Saturday, February 19, 2011

Chapter 15

[Gabby's Point Of View]


Humiwalay na din siya sakin nun. Wala siyang pinakita na kahit anong emotion. Tinitingnan ko siya pero eto siyang hindi kayang tumingin sakin ng diretso. Umalis na din siya bigla sa harapan 'ko ng walang sinasabi sakin. Pumasok na lang siya kaagad dun sa malaking glass door papunta dun sa opening.

Narealize ko na sobrang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. Naalala 'ko yung mga pangyayare samin ni Dustin sa elevator. Dun 'ko naramdaman na baka (siguro) may nararamdaman pa siyang feelings para sakin? Nalilito na nga lang ako kung pagmamahal ba yun o awa lang? Nakita 'ko na rin nun si Dustin na mabagal na umaakyat dun sa stairs. Nagkatinginan pa kami nun.

Dun 'ko lang naman naalala ulit na suot 'ko pa yung jacket niya. Tinanggal 'ko kaagad yung jacket niya tapos inabot 'ko sa kanya yun.

"Ayan pala. Thank you" sabi 'ko naman sa kanya.

Kinuha niya nun yung jacket niya mula sa kamay 'ko. Pakiramdam 'ko dumaloy yung electrifying force dun sa jacket. Kasi pati mga kamay 'ko eh nakaramdam pa rin ng kakaibang feeling. Tumango lang naman siya sakin. Wala na ulit siyang sinabi. Linagay niya yung jacket sa right shoulders niya tapos mabagal siyang pumasok dun sa malaking glass door.

Napasigh na lang ako nun. Ang daming nangyayare ngayon pero wala akong maintindihan kahit isa. Hay nako naman. Napagpasyahan ko na din nun na pumasok dun sa opening kahit na wala akong mukha na pwedeng ipakita.

Casual nga lang siya kagaya ng pagkakasabi ni Paolo. Maraming new faces akong nakita dun. Natanaw 'ko din si Toni. Ngayon 'ko lang naman narealize na hindi niya pala kasama si Dustin. Baka magkaaway sila. Ano kayang meron? Sana mag-break na sila tapos magpakamatay na siya no? Joke. Hahaha.

Nakita 'ko din naman si Dustin na kausap yung mga kaibigan niya. Tinititigan 'ko lang siya, expected 'ko kasi na titingin din siya sakin pabalik. Pero hindi rin naman nangyare  yun.

Tiningnan 'ko si Paolo. Nung una, magisa lang siya na umiinom ng wine. Dun 'ko naman naisip na kung puntahan 'ko kaya siya kaso napatigil ako nun ng may isang babae na mag-approach sa kanya.

[Paolo's Point Of View]


"Hi Paolo" nagulat ako dun sa isang babae na lumapit sakin. Wala naman akong ineexpect na lalapit sakin kundi si Gabby lang eh. Tiningnan 'ko yung babae. Familiar siya sakin nun. "Hindi mo na ba ako naaalala? Ako si Aya. Magkababata tayo nun" sabi niya sakin ng nakangite. Dun 'ko naman narealize na siya nga yung kalaro 'ko nung bata pa ako.
"Ah. Naalala na kita. Buti naman naalala mo pa ako" sabi ko naman sa kanya.
"Makakalimutan 'ko ba yung taong sinabihan 'ko na papakasalan 'ko" sinabi niya sakin ng pabiro. Napangite lang naman ako nun. Binigyan 'ko siya ng isang glass at linagyan 'ko yun ng wine. Dahan-dahan naman niyang ininom yun. Malaki na din yung pinagbago niya ngayon. Kung dati, cute lang siya. Ngayon naman ay maganda na siya.

"By the way, ang ganda ng mga interior designs ni tita ha?" sabi niya sakin pagkatapos niyang uminom.
"Matagal niya ng dinedesign yung mga yan at buti naman, nakahanap na din siya ng tyempo na ipakita yung mga designs na yan" sabi 'ko sa kanya na may halong pagtango pa.
"Sana maging succesful 'tong business ng mama 'mo. Congrats" sabay offer niya sakin ng kamay niya para makipagshake hands. I accepted it at nag-shake hands kami.

[Gabby's Point Of View]


Nagshake hands sila. Bumilis yung pagtibok ng puso 'ko. Naiinis ako na ewan. Hindi ko maintindihan. Napa-iling na lang ako para mailayo sa sarili 'ko yung nakita 'ko. Iba yung tingin niya dun sa babae eh! Nakakainis ka Paolo! Wala kang sinasabi sakin?! Paano kung ex niya yun? O nililigawan? Dun 'ko lang naman narealize na wala pa pala akong alam sa lovelife ni Paolo. Katampo naman.

Napagpasyahan ko naman nun na magCR muna. Sa sobrang lamig at tagal kong na-stuck dun sa elevator, siguro naman may karapatan na akong ma-ihi. Haha.

Pumasok naman na ako nun ng CR. Siguro naman hindi na kailangang i-describe yun no? Haha.

[Toni's Point Of View]


"So Toni, I've heard na na-stuck daw sa elevator si Dustin and si Gabby" sabi sakin nung kaibigan 'ko. Nanlaki yung mata 'ko nun.
"Ano?! Na-stuck?! Gaano katagal?" parang nagpa-panic ako nun.
"Medyo matagal din yun no. Hindi mo ba napansin, wala dito kanina si Dustin. Kakaligtas nga lang sakanila eh" nag-iinit dun yung ulo 'ko. Pero aside from that, may kakaiba akong naramdaman.

Pinakiramdaman 'ko yung sarili 'ko. Feeling ko nun nasusuka ako na ewan. Hindi ko ba alam kung dahil ba yun sa pagkaen na kinaen 'ko o sa dahilang buntis nga talaga ako. Badtrip.

"Excuse me. I have to go to the CR" sabi 'ko sa kanila. Tumango lang naman yung mga kaibigan 'ko sakin tapos mabilis akong pumunta sa may CR. Yung lababo agad yung nakita 'ko at dun 'ko na nilabas lahat ng nararamdaman 'ko.

Sumuka ako nun. Grabe, sobrang hirap sa dibdib tapos nahihirapan pa akong huminga. Medyo nahihilo na rin ako. Napapa-bend pa nga yung knees 'ko. Feeling 'ko hindi 'ko 'to kakayanin. Hanggang kelan 'ko pa ba itatago 'to?! Kasalanan mo 'to Dustin eh! Ugh. May narinig akong flush nun. Tumingin ako sa mirror para makita kung sinong tao yung galing lang sa isang cubicle.

Lumabas nun si Gabby na napatingin sakin. Nawalan na din ako ng oras na tingnan pa ulit siya kasi parang nasa lalamunan 'ko na ulit lahat ng mga dapat 'kong isuka. Nakita 'kong nagulat siya nun sakin.

[Gabby's Point Of View]


Sobrang nagulat ako ng makita 'ko si Toni na nagsusuka. Grabe, ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. Kahit na ilang beses ''ko na siyang pinatay sa panaginip 'ko, hindi 'ko pa rin mapigilan na tulungan siya.

Lumapit ako sa kanya tapos pinat ko yung likod niya.

"Huy Toni. Ano bang nangyayare sayo?! Okay ka lang ba? May sakit ka ba? Anong gamot mo? Bibili ako! Okay ka lang ba?" ang dami 'kong tanong sa kanya pero hindi naman niya ako pinapansin. Pinunasan niya nun ng panyo yung bibig niya. Kinabahan ako.
"Bakit ba linapitan mo pa ako?" ang taray niya nun.
"Tumutulong lang naman ako eh. Ano ka ba? Anong gusto mong gawin 'ko ng nakikita kitang nagsusuka?" nakita 'ko siyang nag-smirk sakin.
"Lumayo ka na lang sana. At the sight of you, lalo akong nasusuka" naiinis na talaga ako. Ugh.
"Ano bang problema mo, Toni?" tanong 'ko naman sa kanya.
"Ikaw ang problema 'ko" inemphasize pa niya nun yung 'ikaw' "Kasi you're just pretending to be nice! Kaya yan, ikaw ang mukhang kawawa at ako ang mukhang masama. Tama naman diba? Nagpapakabuti ka kasi kahit na sa loob-looban mo kinasusuklaman mo ako!"


Hindi ako makapagsalita. Sobrang sakit yung naramdaman 'ko nung sinabi niya sakin yun.

"Totoo yan diba? Plastic ka kasi! Sa buong pagsasama natin, naging plastic ka sakin?! Totoo bang hindi mo napapansin na may hidden affair na kami ni Dustin nun? Hindi mo ba napapansin na lagi kaming humihawalay sayo para lang makapagdate kami?! hindi mo man lang ba narealize na palagi akong nasa bahay nila ni Dustin nun?" salita siya ng salita. Tapos parang ang hirap mag-sink in sa utak 'ko ang lahat. "Ayaw mo kasing maniwala na hindi ka na mahal ni Dustin nun. Nagpapakatanga ka lang! At hanggang ngayon, ganun ka pa din."

Hindi ko na napigilan yung sarili 'ko. Sampal lang ang nagawa  'ko sa kanya. Linagay 'ko na lahat ng sama ng loob 'ko sa sampal na yun.

"Pinamukha mo pa s-sakin yan" hindi na ako makapagsalita ng maayos. Ang hirap magpigil ng luha. Tapos nahihirapan pa akong huminga.
"Oo. Pinapamukha 'ko sayo kung gaano ka katanga. At sinasabi 'ko lang sayo na for the next time na magpakatanga ka ulit kay Dustin, gusto 'kong malaman mo" napatigil pa siya nun at lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. "na binuntis niya ako"

Parang nadurog nun yung puso 'ko and at the same time nasira na yung buong mundo 'ko. Bumagal ang takbo ng oras. At wala akong magawa. Parang naging manhid ako sa kasiyahan. Puro kalungkutan at galit na lang yung nararamdaman 'ko.

Naalala ko nun nung hinalikan ako ni Dustin. Naiinis ako kasi nakaramdam pa ako ng kakiligan dun kahit hindi na dapat. Bwiset. Tarantado ka talaga Dustin. Kinakawawa mo na lang ako palagi. Dun 'ko na namalayan na natulo na pala yung mga luha 'ko.

"Naiyak ka na naman. Ang cry baby mo talaga. Palibhasa, magpapaawa ka naman sa mga tao para sabihin nila na maba-" kinut ko na siya nun.
"Tanga ka ba? Alangan namang tumawa ako nun! Ang gago mo naman, Toni! Grabe ka naman talaga. Sobrang manhid mo naman. Syempre masakit yun!" napatahimik siya nun.

Ang tagal ng pagtitinginan naming dalawa ni Toni. Dun ko naramdaman na hindi 'ko na pala kaya. Hindi na kaya ng puso 'ko. Anytime kasi, sasabog na 'to eh. At dahil dun, mabilis akong lumabas ng CR.

[Paolo's Point Of View]

Nakita 'ko nun si Gabby na umiiyak papalabas dun sa CR. Sobrang kinabahan ako para sa kanya. Bakit na naman kaya naiyak yung babaeng yun?!

"Excuse me Aya ha?" tumango lang naman sakin si Aya nun.
"Sure"

Isa lang ang naisip 'ko. Dapat 'ko siyang sundan.

[Dustin's Point Of View]

Nagulat ako kay Gabby. Papalabas na siya dun sa pintuan ng naiyak. Parang sumikip nun yung dibdib 'ko sa nakita 'ko. Isa lang ang naisip 'ko. Dapat 'ko siyang sundan.

No comments:

Post a Comment