[Gabby's Point Of View]
If music is my battle and my voice is my companion. I consider my piano to be my armor.
Ako yung tipo ng tao na sobrang hilig sa music. Pero kakaiba din akong mamili ng tutugtugin o kakantahin eh. Ako yung tao na walang hilig sa bagong genre ng mga music ngayon. Stick to the classics pa din ako at syempre mga kanta na patungkol kay God. Ewan ko ba kung bakit ganun. Dito sa Laguna, tinatawag nila akong Gospel Singing Sensation. Kumakanta kasi ako sa simbahan ng solo eh.
Ramdam na ramdam ko yung rush of emotions nung piece na tinutugtog at kinakanta ko. Feeling ko nga hindi ako yung nagbibigay ng mga strong pushes dun sa mga keys. Feeling ko kasi meron pang isang supernatural force ang nagkokontrol sakin. Amazing nga eh.
Nasa kalagitnaan ako ng pagprapractice ko ng kanta ng halos makalimutan ko na nanunuod pala sakin si Toni, ang bestfriend ko. Kaklase ko siya nung High School ako. Maganda siya, mabait, sexy at matalino. Almost everything na nga eh. Nakakainggit na ewan eh. Habulin din siya ng lalake eh. Kung ikukumpara ko ang sarili ko sa kanya, dyuskopo pwede wag na? Kasi ako... ano nga ba ako? maganda nga ba ako? hindi rin naman appealing ang mata ko kasi madalas akong nakasuot ng reading glasses. Hindi naman makinis ang balat ko. Ewan ko ba kung bakit ganito. Hindi lang siguro ako maingat sa kutis ko.
Tuloy pa din ako sa pagkanta nun. Medyo malapit na ngang matapos eh. Masaya ako kapag tumutugtog ako kaso hindi ko maiwasan na bumalik sa nakaraan. Ayoko rin namang iwasan yun kasi kasama din dun yung mga happy memories ko. Ang sakit nga lang kasing balikan yung mga bagay na panget ng isipin.
January 3, 1999
7 years old pa lang ako ng matuto akong tumugtog ng piano. Tinuruan ako nun ni mama na sobrang galing tumugtog at kumanta. Pakiramdam ko nga sa kanya ko na mana yun. Kaso nga lang, wala akong namana sa itsura niya. Kung minamalas ka nga naman no? Ang saya ko nun. Pakiramdam ko nameet ko na ang soulmate ko.
February 15. 2001
Naalala ko ang araw kung kelan lumipat kami dito sa Laguna. Pinamana kasi samin yung bahay nung namatay kong lolo. Sobrang ganda nun ng bahay namin. Nasa loob pa nun ang pinakamasayang pamilya sa buong mundo. Magkakasama pa kami nila mama at papa nun. Naiiyak nga ako sa pag-iisip pa lang nun eh. Parang isang museum yung bahay sa sobrang pagka-vintage neto. Pagpasok mo pa lang sa napakalaking gate, meron agad na garden na punong-puno ng kung anu-anong halaman. Sa kanan nun ay isang area para sa sala, kitchen at dining area. Sa kaliwa naman ay isang area para sa banyo at dalawang kwarto. Dun naman sa dulo nung garden, may isang two-storey na building. Yun ay merong dalawang kwarto na napagpasyahan naming gawing Music Room.
February 20, 2001
Nakilala ng pamilya namin ang pamilya nila Dustin. Kapit bahay lang kasi namin sila nun eh. Hanggang ngayon kinikilig pa din ako kapag naalala ko yung una naming pagkikita. Naglalaro ako nun sa labas ng bahay namin ng makita ko siya. Parang Love at First Sight nga eh. 9 years old pa lang ako pero nagninilande na ako. Haha. Mula nun, gusto ko na palage siyang makita. Hanggang, maging close naman na kami at syempre, nauwi din sa aminan. Sobrang saya ko nung April 2, 2006. 14 years old nung naging kami.
March 12, 2004
Nung naalala ko yung date na 'to, bumilis sa pagtibok yung puso ko. Eto yung halos buong gabi akong umiiyak. Parang nadudurog nga yung puso ko nun eh. Dun ko nalaman na nadiagnose na palang may Cancer si mama. Hindi ko akalain na pwedeng mangyare 'to. Akala ko hanggang teliserye lang 'to. Sobrang sakit pala.
Tumulo yung luha ko habang tumutugtog. Hanggang ngayon kasi, dala-dala ko pa din yung sakit.
March 24, 2005
Eto na yung gabi nung halos mawalan yung nagmistulang mala-palasyo naming bahay. Yung parang nawala yung pinakamasayang pamilya na nakatira sa kastilyong yun. Nawala na si mama. At sobrang nakakalungkot lang. 13 years old pa lang ako ng mawalan ako ng nanay.
Akala ko nun kakayanin namin ni papa yun. Gusto kong kayanin lahat ng yun. Gusto kong manatiling malakas para kay mama. Pero mukhang mas naunang bumigay si papa. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Sa araw ng June 29, 2005, namatay si papa sa heart attack. Sobrang stress daw kasi at na-trauma din siguro. Minsan gusto ko siyang sisihin sa pagiging mahina niya kaya ganito ako ngayon. Sobrang miserable. Pero muntik ko ng makalimutan, andyan pa pala si Dustin sa tabi ko. Haha.
March 28, 2010 ngayon. Malapit na kaming mag four years ni Dustin sa April 2. Grabe, sobrang strong no? Sobrang mahal ko talaga yung lalakeng yun eh. Haha. 18 years old ako ngayon at turning 19 sa October. 3rd year college na ako sa pasukan sa kursong Psychology. Kung bakit ko 'to kinuha, ewan ko ba. Siguro, trip ko lang.
Nakatira akong mag-isa ngayon sa mala-palasyong bahay namin. Ang nagsusustento sakin ay yung ninang ko sa ibang bansa. Maayos naman na tumirang mag-isa. Nasa tamang landas pa rin naman ang buhay ko eh.
Last key na yung priness ko nun. At last note na din yung kinanta ko. Tapos na yung tinugtog ko. Buo na ulit ako at ready na ready pa din na harapin lahat ng haharang sa daan ko. Tiningnan ko ng diretso nun si Toni na sobrang supportive pa naman sakin.
"Grabe bestfriend, naiiyak na ako sa pagtugtog mo eh!" sabi naman niya sakin na may unti pang luha mula sa mga mata niya. Tinanggal ko muna nun yung reading glasses ko at tinabi ko dun sa tabi nung piano tapos sabay ngite sa kanya.
Dito nagsisimula ang storya ko. I'm Gabrielle Josephine Paras. For Short, Gabby.
No comments:
Post a Comment