Grabe. Kinakabahan talaga ako. Bakit nga ba ako kinakabahan? Feeling ko kasi siguro ngayon lang ako nakakita ng totoong tao. Haha.
"Sige po. Lagay niyo na lang yung bag niyo sa loob" sabi ko naman sa kanilang dalawa na may kasamang ngite. Pumasok din naman sila dun sa building. Wew. Frist time kong makahinge. Hay fresh air! Nakaramdam na din naman ako ng matinding gutom. Kaso nakakahiya naman kung lalabas ako ng bahay. Baka magkaroon sila ng bad impression sakin. Siguro makakapghintay naman 'tong tiyan ko hanggang bukas. Ngayon ko lang naman kasi narealize na wala ng stock ng pagkaen sa ref! Kung minamalas ka nga naman talaga oh.
So yun, nanuod lang naman ako ng TV. Ang boring pa nung mga palabas. Eto ang ayaw ko tuwing summer eh. Wala akong magawang makabuluhan. Nakakainis. Mas gusto ko na tuloy pumasok. Promise. Haha.
Tumayo muna ako nun at pumunta ako sa kitchen para uminom ng isang basong tubig. Nagulat naman ako ng bigla kong narinig na bumukas yung pinto. Lumabas yung lalaki. Mukhang mainit yung ulo ah. Napatitig ako sa kanya. Pero mukhang nahuli niya yung mga mata ko. Nakakahiya naman 'to. Binalin ko na lang yung tingin ko dun sa pitsel ng tubig na kinuha ko mula sa ref. Nakaramdam ako ng kaba nung biglang lumapit sakin yung lalaki. Hindi ko pa pala alam yung pangalan niya no? Ngayon ko lang napagtanto. Haha. Nginitian ko na lang yung lalaki pero nakakaramdam talaga ako ng awkwardness.
"Ikaw lang bang mag-isa dito?" tanong naman niya sakin. Napatango lang naman ako nun. Parang natatakot ako sa lalaking 'to eh. Haha. "Alam mo kung ano ang kina-ingay ni mama, ganun naman ang kinatahimik mo!" Nagulat ako dun sa sinabi niya. Napalunok na lang ako. Nakita ko siyang ngumite nun. Ewan ko ba. Pero napangite na din ako.
Lalo naman akong nagulat ng marinig ko yung pagmamadaling boses nung mama ng lalakeng 'to. Mabilis na naglalakad papalabas ng bahay yung mama niya habang may kausap sa phone. Mukhang urgent at nagmistulang armalite yung bibig nung mama niya. Natatawa na lang ako nun. Pero nakaramdam na naman ako ng awkwardness ng marealize na kaming dalawa na lang ng lalakeng 'to ang nasa bahay.
Pumunta naman yung lalake dun sa may garden. Parang inaappreciate niya yung mga bulaklak. Tapos pumunta siya dun sa kabilang side kung nasaan yung piano ko. Tiningnan ko nga siya ng mabuti. Baka kasi kung anong gawin niya dun. Binuklat niya yung compilation nung mga kanta na tinutugtog ko. Medyo nataranta ako kaya napasigaw ako.
"Wag mo yang galawin!" sigaw ko sa kanya. Lumapit ako ng dali-dali tapos kinuha ko sa kanya yung compilation at tinago ko sa ibang lugar. Wala naman siyang sinabi. Patuloy pa din siya sa pagmamasid ng mga bagay dun sa bahay ko. Napatigil siya dun sa tokador na may mga picture frames.
"Mommy at daddy mo?" tanong naman niya sakin. Kinuha ko sa kanya yung picture frame tapos tinago ko bigla dun sa drawer. Ano ba yan?! Masyadong pakielamero sa gamit. Tatalikod na sana ako sa kanya ng bigla siyang may sinabi. "Parang kilala ko 'to ah" Napatingin ako sa picture frame na hawak niya. Picture naming dalawa ni Dustin yung tinitingnan niya. "Bestfriend mo?" Mukha lang ba kaming magbestfriend!?!
"hindi ah. boyfriend ko yan" parang nabigla pa siya dun sa sinabi ko. Alam kong sobrang gwapo ni Dustin para sakin pero kahit na! Nagmamahalan naman kami eh! Hahaha. Tumango na lang siya tapos binalik niya yung picture frame dun sa tokador. Pumunta naman siya ulit dun sa garden tapos nakita kong may kinuha siyang sigarilyo mula sa pocket niya. Kinuha ko agad yun. "Bawal yan dito! Alam mo ba na pwede mong ikamatay yan?! Tapos mandadamay ka pa ng ibang tao!"
"Sige. Sabi mo eh" tinago naman niya nun yung sigarilyo sa pocket niya. Umupo siya dun sa bench dun sa garden. Medyo tinabihan ko naman siya nun kaso dumistansya pa din ako.
"Ganito ba talaga kaboring dito?" tanong naman niya sakin. Medyo nainis naman ako nun. "Wala bang galaan dito?" Medyo gumaan naman yung pakiramdam ko nun. Pwede 'tong maging oras ng kainan! Haha.Tutal naman sobrang gutom na din ako eh! Haha.
"Ay gusto mo bang lumabas? Kain tayo. Gutom na din kasi ako eh!" sabi ko naman sa kanya. Pagkatapos kong sabihin sa kanya yun, nakaramdam ako ng hiya. Medyo tinawanan naman niya ako nun.
"Nakakatawa ka naman" sabi niya sakin. Nakakahiya talaga. "Pero sige, lika na. Gutom na din ako eh" Tumayo siya nun. Napangite ako.
"Sige. Wait ka lang dyan ha?! Kukuha lang ako pera!" Dali-dali akong pumunta sa kwarto para kumuha ng pera.
[Paolo's Point Of View]
Napangite naman ako dun sa babaeng nagngangalang Gabby. Grabe, parang siyang bata kung umasta. Ilang segundo lang ang lumipas ng bumalik na siya may dalang jacket at pera.
"Bakit ka nakangite?" tanong naman niya sakin. Nakakatawa talaga eh. Haha.
"Wala lang. Eto naman. Lika na!" Sabay kaming lumabas ng bahay nun. Ang lamig nun. Palibhasa malapit na ding mag10 pm nun. Sabay kaming naglakad. Sinusundan ko lang naman siya. Wala naman kasi akong alam sa lugar na 'to eh.
"May masarap na kainan dito eh! Merong sizzling na pagkaen, meron din naman yung turo turo lang. Kung gusto mo mag-noodles na lang tayo?!" Ang bilis ng pagsasalita niya nun. Nakakatawa talaga eh. Sarap pagtripan. Haha.
"Grabe ka. Hindi mo pa nga ako kilala tapos ganyan ka na" sabi ko naman sa kanya. Natatawa ako dun sa expression nung mukha niya. Mukhang timang lang eh.
"Okay na yun! Ano bang pangalan mo?" tanong naman niya sakin.
"Paolo... Tawagin mo akong Paolo..." sabi ko naman sa kanya.
"Yes sir!" sabi naman niya sakin. Nakakatawa talaga siya. Ilang beses ko na bang sinabi 'to? Haha. Pumunta kami dun sa tindahan kung saan may sizzling na pagkaen.
Napansin ko nun na madalas ang pagtingin niya sa cellphone niya. Pero sa bawat pagtingin na yun, kita yung lungkot dun sa mga mata niya.
"Bakit ganyan yung mukha mo? May pagkaen na ah" sabi ko naman sa kanya pero lalo pa ata siyang sumimangot nun.
"Hindi pa din kasi natawag si Dustin eh. Ganun ba talaga siya kabusy?" sabi naman niya sakin.
"Bakit mo sakin tinatanong yan? Mas kilala mo naman yun kesa sakin" sabi ko sa kanya habang linalasap yung pagkaen na inorder namin. "Kumaen ka na. Wag mo munang isipin yun" sabi ko sabay kuha ng kutsilyo at tinidor. Hiniwa ko yung karne para sa kanya tapos nginitian ko siya. Ngumite din naman siya at sabay kaming kumaen.
[Dustin's Point Of View]
"Toni, sorry talaga kanina kung pinaghintay kita" ano ba naman yan. Nag-away na naman kami ni Toni. Sumabay pa kasi yung pakikipagchikahan ni mama dun sa babae eh. Bwiset.
"Ganyan ka naman eh!" Gabi na nun. At nagaaway pa kami sa gitna ng kalsada. Nakakahiya naman 'to. Baka mamaya makita pa kami ni Gabby dito. Nakatalikod sakin si Toni nun. Ano ba yan, kung hindi ko lang mahal 'to matagal ko na 'tong iniwan! Haha
"Toni naman! Bati na tayo! Please!" sabi ko naman sa kanya. Tumingin sakin si Toni ng diretso. Grabe, ang ganda ganda niya talaga.
"Hanggang kelan ba natin itatago 'to?" tanong ko naman sa kanya. Lumapit ako sa kanya tapos niyakap ko siya.
"Wag mo munang isipin yan. Ang importante ay mahal kita. At mahal mo 'ko. Okay?" Tiningnan ko siya ng diretso tapos ngumite ako sa kanya.
"Iba ka talaga Dustin. Eh di ibig sabihin niyan meron kang utang saking pagkaen?" sabi sakin ni Toni. Sus, gusto niya lang akong makasama ng matagal eh. Haha.
"Oo. Lika na sa sizzling house!" sabi ko naman sa kanya. Inakbayan ko siya tapos sabay kaming naglakad papunta sa tindahan ng mga sizzling na pagkaen.
[Gabby's Point Of View]
Hindi ko ma-appreciate yung pagkaen ko. Iniisip ko pa rin si Dustin. Ano ba naman yan?! Miss na miss ko na talaga siya eh. Nakakalungkot naman oh. Linalaro-laro ko na lang yung pagkaen ko nun.
"Problema mo?" tanong naman sakin ni Paolo.
"Si Dustin kasi. Nakakamiss na talaga" nakita ko siyang nagsmirk. napabuntong hininga na lang ako.
"Si Dustin oh!" nagulat naman ako ng sinabi niya yun. Kaya naman tumingin ako kaagad dun sa likod ko. Kaso wala naman akong Dustin na nakita. Tumingin ulit ako kay Paolo at narealize ko na niloloko niya lang ako. Natawa pa si Paolo nun. Nakakainis talaga.
"Nakakainis ka naman eh!" sabi ko naman sa kanya.Pero natawa pa rin siya.
"Mahal mo talaga siya no" namula ako nung sinabi niya yun.
"Sobra..."
[Paolo's Point Of View]
Napangite na lang ako dun sa sinabi ni Gabby. Sobra naman pala talagang pagmamahal yung nararamdaman niya sa Dustin na yun eh. 19 years old na ako pero hanggang ngayon wala pa din akong alam tungkol sa kung ano mang pagmamahal yan. Ewan ko ba kung bakit. Tumuloy kami sa pagkaen nun.
Bigla ko namang napansin na may dalawang tao na pumasok dun sa pinagkakainan namin ngayon. Namumukhaan ko nga yung lalake eh. Unti-unti namang nagsink-in sa utak ko na si Dustin yun. Yung boyfriend ni Gabby. Kaso nakakapagtaka, meron siyang kasamang ibang babae na akbay-akbay pa niya. Bumilis yung pagtibok ng puso ko. Gusto kong ituro kay Gabby etong nakikita ko pero napagpasyahan ko na wag na lang. Mas mabuti na wag na lang.
Tumingin ako ng diretso kay Gabby. Ayokong sabihin 'to pero nagmumukha siyang tanga. Kung ganito lang magmahal, siguro eto na ang pinakahuli kong gagawin.
[Toni's Point Of View]
Pumasok kami ni Dustin dun sa kainan. Syempre, umorder na kami ng mga gusto namin. Kinikilig talaga ako kay Dustin eh. Iba talaga siya. Pakiramdam ko soulmate ko na talaga siya. Kaso hindi ko lang talaga maiwasan na isipin si Gabby. Ang sama sama ko naman. Hay nako.
"Ang ganda mo talaga" sabi naman ni Dustin sakin. Napangite lang naman ako sa kanya. Ang loko talaga eh.
"Dustin..." tawag ko sa kanya "Baka kasi nakakapansin na si Gabby... hindi mo man lang sinabi sa kanya na meron tayong project na inoorganize..." nagiba yung expression ng mukha niya nun. parang may halong pagkainis.
"eh ano ngayon?" sabi naman niya.
"Kung tawagan mo kaya siya, Dustin. Please? For me?" medyo nagdalawang isip pa nun si Dustin pero kinuha niya din yung cellphone niya. Syempre, ngumite ako sa kanya. Tinawagan niya nun si Gabby.
[Paolo's Point Of View]
Nakita kong may tinatawagan nun si Dustin. Dun ko lang narealize na ang tinatawagan niya ay si Gabby. Dali-dali ni Gabby na tiningnan yung cell phone niya. Napalunok na lang ako. Nakakaramdam ako ng pagkainis. Alam kong hindi kami close ni Gabby pero nakakaawa siya. Parang siyang pinaglalaruan.
"Si Dustin natawag! Lalabas lang ako ha?" tinanguan ko na lang siya. Lumabas siya ng tindahan nun. Tiningnan ko ng mabuti si Dustin at yung babaeng kasama niya. Naghahawakan pa sila ng kamay. Grabe 'to.
[Gabby's Point Of View]
"Dustin? Grabe. miss na miss na kita! buti tumawag ka!" sabi ko kay Dustin sa phone. Grabe, sobrang saya ko. ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Napapangite ako.
"sorry kung nawawalan ako ng oras sayo ha? miss din kita syempre..." kinilig ako sa sinasabi sakin ni Dustin. Parang gusto kong sumigaw nun.
"Okay lang! Naiintindihan kita?! Alam ko naman yan eh. Tsaka ang importante mahal mo ko diba?" sabi ko naman sa kanya.
"Oo naman. Mahal na mahal kita!" gusto kong tumalon nun. Kinikilig talaga ako. Parang nawalan ako ng pasan sa mundo. Sobrang nakaka-in love.
[Paolo's Point Of View]
Tapos ko na nun yung pagkaen ko. Bwiset na din ako sa pagmumukha ni Dustin. Ang sama naman niya. Lumapit ako dun sa counter para umorder ng isang juice. Buti na lang medyo malapit na rin sila sa counter nun. Tyinempuhan ko yung mga dumadaan-daan na waiter sa tabi ng table nila Dustin.
[Gabby's Point Of View]
"Ikaw talaga Dustin! I love you so much!" sabi ko naman sa kanya.
"Sige. Babye na. May gagawin pa ako. Ibababa ko na 'to..." Then end. hanggang ngayon, kinikilig pa din ako. Iba na talaga 'to. Hahaha
[Paolo's Point Of View]
Tyinempuhan ko yung waiter na padaan dun sa table ni Dustin. Lumakas ako papunta dun sa waiter. Mabilis ang mga pangyayare. Binangga ko intentionally yung waiter at kasabay nun at pagtapon nung juice na laman nung baso na hawak ko sa katawan mismo ni Dustin.
Bullseye. Yan ang unang naisip ko.
"Ay sorry po!" tarantang-taranta yung waiter. Akala niya wala sa plano ko 'tong mga nangyare. Pero gumaan yung pakiramdam ko na makita si Dustin na ganyan. Haha.
"ano ba yan, sayang yung juice." sabi ko naman. Alam kong nakatingin sakin ng masama si Dustin pero dali-dali ako nung lumabas ng tindahan. Papasok na nun si Gabby ng tindahan pero bigla ko na lang siyang hinila.
"Oh, uuwi na ba tayo?" tanong naman niya sakin.
"Oo, uuwi na tayo, okay?" tumango na lang siya sakin. Siguro, nagtataka siya kung bakit gusto kong umalis kaagad.
[Dustin's Point Of View]
Badtrip. Natapunan pa ako ng juice. Todo naman yung pag-aasikaso sakin ni Toni nun. Pero kahit na ganun, hindi pa rin matanggal yung pagkainit ng ulo ko.
[Gabby's Point Of View]
Nakauwi na kami nun. Grabe, busog na busog ako sa pagkaen na kinaen ko. Busog na busog na din ako sa pagmamahal na binigay sakin ni Dustin. Kinikilig talaga ako eh.
"Thank you ha? Next time ulit!" sabi ko naman kay Paolo.
[Paolo's Point Of View]
Nginitian ko lang si Gabby nun sabay pasok dun sa kwarto ko. Napabuntong hininga ako. Nakakawa. Sobra.
No comments:
Post a Comment