Sunday, April 3, 2011

Chapter 39

[Gabby's Point Of View]


Ang isang chorus ng kanta ay parang naging isang araw sakin lalo na nung tanungin niya 'ko kung anong magiging reaksyon 'ko kung sinabi niya sakin na mahal niya ako. Sinabi 'ko lang naman ang totoo eh. Magmula ng magkalayo kami, palagi na lang siya ang nasa isip 'ko. At sa bawat araw na makita 'ko siya, parang kumpletong kumpleto na yung araw 'ko.

Ang higpit ng yakapan namin nun at sobrang sarap ng feeling. Parang akong napupunta sa outer space. Parang akong nalutang sa isang zero gravity na lugar. Parang nalulunod ako sa isang pool ng puro thoughts of Paolo. Sobrang gaan sa pakiramdam.

"Thank you sa lahat... Hindi 'ko na alam ang gagawin 'ko kung wala ka" sabi 'ko naman sa kanya. Ramdam 'ko nun na napangite siya. Ang galing no? Pati pag-ngite niya, naramdaman 'ko.
"Ako din... Hindi 'ko kaya na mawala ka sakin" sobrang kilig talaga yung naramdaman 'ko sa time na yun. Unpredictable at sobrang unbelievable.

[Toni's Point Of View]


Natuwa naman ako kasi biglang nilapitan nun ni Paolo si Gabby. Siguro nag-aminan na sila ng tunay nilang feelings, kung makapagyakapan kasi eh parang wala sa oras. Meant for each other nga talaga sila eh. Napatitig naman ako nun kay Kuya Patrick. Nakangite siya sa 'kin, hindi 'ko nga masyado maintindihan yung nararamdaman 'ko para sa kanya eh. Andyan pa din kasi yung sakit na nararamdaman 'ko para kay Dustin pero sumasaya naman ako kapag nakikita 'ko si Kuya Patrick.

"Ang sweet nila no?" sabi naman niya sakin. Alam 'kong tinutukoy niya nun si Paolo at si Gabby.
"Oo nga eh" sabi 'ko naman ng may ngite. Sobrang luwang na pakiramdam 'ko kapag siya ang kasama 'ko, wala kasi akong maramdaman na mali kapag kami lang yung nag-uusap eh.
"Hindi mo ba nahahalata yung mga ginagawa 'ko para sayo?" nagulat ako dun sa sinabi niya. Parang ibang klase kasi siyang bumanat eh.
"Ha?" first time na mangyari sakin 'to. Iba kasi yung amin ni Dustin dati eh. This is sweeter. He is much sweeter.
"Hindi ba halata na may gusto ako sayo?" tanong naman sakin ni Kuya Patrick. Sobrang lakas ng pagpintig ng puso 'ko at tila tumindig nun lahat ng balahibo 'ko sa katawan. Hindi 'ko maintindihan yung dapat 'kong maramdaman, gusto 'ko si Kuya Patrick pero wala pa siyang alam tungkol sakin. Hindi pa niya alam na buntis ako sa ibang lalaki.
"A-ano?" hindi 'ko alam kung ayaw 'ko lang ba talaga maniwala o hindi kapani-paniwala yung sinasabi niya sakin pero natutuwa ako kasi in a matter of a week, nagkagusto siya sakin.
"Alam 'kong sobrang bilis pero iba na eh" sabi niya sakin. Parang naging magkasing tanda lang kami nung mga panahon na 'yun. Gusto 'kong sabihin sa kanya na handa akong mahalin din siya pero takot ako na baka hindi niya ako tanggapin kapag nalaman niya kung ano man ang meron sakin.

Napatigil ako nun sa pagsasayaw. Hindi 'ko kasi alam yung isasagot 'ko sa kanya. Kapag naging kami at nalaman niya ang buong katotohanan baka biglang iwanan niya lang ako. Tinanggal 'ko yung kamay 'ko mula sa  pagkakahawak 'ko sa  kanya at mukhang nagulat talaga yung mga mata niya sakin.

"I'm so sorry" gusto 'ko ng umiyak nun. Pero alam 'ko na mas masasaktan ako kapag pinagpatuloy 'ko pa 'to. "Hindi kasi pwedeng maging tayo eh"


Umatras ako nun sa kanya. Hindi siya makapagsalita. Parang hindi 'ko naman kakayanin na makita pa siya ng ganito kaya wala na din akong magawa kundi umalis sa harapan niya. Lumabas agad ako dun sa venue mabilis akong pumasok sa CR. Tiningnan 'ko nun yung sarili 'ko. Dun 'ko na-realize na sobrang dumi 'ko na nga. Naiinis ako sa sarili 'ko. Bakit 'ko pinipigilan ang sarili 'ko na maging masaya? Hindi 'ko na din maiwasang umiyak ng umiyak. Sobrang sakit sa puso. Hinawakan 'ko nun yung tiyan 'ko, bwiset naman talaga. Bakit ba parang sobrang malas 'ko?

[Paolo's Point Of View]

Natapos na din naman yung sobrang sayang nangyari ng gabing yun. Halos 10 P.M na din naming napagpasyahang umuwi. Dun 'ko naman na-realize na parang nawawala si Toni nun at sobrang tahimik na ni Kuya. Medyo napaisip naman ako kung anung nangyare.

"Asan si Toni?" tanong naman ni Gabby kay Kuya Patrick.
"Umuwi na siya. May gagawin pa daw siya" parang halata naman na nagsisinungaling nun si Kuya. Alam 'kong may tinatago siya. Ano naman kaya ang nangyari sa kanilang dalawa?
"Ah. Ganun ba. Hindi man lang siya nagpaalam sakin" sabi naman ni Gabby sa sarili niya. Hindi niya siguro nahalata na hindi totoo yung mga sinabi ni kuya.
"So, umuwi na tayo. Bored na din kasi ako eh" nag-iba na nga si kuya nung mga oras na yun. Wala naman kaming magawa kaya sumunod na lang kami sa kanya.

Siya yung nag-drive nun at sobrang tahimik niya talaga. Lahat kami nagtataka sa kung ano mang mangyari. Tinitingnan 'ko yung mga mata niya dun salamin. Pero parang kalungkutan lang ang nakikita 'ko sa mga mata niya. Parang first time 'ko siyang makita na ganito ever since nung pangyayari kay Ate Summer. Dalawang oras kaming byumahe nun dahil sa sobrang traffic at mukhang inulanan naman ni kuya ng mga mura yung mga kotse na sobrang bagal mag-drive. Grabe, hindi ako makapaniwala na ganito pala siya kapag nawala sa mood. 

Nung dumating na kami sa bahay, wala ni isa samin ang nagsalita tungkol sa ugali ni kuya ngayong gabi. Kung ano mang nangyare nun, alam 'kong bad news yun. Ang bilis niyang maglakad nun papunta sa kwarto. Grabe, halata ngang nawalan na talaga siya ng mood.

"Anong nangyari kay Kuya Patrick?" tanong naman ni Kyla sakin.
"Wag na kayong mag-alala. Ako na lang bahala" sabi 'ko naman. Kuya 'ko naman siya, dapat mas kilala 'ko siya, diba?

[Gabby's Point Of View]

Nagtaka naman ako nun sa mga kinilos ni Kuya Patrick. May nangyari kayang masama sa kanya? Siguro, marapat muna na magpahinga muna siya. Napagpasyahan na din naming lahat na matulog na sa mga kwarto namin. Bagsak naman agad ako nun sa  sobrang pagod 'ko.

Bumangon na din sa wakas nun ang araw para gisingin ako. Lumabas ako ng kwarto nun para mag-expect ng isang almusal na linuto samin para kay Kuya Patrick kaso nadismaya lang ako ng malaman 'ko na umalis pala si Kuya Patrick para magtrabaho. Grabe, nagiging busy na din pala siya ngayon katulad ni Tita.

"Busy na din pala ngayon si Kuya Patrick" sabi 'ko naman kay Ate Paula na naghahain ng mga niluto ni Joni. Mukhang nagkakasundo na sila ngayon ah. Mabuti naman.
"Sus. Mukhang badtrip lang siya kaya nagpapakasubsob yun sa pagtratrabaho" sabi sakin ni Ate Paula. Ano naman kaya yung nagpabadtrip sa kanya?
"Ganun ba" tinulungan 'ko na din siyang mag-hain nun. Nakita 'ko naman nun na kakagising lang ni Yael kaya nginitian 'ko siya.
"Parang ganyan din yung nangyari sa kanya nung nalaman niya na yung ex niya ay may gusto ng iba" napa-share naman nun si Ate Paula. Sobrang nagulat ako dun. Hindi 'ko akalain na may ex si Kuya Patrick.
"Shocks! May ex siya? Hindi nga?" ang bakla talaga ni Joni ever! Haha.
"Uh..Oo, si Sharmaine. Wag niyo na lang sabihin na sinabi 'ko kundi lagot ako dun" Napatango na lang kami ng sabay nun ni Joni. May ex pala siya. Ngayon 'ko lang nalaman.

Nakita 'ko namang bumangon na nun si Kyla at sabay na din sila ni Yael na lumapit dun sa may dining area. Hinanap 'ko naman nun si Paolo pero mukhang nagjo-jogging pa ata yun. So, nauna na lang rin kaming kumaen sa kanya.

"Okaaayy!! Kain na tayo!" wala din naman si Tita nun kaya medyo nagbawas kami ng pang-almusal.

Nagsimula naman na kaming kumaen nun. Syempre, hindi nawala ang mga walang kamatayang kwentuhan. Parang lang kaming magkakapatid at masaya ako kasi sa wakas, naging close 'ko na din si Ate Paula. Dumating din naman nun si Paolo kaya nakisabay din siya saming kumaen.

Si Paolo ang naghugas ng mga pinggan nun pero may tulong na din ni Yael. Mukhang nagsisipag yung dalawang kalalakihan ngayon ah. Haha. Dumaan naman ang oras nun. Nung mga 4 P.M naman eh naisip 'ko munang tumambay sa may Park. Gusto 'ko munang mag-isa kasi wala lang. Gusto 'ko lang. Haha.

Tahimik akong pumunta nun sa park. Sa pagpunta 'ko dun sa bench kung saan kami nagbati ni Toni, natanaw 'ko kaagad si Toni na nag-iikot lang sa buong park. Madalas na nga talaga siya dito no. Pero mukhang hindi maganda yung pakiramdam niya ngayon. Parang sobrang lungkot niya kasi eh.

"Toni?!" pagtawag 'ko naman sa kanya. Napatingin siya sakin kaagad nun at pinilit niyang ngitian ako kahit na alam 'ko na fake ang lahat.
"Hi Gabby" sabi naman niya sakin habang papalapit siya sakin. Nabagabag naman ako dun sa tila malungkot niyang mukha.
[Paolo's Point Of View]

Grabe. Buti pa si Yael eh marunong maghugas ng pinggan. Hindi tulad ni kuya na nagmukha akong basang sisiw nung kami ang naghugas. Haha. Bumilis din naman ang oras nun gawa ng wala din naman kasi kaming ginagawa. Lumabas muna nun si Gabby para mamasyal sa park. Sasamahan 'ko na sana siya kaso mukhang dapat 'ko muna siya iwanan.

Hindi 'ko alam kung ano na kami ngayon. MU ba 'to? O kami na ba? Hindi naman kasi ako marunong manligaw diba? Ang tumal 'ko talaga eh. Bigla 'ko namang naramdaman nun na nagri-ring yung cellphone 'ko. Isang unknown number ang nakita 'ko. In-accept 'ko naman yung call na yun.

"Hello? Is this Paolo Trinidad?" tanong sakin ng isang may boses babae. Hindi naman sakin familiar yung boses.
"Uh... Opo. Sino po ba 'to?" tanong 'ko naman sa kanya.
"This is Sharmaine. Friend ako ng kuya mo na si Patrick Trinidad. Pumunta siya dito sa bahay 'ko sa Fortuna City ng lasing. Naisip 'ko lang na tawagan ka kasi mukhang malakas ang tama niya ngayon" nagulat ako dun sa sinabi nung babae. Siya nga ba yung Sharmaine na tinutukoy ni kuya sakin na naging ex niya?! Eh lintek naman siya, bakit siya pupunta sa bahay ng ex niya?! Tapos sa Fortuna City pa?! Sobrang layo no. Walanghiya naman kuya oh.
"Sige po. Papunta na ako. Ano po bang address niyo?" mabilis niyang sinabi sakin yung address niya habang hinahanda 'ko yung mga gamit na dadalhin 'ko. Ginamit 'ko naman nun yung sasakyan ni mama ng walang paalam sa kanya. Ibabalik 'ko din naman mamaya bago siya dumating.
"Thank you. Hindi 'ko na alam ang gagawin dito sa kuya mo eh" sabi naman sakin ni Sharmaine.
"Pasensiya na po. Pupunta na ako dyan." then binaba 'ko na din yung phone 'ko at mabilis na umalis na dun sa bahay. Hindi na rin ako nakapagpaalam sa iba dahil alam 'kong lalo lang silang mag-aalala kung magpaalam man ako.

[Gabby's Point Of View]

Umupo lang naman kami sa isang bench nun ni Toni habang in-enjoy namin yung scenery. Sabay nga kaming napa-sigh nun kaya napapatawa na din kami. Nagkakwentuhan na din kami tungkol sa kung anu-ano. Halos isang oras din yun eh. Sobrang tagal na din naming nagkalayo nun kaya naman hindi pa din kami nauubusan ng kung anu-anong kwento. Haha. Iba talaga pag bestfriend no?

"Gusto mo Starbucks tayo? Treat kita" sabi naman niya sakin.
"Sure. Pero hinde. Ako na lang ang manlilibre sayo" aba, mayaman na 'toooo. Haha. Joke! Tumawa lang naman nun si Toni sakin at sabay na din kaming pumunta sa loob ng Starbucks. Umorder na din naman kami ng FrappĂ© na gusto namin.

Umupo kami dun itaas kung saan over-looking mo halos yung buong park.

"Sobrang ganda dito no. Kaya nga madalas na ako dito eh" sabi naman sakin ni Toni.
"Oo nga eh. By the way, bakit ka pala umalis kaagad kagabi sa Paseo?" tanong 'ko naman sa kanya at mukhang nagulat talaga siya dun.

[Paolo's Point Of View]

Isang oras ang byinahe 'ko papunta dun sa Fortuna City at mahirap din hanapin yung Address nung Sharmaine na pinuntahan ni kuya. Loko-loko talaga 'to si kuya eh. Kumatok ako nun ng sobrang bilis sa pintuan at may isang babae naman na nagbukas ng pintuan.

"You must be Paolo?" tanong naman sakin ng isang babae na brown ang buhok at sobrang puti na malamang ay si Sharmaine nga.
"Uh..Oo, asan si kuya?" tanong 'ko naman sa kanya. Sobrang nakakahiya talaga 'tong ginawa ni kuya eh.
"Nasa loob siya ng kwarto 'ko. God! Hindi 'ko na alam ang gagawin 'ko sa kanya! Nagulat na lang ako na bigla siyang dumating dito at kung anu-ano yung sinasabi niya sakin" sabi naman sakin ni Sharmaine. Pumasok ako dun sa kwarto kung nasaan si Kuya Patrick.

"Bunso!" mukhang lasing talaga si Kuya Patrick nun. Ang loko talaga ng hayop na 'to oh. Ang sarap upakan ng sobrang lakas eh.
"Hoy kuya! Ano bang ginagawa mo dito, ha?! Bakit ka ba nagkaka-ganyan!? Kagabi ka pa ah?!" sinigawan 'ko naman siya nun. Nagmumukha tuloy na mas kuya na ako sa kanya. Umupo nun si Kuya Patrick sa kama na hinihigaan niya lang kanina at mukhang devastated siya.

No comments:

Post a Comment