Tuesday, April 5, 2011

Chapter 45

[Gabby's Point Of View]


Napatumba ako nun. Pero may ilang segundo pa ang natira bago pa man napapikit na ng tuluyan ang mga mata 'ko. Huli 'kong nakita nun si Paolo. Sobrang lakas ng pagpintig ng puso 'ko. Kinakabahan ako na baka huli na 'to. Na baka eto na ang huling tingin 'ko sa kanya. Gusto 'kong umiyak pero kulang na ako sa oras. Narinig 'ko pa nun ang sigawan ng ibang tao na hindi 'ko kilala. Pagkatapos nun, nag-black out na lang ang lahat. Wala akong maramdaman at wala na din akong makita. As if hindi na ako nabubuhay.

[Paolo's Point Of View]


Tumigil nun yung motor na nakabangga sa kanya. Sobrang kinabahan ako nun. Mabilis kaming lahat na lumapit kay Gabby.

"Shit. Okay lang ba siya?" Ang sarap basagin nung lalaki na nakabunggo kay Gabby. Mukha bang okay siya? Gusto niya bang mamatay?!
"Tabi! Tumabi kayong lahat" nakita 'ko nun na may dugo na lumalabas sa ulo niya nun. Ang hirap niyang tingnan. Parang hindi na din ako makaisip ng diretso.
"Dalhin na natin siya sa ospital!" badtrip. Hindi pa pala namin dala yung kotse ni kuya. Gusto 'ko nung umiyak pero dapat 'ko 'tong kayanin para kay Gabby.

"Sumakay na po kayo samin" sabi naman ng isang lalaki na mukhang napadaan. Tumango na lang naman kaming lahat. Pumasok kami dun sa van nung lalaki.
"Salamat kuya ha?" sabi naman ni Joni dun sa driver.buti na lang maluwang nun yung loob ng van kundi baka hindi pa kami magkasya lahat. Parang sabay-sabay kaming kinakabahan nun.

Mabilis na nag-drive yung lalaki at kasabay nun at pagbilis din ng pagpintig ng puso 'ko. Grabe talaga. Sana hindi siya matuluyan. Hinawakan 'ko nun yung kamay ni Gabby. Medyo namumutla na din siya nun.

"Huyy! Si Ate Gabby" naririnig 'ko naman nun na umiiyak si Kyla.

Maya-maya naman ay tumulo na din nun yung mga luha 'ko. Naiinis ako sa sarili 'ko. Bakit naman humantong dito yung mga pangyayare?

"Gabby, wag kang ganyan" bulong 'ko naman sa kanya. Badtrip. Nababading na 'ko. Nakakainis. "Hindi pa kita naririnig tumugtog ng piano" lalo akong naiyak habang binubulungan 'ko siya. Hindi 'ko alam kung naririnig niya pero wala na akong pakielam. "At higit sa lahat, hindi mo pa 'ko nasasabihan ng 'i love you'."


Parang sobrang nanghina ako nung mga panahon na 'yun. Hindi 'ko kakayanin ng mawala siya. Eto lang talaga ang naisip 'ko.

"Andito na tayo" sabi naman nung driver. Mabilis kaming lumabas nun sa van at pumunta kami kaagad dun sa emergency room. 
"Salamat po!" sabi naman ni kuya dun sa driver. Grabe, swerte na kami ng mapadaan siya kundi hindi na namin alam kung ano man yung gagawin namin. 

Mabilis kaming inassist ng mga nurses at isang doctor. Bawal naman na kaming pumasok nun sa ICU. Nababadtrip ako kasi baka yun na yung huli. Bakit ganun? Wala akong magawa? Ang tanging magagawa 'ko lang ba talaga ay maghintay sa kanya?

"Tatawagan 'ko na si Toni para malaman niya yung nangyari kay Ate Gabby" narinig 'ko namang nag-uusap nun si Kyla at Yael. Napa-sigh na lang ako. Hindi pa din nawawala yung kaba 'ko.
"Sige. Dalian mo! Kinakabahan na talaga ako para kay Ate Gabby!" sabi naman ni Kyla. Pinikit 'ko nun yung mga mata 'ko pero hindi 'ko pa din mapigilan na hindi mapaluha.

Kalahating oras na ang dumaan pero wala pa din kaming naririnig galing dun sa doctor kaya naman mas lalo akong kinakabahan. At mukhang hindi pa din naman ako nauubusan ng mga luha. Pakiramdam 'ko gusto 'ko ng sirain lahat ng gamit na nakikita 'ko. Bigla namang tumabi sakin nun si kuya.

"Kasalanan 'ko ang lahat" narinig 'kong binulong sakin si kuya. Yan na naman siya, sinisisi niya na naman yung sarili niya. "Kung hindi ako nag-decide na umalis na tayo kaagad, hindi naman tayo maggagala eh. Hindi siya maaksidente ng ganito. Ako ang may kasalanan"
"Gago ka talaga no?" sabi 'ko naman kay kuya at napatingin naman siya sakin ng diretso nun. "Walang may kasalanan dito kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Alam 'kong magagalit din si Gabby kung patuloy mong sisisihin ang sarili mo"

Napa-sigh na lang naman nun si kuya sa sinabi 'ko. Kasi naman eh, siya ang panganay pero eto siya na mas nagpapakita pa ng kahinaan.

"Sorry" bulong naman niya. "Mahal 'ko kasi si Toni eh. Naguluhan lang ako ng nalaman 'ko na buntis siya sa iba" napatingin naman ako sa kanya ng diretso nun. "Gusto 'ko ng pumunta sa America para makalimutan 'ko na siya at para na din hindi 'ko makita yung kasal niya"
"Ang hina mo talaga, no? Akala 'ko ba hindi ka takot magmahal! Pero 'yan yung pinapakita mo sakin ngayon. Mahal mo siya, diba? Bakit natatakot kang tanggapin siya? Tutal nga eh mas matibay sayo si Toni!? Kasi tinake niya yung risk na magmahal ng katulad mo kahit na alam niyang malabo na may tumanggap sa kanya" napatigil naman nun si kuya. Kapag ako na talaga ang nagsasalita eh walang magawa si kuya kundi tumahimik na lang.

[Toni's Point Of View]

Nung moment na makita 'ko yung text ni Yael sakin, mabilis ako nung pumunta sa may hospital. Sobrang kinakabahan ako nun para kay Gabby. Napapaluha na din naman ako nun. Bwiset naman eh. Ano bang ginawa na naman ni Gabby, ngayon?! Babatukan 'ko yun kapag nakapagkita talaga kami!! Kakabati lang namin tapos ganyan na kaagad!

Mabilis ako nung nakapunta sa hospital.

"Saan dito yung kwarto ni Gabrielle Josephine Paras" ang bagal kumilos nung receptionist. Badtrip.
"Sa ICU po sa 2nd floor" sabi naman sakin nung receptionist na daig pa ang pagong kung mag-check ng mga records. Mabilis akong umakyat nun sa may 2nd floor. Mabilis 'ko naman nakita nun si Joni.

"Kuya Joni?! Anong nangyari?!" napasigaw naman ako nun sa kanya. Kasama niya nun si Joni, Ate Paula, Yael at Kyla. Medyo napaisip naman ako nun kung nasaan si Paolo at si Kuya Patrick. Pero sa totoo lang, si Kuya Patrick lang rin yung hinahanap 'ko sa kanila kaso hindi 'ko naman siya makita. Alam 'kong magkakaroon naman ng awkward feeling between samin kung magkita man kami ngayon. Mas mabuting hindi 'ko na lang siya makita.
"Shocks, Toni! Buti dumating ka na! May tangang motor na bumunggo sa kanya eh!" lalo naman akong kinabahan nun.

[Paolo's Point Of View]


Sabay naming narinig ni kuya yung boses ni Toni. Dun namin na-conclude na kakadating niya lang at tinatanong niya lang sila Joni sa nangyari kay Gabby.

"Andyan na si Toni. Ikaw na ang bahala dyan, kuya" tumayo naman ako nun at umalis na lang ako dun sa may waiting area. Nakita 'kong magre-react pa sana siya pero nilayasan 'ko na lang siya.

Pumunta naman ako nun sa may rooftop para lang makapagisa at makapag-isip ng maluwan. Andun pa din yung kaba sa dibdib 'ko sa pwedeng mangyari kay Gabby. At hindi pa din nauubos ang mga luhang nagpapabading sakin. Pakiramdam 'ko ako yung nabunggo eh. Pakiramdam 'ko doble yung sakit na nararamdaman 'ko. Ang dami pa naming hindi nagagawa... ng magkasama...

[Toni's Point Of View]


"Andun yung room niya pero bawal pa tayong pumasok eh" nakakainis naman. Gusto 'ko ng makita yung bestfriend 'ko.
"Sige. Tingnan 'ko lang yun" pumunta naman ako nun sa harapan nung ICU at nagulat naman ako nun na nakaupo sa waiting area si Kuya Patrick. Parehas naming nahuli yung mga tingin ng isa't-isa at mukhang wala rin kaming plano na ilihis yung mga tingin namin.

"Toni" tawag naman niya sakin. Tumayo siya nun at nilapitan niya ako nun. Sobrang awkward ng pakiramdam. Hanggang ngayon, masakit pa din yung puso 'ko dun sa sinabi niya sakin.

"I'm sorry" sabi naman niya sakin. Lalong bumigat yung pakiramdam 'ko. Hindi 'ko na rin namalayan na napaiyak na naman ako. Bwiset. Dapat pa bang ulitin ang lahat? Dapat bang saktan niya na lang ako ulit?! Ayoko na!
"Lumayo ka na nga sakin" yun na lang yung nasabi 'ko pero dun 'ko lang na-realize na hinawakan niya na din pala yung kamay 'ko. Napatingin ako sa kanya nun at sobrang kinakabahan ako. Linapit na nun yung kamay 'ko sa mga labi niya at hinalikan niya yun. Tumindig ang balahibo 'ko sa batok. May kakaiba siyang energy na binigay sakin nun. Ibang klase.
"I love you" sabi naman niya sakin. Ang hirap i-decipher sa utak kung ano ba gusto niyang iparating sakin. "At sorry kung gago ako. Sorry kung nasaktan kita. Naguluhan lang talaga ako" nakikita 'kong may mga namumuong luha mula sa mga mata niya pero ayaw 'kong tumitig kasi ayaw 'ko ulit umasa na kaya niya akong tanggapin.

"Pero ngayon, malinaw na ang lahat. Kahit kanino pa man yung bata na 'yan, ok lang sakin. Basta ikaw yung kasama 'ko." bigla niya akong niyakap nun. Medyo hindi naman ako makapalag kasi alam 'ko din sa sarili 'ko na gusto 'ko din yung yakap na 'to. "Ako na lang ang pakasalan mo. Wag na si Dustin"


Sobrang childish niya nung sinabi niya yun. Hindi 'ko alam kung tatawa ba ako o ano. Medyo humiwalay ako sa kanya nun at pinawi 'ko yung mga luha 'ko. Tapos tumango na lang ako sa kanya.

"19 years old pa lang ako! Maghintay ka muna. Tsaka hindi ka pa nga nanliligaw sakin tapos kasal kaagad" sabi 'ko naman sa kanya na parang nagjo-joke lang ako. Parang nagbalik nun yung ngite sa mukha niya. Hinawakan 'ko nun yung mukha niya at napapaisip na lang ako na ang ibang klase din no? Nain-love ako ng sobrang bilis sa isang katulad  niya.

Yinakap niya lang ako nun. Medyo nagkakahiyaan pa nga kami nun mag-kiss. Ewan 'ko ba. Dahil pa rin siguro sa age gap! Hahaha. Pero gumaan yung pakiramdam 'ko. Ano kaya ang dumapo dito kaya parang nagising na din siya sa katotohanan?

"I love you" sinabi niya ulit sakin.
"I love you, too" sabi 'ko naman sa kanya.

[Paolo's Point Of View]

Ilang oras din ang hinintay naming lahat bago lumabas yung doctor samin. Lahat kami kinabahan nung lumabas yung doctor. 

"Ok na siya pero medyo weak pa yung body niya. Kailangan niya muna ng rest ngayon" parang natuwa naman kaming lahat dun.
"Thank you po" sabi 'ko naman dun sa doctor. Umalis na din naman yung doctor at sabay-sabay kaming pumasok dun sa kwarto. Tulog na tulog nun si Gabby. Ano kayang napapaniginipan niya ngayon? Ako kaya yun?

Umupo ako nun sa upuan na malapit sa kama niya hinawakan 'ko nun yung kamay niya. Hindi 'ko pa din maiwasan na hindi umiyak. Nababading na talaga ako. Walastek.

"Iwan muna natin silang dalawa" sabi naman ni Ate Paula dun sa iba. Nginitian 'ko lang naman si Ate Paula nun. Siguro naman ay naintindihan nila lahat yun kasi tahimik din nilang iniwan kami ni Gabby dun sa loob nung kwarto.

Nung alam 'ko na kaming dalawa na lang ang naandun, napa-sigh ako nun. Hindi pa din nagbabago yung itsura ni Gabby. Ang cute at sobrang ganda niya pa rin. Nakakabaliw. Nakakainis kasi mahal na mahal 'ko siya. Natatawa ako sa sarili 'ko. Sobrang bading 'ko talaga. Haha.

"Gabrielle Josephine Paras-Trinidad, i love you" bulong 'ko naman sa kanya tapos hinalikan 'ko yung noo niya.

No comments:

Post a Comment