Sunday, April 3, 2011

Chapter 38

[Gabby's Point Of View]


Sobrang saya ng gabing yun. Kinabukasan naman eh, sabay-sabay kaming nag-almusal. nalaman 'ko na nagkakamabutihan si Kuya Patrick at si Toni. Sila pa ngang dalawa yung nag-effort na bumangon ng maaga at magluto ng almusal para saming lahat. Bago yan ah. Sila din yung naghain sa  may dining area.

"Wow naman! Ang galing niyong magluto ah!" sabi 'ko naman sa kanilang dalawa.
"Kumaen na kayo, dali" nginitian 'ko naman si Toni nun habang umuupo sa katabing upuan ni Paolo. Nagtinginan saming dalawa ni Paolo ang lahat. Medyo nakakahiya tuloy.
"Ang ganda ng gising niyan ni bunso. Katabi kasing kumaen si Gabby eh" sabi naman ni Kuya Patrick kay Paolo na mukhang namumula talaga ng bonggang-bongga.
"Sira ka talaga kuya. Baka gusto mong ibuking kita ha!" sabi naman ni Paolo. Aba marunong na palang mang-black mail 'to.
"Huy! Tumahimik ka nga dyan!" sabi naman ni Kuya Patrick kaya naman lahat kami ay nagtawanan lahat.

Hindi pa rin sila nagbago. Ang mag-kuya na 'to ay habang-buhay na atang magkaka-asaran at maglolokohan. Ang kukulit lang eh.

"Itigil niyo na nga 'yan. Ang kulit niyo talaga. Hindi niyo lang alam na naririnig 'ko yung mga usapan niyo kagabi?" natawa kaming lahat dun. Ano kayang pinagusapan ng dalawang 'to?!
"Hindi nga, ma?! Patay na tayo niyan bunso!" sabi naman ni Kuya Patrick. Parang bata lang eh.
"Kaya tumigil kayo dyan. Andyan pa naman si Gabby at Toni no" nagtaka naman ako dun. Parang dati ako lang ang inaasar tapos ngayon, kasama na si Toni. Hmmmm, curious na ako ah. Haha. Nakita 'ko namang namula ng sabay si Paolo at si Kuya Patrick. Grabe, sobrang cute talaga. Nakakagigil silang dalawa.
"Hala naman" sabi naman ni Toni ng pabiro.

Hindi pa rin nagbabago si Tita. Kahit na marami siyang trabaho, andyan pa din siya para sa mga anak niya. Andyan pa din siya para magsilbing referee sa dalawang lalaki niyang anak.

Nagsimula na kaming kumaen nun. At umusbong din ang iba't-ibang klase ng masayang kwentuhan. Ang gaan sa pakiramdam na makita silang kumakaen sa iisang lamesa. Parang one big happy family na talaga. Minsan naiisip 'ko eh nananaginip lang ako. Sobrang saya naman kasi eh.

"Gusto mo neto?" tanong naman ni Yael kay Kyla habang tinuturo niya yung hotdog na ulam niya. Mukha kasing naubos na agad ni Kyla lahat ng ulam niya eh. Napatitig ako kay Kyla na mukhang namumula naman. Humaharot na din etong batang 'to ahhh!! Haha.
"Okay lang ba sayo?" sobrang cute nila. Kahit na sobrang liit lang ng mga bagay na yun, sobrang sweet pa din.
"Okay lang. Sayo na lang" tapos binigay ni Yael yung hotdog kay Kyla. Grabe, sobrang cute talaga nila.

Hindi pa rin nagbabago si Kyla at Yael. Andun pa din yung chemistry nila at walang kamatayang friendship nila. Andun pa din yung possibility na sila pa rin hanggang sa huli.

"Waaaa!! Omg! Sobrang cute ni Yael at ni Kyla!!" bigla namang sinabi ni Ate Paula. Sobrang kulit niya talaga eh.
"Duh. Anong cute dun?" ang bakla talaga ni Joni. Grabe. Haha. Ang swerte niya nga na may nagkakagusto sa kanya na kasing ganda ni Ate Paula eh.
"Hay nako Nicholas! Wala ka talagang alam sa mga first love no! Bigyan mo din ako niyang ulam mo!! Puh-leeaaaseee!!" natawa naman kaming lahat dun. Ibang klase talaga si Ate Paula eh.
"Ano ka swerte?!!!!" sigaw naman ni Joni. Sobrang gulo talagang nilang dalawa. Yung tipong pag nagsama sila eh, parang gumawa sila ng Riot.

Hindi pa rin nagbabaho si Joni. Bakla pa din siya. Haha. Joke! At sobrang bait pa din niya. Andun pa din yung care niya para kay Kyla at kay Yael. Kahit naman na ngayon 'ko lang nakilala si Ate Paula, masaya ako kasi na-meet 'ko na din siya sa wakas. At sana maging friend 'ko siya.

"Gabby, paabot naman nung iced tea" sabi naman sakin ni Toni.
"Sure" sabay abot sa kanya nung iced tea. Nginitian niya lang naman ako nun. Kinuha niya sakin yung iced tea tapos nag-pour siya ng iced tea sa mismong baso ni Kuya Patrick. Grabe, ang cute din pala nilang tingnan no.

"Thank you" sabi naman ni Kuya Patrick kay Toni sabay ngite sa kanya. Ngumite din naman si Toni pabalik at halatang parehas silang nanlambot sa mga ngite ng isa't-isa.

Ibang klase talaga si Kuya Patrick at si Toni. Hindi pa rin nawawala yung mga nakakapanlambot nilang ngite na papakiligin ka kahit anong mangyare. Nagsama pa talaga sila no?!! Grabe.

"Okay. Tapos na 'ko" sabi naman ni Paolo kaya napatingin ako sa kanya. Ang bilis naman niyang matapos. Parang lahat nun nagtinginan sa kanya. Nakakahiya siya. Haha. Pero medyo nagulat naman ako ng tumingin siya sakin at tumingin din siya dun sa pagkaen 'ko na hanggang ngayon eh hindi pa din ubos.

"Sige, hintayin na kita" sabi sakin bigla ni Paolo. Namula siya nun, no doubt about it. At sobrang cute niya talaga. Wala akong magawa kundi ngitian na lang siya.

Hindi pa din siya nagbabago ang Paolo nun na nakilala 'ko. Ganun pa din siya ka-caring at ka-bait. Ganun pa din yung pakikitungo niya sakin. Sobrang natutuwa ako na naging parte niya ako ng buhay niya.

"Guys, gusto niyo bang pumunta tayo sa Paseo next week?" tanong naman ni Kuya Patrick. Halos lahat naman kami ay na-excite dun sa sinabi niya. Masaya 'to. Isang family bonding experience. Haha.

Malamang eh alam na ang sagot namin dyan. Isang sobrang laking yes ang sinampal namin kay Kuya Patrick. Lalo lang kaming naging close lahat nun. Punong-puno ng ngite yung mga mukha namin at siguro eh rinig na rinig yung mga tawanan namin sa kapitbahay.

Sana nakikita 'to ni mama at ni papa kasi tila nabubuhayan na ulit 'tong bahay namin.

Dumaan ang isang linggo. Ang saya kasi parang wala akong problema. Nakwekwento naman sakin ni Toni nun na palagi silang nagkaka-text ni Kuya Patrick at minsan na din silang nag-date. Masaya din ako kay Toni kasi dahil daw kay Kuya Patrick eh, medyo nakaka-move on na siya kay Dustin. Hindi naman na niya pinipilit yung mama niya na hanapin pa si Dustin. Kung ano man ang problema ni Dustin ngayon, wala na kay Toni yun. It's between Dustin and his family na lang daw. Proud naman talaga ako sa bestfriend 'ko na yun. At syempre, andun pa din ang pag-layo ni Joni kay Ate Paula at ang walang kamatayang paglapit ni Ate Paula kay Joni. Halos silang dalawa rin ang nagbibigay ng mga laughs dito sa bahay eh. Palagi din namang magkasama si Kyla at Yael. Minsan 'ko rin silang nahuling pumunta sa park ng naka-holding hands pa. Kamusta naman yun?!! At malamang kami ni Paolo, ano bang nangyayari samin? Wala lang. Andun pa din ang pag-aasaran pero hindi mawawala ang fact na kuya 'ko pa din siya.

Tininingnan 'ko ang oras. 6 P.M na. Naka-park na sa labas yung van na inarkila ng assistant ni Kuya Patrick. Maayos na din ang lahat. Kumpleto na rin naman ang lahat dito sa bahay. Syempre, pumunta na rin dito si Toni para sabay-sabay na kaming pumunta sa Paseo. Nakaka-excite naman 'to. Nakasuot nun si Kyla ng sobrang cute na damit. Ang familiar nga ng damit eh, parang pang-anime kasi. Hanggang sa gala  talaga eh, ganun pa rin ang suot niya. Dala naman nun ni Yael yung Single lens reflex na camera niya. Sosyal talaga. At syempre ang ganda pa ding pumorma ni Kuya Patrick at Toni. Parang silang nagnining-ning lalo na kapag magkasama. Ayos na pala kung sila yung palaging magkasama no, makakatipid kami ng kuryente sa Meralco. Haha. Si Ate Paula naman eh as usual ay kapit na kapit sa baklang si Joni. Pero kahit na ganun, ang saya at ang cute nilang tingnan. Wala naman si Tita kasi busy siya sa company niya. Si Paolo naman ay andun sa harapan 'ko. Gwapong-gwapo pa din. Haha.

"Kumpleto na ba tayo?" tanong ni kuya Patrick.
"Kumpleto na tayo!! Let's gooooo!!!!!!" sobrang energetic naman ni Ate Paula kaya parang nakakahawa naman talaga.
"Kaya nga! Lika na" sabay-sabay kaming pumunta nun sa van. Si Kuya Patrick yung nasa driver's seat at si Toni naman ang andun sa front seat. Bagay na bagay naman silang dalawa.

Katabi 'ko nun si Paolo kaya hindi naman talaga nawala ang asaran. Well, sanay na sanay na sanay na sanay na sanay na ako. Haha. Pero si Paolo, sobrang pikunin talaga. Pag tiningnan 'ko naman eh parang lulubog na sa lupa sa sobrang kapulahan ngn mukha niya.

Sobrang saya dun sa van. Sa van pa lang eh, nagsisimula na ang party. Ang kulet lang no? Isang oras ang  naging byahe namin papuntang Paseo. Medyo traffic din kasi eh. Nung pagdating namin dun eh, animo mga wild animals kaming magwala paglabas ng paglabas ng van. Nakakahiya lang eh pero sobrang saya naman. Andyan naman si Yael para picturan kami sa bawat kawalanghiyaang ginawa namin. Ang kulit pa kasi pinicturan pa kami ni Paolo ng magkasama. Kamusta naman yun!?!? Wag ganyan. Bata pa ako. Haha.

Napagpasyahan namin nun na kumaen dun sa part nung Paseo kung saan may mga taong nagkakantahan sa stage. Hindi 'ko alam yung tawag kasi first time 'ko ding pumunta dito. In-occupy namin yung seats dun sa mismong harapan nung stage para masaya, syempre. Parang batas  lang kami no? Umorder naman nun si Kuya Patrick ng pagkaen. Iniwan na namin ang trabaho na yun sa kanilang dalawa ni Toni. Magaling naman sila dyan. Haha.

"Okay guys?! Sinong gustong kumanta dito sa stage? Go lang, wag kayong mahiya" sabi naman nung babaeng andun sa may stage.
"Huy ikaw ate Gabby! Go, sobrang ganda kaya ng boses mo!" sabi naman sakin ni Yael. Kinabahan naman ako nun. Grabe ha. Ako?
"Ano ka ba?! Nakakahiya?!" sobrang naman talaga eh. Hindi 'ko kakayanin sa dami ng taong andito.
"Sige na Gabby! Go!" mukhang ginagantihan ako ni Joni nun ahh. Loka talaga 'tong baklang 'to oh. Haha.
"Maganda pala ang boses mo, Gabby! Go there" sabi sakin ni Kuya Patrick. Huli akong napatingin kay Paolo na tumango lang sakin. Parang sinasabi niya sakin na kumanta ako dun.

Nagulat naman ako sa babae na kumukuha ng order namin eh bigla akong tinuro dun sa babaeng andun sa stage.

"Okaay!! Meron pala mula sa mga newcomers!" sabi nung babae sa may stage.

"Grabe ha! Ang kulit niyo?! Sobrang nakakahiya talaga!" Waaaa. Gusto 'ko ng magpalamon nung mga panahon na yun. Pero hinawakan nung waitress yung kamay 'ko tapos sinabayan niya ako sa pagpunta dun sa stage.
"Sige na po, ate" sabi sakin nung waitress. Hindi naman ako makatanggi kasi ang cute at sobrang convincing nung ngite nung waitress. Nanlamig yung buong katawan 'ko ng ma-realize 'ko na SOBRANG daming tao nun.

Nagpalakpakan lahat sila habang yung "pamilya" 'ko naman eh may kasama pang hiyawan. Nakakahiya talaga. May isang lalaki na hindi 'ko kilala ang biglang tumayo at biglang tumakbo papunta sakin. Sobrang kinabahan ako kasi hindi 'ko siya kilala. Akala 'ko may gagawin siyang masama pero lyrics ng kanta pala ng Because You loved Me ang binigay niya sakin.

"Ate, eto na lang po kantahin niyo. Magpro-propose po ako dun sa girlfriend 'ko eh. Ang pangalan 'ko po ay James. Yung pangalan po ng girlfriend 'ko ay Lara. Pakisabi po ha.. Thank you po" napangite ako dun sa lalaki ng bonggang-bongga. Ang swerte naman ng babaeng yun.
"Sige po!" sabi 'ko naman. Hinawakan 'ko yung lyrics nun. Nagthumbs up sakin yung lalaki bago siya pumunta dun sa mga kabarkada niya. Lalong lumakas ang palkpakan dahil dun sa kampo ng lalaki na nanghingi sakin ng pabor. Ang sweet naman ng lalaking yun.

Buti na lang yung kantang yun ay one of my favorite songs ko dati kaya medyo memorize 'ko pa. Pinakita 'ko dun sa mga instrumentalist yung kanta at mukhang alam naman nilang tugtugin.

"Uh... Yung kakantahin 'ko po ngayon ay pinapa-dedicate ni Kuya James sa kanyang pinakamamahal na si Ate Lara" biglang naghiyawan yung mga tao nun. Tawa naman ako ng tawa nun. Hindi ako nage-expect ng ganitong eksena. "ang swerte niyo ate, ha" sabi 'ko naman kaya lalong nagtawanan ang lahat. Nawala nun lahat ng kaba 'ko lalo ng napatitig ako kay Paolo na nakatitig din naman sakin. "...At ako naman eh dine-dedicate 'ko ang kantang 'to to someone special in my life... And it's you"


Wala na akong sinabing pangalan pero alam ng lahat na sa iisang tao lang ako nakatingin nun. Kay Paolo.

For all those times you stood by me 
For all the truth that you made me see 
For all the joy you brought to my life 
For all the wrong that you made right 
For every dream you made come true 
For all the love I found in you 

Nagsimula na din naman ako kaagad nun. Binuhos 'ko na rin halos lahat ng feelings 'ko sa kantang 'to. Ang gaan sa feeling na parang ang tanging kinakantahan 'ko lang nung mga panahon na yun ay si Paolo at wala ng iba.

I'll be forever thankful baby 
You're the one who held me up 
Never let me fall 
You're the one who saw me through through it all 

[Paolo's Point Of View]

Sobrang natuwa ako nung sinabi niya yung mga salita na 'someone special' tapos sakin lang siya nakatingin. Nakakataba ng puso. Pakiramdam 'ko nun parang siyang anghel na binaba ng langit para lang kantahan ako.

You were my strength when I was weak 
You were my voice when I couldn't speak 
You were my eyes when I couldn't see 
You saw the best there was in me 
Lifted me up when I couldn't reach 

[Toni's Point Of View]

Sobrang ganda ng boses ni Gabby. As in, namiss 'ko rin yung pagkanta niya. Napatingin naman kaming lahat ng biglang may magsigawan yung mga tao sa likod. Ang alam 'ko na lang eh nagyayakapan na yung 'James' at 'Lara' na binanggit ni Gabby bago siya kumanta.

You gave me faith 'coz you believed 
I'm everything I am 
Because you loved me 

"ang sweet nila" sabi naman ni Kuya Patrick.
"Oo nga eh" sabi 'ko naman na may kasamang ngite.

[Gabby's Point Of View]

You gave me wings and made me fly 
You touched my hand I could touch the sky 
I lost my faith, you gave it back to me 
You said no star was out of reach 
You stood by me and I stood tall 
I had your love I had it all 

Mukhang napa-oo nun ni Kuya James si Ate Lara kaya lalo naman akong na-inspire na kumanta ng mas maganda pa sa una 'kong pagkanta. Maya-maya naman eh biglang pumunta si Ate Lara at Kuya James sa gitna at nagsayaw sila dun ng slow dance sa gitna. Nakakahiya pero sobrang sweet. Ganun naman palagi kung magmamahal ka eh. Nakakahiyang umamin at sabihin yung feelings mo sa isang tao pero sa huli sobrang sweet at nakakatuwa pa din.

[Toni's Point Of View]

I'm grateful for each day you gave me 
Maybe I don't know that much 
But I know this much is true 
I was blessed because I was loved by you 

Nagulat naman ako ng ang daming couples na nagsayaw sa gitna. Pinangunahan pa kasi nung bagong engaged na couple na nagsayaw sa gitna. Sumunod pa nga nun si Ate Paula at si Kuya Joni eh. Malamang eh hinila lang ni Ate Paula si Kuya Joni. Ang kulet naman nila. Pero mas lalo akong nagulat ng tumayo si Kuya Patrick and offer a hand to me.

"Can I have this dance with you?" tumalon ng sobra yung puso 'ko nun. Ang cute niya kasi diba. Haha.
"Sure" sabi 'ko naman sabay pumunta kami dun sa gitna at nagsayaw kami dun.

[Paolo's Point Of View]

You were my strength when I was weak 
You were my voice when I couldn't speak 
You were my eyes when I couldn't see 
You saw the best there was in me 

Hanep naman nun si Kuya na yayain talaga si Toni ah. Panis ang wala eh. Haha. Napatingin naman ako dun kay Yael at kay Kyla na nagkakahiyaan pa. Pero in turns out na sa huli ay sabay din silang pumunta sa gitna at nagsayaw din sila. Ako na lang pala yung naiwan dun sa table at na-realize 'ko rin na dapat 'ko din palang isayaw yung taong gusto 'ko.

Lifted me up when I couldn't reach 
You gave me faith 'coz you believed 
I'm everything I am 
Because you loved me 

[Gabby's Point Of View]

Nakita 'kong tumayo nun si Paolo at bigla siyang lumapit dun sa may stage. Gusto 'kong tumigil nun sa pagkanta. Grabe, nakangite pa siya sakin nun. Sobrang nanlalamig yung buong katawan 'ko sa presensiya niya. Sobrang natutuwa ako. Sobrang kinikilig ako.

You were always there for me 
The tender wind that carried me 
A light in the dark shining your love into my life 
You've been my inspiration 

Umakyat siya dun sa may stage tapos lumapit siya sakin. Grabe, nakakahiya siya pero sobrang naiinis ako sa kanya. Naiinis ako kasi pinapakilig niya ako. Haha.

Through the lies you were the truth 
My world is a better place because of you 

"Alam 'kong nakakahiya 'to. Pero gusto sana kitang isayaw" tanong naman niya sakin. Dun ako napatigil sa pagkanta. Linapag 'ko nun yung mic sa gilid dahil mas gusto 'kong ma-experience ang bagay na 'to.
"Hindi naman ako tatanggi sayo" linagay 'ko yung kamay 'ko nun sa shoulders niya while yung mga kamay naman niya eh nakalagay dun sa hips 'ko.

Narinig 'ko na sinalo na lang ako nung babaeng andun sa may stage kanina. Siya na din kasi yung kumanta nung mga sumunod na part nung kanta eh. Parang bumabagal yung oras habang nagsasayaw kami. Sabay na sabay yung paa namin. Ang dami 'kong nararamdamang kakaiba pero alam 'kong wala namang mangyayari. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso kasi feeling 'ko matutunaw na 'ko. Pero siya naman eto na kung tumingin ay parang gusto talaga akong tunawin. Halos yakapin 'ko na siya at parang ayaw 'ko na talaga siyang pakawalan.

"Paano kung sabihin 'ko sayong mahal na kita?" tanong niya sakin na nagpangite naman talaga sakin.
"Matutuwa ako" plain and simple. Matutuwa ako kasi mahal 'ko din naman siya.

No comments:

Post a Comment