Medyo nagulat naman ako nun. Siguro hindi naman masama kung ipatira 'ko muna sila diba. Tutal naman masaya yun kasi ang dami-dami na namin sa bahay. Parang tuloy akong may pamilya.
"Sure. No problem. Ilang araw ba?" tanong 'ko naman kay Joni na sigurado akong tarantang-taranta na.
"Basta kapag lumayo na 'tong stalker kay Kyla. Grabe kasi yung stalker niya eh!" sabi naman sakin ni Joni. Mahirap talagang maging sikat at kasing cute ni Kyla. Umuusbong ang mga stalker.
"Oh? Grabe naman. Sige, kelan ba kayo pupunta dito sa Laguna?" tanong 'ko naman sa kanila.
"Papunta na kaming Laguna. Saan ka ba nakatira, ha?" nagulat ako dun kay Joni. Ang bilis naman nun. So siguro kanina pa nila napagplanuhan na puntahan ako. Gaano kaya kagrabe 'tong stalker na 'to at sobra silang bilis magplano?
"Uh. Sa Normandy Subdivision. Malapit lang yun sa Minimall dyan na malapit sa terminal ng bus. Sabihin mo na lang sa tricycle driver na ibaba kayo sa bahay ng mga Paras. Alam na nila yun" sabi 'ko naman sa kanya. Paniguradong sobrang saya neto. Maghahanda ako ng masarap na dinner para kay na Joni.
"Sige thank you girl. Text na lang kita maya ah. I so love youuuu!" natawa naman ako dun kay Joni.
"Sige.Ingat" then in-end 'ko naman yung call. Excited ako para mamaya. Ano kayang sasabihin nila kapag nakita nila na nakikitira din samin si Mr.Trinidad/Kuya Patrick. Ang laking Riot nun.
Hindi naman sa kalayuan eh nakita 'ko si Toni na mag-isang naglalakad. Napangite ako nun. Naisipan 'ko na habulin siya nun para imbitahin 'ko siya sa dinner mamaya.
"Toni!" tawag 'ko naman sa kanya. Tumingin naman siya sakin tapos ngumite siya.
"Hi Gabby!" sabi niya sakin na may kasamang kaway pa.
"Pwede ka ba mamayang dinner? Punta ka naman sa bahay oh. Please naman" mukhang nahihiya sakin si Toni nun pero with my puppy-dog eyes, mukhang mapapapayag 'ko naman siya.
"Sure ka ba dyan, Gabby?" mukhang may regrets pa din siyang iniisip. Eh nakalimutan 'ko na nga lahat ng yun eh.
"Sure ako, Toni. Please! Pumunta ka na mamaya!" gamit ang mga convincing powers 'ko, pinilit 'ko naman siya ng bonggang-bongga.
"Sige na nga!" sabi naman sakin ni Toni.
Pumunta kami sa Starbucks nun at nagkwentuhan na lang kami ng kung anu-ano. Naikwento 'ko naman sa kanya na hindi ako makapaniwala na magkapit si Kuya Patrick at Paolo. Mukha ngang hindi siya nagulat kasi nung nakita niya sa TV si Kuya Patrick, nakita niyang kamukha talaga ni Paolo eh. Ang galing naman niya. Ang dami naming napagkwentuhan kasama na rin dun yung pag-iwan 'ko kay Kuya Patrick at kay Paolo. Ano kayang ginagawa ng dalawang yun ngayon?
[Paolo's Point Of View]
Pagkatapos naming kumaen ni kuya nun, pumunta kami sa may department store para lang tumingin ng sapatos. Nagtitinginan samin yung mga saleslady at mga ibang tao kaya medyo naiinis naman ako. Pwede namang i-mind na lang nila yung sarili nilang business, diba?
"Maganda 'to bunso, diba?" tanong naman sakin ni kuya. Medyo nainis naman ako kasi tinatawag pa niya din akong bunso hanggang ngayon. Pinakita niya sakin yung sinukat niyang sapatos na color black. Maganda naman at swerte din siya kasi may size na fit sa kanya.
"Okay lang naman" sabi 'ko sa kanya.
"Okay. I'll take it" sabi niya ng may ngite dun sa saleslady na nagbigay sa kanya nung sapatos. Mukhang nag-sparkle ang buong katawan nung saleslady nung kinausap siya ni kuya. Tss. Bwiset lang ha. Wala bang taste ang mga babae ngayon?
Ang daming nagpa-picture nun kay kuya. Grabe, mga panira ng mood eh. Bakit ba siya sumikat? Hindi naman siya artista ah. Nakakainis talaga. Porket ba lumabas sa TV, sikat na din?! Ganito ba talaga kasakim ang buhay? Lumayo naman muna ako nun kay kuya kasi baka mamaya kuyugin na din ako ng mga tao. Ang kapal din ng mukha 'ko minsan no. Haha.
Tumayo lang naman ako sa isang tabi habang hinihintay si kuya na matapos na makipag-picturan dun sa mga salesladies na nagpapa-picture sa kanya. Napatingin naman ako sa isanng babae na may suot na high-heels na sapatos. 5 inches ata yun. Siguro sobrang liit nito. Naalala 'ko lang si Ate Paula sa kanya na sobrang mahilig maghigh-heels. Kapag pataas mo naman siyang titingnan, makikita mo na naka-maong shorts lang siya. Naalala 'ko ulit si Ate Paula, mahilig din siya sa mga damit na ganyan. Kung titingin pa ako sa taas, nagulat naman ako na sleeveless na top yung babaeng yun at flat-chested siya. Ano ba 'tong iniisip 'ko? Haha. Parang naalala 'ko din dun sa Ate Paula. Flat-chested din kasi siya kaya palagi siyang inaasar nung highschool pa lang siya. Tiningnan 'ko naman yung mukha ng babaeng yun at nagulat ang katawang lupa 'ko sa nakita 'ko.
"Baby bunso! Omg. I miss you na!" napatigil ako nun. Totoo ba 'tong nakikita 'ko?!
"Ate Paula?!" grabe, nung una akala 'ko hindi siya. Nakakahiya naman ako oh. Bigla niya akong niyakap nun. Sobrang nakakahiya. Kahit na naka-takong na siya eh mas matangkad pa din ako sa kanya ng 1 inch.
"Namiss 'ko kayong lahat bunso! Oh my God! Sobrang init pala dito sa Pilipinas no!" sabi naman niya sakin. Hindi pa din siya nagbabago. Andun pa din ang kaartihan sa boses niya. Medyo humiwalay naman siya sakin nun.
"Umuwi ka daw dito para makipag-eye ball?" sabi 'ko naman sa kanya.
"shocks! Paano mo nalaman yan?!" tarantang-taranta siya nun. Sus nako, kung makipaglandian naman si Ate eh.
"Sabi ni kuya" sagot 'ko naman sa kanya. Mukha namang tapos ng magpicture-picture nun si kuya kasi bigla siyang lumapit samin.
"Uy Paula! Akalain mo yun, andito ka din pala!" sabi naman ni kuya sa kanya. Naka-crossed arms naman si Ate Paula nun nung kinausap siya ni Kuya Patrick.
"Ikaw ha! Bakit mo sinabi kay baby bunso na makikipag-eye ball ako?! Alam mo namang baby pa yan tapos pinapaalam mo na sa kanya ang mga ganung bagay!" nainis ako dun sa sinabi ni Ate Paula. Hindi naman porke't bunso ako eh habang buhay na 'kong sanggol.
"Ano ka ba, Paula? Matanda na yan. In love na nga eh" nagulat ako nun kay Kuya Patrick. Nagulat naman sakin si Ate Paula. Parang timang talaga 'tong ate 'ko eh.
"Shocks bunso?! Totoo ba yan?! Iiwanan mo na ba kami?!" grabe ha! Iwan kaagad.
"Ano ba ate?! Nagpapaniwala ka dyan kay Kuya!" sabi 'ko naman.
Ang gaan ng pakiramdam 'ko nun. First time 'ko ulit makasama 'tong dalawa 'kong kapatid. Nakakamiss din pala yung asaran at kulitan. Naglakad-lakad naman kami dun sa mall at nagkakwentuhan na din kami.
"Paula. If you're not busy later, gusto mo bang mag-dinner mamaya? Sunduin ka namin sa condo mo" sabi naman ni Kuya kay Ate Paula habang natingin si Ate ng kung anu-anong damit.
"Hmmm, wag niyo na akong sunduin. Saan ba kayo nakatira ngayon?" tanong naman ni ate.
"Sa Paras residence sa Normandy Subdivision. Pumunta ka na lang dun if you're not busy. Sigurado akong gusto kang makita ni mama" sabi naman ni kuya sa kanya. Tumango lang naman nun si Ate Paula.
[Gabby's Point Of View]
Napagpasyahan na din namin ni Toni na umuwi nun. Halos mga 5 P.M na din naman kasi eh. Ang bilis ng oras kapag nage-enjoy no. Haha. So yun, mag-isa naman akong naglakad papauwi nun. Buti na lang wala pa sila Joni nun. Siguro marami pa silang naging stop overs dahil kay Kyla.
Pumasok ako nun sa bahay at nagsimula na akong magluto ng hapunan para sa lahat. Sana naman eh makapagluto ako ng maayos na putahe no. Please lang Lord. Sana ipagdasal ako ng bawat mga taong nanalo sa Master Chef! Haha.
Dumaan ang isang oras. Ang tagal naman nila Kuya Patrick at Paolo. Siguro masyado silang nage-enjoy sa isa't-isa. Panigurado akong papasok silang dalawa dito ng nakangite pareho. Mamaya-maya naman eh narinig 'kong mag-park ang isang kotse sa tapat ng bahay 'ko. Tatlo lang ang pwedeng dumating? Si Tita? Sila Joni? Or sila Kuya Patrick? Mabilis 'ko nung binuksan yung pintuan at napangite naman ako ng makita 'ko si Joni, Kyla at si Yael na may mga dalang kanya-kanyang bags.
"Wow! Huy welcome dito! Pasok kayo dali?!" sabi 'ko naman sa kanila habang mas binubuksan ng mas maluwang yung pintuan.
"Grabe. Ang tagal pala ng byahe dito no!" sabi naman ni Kyla habang pumapasok siya sa bahay 'ko. Linagay nila yung mga bags nila sa sofa.
"Palibhasa ang dami nating stop-overs dahil sayo" sabi naman ni Yael. Sabi 'ko na nga ba eh. Pumasok nun si Joni at mukhang stressed na stressed siya. Napa-upo na lang tuloy siya dun sa sofa.
"Grabe. Thank you talaga Gabby sa lahat. Ang laking tulong mo samin, ha!" sabi naman sakin ni Joni. Nginitian 'ko lang naman siya. Dun 'ko lang naman naalala na may linuluto pa pala ako no. So yun, chineck 'ko muna yung linuluto 'ko sa kitchen habang nasa sala lang yung tatlo.
Maya-maya naman eh may narinig akong isang pag-park ng kotse. Ayy, baka sila Kuya Patrick na yun no. Mabilis akong lumabas ng kitchen nun. Pumasok nun si Kuya Patrick at si Paolo ng may mga dalang plastics. Sosyal. Nag-shopping din pala silang magkapatid. Nakangite nun si kuya Patrick samantalang si Paolo naman eh nakasuot pa din ang maasim niya mukha.
"SHOCKS! SI MR.TRINIDAD!" sabay-sabay napatayo sila Joni, Kyla at Yael nun sa sobrang gulat na makira si Kuya Patrick sa bahay. Nginitian lang naman sila ni Kuya Patrick. Parang namang nag-sparkle nun yung mga katawan nung tatlo. Ang kukulet lang eh.
"Nagluto pala ako ng dinner para sating lahat" sabi 'ko naman sa kanilang dalawang magkapatid.
"Wow Gabby. Pakiramdam 'ko masarap yan ah" sabay-sabay saking tumingin yung tatlo at kitang-kita sa mata nila na sinasabi nila sakin yung pangungusap na 'bakit hindi mo sinabi kaagad na close kayo ni Mr.Trinidad?'. Wala akong magawa kundi ngumite sa kanila.
"Kuya Paolo, totoo palang kapatid mo si Mr.Trinidad no!" sabi naman ni Yael kay Paolo.
"Uh... Oo" parang gustong sabihin ni Paolo nun na 'sad to say, oo"
"Sino sila?" tanong naman sakin si Kuya Patrick.
"Ahh. Mga kaibigan 'ko sila. Eto si Joni" sabay turo 'ko kay Joni na mukhang naging energetic na. "Tapos si Kyla" tinuro 'ko si Kyla. Ang cute ngumite nun ni Kyla. Halatang nagpapansin talaga siya ng bonggang-bongga kay Kuya Patrick. Tinuro 'ko rin naman si Yael nun. "and eto si Yael. Magaling na photographer yan!" na-overwhelmed naman nun si Yael.
"Nice. Good evening sa inyo" sabi ni Kuya Patrick sa kanila. Parang nanlambot yung tatlo nun. Grabe talaga sila. Siguro hindi rin talaga sila makapaniwala na andito si Kuya Patrick sa harapan nila.
May isang kotse pa naman akong narinig na mag-park. Baka si Tita na 'to. Siya na lang naman ang hinihintay. Si Paolo yung nagbukas ng pinto at tama naman ang hula 'ko na si tita nga yun.
"May naamoy ako na masarap na luto ah" sabi ni Tita nun sakin.
"Ma, luto yan ni Gabby" sabi naman ni Kuya Patrick. Natuwa naman ako dun sa sinabi niya.
Nagulat naman ako ng biglang sabay-sabay napatingin yung tatlo nun kay Tita. Grabe ha. Parang silang timang. Masyado ba talaga sikat ang pamilya ng mga Trinidad?
"Shocks!!! Mrs.Trinidad?!!!!" Lumabas ang kabaklaan ni Joni nun at parang nagkaroon ng diamonds yung mga mata niya. "Mrs.Trinidad?!! Fan po ako ng mga interior designs niyo!!!!"
"Talaga? Thank you very much!" sabi ni Tita kay Joni. Parang nasa langit na nun si Joni sa sobrang saya.Ang saya nilang tingnang lahat. Nakangite nun si Kuya Patrick at halatang masaya siya dahil sa mga expression nila Joni. Tiningnan 'ko si Paolo na pinipigilan yung mga tawa niya. Sila Joni, Yael at Kyla naman eh parang nagspa-sparkle yung mga mata. Ang cute nilang tingnan.
Napatingin kaming lahat sa may pintuan ng biglang may kumatok. Ako naman nun yung lumapit sa pintuan at ako na din ang nagbukas nun. Nakita 'ko si Toni na naka-simpleng shirt lang at naka-skinny jeans.
"Ui Toni!" bati 'ko naman sa kanya.
"Okay lang ba talaga ako dito?" nahihiya pang tinanong ni Toni.
Hinawakan 'ko nun yung kamay ni Toni tapos hinila 'ko siya sa loob. Parang nagandahan sa kanya nun si Yael at si Joni pero mukhang na-insecure naman si Kyla.
"Uhm... Eto pala si Toni, bestfriend 'ko" ang saya 'ko nun. Parang eto na talaga yung ideal family 'ko. Parang natupad na ang mga pangarap 'ko.
"Hello po!" sabi naman ni Toni ng may ngite.
"So kumaen na tayong lahat. Gusto niyo na ba?" yinaya naman kami ni Kuya Patrick.
"Sige! Lika na!" sabi 'ko naman.
Sobrang gulo namin kung magtipon-tipon dun sa may dining area. Sa totoo lang, hindi naman na kasya kaya napagpasyahan namin na umupo na lang sa may sahig ng sala at dun kami kumaen. Iba-iba rin yung trip namin no. Akalain mo na ang isang sobrang yamang tao na si Kuya Patrick eh kakaen sa sahig. Ibang klase.
Mamaya naman eh may kumatok na naman dun sa pintuan. Tiningnan 'ko silang lahat. Kumpleto naman na ang lahat.
"Ay, baka si ate yun" napangite ako dun sa sinabi ni Paolo. Sa wakas, makikita 'ko na din yung ate niya.
"Ako na magbubukas ng pinto" nag-volunteer na nun si Joni. Tutal naman, siya ang pinakamalapit sa may pintuan.
Binuksan niya ang pintuan ng dahan-dahan tapos nagulat kaming lahat ng yakapin nung taong yun si Joni.
"Omg! Nicholas!" sigaw nung taong yun. Nagtaka kaming lahat nun. Nicholas? Ano daw?! Eto ba talaga yung ate ni Paolo?!
No comments:
Post a Comment