Nakailang balik ako nun sa salamin para lang makapili ng maayos na damit na pwedeng isuot. At prinapractice ko na din yung magiging una 'kong ngite kapag nakita 'ko si Paolo. Grabe, ang hirap pala ng ganito. Ngayon lang ako nagpaka-trying hard na magpaganda dahil sa ibang tao.
Nung sa tingin 'ko ay ayos na ako (kahit na pakiramdam 'ko may kulang pa din), umalis na din ako sa bahay. Naka-high heels pa ako nun para lang magmukha 'kong may class. Hindi naman ako sanay mag-high heels pero kaya 'to! Onting poise lang yan kahit na wala ako nun. Haha.
Pumunta ako sa terminal ng tricycle nun tapos syempre sumakay na din. Sumakay na din ako sa jeep para makapunta na dun sa building nung office ng mama ni Paolo. Ilang minutes lang yung pagpunta 'ko dun. Halos hindi 'ko na makita yung taas nung building nung tumingala ako. Ang daming floors. Bongga. Pumasok naman ako dun sa building na parang hotel na ewan.
Ayun, puro sosyal yung tao. Nakakahiya naman kung magtatanong ako sa kanila. Sana kasi hindi 'ko na lang ginalit si kuya Paolo para hindi ako nangangamba ngayon. So yun, nanghula na lang ako. Ano bang favorite number 'ko? Hm, 24! Eh di yun siguro yung floor. Haha.
Papasok na ako nun sa elevator. Sana naman tama 'tong hula 'ko kahit na sa tingin 'ko ay may 1% na posibilidad. Pipindutin 'ko na sana yung number na 24 kaso bigla akong nagulat ng may kamay na biglang humarang dun sa sumasarado na elevator. Kinabahan ako nun. Ewan 'ko ba. Pumasok nun ang isang lalake. Si Dustin.
Nagkatinginan kami nun. Speechless ako. Wala akong pinakitang ngite sa kanya. Kahihiyan lang. Sumara na din yung pintuan nung elevator. Kaming dalawa lang yung andun sa loob. Sobrang kinakabahan talaga ako. Medyo lumayo nga ako sa kanya kasi nahihiya din ako. Dun 'ko lang naman na-realize na hindi 'ko pa pala napipindot yung 24.
"Sa floor ka din ba nung opening?" siguro parehas lang yung a-attendan namin. Nataranta ako nun kaya tumango lang ako. Nakita 'kong pinindot niya yung 14. Mali pa ako ng floor. Siguro tapos na yung opening kung ang napindot 'ko talaga ay yung 24. Haha.
Rinig na rinig 'ko nun yung paghinga niya. Halatang kinakabahan din siya. Bakit pareho kaming kinakabahan?
[Dustin's Point Of View]
Pinapagpawisan ako ngayon. Sobrang kaba yung nararamdaman 'ko. Naranasan niyo na ba yung pinagpapawisan kayo pero ang totoo ay nanlalamig na yung buo niyang katawan? Napapatingin ako kay Gabby na halata namang nahihiya din sakin. Naalala 'ko naman yung nangyare samin kagabi. Ang sarap ipaalala sa kanya yung mga nangyare.
Napapatingin ako dun sa ilaw na nagsasaad kung nasaang floor kami. Nagmistulang slow motion ang lahat. Nakakabadtrip lang. Bakit ba ganito? Nang-aasar ba talaga ang panahon. Paglagpas ng 8th floor, nagulat ako ng biglang nag-blink yung mga ilaw. Nagtinginan kami nun ni Gabby.
"Anong nangyayare?" nagpapanic siya nun. Lumagpas nun sa 9th floor at tuloy pa din ang pagbli-blink ng mga ilaw. Parang gumalaw nun yung elevator. Biglang napalapit sakin si Gabby. Muntik pa nga siyang bumagsak sa sahig kung hindi 'ko lang siya nasambot.
"Nasisira ata yung elevator" sabi ko sa kanya. Tama yung hinala 'ko. Tumigil kami sa 9th floor. At tumigil na din yung pagbli-blink ng ilaw. Badtrip.
"Dyusko po. Anong gagawin naten dito?!" panic na panic talaga siya. Humiwalay siya sakin tapos pilit siyang kumatok dun sa pintuan nung elevator.
"Hello?! May nakakarinig po ba sakin dito?! Please po! Meron pong na-trap dito! Tulungan niyo po kami! Please po!" sumisigaw siya nun. Wala akong magawa nun. Kaya umupo na lang ako sa dulo nung elevator.
[Gabby's Point Of View]
Napansin 'kong umupo lang si Dustin dun sa isang tabi. Parang sobrang kalmado lang siya nun. Tinitigan 'ko lang siya. Naka-jacket siya nun tapos nakasuot ng white t-shirt na pangloob. Naka-jeans lang rin siya. Napalunok ako nun. May iba talagang force akong nararamdaman galing sa kanya.
"Walang magagawa yan. Walang makakarinig sayo. Maghintay na lang tayo. Malalaman din nila na may problema" bakit parang hindi siya nagpa-panic?! Napahinga ako ng malalim nun.
"Ganun ba talaga yun?" napatanong ako sa kanya.
"Oo. Trust me" nung sinabi niya yun parang nagduda ako sa kanya. Trust him? Again? "Umupo ka na lang dito sa tabi 'ko"
nag-gesture siya na umupo dun sa tabi niya. Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. Wala akong magawa. Nag-hesitate ako nung una pero tumabi din ako sa kanya. Ang lamig pala no. Ngayon 'ko lang narealize. Hindi pa ako nag-jacket. Wrong Timing. Napayakap ako nun sa sarili 'ko. Napansin 'ko naman nun na nakatingin sakin si Dustin. Medyo natunaw naman at nailang ako nun.
Narealize 'ko naman na tinanggal niya bigla yung jacket niya. Inabot niya sakin bigla yung jacket. Sa totoo lang, nakaramdam ako ng sobrang kilig. Grabe.
"Ay. Hinde. Hinde ako nilalamig" sabi 'ko sa kanya.
"Palusot ka pa" hinila niya ako nun. Parang may dumaloy na something dun sa kamay 'ko. Medyo niyakap niya ako nun habang sinusuot niya sakin yung jacket niya. Mabilis lang na nangyare pero pakiramdam 'ko sobrang bagal. "Halata namang nilalamig ka na pero ayaw mo pang sabihin"
Halos 10 minutes na din kaming naghihintay nun. Tiningnan ko yung cellphone at dun ko lang nalaman na walang signal yung cellphone ko. badtrip
[Paolo's Point Of View]
"The person your calling is out of coverage area" Badtrip. Nakailang tawag na ako kay Gabby at sawang-sawa na akong marinig yung babae na paulit-ulit sinasabi sakin yung sentence na yan. badtrip. Asan na ba yung babaeng yun?!
Ayoko namang magmukhang nagpapanic kahit na sobrang kinakabahan na talaga ako dahil kay Gabby. Nagsisimula na nun yung kainan. Paano kung walang pagkaen dun sa bahay? Paano kung ginugutom niya na yung sarili niya ngayon?! Kasalanan mo to Paolo eh, inaway mo pa kasi siya. Yan tuloy, inaalala mo siya ngayon.
Nagulat naman ako ng biglang may security guard na nag-approach sakin. Ako na din kasi yung nag-organize nung opening ni mama kaya ako din ang takbuhan ng mga tao.
"Sir. May na-trap po sa elevator. Bisita din dito sa opening. Dustin Reyes at Gabrielle Paras daw po ang pangalan" parang tumilapon nun yung buong mundo 'ko.
"ANO?! Tawagin niyo yung rescue squad. Palabasin niyo agad yung dalawa dun?!" sobrang nag-init nun yung dugo 'ko. Badtrip. Sa lahat ng tao na pwede niyang makasama, bakit si Dustin pa?!
"Opo. Opo Sir" tarantang-taranta nun yung gwardiya
"Sabihin mo sa kanila na kapag hindi nila nailigtas ang kapatid 'ko dun in a span of 20 minutes, mawawalan sila ng trabaho" sabi 'ko at totohanin 'ko talaga yun kapag may masamang nangyare kay Gabby.
[Gabby's Point Of View]
Paano kung kino-contact ako ni Paolo? Baka lalo siyang magalit sakin. Nakakabadtrip talagang buhay na 'to oh. Tinago ko naman na nun yung cellphone 'ko. Kahit naka-jacket ako eh sobrang nilalamig pa din ako. Masama ata pakiramdam 'ko eh. Bakit kaya? Bwiset naman eh.
"Nilalamig ka pa ba?" tanong sakin ni Dustin. Napatingin naman ako sa kanya nun.
"Ay. Hinde na. Onti na lang" sabi ko sa kanya kahit na sobrang nilalamig na talaga ako.
Bigla niya akong niyakap. Ang hirap mag-sink in sa utak 'ko na niyakap ako ni Dustin. Ang warm. Grabe. Sobrang saya na malaman na naka-wrap yung mga kamay niya sa katawan 'ko. Halos tumigil nun yung buong mundo 'ko. Kakaiba yung nararamdaman 'ko para kay Dustin. Ibang klase.
"Sorry. Sana mapatawad mo ako" binulong niya sakin. "Pucha. Miss na miss na kita"
[Paolo's Point Of View]
Sumama ako dun sa security guard para mapanood yung pag-rescue nila dun kay Gabby at sad to say, kay Dustin. Ang tagal nila. Nakakabwiset.
"Bilisan niyo yung kilos niyo!" sigaw ko sa kanila. Napa-cross arms ako nun.
Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. Nangangamba ako sa mga pwedeng gawin ni Dustin kay Gabby. Naiinis ako. Kasi baka mangyari ulet yung mga nangyare kagabi.
[Gabby's Point Of View]
Biglang nag-blink ulet yung mga ilaw nun pero hindi pa rin yun dahilan para bumitaw sakin si Dustin. Okay lang. kasi ngayon, gusto ko pa din siyang kayakap. Naging steady na din sa wakas yung ilaw at nagulat na lang ako ng biglang bumukas yyung pintuan.
Ang dami 'kong tao na nakita. Parang rescue squad na ewan. Napatingin na din dun si Dustin at Napahiwalay siya pagkakayakap niya sakin. Nagulat naman ako ng makita 'ko si Paolo. Sobrang laki nung mga mata niya at gulat na gulat siya. Tumayo kaming dalawa ni Dustin nun at nagpagpag kami ng mga sarili namin.
Nagulat naman ako ng biglang lumapit sakin ng mabilis si Paolo tapos sabay higit sakin papalabas dun sa elevator. Isa pa ang napansin 'ko, sobrang sama ng tingin niya kay Dustin. Mabilis kaming umakyat sa stairs. Hawak niya lang yung kamay nun at sobrang lamig niya.
Napatingin ako sa mukha niya. At first time na tumibok ng sobrang bilis yung puso 'ko dahil kay Paolo. Hindi ako makapagsalita. Wala rin kasi akong maisip na panimula. Hindi naman 'to ang expectation 'ko ng una naming pagkikita dito sa opening.
Dun 'ko lang naman narealize na suot ko pa pala yung jacket ni Dustin. At the thought of it, napangite naman talaga ako. Nakarating na din kami ng 14th floor nun. Nakita 'ko na nun yung malaking glass door papasok dun sa parang party na ewan. Bago kami pumasok dun, tumigil muna kami.
Tiningnan niya ako ng diretso at hindi pa din niya binibitawan yung kamay 'ko.
"Paolo" yun na lang ang nasabi 'ko.
Bigla niya akong hinila nun. Nagulat nga ako. Kasi intensyon niya palang, yakapin ako.
No comments:
Post a Comment