Tuesday, April 5, 2011

Chapter 44

[Gabby's Point Of View]


Napa-sigh na lang naman ako nun. Parang naging steady na lang ako sa isang lugar para lang ipunin lahat ng dapat ipunin.

"Mabuti yan. Magkakasama-sama na kayong lahat!" sabi 'ko naman sa kanila ng may fake smile. Napatingin sakin nun si Ate Paula at si Paolo.
"Yung flight pala natin eh sa Thursday na" hindi man lang sakin tumingin si Kuya Patrick nun. Parang hangin nga lang ako sa kanya eh.
"Gabby?" ayaw 'ko nun tumingin sa mga mata ni Ate Paula kasi baka mahuli niya ang mga malulungkot kong mata. Itra-try 'ko na lang magsaya para sa kanila. Dapat hindi naman ako maging selfish sa kanila. Naging masaya din naman ako ng kasama nila. Siguro panahon na rin nila para sila naman ang maging masaya. Pero mahirap pa din kasi mamimiss 'ko naman talaga sila. Pero bakit ang bilis naman ata?
"Sige. Tutulog na po ako!" sabi 'ko naman sa kanila. Sa totoo lang, naiiyak naman talaga ako. Ayaw 'ko lang ipakita sa kanila. Wala na akong hinihintay na iba pang salita. Mabilis akong pumasok nun sa kwarto 'ko at umiyak na lang ako ng tahimik sa kama 'ko. Sumunod pala sakin nun si Joni, Yael at si Kyla.

"Ate Gabby, wag ka ng umiyak" bulong naman sakin ni Kyla. Nakakainis naman kasi eh. Kung kelan ok na ang lahat, eto naman mawawala na sila kaagad.

Kinocomfort lang naman ako nun ni Yael at ni Joni. Parang kanina sobrang saya lang namin tapos ngayon, aalis na pala sila. Sobrang bilis lang talaga. Bwiset.

"Okay lang yan, Gabby. Andito pa kami" sabi naman ni Joni. Ang laki ng pasasalamat 'ko kay Joni nun kasi hinayaan niya ako na yakapin siya ng sobrang higpit. Parang may nanay naman na ako nun.


Kaso kahit anong mangyari eh, sobrang sakit pa din. Ayokong isipin na iiwan na din ako ni Paolo. Akala 'ko ba walang iwanan?

[Paolo's Point Of View]


Naiinis naman ako kasi nakita 'ko si Gabby na umiiyak. Parang sumasakit na din yung ulo 'ko. Bakit naman biglang nagmamadali si kuya sa pagpunta namin ng America?! Nag-jojoke ba siya?! Nasisiraan na ba talaga siya ng ulo?!

"Ano bang problema mo, ha?!" sumigaw naman ako sa kanya. Nawala naman nun yung ngite sa mukha niya. Nakita 'ko naman nun na lumuluha na din si Ate Paula. Ano bang pumasok sa kokote niya para gawin yun, ha?!
"Wala akong problema, ok? Diba sinabihan 'ko naman na kayo tungkol dito" sabi naman niya samin.
"Sira ka talaga no?!! Ang bilis naman! Hindi pa ako napayag dyan ah! Gusto mo bang mamatay kaagad, Patrick?!" first time 'kong narinig nun si ate na sigawan si kuya ng ganyan. "Ikaw?! Bakit ka ba nagkakaganyan, ha?!"
"Alam niyo magpalamig muna kayo ng ulo niyo. Alam 'kong nagulat lang kayo kaya hindi tayo magkaintindihan" sabi naman niya. Bwiset na bwiset talaga ako dun sa sinabi niya.
"Ikaw 'tong hindi namin naiintindihan, kuya! Ayaw mo kasing ipatindi samin eh! Ano bang meron sayo?! Bakit ka masyadong nagmamadali?!" ang dami 'kong tanong sa kanya pero wala ata siyang planong sagutin yun lahat.
"Hindi mo ba alam na masakit samin na iwanan dito yung mga kaibigan namin?! Si Gabby?! Si Yael, Kyla at si Joni?! Ayaw namin silang iwanan!" sigaw nun ng sigaw si Ate Paula. Medyo nakakatakot na nga eh kasi iyak din siya ng iyak. Hindi naman sa kanya makatingin nun si Kuya.
"Bakit ba kayo ganyan?! Nasabihan 'ko na kayo ah!" parang nag-iinit din yung dugo niya nun.
"Ikaw din naman kuya ah?! Ayaw mo din naman iwanan si Toni, diba?! Mahal mo siya, diba?!" yun naman ang binato 'ko sa kanya.
"Wag mo ngang isama dito si Toni!" tinuro niya pa ako nun gamit yung index finger niya. Parang pinapatahimik din naman niya ako nun pero ako etong walang pakielam sa kung ano mang iuutos niya sakin.
"Alam mo! Siguro dahil kay Toni 'to no! Hindi mo kasi matanggap yung buong katotohanan kaya tinatakasan mo na lang!" alam 'ko na hindi 'to ang tamang panahon para mag-come up ng mga guesses pero wala na din akong magawa. Nasabi 'ko na eh. Mukha namang nagulat siya dun kasi hindi na din siya nakapagsalita.
"Ano ba Patrick?! Yun lang ba ang dahilan?! Na hindi mo lang matanggap na buntis si Toni sa iba?!" parang kinampihan din naman ako nun ni Ate Paula.
"Tumahimik na nga kayo!" sigaw naman samin ni kuya. First time namin na magtalo ng ganito.
"Takot ka rin naman pala, kuya no?" nung sinabi 'ko yun, bigla na lang niya akong sinuntok. Ang bilis ng mga pangyayare, napatumba na lang ako dun malapit sa center table ng sala. Tiningnan 'ko siya nun ng masama at mukhang nagulat din naman siya sa nagawa niya sakin. Lalo nung umiyak si Ate Paula. Badtrip. Nagdugo pa ata yung labi 'ko.
"Mahal ka ni Toni pero ganyan ka! Sinabi niya yung totoo sayo kasi alam niya na maiintindihan mo siya pero hindi pala! I disgust you!" in-emphasize ni Ate Paula nun yung last three words na sinabi niya kay kuya.

Nagkaroon ng katahimikan nun. Linapitan ako ni Ate Paula para tulungan akong tumayo. Hindi naman na nagsalita nun si kuya. Mabilis siyang pumasok nun sa kwarto niya at mag-isa  na namang nag-kulong. Hindi pa din nga siya mature. Mas mukhang nag-mature pa si Ate Paula kesa sa kanya.

"Tama lang ba yung ginagawa 'ko, bunso?" iyak ng iyak nun si Ate Paula. Wala naman akong magawa para yakapin na lang siya ng sobrang higpit. Bahala na lang kung anong mangyari bukas.

[Gabby's Point Of View]


Ayaw 'ko ng umiyak. Yun na lang ang nasabi 'ko sa sarili 'ko. Tumayo ako nun at mabilis 'kong pinawi ang mga luha 'ko. Inayos 'ko na din nun yung hihigaan 'ko.

"Ok ka na ba ate Gabby?" tanong naman sakin ni Kyla. Nginitian 'ko lang naman siya nun para masabi lang na ok ako kahit hindi. Pero dapat na akong magpakasaya at dapat 'kong sulitin ang mga araw na nalalabi para samin nila Paolo, Kuya Patrick at Ate Paula.
"Tulog na tayo. Gusto 'ko sanang gumala bukas eh" sabi 'ko naman sa kanila. Wala naman akong magagawa kung pumunta man sila ng America, diba? Basta sobrang bilis lang talaga. Wednesday na bukas. Tapos sa susunod na araw, eh aalis na sila.
"Sige, dito na din muna kami matutulog ni Yael" katabi 'ko nun si Kyla sa pagtulog at sobrang higpit ng pagyakap niya sakin. Habang si Joni at si Yael naman ay andun sa linatag na comforter sa sahig.

Hindi 'ko rin naman namalayan na nakatulog na din ako. At dumaan din naman ang sumunod na araw. Kahit na sobrang late 'ko gumising nun, 7 A.M pa lang eh buhay na buhay na ako. Wala pang gising nun kaya dahan-dahan ako nung pumunta sa kitchen para ipaghanda silang lahat ng almusal nila. Grabe, dapat lang naman talaga eh maging jolly ako. Kaya 'ko 'to! Next time na ang iyakan, diba? Haha.

Nagluto ako nun ng itlog at hotdog na may kasamang bagong saing na kanin. Sobrang bango nun. 8 A.M ng makita 'ko si Kuya Patrick. Wow. Siya pala ang first customer 'ko ngayong araw.

"Kuya Patrick! Naghanda ako ng almusal! Kain ka na! Puyat kasi yung iba! Pero ok lang yan!" sabi 'ko naman sa kanya ng may ngite. Nakita 'kong sinuklian niya ako ng ngite nun pero halatang may guilt feelings siya. Lumapit siya at umupo siya dun sa may dining area. At syempre, ako mismo ang naghanda ng pagkain niya.
"Sorry ha?" sabi naman niya sakin. Napatigil ako nun. Ayaw 'ko pa naman ng mga ganitong dramahan.
"Ano ba yang ikinaso-sorry mo sakin, kuya Patrick?! Kumain ka na! Basta ang importante ay masaya kayo,diba?" sobrang hirap sabihin yung mga bagay na yun kahit alam 'ko na mahihirapan ako kapag nawala na sila.

Kumain na rin naman siya nun ng almusal. Nakita 'ko din nun na kakagising lang ni Kyla, Joni at ni Yael.

"Huy kayong tatlo! Kain na kayo! Maghanda na tayong lahat! Dahil susugod tayo sa mall mamaya!" sabi 'ko naman sa kanila gamit ang bonggang-bonggang energy 'ko na ang lalim pa ng pinaghugutan.
"Wow!" sabi naman sakin ni Kyla.

Kumain na din naman sila ng almusal nun. Napansin 'ko naman na tapos ng kumaen nun si Kuya Patrick at kakabanggon lang nung dalawa niyang kapatid.

"Oh. Maligo ka na kaya, kuya Patrick! As in! Now na! Baka mag-unahan pa kayo ni Paolo sa CR!" sabi 'ko naman. Pinilit 'kong tumawa nun kahit sobrang hirap. Nginitian lang ako nun ni Kuya Patrick at tumayo na siya at pumunta siya ng banyo ng hindi man tinitingnan si Paolo.

Mukhang nagka-away din naman silang tatlong magkakapatid. Ano ba naman yan? Dapat na nga lang tayong magpakasaya, diba?

"Kumaen na kayong dalawa, dali" umupo na nun si Ate Paula at si Paolo nun at nagsimula na din silang kumaen.

Kakatapos lang nun kumaen ni Yael kaya naman linapag niya yung plato niya dun sa lababo 'ko at naghanda na din siya sa gala namin mamaya lahat. Ako na yung naghugas ng plato nun. Eto na rin ang magagawa 'ko para kay Paolo. Palagi na lang kasi siyang naghuhugas ng pinggan eh.

Nagulat naman ako ng biglang may dalawang kamay na humawak sa dalawang kamay 'ko na punong-puno ng sabon. Dun 'ko lang na-realize na si Paolo yun. Sobrang close ng likod 'ko nun sa harapan niya. Mamimiss  'ko ang yakap na 'to galing sa kanya.

"I love you" bulong naman niya sakin. Parang gusto 'kong sumigaw sa sobrang kilig and at the same time, eh gusto 'ko ding umiyak dahil aalis na siya eh. Medyo natulala pa ako nun pero nabuhayan ako ng bigla niya akong halikan sa cheeks 'ko. Imbis na umiyak ako, napangite na lang ako.

Lalo siyang naging sweet. Kung kelan naman halos isang araw na lang ang binigay para samin dalawa, ngayon lang siya naging ganito ka-sweet.

"Kumaen ka na nga" sabi 'ko naman. Sobrang kinikilig talaga ako nun. Umupo naman na siya nun sa upuan niya at nagpatuloy sa pagkaen. Ako naman etong naiiyak na habang naghuhugas ng plato.

Natapos na din yung almusal na yun. Pare-parehas kaming naghanda para sa gala namin ngayon. Sayang, wala pa si tita ngayon. Iba kasi talaga pag busy pero naiintindihan 'ko naman na yun. Nag-commute lang naman kaming lahat kaya parang nagkaroon nga ng party dun sa jeep eh. Sobrang tahimik nun nila Ate Paula, Paolo at ni Kuya Patrick.

"Sobrang tahimik niyo ah! Dapat magpakasaya na tayo! Parang despidida party na kasi 'to, diba?" sabi 'ko naman sa kanila. Medyo nagulat naman ako ng bigla akong yinakap ni Ate Paula. Ang sweet naman nila ngayon.

Pagdating namin sa mall, sobrang dami naming ginawa. Pumunta kami nun sa may Arcade House. Naalala 'ko naman nun yung mga memories 'ko dito with Kuya Patrick at Paolo. Sobrang saya 'ko nun. Tapos nanuod din kami ng sine. Grabe, total laughtrip eh. Trying hard 'kong magpakasaya nun. Eto na lang talaga yung last chance 'ko eh.

Napagpasyahan din naming kumaen nun sa KFC. Sobrang ingay nga namin dun eh.

"Kyla, samahan mo naman ako sa photoline oh?" sabi 'ko naman sa kanya. Gusto 'ko lang kasi magpa-develop ng pictures eh.
"Sure" sabay naman kaming tumayo nun.
"Babalik na lang kami, ok?" tumango lang naman silang lahat samin. Tutal naman wala pa yung order, gagamitin 'ko na yung oras na 'to.

Pumunta kami ni Kyla dun sa Photoline tapos nagpa-develop ako ng mga pictures. Haaay. Bukas na ba talaga yung alis nila? Sobrang hirap paniwalaan. 25 minutes pa ang hihintayin 'ko para mapa-develop yung pictures.

"Ok lng yan, Ate Gabby" sabi naman sakin ni Kyla habang papunta kami sa may KFC. Nginitian 'ko lang naman siya nun. Sakto naman kasi kakadating lang nung order namin.

Ang saya na makipagkainan sa kanila. Ayokong isipin na eto na ang last na gala at kaen namin kasama 'ko ang "pamilya" 'ko. Haaayyy. Mamimiss 'ko talaga sila.

Pagtapos naman naming kumaen eh napagpasyahan 'ko ng kunin yung mga pictures na pina-develop 'ko. Pero bago 'ko man ipakita yun sa kanila, nagyaya muna ako sa may department store. Grabe, ang sayang paglaruan nun ni Joni, Paolo at ni Kuya Patrick. Pumipili kasi kami ng damit na pwede nilang i-fit. Pinakagwapo sa kanila si Joni! Palakpakan! Hahahaha. Tawa kami ng tawa nun. Umabot kami ng 6 P.M na nun

Sobrang bilis ng oras. Naglalakad na din kami nun papalabas dun sa exit nung mall pero ako yung tumigil nun sa paglalakad at nilabas 'ko nun yung picture 'ko na gusto 'ko sana ibigay kay Paolo, Kuya Patrick at kay Ate Paula.

"Kuya Patrick, Ate Paulat at Paolo. Eto para sa inyo, remembrance" sabay abot 'ko sa kanila ng picture 'ko na may nakasulat na "Gabby" sa likuran.

[Paolo's Point Of View]


Naalala namin kay Gabby si Ate Summer lalo ng nagbigay din siya samin ng remembrance. May side sakin na ayaw tanggapin yung picture na yun. Ang hirap kasing tanggapin na aalis na kami. Iiwanan 'ko rin pala siya after all. Ayaw 'ko ng ganito. Nabwibwiset ako. Sabay-sabay naming kinuha yung tatlong picture nun.

"Gabby!" iyak ng iyak nun si Ate Paula habang mahigpit na niyayakap si Gabby.

Napatingin naman ako kay kuya na mukhang malungkot din naman.

"Tama na ang dramahan, guys! Pakasaya tayo, diba?! Lika na!" sabi naman ni Joni samin. Pinawi ni Ate Paula yung mga luha niya at hiniwalayan niya na din ako nun.

Sabay-sabay ulit kaming naglakad papunta dun sa exit nung mall. Mukhang masaya nun si Gabby pero alam 'ko na hindi. Bwiset naman talaga oh. Siya yung pinakaunang lumabas nun sa mall. Umabot sa point na sa sobrang pagiging energetic niya ay may mga bagay siyang hindi napansin.

Nag-cross na siya dun sa gitna ng daan. Pero kahit anong bilis 'ko ay alam 'ko na wala akong magagawa. Isang motor ang bumangga kay Gabby nun. Biglang nagbalik ang nakaraan. Biglang nagbalik ang nangyari kay Ate Summer. Bumalik ang mga memories na ayaw 'ko ng balikan.

"Gabby!" sobrang bilis ng pangyayare pero sa pagbagsak ni Gabby sa lupa, parang biglang bumagal nun ang lahat. Bigla akong kinabahan, please. Hindi 'ko kakayanin na iwanan ka pero mas lalong hindi 'ko kakayanin kung iiwanan mo ako.

No comments:

Post a Comment