[Paolo's Point Of View]
Nagtaka naman ako kung nasaan si Gabby. Pero naisip 'ko na lang na baka nagpapahangin lang yun sa labas. Sa panahon na stressed na stressed siya dahil sa buhay pag-ibig niya, tama na rin na makasimoy man lang siya ng fresh na hangin. Napailing na lang ako pero napagpasyahan 'ko na din lang na pumasok sa kwarto 'ko at matulog na lang.
Hindi 'ko rin naman napigilang matulog. Dumaan ang buong gabi na wala man lang ingay na pumapasok sa tenga 'ko. Nagising ako ng 6:30 A.M. Syempre, as usual, nag-jogging muna ako. Napansin 'ko naman na hindi 'ko nakabangga si Dustin ngayon. Aba, swerteng araw 'ko ata 'to ngayon. Pagkapatapos 'kong mag-jogging, pumunta ako sa Starbucks para mag-almusal at para magpalamig na din. Hindi ako masyado nagtagal dun kaya umuwi rin naman ako kaagad.
Ine-expect 'ko nun na makikita 'ko si Gabby na naguunat-unat pa sabay magsasalita siya ng good morning sakin. Kaso sa pagbukas ng pinto 'ko, wala akong nakitang Gabby. Asa namang tulog pa yun. Hindi naman siya ganoon kapuyat para matulog ng sobrang haba. Kumatok ako dun sa kwarto niya at pinakinggang mabuti kung may footsteps akong maririnig na papalapit dun sa pintuan.
"Gabby?" sabi 'ko habang kumakatok sa pinto.
Wala akong narinig na kahit anong ingay o kahit anong kaluskos. Chineck 'ko yung pintuan. Bukas yun. Dahan-dahan 'kong binuksan yung pintuan ng kwarto niya. Nagulat naman ako nun, sobrang linis ng kama niya. Halatang hindi tinulugan. Ang bilis ng pagpintig ng puso 'ko. Napa-atras ako nun. Dali-dali 'kong hinanap si Gabby sa bawat sulok ng bahay niya. Kahit dun sa kwarto ni mama at kwarto 'ko, tiningnan 'ko na rin. Sobrang kinakabahan ako. Sa bawat pagsigaw 'ko ng pangalan niya, ine-expect 'ko na sasagot siya sakin pero kahit anong sigaw 'ko, wala akong naririnig.
Gusto 'kong magmura ng mga panahon na yun. Lintek naman. Bakit siya nawala? Saan siya nagpunta? Ano na namang pumasok sa utak niya para umalis sa bahay na 'to? Natitimang na ba talaga siya, ha?
[Toni's Point Of View]
Nag-ayos ako nun para pumunta sa bahay nila Dustin kasama ni mama at ni papa. As usual, pag-uusapan ulit yung preparations sa kasal namin. Hinawakan 'ko yung left chest 'ko, pakiramdam 'ko naririnig 'ko yung pangalan ni Dustin sa bawat pagpintig ng puso 'ko. Ganito 'ko ba talaga siya kamahal? Pero ako din ang nagkamali eh. Ito na ba talaga yung sinasabi nilang karma? Sana pala hindi 'ko na lang siya inagaw kay Gabby no. Sigurado ako na hindi mangyayari 'to. Bumabalik din pala sakin lahat. Bakit kasi si Dustin pa yung minahal 'ko, diba? Napasigh na lang ako nun habang nakatitig ako sa sarili 'ko sa salamin. Sino nga ba talaga ako? Parang hindi 'ko pa nga kilala yung sarili 'ko.
"Toni? Okay ka na ba? Paalis na tayo" narinig 'ko namang sinabi ni mama. Dali-dali ako nun na lumabas ng kwarto at humabol sa kanila sa kotse.
"Lika na po" sabi 'ko naman.
Gusto 'kong humirit na hindi naman na kailangang sumakay sa kotse para pumunta kay na Dustin pero ewan 'ko ba kung bakit ini-insist nila na sumakay ako sa kotse. Kinakahiya na kaya nila ako? Pwede rin. Dapat naman talagang ikahiya ang katulad 'ko na nagpabuntis sa boyfriend niyang na mukhang walang rason para manindigan.
Pinark ni papa yung kotse namin sa tapat ng bahay nila Dustin. Napansin 'ko naman nun na wala yung kotse nung papa niya dun sa garahe nila. Hindi kaya umalis sila? Lumabas kami ni mama ng kotse at nag-door bell sa gate nila. Ang bagal na mag-respond nung mama ni Dustin. Pero after ilang minutes, binuksan niya yung gate. Sobrang haggard ng itsura niya. Tapos pawis na pawis siya. Kausnod nun ay lumabas na yung tatay ni Dustin na halatang galit na galit.
"Kinuha ni Dustin yung kotse 'ko! At hindi namin alam kung nasaan na siya ngayon!" sumigaw yung papa ni Dustin. Nagulat kaming lahat. Ang tagal mag-sink in sakin nung mga sinabi nung papa ni Dustin. Hindi nga niya ako paninindigan. Tinatakasan niya ako. Napa-close fist ako nun. Gusto 'kong umiyak pero ayaw 'ko na makita nila.
"Grabe! Saan siya nagpunta?! Paano ang kasal nila ng anak 'ko?! Hindi siya pwedeng tumakas!" sigaw naman ni mama. Wala namang magagawa ang puro salita.
"Kaya nga eh. Lagot talaga sakin si Dustin. Pero kahit anong mangyare, hahapin namin si Dustin" sabi naman nung mama niya.
Ayaw 'ko na silang marinig na nagsasalita. Napa-atras ako nun at mabilis akong tumakbo papalayo sa bahay nila Dustin. Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. At sobrang bilis din ng buhos ng luha 'ko. Naririnig 'ko yung pagtawag nila sa pangalan 'ko pero hindi ako tumigil. Mabilis akong pumunta sa park nun at mabilis akong sumilong sa isang puno. Sobrang hinahapo ako nun pero wala na din akong pakielam. Iniwan ako ni Dustin. Yun na yun eh. Napasandal na lang ako dun sa puno. Ano na nga ba talagang nangyayare sakin?
[Paolo's Point Of View]
Mabilis akong lumabas ng bahay nun. Tumatakbo lang ako sa kung saan man siya pwedeng pumunta. Sobrang bilis ng pagpintig ng puso 'ko. Wala na akong pakielam kung makipagsiksikan man ako sa mga tao. Ang importante sakin ay makita 'ko siya. Akala 'ko ba walang iwanan. Ginawa 'ko na ang lahat. Tinatawagan at tinetext 'ko na siya pero hindi man lang siya sumasagot. Ano ba talagang gusto niya? Gusto niya ba akong patayin sa sobrang pag-aalala. Wala ba talaga siyang awa sakin? Wala ba talaga siyang awa sa katulad 'ko na... sa katulad 'ko na nagmamahal sa kanya?
Naiinis ako sa sarili 'ko. Hindi 'ko pala siya kayang alagaan. Kahit anong effort 'ko, hindi 'ko rin pala siya kayang pangitiin. Nakakainis isipin na kung sino pa yung nagpapaiyak sa kanya, yun din yung tanging tao na makakapagbigay ng ngite sa kanya. Ang gusto 'ko lang naman ay makita 'ko siyang ngumite ulit. Yung ngite na wala pa sa diksyonaryo niya ang mga salitang `mamatay ka na, Dustin`. Yung ngite na una 'ko siyang nakita. Yung mga ngite na nakapagpangite rin sakin nung mga panahon na 'yun.
Pumunta ako sa park nun. Nagbabakasakali na makita 'ko siya. Nagbabakasakali na yung hinahanap 'ko ay dun 'ko matatagpuan. Sobrang pagod na pagod ako nun. Napatigil naman ako sa pagtakbo ng makita 'ko si Toni na parang pagod na pagod. Nakasandal siya dun sa puno. At halatang kakagaling niya lang sa pag-iyak. Linapitan 'ko siya nun. Kahit kapahon 'ko lang siya nakausap, siguro naman eh hindi mali na pansinin 'ko siya.
"Toni?" pagtawag 'ko sa pangalan niya.
"Paolo!" sabi niya sabay yakap sakin. Ang higpit ng yakap niya. Parang walang bukas. Ramdam na ramdam 'ko yung pag-iyak niya. Nagtaka naman ako sa mga kinikilos niya. Ano na naman ba ang nangyare sa kanya? Dahan-dahan naman siyang humiwalay sakin. Tiningnan 'ko yung mga mata niya. Mukhang may sakit siya nun at masama ang pakiramdam niya.
Hinawakan 'ko nun yung noo niya at dun 'ko nga lang nalaman na inaapoy na nga siya sa lagnat. Hindi rin siya makatayo ng maayos dun. Mukha din namang nahihilo siya.
"Ui may lagnat ka. Gusto mo bang ihatid kita sa inyo?" tanong 'ko naman sa kanya pero umiling lang siya.
"Ayaw 'ko munang umuwi. Pwede bang sa bahay muna ako ni Gabby? Gusto 'ko din siyang makausap" napatigil naman ako nun.
"Wala si Gabby. At hindi 'ko alam kung saan siya nagpunta" mukhang nagulat naman si Toni dun sa sinabi 'ko pero hindi na rin siya nakareact dahil unti-unti na din siyang napapikit at nagcollapse.
Napasigh naman ako nun. Hindi 'ko rin naman alam kung saan yung bahay nila Toni. Wala naman akong choice nun. Sinakay 'ko siya sa likod 'ko. Hindi siya mabigat katulad ni Gabby. Buti na lang pero dahil dito mas lalo 'ko lang namiss si Gabby. Naglakad ako papunta sa bahay namin ni Gabby. Binuksan 'ko nun yung kwarto ni Gabby at dun 'ko siya hiniga. Nagbasa ako ng twalya para ilagay sa noo niya tapos kinumutan 'ko na din siya. Hindi 'ko pa 'to nagagawa kay Gabby. Ano kayang mararamdaman 'ko kung ginagawa 'ko to kay Gabby? Tumayo na rin naman ako nun at sinarado 'ko na yung ilaw at pintuan para makapagpahinga siya.
Wala akong ginawa buong hapon. Tiningnan 'ko yung cellphone 'ko, naghihintay pa din ako sa tawag at reply niya pero ni isa wala akong na-receive. Badtrip talaga. Pumunta ako nun kusina at dun 'ko namataan ang isang bagay na alam 'ko ay pagmamay-ari ni Gabby. Yung charger ng cellphone niya nakatambay lang dun sa outlet nung kusina. Grabe, ito pa talaga yung naiwan niya.
Triny 'ko naman ulit na tawagan siya at narinig 'ko naman ang boses ng isang babae na malamang ay sinasabi na low batt na yung tinatawag 'ko. Hay nako, Gabby. Alam naman niyang hindi pa niya kaya ng mag-isa. Tingnan mo pati charger naiwan pa niya. So, gusto niya talagang paghanapin ako, ah.
6 P.M na ng tiningnan 'ko ulit si Toni. Tulog pa din pala siya. Tama lang yan. Lumabas muna ako ng bahay nun. Napagpasayahan 'ko naman na pumunta dun sa sementeryo kung nasaan yung puntod nung mama at ni papa ni Gabby. Mabilis lang naman na pumunta dun. Napatingin din naman ako sa lola na nakita 'ko nung una akong nakadalaw dito.
Tumigil ako dun sa puntod nung mama at papa niya. Ang bilis ng pagpintig ng puso 'ko.
"Hahanapin 'ko po yung anak niyo. Pasensya po kung hindi ko siya masyado naalagaan pero gagawin 'ko ang lahat para maramdaman niya na hindi siya nag-iisa" sabi 'ko naman sa hangin na alam 'ko ay makakarating din sa kanila.
No comments:
Post a Comment