Wednesday, March 30, 2011

Chapter 25

[Paolo's Point Of View]


Napagpasyahan 'ko na umuwi na rin nun sa bahay. Binuksan 'ko yung gate ng walang kabuhay-buhay. Sa totoo lang, sobrang kulang ng araw 'ko ng hindi 'ko nakikita si Gabby. Nakakainis talaga. San ba siya nagpunta? Pumasok ako dun sa bahay. Tinanggal 'ko yung sapatos 'ko at tinapon 'ko na lang sa tabi. Wala na rin ako sa mood na ayusin yung sapatos 'ko. Napahiga na lang ako dun sa sofa na ang tanging iniisip ay yung kalagayan ni Gabby.

Kumaen na kaya siya? Nakaligo na kaya yun? Baka mamaya nadapa yun tapos nagkasugat siya? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Iniisip niya din kaya ako? Namimiss niya din kaya ako? Nag-aalala din ba siya sakin tulad ng pag-alala 'ko sa kanya? Mga tanong na alam 'kong walang makakasagot. Nababadtrip talaga ako. Narinig 'ko naman nun na bumukas yung pintuan sa kwarto ni Gabby.

"Uh.. Gabby!" yun agad yung sinabi 'ko. Nahiya naman ako bigla ng ma-realize na wala nga pala si Gabby at si Toni lang ang naandun. Nginitian 'ko na lang siya. "Uh.. Sorry, nasanay lang kasi ako eh" nginitian niya lang naman ako tapos umupo siya dun sa isang sofa. Syempre, umayos ako ng upo 'ko. Nakakahiya naman kung nakahiga pa din ako.
"Uhm.. Okay lang yun, Paolo. Thanks, ha?" sabi naman niya sakin.
"Okay na ba yang pakiramdam mo?" tanong 'ko naman sa kanya. Napansin 'kong medyo hinawakan niya nun yung tiyan niya.
"Ah. Okay lang ako. Siguro sa sobrang pagod 'ko lang 'to. Bawal pa naman 'to sakin" sabi naman niya habang hinahawakan yung tiyan niya. Hindi kaya may sakit sa tiyan 'to? Haha.
"Bakit? May sakit ka ba?" paguusisa 'ko naman sa buhay niya.
"Uh... Wala ah. Tsaka bawal ako magkasakit" sabi naman niya sakin.

Anong ibig sabihin niya sa bawal siya magkasakit? Ang bata pa naman niya para magtrabaho. At mukhang may kaya naman sila, bakit kailangan pa niyang magtrabaho?

"Bakit? Anong trabaho mo?" tanong 'ko naman.
"Ay. Wala akong trabaho. Hindi mo ba alam?" medyo nagulat ako dun sa sinabi niya. Anong hindi 'ko alam? Speechless naman ako. Palagi na lang ganito. Ako na lang ata ang palaging walang alam. "I see. Hindi pala sayo nasabi ni Gabby" sabi naman niya habang hinahawa niya yung bangs niya.
"Yung alin?" napatigil siya dun sa tanong 'ko.

[Gabby's Point Of View]


Natuwa naman ako ng bonggang-bongga dun sa sinabi nung bading. Haha. So syempre, kailangan 'kong mabuhay sa mundong ibabaw kaya naman parang akong aso na tumango sa offer niya.

"Wow. Pwede 'ko bang makuha yung contact details mo? Para naman ma-inform ka namin" sabi niya sakin kaso dun 'ko naalala na naglayas pala ako no at nakalimutan 'ko yung charger ng cellphone 'ko. Patay naman.
"Ay. May topak kasi yung cellphone 'ko tapos mukhang hindi na mauuso ang E-mail at Facebook sa buhay 'ko ngayon" sobrang nahihiya naman ako nun. Eto na yung chance eh, baka lumampas pa ako ah.
"Ay. Ganun ba?" mukhang nadismaya ang bago 'kong boss. Haha.
"Uh. Pwede 'ko kayong i-meet anytime! Please tell me. Kahit anong oras talaga, pwede ako. At may award ako nung elementary ako ng Punctuality Award kaya hindi talaga ako male-late!" natawa naman sa sinabi 'ko yung bading.
"Sige. Let's meet right here tomorrow ng 10 in the morning. Wag kang ma-late ha?" sabi naman sakin nung bading na hindi 'ko pa alam ang pangalan.
"Sure. S-m-si-..." Ano bang dapat itawag 'ko sa kanya? Sir? Maam? o Sir? ang labo eh. Haha. "Ayy.."
"Just call me Joni. What's your name, girl?" Ayy yun naman pala. buti nakakabasa siya ng isip no. Haha.
"Gabby po. Gabrielle Josephine Paras" sabi 'ko sabay nakipag-kamay ako kay Joni.

[Paolo's Point Of View]


"Bakit? anong meron?" inulit 'ko ng tanungin siya. Parang naging speechless kasi siya eh. Napansin 'ko naman na tumungo siya nun tapos bigla siyang humagulgol sa pag-iyak habang hinahawakan niya yung tiyan niya. Pilit niyang pinupunasan yung luha niya. Wala naman akong ginawa ah. May nasabi ba 'ko para umiyak siya?
"Sorry. Ang hirap kasi eh" yun na lang yung nasabi niya sakin.
"Anong problema mo? Sabihin mo lang. I will listen" sabi 'ko naman sa kanya. Bakit ba sobrang bait 'ko? Ang Gay Shit ah. Ngumite naman siya nun sakin kahit na pilit lang.
"Baka magbago ka sakin kapag nalaman mo" sabi niya sakin ng pabulong.
"Hindi. I promise. I give you my word" kung makapag-english naman ako. Ano ba 'to?
"Buntis ako" tumigil naman sa pag-ikot yung buong mundo ako. "Buntis ako kay Dustin" Bigla 'kong naalala si Gabby. Siya lang yung tanging naiisip 'ko. Naiimagine 'ko kung ilang litro at bote ng luha ang nailabas niya nung nalaman niya 'to. Bakit hindi man lang niya sinabi sakin?

"...And today, Dustin is nowhere to be found. Kinuha niya yung kotse ng daddy niya at credit cards ng mga magulang niya. Sigurado akong tinakasan niya ako. Nakipag-break din naman kasi siya sakin after ilang days na nalaman naming dalawa na buntis nga ako sa kanya" umiiyak na siya nun. Hinawakan 'ko naman yung kamay niya para i-comfort siya.

Napatungo na lang ako nun. Nakakainis talaga si Gabby. Hindi siya nagsasalita. Alam naman niyang tutulungan 'ko siya sa kahit saan. Bumilis yung pagtibok ng puso 'ko. Nanlaki yung mga mata 'ko yung mga thoughts na sana ay hindi totoo. Paano kaya kung naglayas si Gabby kasabay ni Dustin? Hindi ba parang coincidence na sabay silang nawala at pareho silang may dinadalang sama ng loob? ayokong paniwalaan ang kung ano mang naiisip 'ko. Sana hindi totoo. Pero kahit na mag kaunting chance na pwede nga yun, I will take the risk.

"...Gusto 'kong mag-sorry kay Gabby" napa-pisil ako nun sa kamay niya. Naiinis lang kasi talaga ako. "Ako kasi ang may kasalanan ng lahat. Ako yung nagsabi sa kanya na buntis ako kay Dustin. Sinasaktan 'ko siya. Badtrip na badtrip na ako sa sarili 'ko. Ang dami 'kong nasimulan na problema, gusto 'ko ng tapusin ang lahat. Gusto 'ko siyang makausap, Paolo" sabi niya sakin. Hiniwalay 'ko na yung mga kamay 'ko sa kamay niya.
"Wala siya dito" sabi 'ko naman sa kanya. Nanlaki yung mata niya nun nung sinabi 'ko sa kanya na wala si Gabby.
"Huh? Asan siya?" tanong naman niya sakin habang pinupunasan niya yung mga luha niya.
"Umalis na lang siya bigla. At hindi 'ko din alam kung nasaan siya. Katulad ni Dustin" nagpakiramdaman kami ni Toni nun. Siguro naiisip niya din yung naiisip 'ko. Siguro sumagi din sa isip niya na magkasama nga si Dustin at si Gabby.

[Dustin's Point Of View]


Naka-upo lang ako dun sa kama na malapit sa bintana. Napatingin ako dun sa pintuan nung narinig 'kong bumukas yun. Nakita 'ko naman nun si Gabby na halatang masaya. Napatitig ako sa kanya. Gusto 'kong sabihin na 'Dustin, ang tanga mo. Bakit mo pinakawalan yung babaeng yan?'. Natatawa na lang ako sa sarili 'ko. Punong-puno na ako ng regrets. Nahuli ako ni Gabby na nakatingin sa kanya. Nung nagkatitigan kami, nawala na rin yung ngite sa mga labi niya. Ano bang nagawa 'ko?!

"San ka galing?" tanong 'ko naman sa kanya. Umupo siya dun sa kama niya tapos tinanggal niya yung jacket niya. Naka-sando lang naman siya nun.
"Sa mall lang. Aalis pala ako bukas ng umaga. Gusto 'ko lang na malaman mo" sabi naman niya sakin. Sobrang straight ng boses niya. Galit ba 'to sakin?
"Galit ka ba sakin?" hindi 'ko malalaman ang sagot kung hindi 'ko siya tatanungin diba?
"Dustin, hindi ako galit sayo. Okay?" sabi niya sakin then tumingin siya sakin ng diretso.
"Sorry Gabby. Puro problema yung binibigay 'ko sayo eh" sabi 'ko naman sa kanya. Nakita 'kong nag-smirk siya nun. Bumilis tuloy yung pagtibok ng puso 'ko. Wala akong nararamdaman kundi pagmamahal sa kanya.
"Ano ba yan, Dustin?! Magdradramahan na naman ba tayo dito?" napangite na din ako dun sa sinabi niya. Napasandal na lang ako dun sa pader at tinuloy 'ko na lang yung pagtingin 'ko sa labas ng bintana.
"Hindi mo pa pala nasasagot yung tanong 'ko sayo kanina bago ka umalis" sabi 'ko naman sa kanya. Wala akong narinig galing sa kanya. "Mahal mo ba si Paolo?"


Tumingin na ako sa kanya nun. Naisip 'ko na mas maganda yung view kung siya ang titingnan 'ko. Nakita 'kong nakangite siya nun habang nakatitig sa pader na nasa harapan niya. Ano o sino kaya ang iniisip niya? Lalo akong kinabahan, sobrang tagal niya kasing sumagot.

"Yes, I do love him" sabi niya habang mabagal na tumitingin sakin ng diretso. Napansin 'ko pa nun na may tumutulong luha mula sa mga mata niya.

[Paolo's Point Of View]

Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko nun. Sobrang kinakabahan ako. Sana talaga hindi totoo na magkasama sila ni Dustin ngayon. Lalo tuloy akong naiinis sa sarili 'ko.

"Pero hahanapin 'ko siya. At mahahanap 'ko talaga siya" sabi 'ko kay Toni. Napansin 'kong napatitig sakin si Toni nun pero hindi 'ko na rin pinansin yun. Tumingin ako sa orasan. 8:30 P.M na pala nun.

"Gabi na. Ihahatid na kita sa inyo" tumayo siya nun tapos ngumite siya sakin.
"Sige. Sobrang salamat talaga. Sa lahat" sabi niya sakin. Hindi naman akong makangite sa kanya. Nag-sigh na lang ako at ako na ang nanguna na lumabas ng bahay. Sumunod lang siya sakin nun.

Pero syempre, humabol din siya. Hindi 'ko din naman alam yung bahay niya. Ilang minuto lang na paglalakad ay nasa harapan na kami ng bahay niya. Malaki din pala yung bahay niya. Halatang anak mayaman. Papasok na si Toni nun sa gate nila pero napatigil siya. Tumingin siya sakin nun.

"Paolo, thanks ulit." tapos ngumite siya. "May tanong pala ako sayo"
"Ano yun?" parang naging seryoso ako nun. Pakiramdam 'ko nga mababaliw na ako eh.
"Do you love Gabby?" napatigil ako dun sa tanong niya. First time na may nagtanong sakin ng ganyan. At first time 'ko ding mapaisip sa isang tanong. Sobrang hirap kasing sagutin diba. Alam mo yung pakiramdam na sobrang hirap magsabi ng totoo. Pero inipon 'ko lahat ng lakas ng loob 'ko.

"Yes, I do love her" Oo na. Totoo na 'to. First love 'ko na si Gabrielle Josephine Paras.

No comments:

Post a Comment