Sunday, March 27, 2011

Chapter 22

[Gabby's Point Of View]


Naghain naman na ako nun ng kakainin namin. Syempre, triny 'ko yung best 'ko na makapagluto ng adobo no. Gusto 'ko lang baguhin yung sobrang kakaibang aura sa bahay na 'to. Parang kasing nag-iba ang ihip ng hangin. Naging habagat ata eh. Haha. Tahimik naman kaming nakain ni Paolo nun.

"Saan ka ba galing?" tanong 'ko naman sa kanya. Parang napatigil naman siya dun sa sinabi 'ko.
"Uh... Pag sinabi 'ko sayo, baka magalit ka" sagot naman niya sakin. Parang sinabi niya sakin yun as joke pero sa loob-looban 'ko, 'ano ba 'tong pinagsasabi niya?'.
"Ano ba yan? Pinaglalaruan mo na naman ako eh" sabi 'ko naman sanhi ng pagkangite niya.
"Nagkita kami ni Toni at nag-usap lang naman kami" sagot naman niya sakin. Napatigil ako nun sa pagkaen 'ko. Parang umikot yung sikmura 'ko at parang mas bumilis yung pagtibok ng puso 'ko. All this time, si Toni pala ang kasama niya. nakakadismaya at nakakainis.
"Nag-usap? Ang galing niyo naman. Buong araw na nagusap" sagot ko naman na halatang may halong bitterness. Nahalata ko naman na bigla siyang napatigil sa pagkaen tapos medyo namula pa siya. Ano ba yan?! Kinikilig na siya kay Toni! Ang bilis naman niyang ma-sway sa mga pok pok actions ni Toni! "Oh. Tapos mamumula ka pa!"
"Aminin mo nga. Nagseselos ka ba?" tanong naman niya sakin na may halong pang-asar na ngite. Hindi 'ko tuloy ma-enjoy yung pagkaen 'ko. Napatigil naman ako dun sa sinabi niya. Nagseselos nga ba talaga ako?
"Sy--... syempre hindi no!" sigaw 'ko naman sa kanya. Pakiramdam 'ko pwede na akong maging substitute sa kamatis sa sobrang pula 'ko.
"Eh bakit ka namumula?!" pang-aasar naman niya sakin.
"Ikaw din naman ay namumula dahil kay Toni ahh!!" sigaw ko naman sa kanya. Kung palakasan ng boses 'to, aba ako na panalo. Haha.
"Sinong nagsabi sayo na siya ang dahilan kung bakit kinikilig ako?" tinitigan 'ko naman siya nun. Parang siyang naglalabas ng sobrang astig na aura. Nakapatong pa yung kaliwang paa niya dun sa kanang leg niya. Tapos parang bumabagal yung oras habang nagkakatitigan kami. Hindi ko naman kasi expected na ganito siya... ganito siya ka-cute. Ok fine. Ang gwapo niya kadi diba. Pero ngayon lang. Haha. Hindi naman ako nakapagsalita sa kanya. Masyado na akong na-struck sa mala-demonyo niyang kaichurahan na tuluyang tumutunaw sa puso 'ko. "Ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit ako kinikilig eh. Ang cute mo kasing magselos eh"
"Hindi naman ako nagseselos eh!" sige ako na defensive. Palagi naman. Bigla naman niya akong tinawanan nun.
"Hay nako, Gabby" bigla naman niyang sinabi habang natawa siya. "Kumaen na nga lang tayo"


Nagsimula naman ulit kaming kumaen nun habang ako naman etong sumusulyap pa din sa kanya. Ang bilis ulit ng pagpintig ng puso 'ko. Bakit parang bawat pagsubo niya sobrang cute? Ano ba 'tong iniisip 'ko?! Napasigh na lang naman ako nun.

"Kuya" tawag 'ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin nun ng diretso. "Sana walang iwanan"
"Wag kang mag-alala. Sayo lang ako" sabi niya ng nakangite. Parang tumaas naman ang level ng pagka-defensive 'ko nun.
"Ano ba! Hindi naman yun ang ibig sabihin 'ko! Hay nako! Kung anu-ano talaga yang iniisip mo! Bahala ka nga sa buhay mo! Palagi ka na lang ganyan! Nakakainis!" sabi ko naman sa kanya ng sobrang bilis. At malamang ay tinawanan niya lang naman ako.

Lumipas ang ibang araw. At sa bawat pagtunog ng orasan, kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyare. Ano kayang magiging desisyon 'ko sa biyernes. Kung tutuusin, bukas na ang biyernes na pinakahihintay 'ko. Bukas ng gabi magbabago ang lahat. Sino nga ba talaga ang pipiliin ko? So Dustin ba na walang ginawa kundi saktan ako pero sobrang mahal 'ko o si Paolo na palagi akong pinapatawa pero isang kapatid lang ang turing sakin? Hindi naman sa mahal 'ko si Paolo, sadyang sobrang importante siya sakin na ayaw 'ko siyang iwanan.

Bumibilis ang oras at dahil dun, nawawala ako sa wisyo na makapagisip ng pwedeng gawin. Dumating ang biyernes ng hindi man lang kumakatok sa pintuan ng buhay 'ko. Nakakainis no. Hay nako. Hayop na panahon nga naman talaga oh. Bakit parang kabayo? Sobrang bilis eh. Osige. Hindi halata pero nagjoke ako. Tawa na kayo. Badtrip eh.

Lumilipad yung isipan ko ng buong araw. Kinakausap ako ni Paolo pero hindi niya pa din ako makausap ng maayos. Nakakaramdam ako ng guilt feelings. Parang ang hirap isipin na medyo bumebenta sakin ang option na umalis dito kasama si Dustin. Pero kung gagawin 'ko yun, paano si Paolo? Paano yung mga iba 'kong gamit dito na hindi 'ko madadala? Anong mararamdaman ni ninang sa pag-alis 'ko ng walang paalam sa kanya? Ano kayang sasabihin ng mga kapitbahay at ibang tao sakin? Sasabihan ba nila 'ko ng mga masasamang bagay o wala silang gagawin kasi wala naman silang pake sakin?

Umabot na din sa time na kumakaen na kammi ng hapunan ni Paolo. Hindi ako makatingin sa mga mata ni Paolo na kanina pa ata tinutunaw yung kaluluwa 'ko. Feeling 'ko kasi kapag nagkatitigan kami, baka mapagpasyahan 'ko na wag na nga talaga siyang iwanan. Sobrang cold ko tuloy nun. Ako yung naghugas ng pinggan. Siguro naramdaman niya yun. Alam niya naman kasi yung ugali 'ko eh. Ako yung tipo ng tao na kailangan munang dumanas ng madugong digmaan bago ako makapaghugas ng pinggan. 

Pumasok naman na siya nun sa kwarto niya. napasigh na lang ako nun. Bakit hindi 'ko pa sinulit ang araw 'ko to? Eh pwedeng-pwede 'ko na siyang talikuran ngayon.

Pumasok ako nun sa kwarto 'ko. Sobrang bilis ng pagpintig ng puso 'ko. Tiningnan 'ko yung cellphone 'ko. Naka-receive ako ng text mula kay Dustin.

From: Dustin
Andito na ako. I will wait for you.
I love you.

Parang kumalma nun yung puso 'ko. Hinila ko yung bag na nasa ilalim ng kama 'ko. Ito nga ba ang tamang gawain? Tumayo ako nun habang buhat-buhat 'ko yung bag 'ko. Dahan-dahan 'kong binuksan yung pintuan 'ko. Napasigh na lang ako nun. Siguro paalam na nga talaga kay Paolo. Parang gusto 'kong umatras na ewan. Syempre, hindi naman ako dapat magpaalam sa kanya no.

Dahan.-dahan 'kong tinahak ang daan papunta sa pintuan ng bahay 'ko. Dahan-dahan 'kong binuksan yun habang hinhila yung bag 'ko. Sa sound ng pagsara ng pintuan, alam 'kong baka hindi na ako makabalik. Grabe, kinakabahan naman talaga ako. 

"Dustin?" sana hindi ako madismaya. Sana andyan nga talaga siya. Sana hindi ako nagkamali na siya ang pinili 'ko. Nakita 'ko naman na ang isang shadow ng isang familiar na lalaki na naglalakad papalapit sakin. Nakita 'ko nun si Dustin. Wala akong naramdaman. Parang nahulog na kasi yung puso 'ko sa loob ng bahay 'ko eh.
"Gabby, I can't believe it. Thank you talaga" sabi niya sabay biglang yakap niya sakin. Ang higpit ng pagkakayap niya sakin. Parang wala ng bukas. "akin na yang bag mo. Sumakay ka na sa kotse"

Nakita 'ko naman yung kotse. Alam 'kong kotse yun ng papa niya. Grabe ha. Sa pagtakas na 'to, ginamit niya talaga yung kotse nung papa niya. Kinuha niya yung bag 'ko tapos nilagay niya sa loob ng kotse. Hindi naman ako makapagsalita nun. Binuksan niya yung pintuan para sa front seat at pinapasok niya ako nun. Sumulyap muna ako sa bahay na hindi ko na ata mababalikan bago pumasok sa kotse. Napagpasyahan 'ko naman na nun na pumasok na dun sa kotse.

After ilang seconds din naman eh pumasok na din si Dustin sa kotse.

"Hindi 'ko alam kung paano kita pasasalamatan. But I'm very lucky na makakilala ng taong katulad mo" sabi naman niya sakin habang hinahawakan niya yung kanang kamay 'ko. "I love you, Gabby"

Wala akong masabi sa kanya. Binitiwan niya nun yung kamay 'ko at nagsimula na siyang mag-drive.

[Paolo's Point Of View]

Pakiramdam 'ko nun may mali. Bumangon ako nun sa kama 'ko. Sobrang nag-iba si Gabby ngayon. Dahil ba 'to kay Toni? Siguro naman sobrang babaw nun no. Lumabas naman ako ng kwarto 'ko para i-check kung nasa sala lang siya at nanunuod ng kung ano man. Mabagal 'kong binuksan yung pintuan ng kwarto 'ko at nakita 'kong wala naman si Gabby dun.

Napasigh ako nun. Siguro natutulog na si Gabby pero sobrang aga naman. Napagpasyahan ko naman nun na pasukin yung kwarto niya. Hindi naman siguro masama yun diba. dahan-dahan 'kong binuksan yung pintuan ng kwarto niya.

"Gabby?" wala akong Gabby na nakita. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko.

[Gabby's Point Of View]

Sinandal 'ko dun sa bintana yung ulo 'ko. Gusto 'kong pumikit pero alam 'kong walang magagawa yun. Hinawakan 'ko nun yung puso 'ko. Gusto 'kong tanungin yung puso 'ko. Para kanina ka ba talaga? Hay nako. Sa ngayon, isang tao lang ang naiisip 'ko. Si Paolo.

No comments:

Post a Comment