Napatigil naman ako dun sa sagot niya. Hindi ako makapagsalita nun. So, ganun pala. Tuluyan na ding nahulog yung loob ni Gabby sa Paolo na yun. Akala 'ko pa naman imposible yun. Grabe, ang tanga mo kasi Dustin eh. Pinakawalan mo pa.
"Mahal ko siya in a way na sobrang importante siya sakin" napatungo na lang ako nun. Tama ba talaga i-explain pa yun sakin? ang sakit naman nun. "In a way na parang siyang kapatid 'ko. Alam mo ba na kuya yung tawag 'ko sa kanya. Kasi sobrang saya 'ko na nagkaroon ulit ako ng pamilya. Never 'kong naramdaman na mag-isa ako kapag nandyan siya" napatingin ako sa kanya ng diretso.
"Alam mo ba na sobrang hirap mag-decide kung kanino ako sasama" pinipigilan niya nun yung pag-iyak niya. Siguro nga miss na miss niya na si Paolo. "Kung sayo ba na mahal 'ko o sa kanya na parang pamilya 'ko"
Tumigil yung mundo 'ko nun. Patago akong ngumite nun. May parte sa puso 'ko na sobrang saya. Ako pa din pala ang mahal ni Gabby. Akala 'ko naagaw na siya sakin ni Paolo pero isang kapatid lang pala ang turing ni Gabby sa taong yun. Tumayo ako nun mula sa kinauupuan 'ko at dahan-dahan akong lumapit sa kama na inuupuan ni Gabby. Napa-sigh na lang ako. Gusto 'kong magpasalamat sa kanya kasi kahit na sinaktan 'ko siya, nagawa niya pa ring intindihin at mahalin ako. Wala na ba siyang ibabait pa? Nagkatitigan kami nun. I never felt this way before. Pakiramdam 'ko mas nahulog yung puso, kaluluwa at buong pagkatao 'ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at tuluyan ng yinakap siya ng sobrang higpit. Ayoko na siyang pakawalan. Ramdam na ramdam 'ko ang pagtibok ng puso niya. Pero bakit parang ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko pero yung sa kanya ay normal lang? May ibig sabihin nga ba yun?
[Paolo's Point Of View]
Inamin 'ko na sa ibang tao at inamin 'ko na din sa sarili 'ko. Halos isang buwan at kalahati pa lang ang dumadaan, minahal 'ko na siya. Naiisip 'ko na parang ang bilis pero sa bawat pagtakbo ng oras na wala siya, lalo 'ko lang nare-realize na sobrang namimiss 'ko siya at sobrang hindi 'ko kakayanin na hindi nakikita yung mga ngite niya.
"Ang swerte talaga ni Gabby" sabi naman sakin ni Toni. Hindi naman na ako nakapagsalita. Mabilis din kasi siyang pumasok nung gate nila.
Napangite naman ako nun habang naglalakad papunta sa bahay ni Gabby. Natatawa lang kasi talaga ako sa sarili 'ko. Of all those times, mahal 'ko na pala siya. Ngayon 'ko lang talaga naamin sa sarili 'ko. Kaya ngayon, hahanapin 'ko na talaga siya.
Pagkauwi 'ko, nag-impake agad ako. Syempre, yung mga gamit na kakayanin ng isang araw lang. Nanghinge na din naman ako ng pera kay mama. Buti naman pumayag siya na ibigay sakin ang buong araw bukas para mahanap si Gabby. Ayoko naman matulad kay Gabby na nakakalimot ng mga dalahin kaya chineck 'ko na lahat ng gamit 'ko. Dapat lang eh wala akong maiwan no. Dinala 'ko na din yung charger ni Gabby. Baka kailanganin niya eh. Hindi ako makatulod ng gabing yun. Si Gabby lang ang naiisip 'ko. Nababaliw na nga ata ako eh. Badtrip. Eh kailangan 'ko pa naman ng sapat na tulog para may energy naman ako na hanapin siya bukas kaso pakiramdam 'ko the thought of Gabby is enough to make me awake.
Dumaan din naman ang gabi. Syempre, nakatulog din ako ng hindi namamalayan nung mga panahon na yun. 8 A.M ako nagising nun. Hindi na din ako nag-jogging syempre. Naligo ako at nagdamit na din. Natataranta ako. Hiniram 'ko nun yung kotse ni mama. Malamang may lisensya na ako, hindi ako tanga para mag-drive ng walang ganun no. Haha.
"Sige Ma. Alis na ako" paalam 'ko kay mama.
"Sige 'nak. Ingat ha. Wag kang uuwi dito kung wala si Gabby" alam 'kong joke yung sinabi ni mama pero sineryoso 'ko yun. Ngumite lang naman ako sa kanya tapos lumabas na ako ng bahay.
Stinart 'ko na yung kotse. Sa pag-andar ng kotse, ito na rin ang simula sa malawakang paghahanap 'ko kay Gabby.
[Gabby's Point Of View]
Kakagising 'ko lang nun. Syempre, tulog pa din si Dustin dun sa higaan malapit sa may bintana. Tinitigan 'ko lang naman siya. Hinawakan 'ko yung left chest 'ko. Bakit ganun? Parang hindi ako natataranta o bakit parang sobrang normal ng pagtibokg ng puso 'ko kapag nakatingin ako kay Dustin? Hindi tulad ng dati na sobrang kinikilig ako kapag iniisip 'ko lang siya? Napailing na lang ako. Tumayo na ako nun at naligo na. Ayaw 'ko din naman ma-late para sa meet-up ko kay Joni.
9 A.M palang ready na ako na makipagkita kay Joni. At hindi pa din gising si Dustin sa mga oras na yun kaya hindi 'ko na rin nagawang magpaalam sa kanya. Lumabas na lang ako ng tahimik dun sa kwarto naming dalawa. May halos isang oras pa din naman ako para magpalamig at makapaggala dun sa mall.
Nagtingin-tingin lang naman ako ng mga damit. Wala lang naman talaga akong magawa. Nagpapalipas lang ako ng oras. May mga instances na akala 'ko ay andun si Paolo pero sa totoo lang, guni-guni 'ko lang naman yun. Sign na ba 'to na sobrang nami-miss 'ko na siya?
Dumaan ang isang oras na parang isang minuto lang. 10 A.M na nun. Halos limang minuto na din akong naghihintay dun sa store ng mga musical instruments. Nakita 'ko naman nun si Joni na papalapit sakin. Meron siyang kasama na isang lalaki na merong nakasabit sa leeg na isang single-lens reflex camera. Ay sosyal. Grabe ha. Pero mukhang 16 years old palang yung lalaking yun. Sa isang tabi naman ni Joni, may isang babae na sobrang mukhang spoiled brat. Siguro 15 years old lang yun. Hula 'ko lang ha. Pero sobrang kapal na ng make-up. Natatawa lang naman ako. Ano ba 'tong pinasukan 'ko?
"Hi Girrrrllllll!" yinakap ako ni Joni nun. Ay close na kami agad? Haha. Tumawa lang naman ako nun. "sorry medyo pinaghintay ka namin ahh. Yung alaga 'ko kasi na si Kyla, ang tagal maligo eh"
"At eto naman si Yael" tinuro niya nun yung isang lalaki na nakipagkamay naman sakin. Syempre tinanggap 'ko naman yung kamay na yun at nakipag-shake hands ako sa kanya.
"Nice meeting you po" sabi sakin ni Yael habang nagshe-shake hands kami. Syempre, hiniwalay na din namin yung mga kamay namin sa isa't-isa.
"Nice meeting you din" sabi 'ko naman sa kanya.
"Okay. So dahil kumpleto na tayo, gusto niyo bang kumaen tayo para mapagusapan na natin yung mga trabaho 'ko para sayo, Gabby" sabi naman niya saming tatlo.
"Uh... Sure" sabi 'ko naman.
Sabay kaming naglakad nun papunta sa Tokyo Tokyo. Nakakahiya naman. Hindi pa naman ako marunong gumamit ng Chopsticks. Haha. So yun, umorder naman nun si Joni habang kaming tatlo ay tahimik na umupo sa isang table na malapit sa may counter. Merong mga customers dun na tingin ng tingin kay Kyla kaya naman medyo nalilito na din naman ako. Tinitigan 'ko naman si Kyla. Bakit nga parang sobrang pamilyar siya? Nakita 'ko na nga ata siya somewhere eh. Bumilis naman yung pagtibok ng puso 'ko. Familiar nga siya!! Nagpapanic ako. Hahahaha.
"Shocks!" napasigaw naman ako nun sa mimsong harapan ni Kyla. Medyo nagulat tuloy siya sakin. "Ikaw yung lumalabas sa mga commercials sa isang Anime na channel diba. Nakalimutan 'ko na eh. Basta parang cosplayer ka dun diba!"
"Kayo po si Kyla diba? Pwede po bang magpa-picture?" tanong nung isang lalaki. Napangite naman si Yael nun. Parang nag-iba nun yung ugali Kyla. From asal hayop, naging asal prinsesa.
"Sure po!" ang cute ng ngite niya nun. Parang siyang anime. Kung hindi lang dedmatic at spoiled 'to, kakaibiganin 'ko siya eh.
Mukha namang nabighani yung tatlong lalaki sa mga ngite niya. Hay nako. Mga nabubulag sa katotohanan. Nagpapicture din naman sila. Siguro 5 shots din yun. Pagkatapos naman nung picture taking niya, tumingin ulit siya sakin. Animo nagbago ulit yung ugali niya at nagpakita ulit siya ng bitter na mukha sakin. Ano bang nagawa 'kong kasalanan sa kanya?
"Uh... Ate Gabby, hayaan niyo na po si Kyla. Hindi lang talaga siya friendly sa mga baguhan" sabi naman sakin ni Yael. Buti pa si Yael sobrang friendly. Ang cute pa. Haha.
"Oh. Sure. I understand" parang wala namang naririnig si Kyla nun pero ang cute nga niya. Parang siyang manika na pwedeng i-dress up. Kamukha niya si Alodia Gosiengfiao. Siya nga lang yung masama na ugaling version. Haha.
After ilang minutes din naman eh dumating na si Joni na dala-dala yung pagkaen namin. Tinulungan na rin naman siya ni Yael. Dalawang tray kasi yun eh. Yan tuloy halos may tatlumpung segundo na naiiwan kami ni Alodia-look-alike sa table ng kaming dalawa lang.
Nung nasa harapan na namin yung mga pagkaen, umayos na kami ng pagkakaupo. Yung tatlo naman kanya-kanyang kuha ng Chopsticks. Napangite na lang ako. Nakakahiya talaga pero dapat i-overcome 'to. Buti na lang may spoon and fork na nakatabi dun. Kundi dedo na ako. So in short, ako lang ang naka-spoon at fork. Gusto 'ko na magpalamon sa upuan nun. Titirahin 'ko na sana yung dish 'ko na may Tempura kaso nagulat ako ng biglang sumigaw yung tatlo.
"ITADAKIMASU" nagulat naman ako dun. Nakakahiya. Kakain na sana ako tapos may kung ano mang word pa silang nasabi. Punong-puno ng question marks yung ulo 'ko nun. Duh. Ano yun? Napasama ba ako sa weird na tao? Kakahiyan 'ko nga naman talaga oh. Nagsimula na silang kumaen pagkatapos nilang sabihin yun.
"Ay, ano yun?" tanong 'ko naman sa kanila. Hindi naman ako makakain hangga't hindi 'ko alam ang ibig sabihin nun.
"It literally means 'I will receive' in Japanese language. Tradition na ng mga japanese na sabihin yun before they eat to bless their food. Hindi mo ba alam yun?" sabi naman ni Kyla. Sige, ako na bobo. Sorry naman diba. Hindi naman kasi ako fanatic ng mga ganyan.
"Ay, ganun ba?" yun na lang yung nasabi 'ko. Ayaw 'ko ng makipagtalo. Makakatrabaho 'ko sila. Ayaw 'ko naman ng may kaaway no.
"Wag ka ngang ganyan, Kyla" sabi naman ni Yael. Awwwww, parang nag-sparkle yung eyes 'ko nun. Parang gusto 'kong maging younger brother si Yael.
"Oo nga Kyla. Ikaw ah" sabi naman ni Joni.
So yun, kumaen na din naman ako. Mga cosplayer pala 'tong makakatrabaho 'ko. Kailangan 'ko na din bang mag-aral ng japanese language para dito? Haha. Nagkaroon ng unting katahimikan saming tatlo pero syempre inistorbo din yun ni Joni na pare-parehas namin na boss.
"So for your jobs" napatigil naman siya nun at tumingin siya sakin. "I'm the manager" sabay turo sa sarili niya then linipat niya yung index finger niya sa pagturo kay Yael. "Siya ang official photographer" then gamit ang thumb niya, tinuro niya si Kyla. "Siya ang Star" then sa huli, tinuro niya yung index finger niya sa mismong mukha 'ko. "And you're the voice"
No comments:
Post a Comment