Hindi ako makapagsalita nun. Babalik na siya? Medyo kinabahan naman ako pero medyo naging kalmado na rin naman ako. Napangite na lang ako sa sarili 'ko as a sign na at last, eh natuto ng tumayo ni Dustin gamit ang dalawang paa niya.
"Sino yan?" lumabas si Joni nun sa kitchen habang nakasuot ng apron. Natuwa ako kasi mukhang nanay si Joni lalo na kapag naka-apron. Haha.
"Si Dustin" medyo nagtaka naman sila dun. Malamang, hindi naman kasi nila kilala yung taong yun eh. Tumabi ako kay Kyla nun sa sofa.
"Sino yung Dustin na yun?" tanong naman sakin ni Kyla. Nai-intriga naman ako.
"Uh.. Wala lang yun.. Friend 'ko lang siya.." sabi 'ko naman sa kanya. Pero bakit pa nga ba ako nagtatago? May kailangan pa ba akong itago? Wala na naman, diba?
"Sinong Dustin naman yan, Gabby?! Isusumbong kita kay Paolo dyan eh!" medyo natawa naman ako dun. Na-imagine 'ko naman bigla si Paolo na namumula sa sobrang selos, sobrang cute nun at sobrang nakakakilig.
"Okay. Fine. Masyado niyo akong iniintriga ah" sabi 'ko naman sa kanila. Umupo na rin nun si Ate Paula at si Joni dun sa sofa sa harapan 'ko.
"So, who's this Dustin?" tanong sakin ni Joni. Parang si Boy Abunda naman siya nung mga panahon na 'yun.
"Ex 'ko lang siya pero wala na 'yun no" parang nanlaki yung mga mata nilang lahat sa sinabi 'ko.
"Ex mo?! Ngayon 'ko lang nalaman yun ah!" sobrang gulat naman ata si Yael nun sa sinabi 'ko. Bakit ba si Dustin pa yung pinaguusapan namin ngayon?!
"Eh malamang ngayon niya lang kasi na-share diba!" sabi naman ni Kyla sa kanya. Ang kulit lang nila eh. Kung makapaglambingan, dapat talagang mag-away muna.
"Ikaw kasi hindi pa nagkaka-boyfriend!" pang-aasar naman ni Yael kay Kyla. Nakangite lang naman nun si Ate Paula sa nag-aasarang sweethearts na 'to.
"Ang yabang mo! Ikaw din naman never pa nagkaka-girlfriend ahh!!" sabi naman ni Kyla na parang naghahamon pa ng away.
"Ikaw kasi. Ang tagal mo pang sagutin ako" sabi naman ni Yael. Woohooo. Ang cheesy naman neto. Sobrang bata pa eh, may nalalaman ng ganyan. Napatahimik naman nun bigla si Kyla. Mukhang kinikilig ata.
"Waaaa. Sobrang cute niyong dalawa. Sana ganyan din tayo Nicholas!" sabi naman bigla ni Ate Paula.
"As if?!! Hindi tayo talo!" sabi naman ni Joni na nakapagpatawa naman sakin.
"Ehhh?!! Nicholas naman?!! In love ako sayo!! Wala akong pakielam kung hindi ka magbago?!! Basta I love you for who you are!!" sabi naman ni Ate Paula. Grabe, seryoso ba talaga 'to o sadyang joke lang?
"ang kulit niyo talaga!" diring-diri naman nun si Joni kay Ate Paula. Kasi naman diba parehas silang babae by heart!
"Anyways, nagtagal ba kayo nung Dustin?" napa-isip ako dun sa tanong niya. Sa totoo lang, sobrang tagal namin, diba?
"Malapit na kaming mag-four years nun nung nagbreak kami" wala ng kung ano man akong nararamdaman nung mga panahon na yun. As in, walang sakit at walang kalungkutan. Tunay ngang naka-move on na talaga ako.
"What?! Four years?! Kelan lang kayo nag-break?!" sobrang panic naman ang naramdaman nun ni Ate Paula.
"Mga last week of March nun ata. Basta mga ganun." sabi 'ko naman sa kanya. Napatango na lang naman silang lahat dun. "Pero naka-move on na talaga ako dun. As in. Sobra ng over"
"Eh, bakit naman kayo nag-break?" tanong naman sakin ni Yael.
"Uh... Sobrang haba ng kwento dun eh" sabi 'ko naman sa kanila. Dun 'ko naman na-realize na wala pa nga silang alam masyado tungkol sa buhay 'ko no? Kung ikwento 'ko na din kaya?
"Then, makikinig kami" parang ready naman na nun si Kyla sa isang bedroom story. Haha.
"Oo nga, ikwento mo na sister-in-law" sobrang natawa ako dun sa sinabi ni Ate Paula. Masaya ako kasi nasabihan niya na ako ng 'sister-in-law'.
"Ang kulit niyo ah. Pero sige" pakipot pa no? Haha. "Kasi nagkaroon sila ng hidden affair ni Toni" mukhang nagulat siya dun sa sinabi 'ko na dahil kay Toni ang lahat pero pinatuloy din naman nila ako sa pagkwekwento. "Parang halos mamamatay na ako nun. Then, andyan si Paolo. Naging close kami kasi palagi siyang andyan sa tabi 'ko kapag nagdradrama ako. Umabot sa point na parang naging kuya 'ko siya. Yung ganun" lahat sila nun napapangite.
"Tapos?" WAHAHAHA. Nakakahiya naman ikwento 'tong lovelife 'ko.
"Tapos nun, may nalaman ako. Pero hindi 'ko na babanggitin yun, ha?" parang nalungkot naman silang lahat nun. Pero nagpatuloy na lang ako. Bawal 'ko naman kasi sabihin sa kanila na nabuntis ni Dustin si Toni. "Then yun, parang akong nagkaroon ng emotional breakdown. Kaso ang bilis 'ko kasing magpakatanga eh. Sobra 'kong minahal si Dustin kaya lahat ginawa 'ko para sa kanya"
"Manloloko pala yung Dustin na yun, ha!" natawa naman ako dun sa sinabi ni Yael pero nagpatuloy na lang ako sa pagkwekwento.
"Naglayas ako nun dito kasama si Dustin." sabi 'ko sa kanila. Parang nanlaki lahat ng mga mata nila sa sinabi 'ko. "Pero hindi 'ko pinagsisisihan yun kasi yun yung mga oras na nakilala 'ko kayong lahat"
Ang saya ng feeling 'ko habang nagkwekwento. Nakikita 'ko kasi yung ibang klaseng ngite nila. Wala nga talaga akong pinagsisisihan sa mga past mistakes 'ko kasi nagbunga naman 'to ng mga magagandang resulta. Nagkaroon ako ng pangalawang pamilya.
"Ang dami 'ko nun na na-realize. Na-realize 'ko din nung mga panahon na yun na hindi na pala si Dustin ang mahal 'ko no" sabay-sabay kaming tumingin dun sa taong nagbukas ng pintuan ng bahay 'ko.
Napangite kaming lahat ng makita namin si Kuya Patrick at si Paolo na tahimik na pumapasok dun sa bahay. Mukha ngang nagulat silang dalawa kasi lahat ba naman kami eh nakatingin sa kanilang dalawa. Kamusta naman yun diba?!
"Si Paolo na kasi pala no" sabi naman ni Ate Paula. Nagkatinginan kami ni Paolo nun at mukhang wala siyang naririnig.
"Ha? Anong ako?" tanong naman samin ni Paolo.
"Wala yun. Sabi namin ikaw na daw ang maghuhugas ng plato mamaya!" sabi 'ko naman sa kanya.
"ANO?! AKO NA NAMAN?!! DAYA NIYO!!" ang kulit talaga ni Paolo eh. Nagtawanan na lang naman kami nun.
Nagkayayaan na din kaming kumaen ng dinner nun. Medyo napansin 'ko naman na tahimik pa din si Kuya Patrick. Bigla 'ko rin namang naalala si Toni nun. Lalo na yung fact na may gusto din naman si Toni kay Kuya Patrick. Ang kaso nga lang eh natatakot siya baka hindi siya tanggapin ni Kuya Patrick.
[Toni's Point Of View]
Kakatapos 'ko lang kumaen nun at medyo wala naman akong gana. Lagi 'kong tinitingnan ang cellphone 'ko nun. Hinihintay 'ko pa din na mag-text o tumawag man lang sakin si Kuya Patrick. Naiinis naman ako sa tadhana. Bakit kasi sobrang late dumating ni Kuya Patrick sa buhay 'ko?! Ugh.
Pumasok ako nun kaagad sa kwarto 'ko at hindi 'ko rin naman namalayan na nakatulog na din ako.
Nagising din naman ako kinabukasan nun. Nagunat-unat lang naman ako ng kaunti at ginawa 'ko na din yung morining routine 'ko. Haaayyy. Bwiset. Umagang-umaga, si Kuya Patrick agad yung iniisip 'ko. Nakakainis talaga. Bumaba na din naman ako nun para mag-almusal. Medyo nagulat namann ako kasi andun si mama at si papa. Naghihintay pala sila na bumaba ako. Minsan lang naman kasi kami magkasabay-sabay sa almusal eh.
"Good morning, anak" sabi naman sakin ni mama. Wala naman akong sinabi kaya ngumite na lang ako.
"Toni, kumain ka na. May mga sasabihin pa kami sayo ng mama mo" tahimik naman akong umupo nun sa upuan sa tabi ni mama habang linalagyan ni mama ng pagkain yung plato 'ko.
"Ano po yun?" tanong 'ko naman habang kinukuha yung spoon at fork.
Nakita 'ko namang nagtinginan muna nun si mama at si papa bago magsalita. Ano na naman ba 'to?!
"Sabi kasi ng parents ni Dustin, eh dumating na daw siya kaninang madaling araw. Gusto lang sana namin sayo ipaalam" sabi ni mama. Napatigil ako nun sa pagkaen at sobrang bilis ng pagtibok ng puso 'ko.
"A-ano?" nauutal-utal naman ako ng mga panahon na yun. Hindi 'ko inakala na babalik siya.
"And pumayag na din siyang ikasal sayo" sabi naman sakin ni papa. Parang hindi ako makapaniwala na bumalik siya para lang panindigan ako kaso hindi 'ko naman alam kung magiging masaya ako. Lalo na kung andyan si Kuya Patrick.
"Talaga?" yun na lang naman ang nasabi 'ko sa kanilang dalawa. Ngumite naman sakin nun si mama at hinawakan niya yung kamay 'ko.
"Don't worry about a thing, honey. Kami ng bahala sa mga preparations, okay? Just be a good girl, ha?" sabi naman sakin ni mama. Tumango na lang naman ako sa kanya.
Magigng masaya nga ba ako kung maikasal na talaga ako ng tuluyan kay Dustin? Magiging masaya nga ba ako kahit na alam 'ko na hindi naman talaga ako ang mahal ni Dustin? Satisfied ka na ba, Toni? Andyan na yung pinakamamahal mo mula nung highschool ka!! Kaso andyan din si Kuya Patrick na alam mong mahal ka kaso natatakot ka lang kasi baka hindi ka niya tanggapin. At natatakot ka din ba, Toni, na magmahal ulit at masaktan? Yan ang mga tanong 'ko sa sarili 'ko na hanggang ngayon ay hindi 'ko pa din nasasagot.
[Gabby's Point Of View]
Maaga akong nagising nun. Mga 7 A.M lang naman. At mukha namang lumabas nun si Paolo para mag-jogging. Napagpasyahan 'ko namann nun na lumabas muna sa park para naman salubungin 'ko si Paolo, diba? Nakaka-miss na din siya eh. At hanggang ngayon, hindi pa din ako maka-recover dun sa mga sinabi niya sakin nung nasa Paseo kami.
So yun, naglakad-lakad lang naman ako dun sa may park. Nagbabakasakali lang naman ako na makita na nagjo-jogging dito or si Toni na nakatambay lang dito. Pero ni isa sa kanila ay hindi 'ko nakita. Pero nagulat naman ang diwa 'ko ng makita 'ko si Dustin na nakatingin sakin sa hindi kalayuan.
"Dustin?" napabulong naman ako sa hangin. Nakapaluob nun yung dalawang kamay niya sa loob ng bulsa niya at bigla siyang ngumite sakin.
Halos dalawang linggo na din ang lumipas nung huli kaming nagkita. Sobrang bilis din pala ng oras. Mabagal naman siyang naglakad papalapit sakin dala-dala niya ang aura ng isang makabagong tao.
"Hi Gabby." sabi naman niya sakin ng may ngite.
"Ow. Hi" umupo kaming dalawa nun sa isang bench. Thus, we started a conversation.
"So, kamusta ka naman? Pasensya pala kung bigla na lang akong umalis nung araw na yun. Naisip 'ko lang naman kasi na yun ang tamang gawin eh" sabi naman niya sakin at medyo kinakabahan din naman ako.
"Ah. Okay lang naman ako. Pero masaya ako nung araw na yun. At least, natuto ka na din" yun lang naman yung nasabi 'ko sa kanya at tumawa naman siya nun.
"Hindi ka pa din nagbabago. Maganda ka pa din" sabi naman niya sakin. Tumingin ako sa kanya ng diretso nun. Pero wala na rin lang naman akong sinabi sa kanya.
"Anyways, pumayag na pala akong ipakasal kay Toni. Para lang mapanindigan 'ko yung bata" nagulat naman ako dun. Papakasalan niya si Toni?!
"A-ano?" napatanong naman ako sa kanya.
"Don't worry Gabby. Alam mo naman na ikaw pa din yung mahal 'ko eh" pero hindi naman yun ang point 'ko eh! Hindi niya lang kasi alam na iba na ang gusto ni Toni?! Si Kuya Patrick na ang gusto ni Toni?! Kinakabahan naman ako para kay Toni?!! Ano kaya yung reaksyon niya kapag nalaman niya na ikakasal na siya kay Dustin?!
"Wala na akong pakielam, ok?" nagulat talaga nun si Dustin. "It's just that... malay mo magbago yung isip ni Toni"
"Anong wala kang pakielam?" tanong naman sakin ni Dustin.
"Nakapagisip-isip na din ako, Dustin. Naisip 'ko na hindi naman talaga tayo yung para sa isa't-isa eh. And in fact, I'm seeing someone else" sabi 'ko naman sa kanya na parang ikinapikon niya.
"At sino naman? Si Paolo?" sobrang yabang niya nun. Akala naman niya mas gwapo at mas mabait siya kay Paolo pero hindi! Tumango lang naman ako sa kanya at ayaw 'ko na din mag-explain. Ano naman kasi ang kinalaman niya sa kung ano man meron samin ni Paolo, diba?
"Ano? Si Paolo?! Pinagpalit mo 'ko dun?! Magising ka nga, Gabby!" sabi naman niya sakin. Bakit ba ganito si Dustin?! Ang sarap tadyakan!
"Hindi ba obvious, Dustin? I'm already awake!" sabi 'ko naman sa kanya at mukhang natameme naman siya dun sa sinabi 'ko.
Tumayo ako nun at tiningnan 'ko siya ng diretso. Nag-sigh ako para lang magbigay ng last words sa kanya.
"And Dustin, may isang bagay na gusto 'ko talagang gawin sayo eh. Isa lang naman 'to. As in, dati 'ko pa gustong gawin. Ngayon lang ako naglakas loob na gawin yun" mukhang nagtaka naman siya dun sa sinabi 'ko.
Inipon 'ko lahat ng lakas loob 'ko para mag-iwan man lang ng legacy sa kanya. Gamit naman ang left hand 'ko, sinampal 'ko siya ng pagkalakas-lakas. At halatang-halata naman na bakat-bakat yung kamay 'ko dun sa mukha niya.
"Omg! That really felt good!" sabi 'ko naman ng may ngite then umalis na ako sa sight niya.
No comments:
Post a Comment