[Gabby's Point Of View]
Speechless kaming lahat nun. Lalo naman si Tita, Kuya Patrick at si Paolo. Could it be na si Joni/Nicholas yung pinunta ni Ate Paula dito sa Pilipinas?! Napatingin ako dun sa expressiong ng mukha ni Kyla at ni Yael. Yung dalawang kamay nila eh nakalagay sa mga mukha nila. Parang pang pinapahiwatig samin na patay na at bistado na sila. Could it be na si Ate Paula yung "stalker" daw ni Kyla. O hindi talaga siya "stalker" ni Kyla, kundi "stalker" talaga siya ni Joni. Nginitian niya lang naman si Toni nun. Mukhang nagtataka lang naman siya. Wala pa naman rin kasi siya masyadong alam dito.
Tinulak ng bonggang-bongga ni Joni nun si Ate Paula. Baklang-bakla talaga si Joni nun at halatang pinagpapawisan siya. Mukha ngang allergic siya sa yakap ng isang babae eh.
"Ano bang ginagawa mo dito?!" sabi ni Joni. Yung tono ng boses niya eh parang may nagnanasa sa katawan niya.
"Pumunta ako dito para sayo, Nicholas" sa pagkakasabi ni Ate Paula nun, mukhang in love siya kay Joni which is really weird diba. Napatingin nun si Ate Paula kay Paolo.
"Bunsoooo!!" ang cute ng boses ni Ate Paula. Parang nahawaan siya ni Kuya Patrick ng pagiging makulet. Mabilis siyang tumakbo papalapit kay Paolo at yinakap 'to ng sobrang higpit.
"Ano ba, ate Paula?! Bitawan mo nga ako" tawa naman kami ng tawa nun eh. Nakita 'kong nagulat nun si Joni. Siguro, ngayon niya lang nalaman na magkakapatid yung tatlo.
"Namiss ka kaagad ni ate!!" lalo kaming nagtawanan nun. Nagmumukhang bata talaga si Paolo kapag kasama niya yung dalawang mga nakakatanda sa kanya.
Bumitaw naman na nun si Ate Paula kay Paolo at linapitan niya si Tita. Parang namang nagspa-sparkle yung mata ni Yael at ni Kyla sa presensiya ni Ate Paula. Parang kanina lang eh binagsakan sila ng langit at lupa, ngayon naman parang inahon sila ng isang anghel. Haha.
"Mama Dearrrr! I miss you so much!" sabay halik naman sa cheeks ni Tita.
"I miss you baby Paula" sabi naman sa kanya ni Tita.
Napagpasyahan 'ko naman na tumayo na nun para ikuha ng pagkain si Ate Paula. Buti na lang andito siya, dumagdag na naman 'to sa kasiyahan 'ko.
"Uh... Kumaen na po ba kayo? Ikukuha 'ko po kayo ng pagkaen" sabi 'ko naman kay Ate Paula. Tumingin siya sakin ng diretso nun na parang ine-examine pa yung buong katawan 'ko.
"Ikaw ba yung sweetheart ni bunso?" nagulat ako dun sa tanong sakin ni Ate Paula. Ngumite na lang ako, hindi 'ko rin naman alam ang isasagot 'ko.
"Siya yun Paula. She is Gabby" sabi naman ni Kuya Patrick. Grabe, lalo naman akong kinakabahan.
"Ano ba kayo?! Sobrang kulit niyo ah" sobrang defensive ni Paolo nun pero mukhang namumula naman siya.
"Pwede na rin! Boto ako sayo bebe Gabby!" tapos bigla niya akong niyakap. Ngumite lang naman ako. Wala akong ginawa kundi ngumite.
Hinawakan niya nun yung kamay 'ko at hinila niya ako papasok dun sa may kitchen. Sobrang lambot ng kamay ni Ate Paula. Ganito rin kaya yung mga kamay ni Ate Summer? Halos nakilala 'ko na yung mga magkakapatid, gusto 'ko namang makilala si Ate Summer.
"I'll be back for you, Nicholas!" sabay sigaw ni Ate Paula nung pagpasok namin sa kitchen. Mukhang nandiri naman nun si Joni kay Ate Paula.
[Toni's Point Of View]
Medyo tahimik naman ako sa isang tabi. Nakikisali na lang naman ako sa mga tawanan nila. Siguro nga sobrang masaya ni Gabby kung sila yung mga kasama nila. Dahil sa kanila, nakikita 'ko yung mga kakaibang ngite ni Gabby. Sobrang saya 'ko para kay Gabby. Sobrang swerte 'ko nga talaga na may nakilala akong katulad niya.
"Shocks! I'm doomed!" narinig 'ko namang sinabi ni Joni. Ano kayang meron dun sa Ate Paula at dyan kay Joni? Medyo curious nama ako.
"Susuportahan ka na lang namin, Joni" sabi naman ni Yael.
"Ikaw ba yung ka-eye ball ni Paula?" tanong nung kuya ni Paolo kay Joni. Mukhang nataranta nun si Joni gawa nga na ang kumausap sa kanya ay yung sobrang yaman na taong 'to.
"Opo, Mr.Trinidad. Pero shocks! Hindi 'ko akalain na aabot dito yun!" nginitian lang siya nun nung kuya ni Paolo. Mukhang nanlambot si Joni sa ginawa niya. Napatitig tuloy ako dun sa kuya ni Paolo. Patrick ata yung pangalan neto if I'm not wrong. Kamukha nga siya ni Paolo, medyo mas matangkad nga lang si Kuya Patrick.
Parang nahuli niya ako nun na nakatingin sa kanya, bigla kasi siyang humabol ng tingin sakin. Pakiramdam 'ko namula ako nun gawa ng nakakahiya kasi nakita niyang nakatingin ako sa kanya. Nginitian niya lang ako nun at dahil dun bigla akong kinilabutan. Parang nanlambot din ako katulad ni Joni. Ang cute ba naman kasi ng kuya ni Paolo. Ano ba 'tong iniisip 'ko?! 19 years old pa lang ako. Anong age niya?! Mga 24 years old siguro?! Ugh. Talk about the age gap diba.
Lumapit sakin nun si Kuya Patrick. Medyo kinakabahan and at the same time, nagulat din ako. Kasi naman diba, kung anu-ano yung iniisip 'ko tungkol sa kanya. Hindi 'ko expected na siya mismo ang lalapit sakin.
"Bestfriend ka ni Gabby, diba?" tanong naman niya sakin. Parang akong bata na tumango na lang ako nun. Una kasi sobrang nahihiya ako sa kanya. Pangalawa naman eh parang wala akong karapatan na sabihin na si Gabby pa rin ang bestfriend 'ko. Sa lahat naman ng kagagahan na ginawa 'ko sa kanya diba?
"Aahh. Toni yung name mo, diba?" lalo naman akong namula nun. Nakikinig pala siya nung sinabi ni Gabby yung pangalan 'ko. Waaaaaa, kinikilig ako. Hahahaha. Parang nakalimutan 'ko si Dustin. Wooohoooo.
"Uh.. Opo" sabi 'ko naman sa kanya.
"Nice. I'm Patrick. Kuya ako ni Paolo" in-offer niya sakin yung kamay niya with a smile. Kinikilabutan talaga ako. Tinanggap 'ko yung kamay niya at nakipag-shake hands sa kanya. Nakakahiya kasi sobrang lamig ng kamay 'ko tapos yung kamay niya sobrang warm. Syempre, hiniwalay na din namin yung mga kamay namin sa isa't-isa.
"You must be lucky" grabe, parang hindi 'ko ma-keri ang english ng lalaki na 'to.
"Ako po" tumango naman siya sakin nun.
"Ang swerte mo kasi bestfriend mo si Gabby. She's such a nice girl" napangite naman ako nun. Totoo nga yun. Kung alam lang talaga ni Kuya Patrick yung mga naunang nangyari. Sobrang mababaitan talaga siya kay Gabby. "Kaya nga hindi na ako magtataka kung masabi man ni Paolo sa huli na 'kuya, mahal 'ko na si Gabby'" Napatitig ako nun kay Kuya Patrick. Nung sinabi niya yun, medyo namangha naman ako sa kanya. Alam 'ko naman na mahal na talaga ni Paolo si Gabby eh.
"Oo nga. Sigurado akong magiging masaya sila sa isa't-isa" Napatingin ako nun kay Paolo na mukhang alalang-alala sa nangyayari sa loob nung kitchen kung nasaan si Ate Paula at si Gabby.
[Gabby's Point Of View]
"Ate Paula, pili na lang po kayo dyan. Sana po magustuhan niyo" sabi 'ko naman kay Ate Paula. Ang dami niyang linagay nun sa plato niya. Whoa ah. Nakakatuwa siya.
"Ikaw ba nagluto n'to?" tanong naman niya sakin. Pag nagtatanong siya, kinakabahan ako. Parang iniinterview niya kasi ako eh. Haha.
"Uh... Opo" medyo nahihiya naman ako. Kasi baka mamaya hindi niya magustuhan. Nakita 'kong tinikman niya yung kare-kare na linuto 'ko.
"Wow. Ang sarap. Pwede na nga kayong maging mag-asawa ni Paolo!" tumawa na lang naman ako nun. Sobrang sweet ng mga ngite ni Ate Paula. Overwhelmed ako sa sinabi niya. Sa lahat naman ng pwedeng i-partner sakin, si Paolo pa diba?!
Hinawakan nun ni Ate Paula yung kamay 'ko tapos hinila niya ako papalabas ng kitchen. Binitawan niya din kaagad yung kamay 'ko ng makita niya si Joni. Gusto pang tumakas nun ni Joni kay Ate Paula pero mukhang wala na siyang kawala.
"Nicholas!" sigaw ulit ni Ate Paula. Tumakbo siya papalapit kay Joni at tinabihan niya 'to. Nagtawanan lang naman kaming lahat.
Tinitingnan namin si Joni at Ate Paula. Sinusubuan pa nun ni Ate Paula si Joni kaya lalong sumakit yung tiyan namin kakatawa. Mukhang diring-diri naman si Joni nun kay Ate Paula. Sobrang kulit talaga nila. Tiningnan 'ko nun yung ibang tao. Natutuwa ako kasi si Tita eh ang laki ng ngite habang tinitingnan si Ate Paula at si Joni. Natutuwa din ako kasi kung mag-usap si Yael at si Kyla eh parang may future sila na mag-samang ng habang buhay. Napatingin din naman ako nun kay Kuya Patrick at kay Toni na nagsisimula na ng kwentuhan sa bandang dulo. Hindi kaya sila din sa huli? Haha.
Nagulat naman ako ng bigla saking tumabi si Paolo. Napatitig ako sa kanya. Ang saya ng mga tao sa paligid namin. Parang akong may pamilya at dahil kay Paolo yun. Mukhang nahuli ako ni Paolo na nakatingin sa kanya kaya naman bigla siyang namula. Sobrang cute niya talaga.
"Hu...Huy... Hindi totoo yung sinabi ni Ate Paula, ha! Alam mo naman yung mga yun. Mga nagjo-joke lang" bulong naman niya sakin. Nahalata 'ko naman nun na yung lahat ng tao sa bahay namin eh busy sa isa't-isa.
"Ganun?" yun na lang ang nasabi 'ko.
Nagkaroon ng katahimikan between samin ni Paolo pero andun pa din yung kaingayan ng ibang mga tao na kasama namin sa sala na yun. Hinawakan nun ni Paolo yung kamay 'ko tapos tumambay muna kami dun sa may garden. Ang lamig ng simoy ng hangin at ang ganda ng mga stars. Parang kumikinang lang sila bilang spotlight para saming dalawa ni Paolo. Nagsigh muna nun si Paolo bago magsalita sakin.
"Mahal mo pa ba si Dustin?" tanong naman niya sakin. Napatigil naman ako nun. Ilang araw lang pala ang makalipas no, at mukhang ngayon na lang siya sumagi sa isip 'ko. Napagisip-isip 'ko na rin naman nung mga panahon na naglayas kami na iba si Dustin. Mahal 'ko siya noon pero siguro ngayon isa lang ako sa mga tumulong sa kanya para mahanap na niya yung sarili niya.
"Hindi 'ko alam kung paano ie-explain 'to eh. Hindi 'ko na siya mahal na parang dati. Pero mahal 'ko siya in a way na gusto 'ko na lang siyang maging kaibigan. Gusto 'ko siyang tulungan at gusto 'ko na makita siyang tumanda, not just physically but also psychologically" In other terms, wala na akong special feelings sa kanya. Pinahaba 'ko lang. Haha.
"Eh, bakit ka pumayag na sumama sa kanya nun?" isa pang tapon ng tanong niya sakin.
"Inaamin 'ko na mahal 'ko siya nun kaya sumama ako sa kanya. Nasabi 'ko naman na sayo dati yung tungkol dun sa matanda na nadalaw pa rin dun sa puntod nung lalaking nanloko sa kanya. Ganun yung naramdaman 'ko para kay Dustin nung araw na yun. Kahit na ilang beses niya 'kong saktan, basta mahal 'ko siya, andyan ako palagi sa tabi niya. Yun na lang naman ang magagawa 'ko sa kanya eh" ang haba ng sagot 'ko nun. Hindi 'ko inakala na masasabi 'ko to kay Paolo.
"Hindi ba katangahan yun?" parang joke yung tanong na yun pero mukhang may laman pa din naman.
"Oo. Katangahan nga yung mga yun. Pero dahil dun mas nakilala yung sarili 'ko. Mas natutuhan 'kong tumayo every defeat na ma-encounter 'ko. Parang naging way na lang yun para mahanap 'ko kung ano talaga ang gusto 'ko sa buhay" Pamilya. Yun lang naman ang gusto 'ko sa buhay eh. At tinuturing 'ko na pamilya sila Paolo, Kuya Patrick, Joni, Yael, Kyla, si Tita, si Toni at si Ate Paula na din. Masaya ako na sila ang makasama 'ko.
Nagkaroon ng katahimikan nun. Sobrang swerte 'ko. Kasi nakilala 'ko silang lahat. Akala 'ko nung una mag-isa lang ako pero dadating din pala ang mga tao na magpaparamdam sakin na hindi naman talaga ako mag-isa. Hinawakan nun ni Paolo yung kanang kamay 'ko. Napatingin ako sa kanya at halatang namumula naman talaga siya sa ginawa niya. Napangite naman ako dun.
"Saglit lang. Pahawak lang" bulong naman niya sakin. Pero isa lang ang naisip 'ko nun.
Wag mo ng pakawalan. Okay lang kahit na habang buhay na tayong magka-hawak kamay...
No comments:
Post a Comment