sa kanya na lalo atang nagpainis sa kanya.
"Bahala na. Iwan mo muna ako dito sa kwarto, pwede?" wala na din naman akong magawa. Nasabi 'ko na din ang mga dapat sabihin.

Tumayo ako nun at lumabas muna ng kwarto. Nakita 'ko naman nun si Sharmaine na naglalagay ng mga baso ng juice sa table at isang sandwich.

"Oh. Paolo, kumaen ka muna dito" sabi naman niya sakin. Tinanggap 'ko din naman yun. Malamang, libre eh. Haha. Umupo kaming dalawa ni Sharmaine dun sa sofa.
"Salamat" sabi 'ko naman sa kanya. Nakita 'ko siyang nag-sigh nun at may kutob din ako na may sasabihin siya sakin.

[Gabby's Point Of View]


"Natatakot ako na iiwan niya ako kapag nalaman niya ang lahat. Sobrang natatakot ako, Gabby" tumayo ako nun at niyakap 'ko si Toni ng sobrang higpit pero pakiramdam 'ko kahit anong gawin 'kong pag-comfort sa kanya eh wala akong magawa.
"Wag ka ng umiyak, Toni" parang walang kwenta ako nun. Ganito din kaya yung naramdaman niya nung iniwan siya ni Dustin para lang maglayas kasama ako? Iyak kaya siya ng iyak nun? Sobrang nasaktan kaya siya nun?
"Thank you, Gabby" bulong naman niya sakin. Binitawan 'ko rin naman siya nun at umupo na dun sa upuan 'ko.
"Alam 'kong si kayong dalawa lang ni Kuya Patrick ang makakalutas niyan. Pasensya kung wala akong magawa pero wag kang mag-alala. Andito lang ako palagi para sayo" sabi 'ko naman sa kanya. Pinunasan ni Toni nun yung mga luha niya tapos sinuklian niya lang ako ng isang malungkot na ngite.

[Paolo's Point Of View]


"Siguro may problema yang kuya mo sa babae no" sabi naman sakin ni Sharmaine. Napatingin naman ako sa  kanya ng wala sa oras nun.
"Uh.. Oo" sagot 'ko naman sa kanya. Gusto 'ko ngang idagdag na 'unbelievable no?'
"Kung anu-ano kasi yung sinasabi niya sakin eh" parang nagsusumbong naman sakin nun si Sharmaine.
"Ano ba yung sinasabi niya sayo?" tanong 'ko naman.
"Sabi niya kasi sakin na ganito naman daw kaming mga babae. Walang ginawa kundi saktan siya. Nakakatawa lang no?" sabi naman niya sakin. Nakangite siya nun. Bakit naman nasabi yun ni kuya? Hindi kaya may natitira pa din siyang pagmamahal kay Sharmaine?
"Pagpasensyahan niyo na po si kuya ah. Sorry po talaga" sabi 'ko namann kay Sharmaine. Nakakahiya kasi eh. Binulabog pa siya ni kuya eh.
"Hindi. Okay lang. Pero pwede bang ibigay mo sa kanya 'to?" invitation sa kasal niya yung inabot niya sakin nun. So, totoo ngang engage na nga si Sharmaine sa ibang lalaki. Nasaktan rin talaga siguro ng sobra-sobra si kuya. "Pero wag muna ngayon. Next next week pa naman yang kasal eh. Please ha? Gusto 'ko din siya kasing makita sa kasal 'ko"
"Sige. Ako na lang bahala" sabi 'ko naman sa kanya sabay tinago 'ko sa bag 'ko yung invitation. Saktong lumabas nun si kuya Patrick na parang maayos na din ang lahat.

"Alis na tayo" sabi naman sakin ni kuya. Tumayo naman ako nun at lumapit na din ako sa kanya.
"Sige po. Alis na po kami" sabi 'ko naman kay Sharmaine. Nginitian niya lang naman ako nun at sabay na din kaming lumabas ni kuya. Grabe si kuya, hindi man lang niya kinausap si Sharmaine.

Pumasok ako dun sa kotse ni mama at si kuya naman dun sa kotse niya. At sabay na din kaming nag-drive para umuwi sa bahay nila Gabby.

[Gabby's Point Of View]


Inaliw 'ko lang naman si Toni nun para makalimutan niya si Kuya Patrick. Alam 'ko naman na nasasaktan din siya no. 6 P.M nung napagpasyahan na rin naming umuwi. Sabay kaming naglakad nun papunta sa mga bahay namin. Pagbalik 'ko naman dun sa bahay, nakita 'ko na wala si Paolo at si Kuya Patrick.

"Asan si Paolo?" tanong 'ko naman kay Yael na nanunuod ng TV kasama si Kyla. Si Joni naman at si Ate Paula nun ay busy sa pagluluto ng hapunan namin.
"Bigla na lang kasi siyang umalis eh. Hindi din namin alam kung bakit" napatango na lang naman ako nun sa sinabi ni Yael.

Bigla namang tumunog ng sobrang lakas yung cellphone 'ko. Hindi pala naka-silent 'to no. Haha. Tiningnan 'ko naman kung sino yung nag-text sakin at nanlaki yung mata 'ko sa pangalan na nakalagay dun.

"Si Kuya Paolo na ba yan?" tanong naman sakin ni Kyla pero napa-iling na lang naman ako.
"Si...si.." nauutal-utal naman ako nun.
"Sinong nag-text sayo? Si Paolo ba? Umalis siya ng walang paalam eh" sabi naman sakin ni Ate Paula habang nagluluto sila ni Joni sa may kitchen.

Binuksan 'ko naman yung text na parang nakapagpatigil sa mundo 'ko.

From: Dustin
Gabby, thanks sa lahat.
Na-realize 'ko na dpat ko na ngang harapin lahat ng prblema ko.
I'm coming back...


[Dustin's Point Of View]

Napagpasyahan 'ko na din na babalik na ako sa pinanggalingan 'ko. Halos ilang linggo na din ba ang lumipas bago ako mawala at bago ako nag-isa. Marami akong natutuhan at ngayon, it's no turning back. Dapat na talaga akong bumalik. Dinial 'ko nun ang cellphone number ni papa para tawagan siya. Alam 'kong uulanin ako ng mura pero wala akong magagawa.

"Dustin? Ikaw ba 'to?" narinig 'ko agad ang familiar na boses ng tatay 'ko.
"Sorry po pero uuwi na po ako dyan" yun na lang ang nasabi 'ko at napapikit na lang ako para ihanda ang sarili 'ko sa sermon ng magulang 'ko.

No comments:

Post a Comment