Parang inis naman yung tingin sakin nung kuya na nakabangga 'ko. Mas tiningnan 'ko siya ng mas maigi. Kamukha lang naman pala siya ni Paolo. Grabe, nagulat ako. Akala 'ko talaga siya yun. Pero tila parang nagbago yung ugali nung kuya, bigla siyang naging kalmado. Nagbago yung tingin niya sakin. Bigla kasi siyang ngumite. Pakiramdam 'ko naman nun biglang nag-init yung buong katawan 'ko. Ang cute kasi nung kuya eh. Natulala lang naman ako nun. First time 'ko bang makakita ng gwapo? Haha. Nagulat naman ako ng may reporter na biglang lumapit sa kanya.
"Mr.Trinidad!" syempre, wala akong choice kundi lumayo. Pero teka lang ha. Trinidad? Diba apilido yun ni Paolo pero asa namang siya yun. Nagkumpulan ang mga media at mga babaeng gustong magpa-picture sa kanya. Lahat inaalay ang buhay para lang makalapit sa kanya. Hindi naman siya masyadong sikat no. Na-bother lang ako kasi kamukha talaga siya ni Paolo.
Hindi 'ko na lang naman yun pinansin. Naglakad-lakad na lang ako dun sa mismong event. Ang daming mga naka-cosplay costumes. Yung iba halatang pinaghandaan talaga. Merong mga arcade games na kinaadikan ng mga kabataan. Astig din pala dito. Marami ding nanunuod sa mga nagpe-perform. Ang cute nila at sobrang energetic ng mga tao. Merong mga mascots at photo booths. First time 'kong makapunta sa mga ganito, parang nagkaroon lang ng Festival eh. Nakakatuwa lang.
Meron namang bilihan ng shake dun kaya naman napagpasyahan 'ko na bumili ng isang Mango shake. Pampalamig lang. Ang labo 'ko din no. Sobrang lamig na nga, magpapalamig pa ako. Pinapanuod 'ko lang naman nun yung mga tao na parang nagpaparty-party lang sa gitna kaso mas nanlaki yung mata 'ko ng makita 'ko si Paolo sa gitna ng mga nagsasayang tao.
Pinikit sabay minulat 'ko ang mga mata 'ko. Siya nga ba talaga yun? Paano kung guni-guni 'ko na naman 'to? Malay mo kamukha na naman niya yun. Napasigh na lang naman ako. Bigla namang napatingnin sakin yung lalaking yun. Halatang nagulat naman siya sa presensiya 'ko. Dun lang naman nag-sink in sa utak 'ko na si Paolo nga 'tong nakikita 'ko.
"Gabby?" rinig na rinig 'ko pa din yung boses niya kahit na sobrang lakas ng music.
Hindi ako makagalaw nun. Ewan 'ko ba kung bakit. Pero alam 'ko sa sarili 'ko na once na kinausap niya ako mapipilitan ako na umuwi ulit. Lumapit siya sakin nun ng dali-dali. Sa oras na 'to, sobrang nahihiya akong magpakita sa kanya.
"Gabby, ikaw nga" sabi niya sakin sabay hawak ng dalawa 'kong kamay na nagyeyelo na sa lamig pero sa sobrang warm ng kamay niya, feeling 'ko nawala lahat ng lamig na yun.
"A-anong g-ginagawa mo dito, Paolo?" tanong 'ko naman sa kanya. Gulat pa din ako na magkikita pa pala kami.
Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit. Hindi na rin ako naka-react kasi sa sobrang gulat, nawalan na ata ako ng ideas sa utak. Hindi 'ko siya masuklian ng isa pang mahigpit na yakap kasi sobrang nahihiya ako sa kanya. Hindi 'ko akalain na aabot ng ganito. Dahan-dahan siyang humiwalay sakin nun.
"Alam mo ba na ang tagal 'ko ng naghahanap sayo. Andito ka lang pala! Ano bang ginagawa mo dito, ha?! Tsaka tanga ka ba?! Bakit ka biglang umalis?!" napatungo na lang ako nun. Para 'ko talaga siyang kuya kung magalit. "alam mo ba na sobrang nag-alala ako sayo. Halos mabaliw na ako kakaisip kung ano ng nangyayare sayo! Hindi mo ba talaga alam yun?! San ka ba nagpunta, ha?"
Unti-unti akong tumingin sa kanya ng diretso nun. Halatang-halata sa mga mata niya yung pag-alala niya sakin. Na-touch naman ako dun kahit papaano.
"Sorry talaga" yun na lang yung nasabi 'ko sa kanya nung oras na 'yun.
"Wag mo ng ulitin yun, okay? Lika na. Umuwi na tayo" hinawakan niya nun yung kamay 'ko para hilahin ako papalabas pero pumalag ako sa kanya at tinanggal yung kamay 'ko galing sa pagkakahawak niya. Halata naman hindi kapani-paniwala yung nagawa 'ko sa kanya.
"Hindi pwede, Paolo" sabi 'ko naman sa kanya.
"Ano bang sinasabi mo dyan? Lika na nga" umiling ako sa kanya.
"Kailangan ako ni Dustin!" halos sumigaw na ako nun para lang marinig niya ako. Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. Mukha namang napikon nun si Paolo sa sinabi 'ko.
Hinawakan niya pa rin yung kamay 'ko nun at tuluyan akong hinila papalabas nung event center. Sobrang kinakabahan ako. Gusto 'kong umiyak sa harapan niya para masigurado 'ko na papakawalan niya ako.
"Ano ba?!" napasigaw ako nun. Napansin 'ko naman na nagtitinginan na samin yung mga tao.
"Ako dapat ang magtanong sayo ng ganyan!? Ano ba, ha?! Nagpapakatanga ka na naman ba sa Dustin na yun?! Dyan ka talaga expert no?! Ang tanga mo naman, Gabby eh. Sobrang tanga mo!" parang nadurog yung puso 'ko nun ng sinabi niya yun. Hindi 'ko na din napigilan yung sarili 'ko. Nasampal 'ko siya ng sobrang lakas nun at tuluyan na akong umiyak sa harapan niya.
Sobrang nakakahiya 'tong ginagawa 'ko. Gusto 'ko na lang talagang magpalamon sa lupa. At medyo nanghihina na din ako. Palagi na lang ako naiiyak. Habit 'ko na ba 'to? Hinawakan nun ni Paolo yung kanang kamay 'ko tapos hinila niya ako papalabas nung mall. Hikbi ako ng hikbi nun. Ano kayang iniisip ng mga tao saming dalawa? Hindi na rin ako makapalag kasi parang nauubos yung lahat ng energy 'ko para lang umiyak. Dun 'ko lang naman napansin na pumunta kami nun sa basement kung saan may isang sobrang malawak na parking lot. Napansin 'ko agad yung kotse na nasa tabi namin ngayon. Kotse yun ng mama niya. Napatingin ako sa kanya ng diretso.
"Umuwi na tayo" diretso niyang sinabi sakin. Medyo nakakatakot nga yung boses niya nun kasi halatang galit na galit siya sakin eh. Binuksan niya nun yung front seat pero hindi 'ko pinansin yun. Tumingin na lang ako sa ibang bagay para lang malihis yung attention 'ko sa kung ano mang gagawin niya.
"Gabby. Pumasok ka na sa kotse at uuwi na tayo" ang seryoso ng boses niya nun. Wala akong magawa. Ayaw 'kong pumasok dun sa kotse. Ayaw 'ko pang umuwi. Bakit ba ako nagkakaganito?! Nararamdaman 'ko naman ang pagtulo ng mga luha 'ko. Mabilis 'ko namang pinupunasan yun gamit ang mga kamay 'ko. Yan tuloy, nababasa na yung brown envelope na hawak 'ko. Ka-ching pa naman ang laman neto.
"Gabby" nung sinabi niya yung pangalan 'ko, dun lang ako napatingin sa mga mata niya.
Parang bumagal nun yung oras. Hinawakan niya yung kanang kamay 'ko nun tapos linagay niya sa left chest niya. Ramdam na ramdam 'ko agad ang sobrang bilis ng pagpintig ng puso niya. Unti-unti siyang lumapit sakin. Dun 'ko na-realize na yung mismong mukha niya ang lumalapit sakin. Hindi ako gumagalaw kasi in the first place, ayaw 'kong pakawalan ang moment na 'to. May instance na feel na feel 'ko na yung bawat paghinga niya. Napapansin 'ko na unti-unti na din siyang pumipikit pero ako etong mulat na mulat ang mata para lang matunghayan ang once in a lifetime na pangyayaring 'to. Hindi 'ko din namalayan na nagdikit na ang mga labi namin. Nung una, parang wala lang.
Tinanggal niya na yung isang kamay niya na nakahawak sa kanang kamay 'ko. Unti-unti din naman niya ako niyakap para siguraduhin na hindi niya na ako mapapakawalan. Every second, sinubaybayan ng buong katawan 'ko ang nangyayare samin. Napapaisip na nga rin ako kung tama ba 'tong ginagawa namin eh. Akala 'ko mapagiiwanan ako ng mga halik niya pero halata naman na unti-unti na din ako nakakasabay sa bawat paggalaw ng mga labi niya. Parang kusang gumagalaw nun yung leeg 'ko para lang mag-adjust sa komportableng posisyon na pipiliin ng aming mga katawan para lang maramdaman namin yung feelings na gusto naming iparating sa isa't-isa.
Sobrang tagal nun. 5 minutes ata. Pakiramdam 'ko nga kusang nagkadikit na yung mga labi namin sa isa't-isa eh. Pero unti-unti din siyang lumayo sakin. Breathtaking talaga. Parang naubusan ako ng laway sa bibig 'ko at parang muntik na din akong mawalan ng hininga. Hingal na hingal ako nun. Tila nag-jogging ako ng isang kilometro. Nagkatitigan kami ni Paolo nun. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa kanya.
"Pumasok ka na sa kotse. Ihahatid kita sa kung saan ka man nakatira ngayon. Desisyon mo na lang yan kung uuwi ka pa sa bahay mo ng kasama ako" sinabi niya sakin na parang walang nangyare.
Halatang naubusan din siya ng hininga nun kasi napaubo pa siya ng bonggang bongga. Hindi 'ko mapigilang mapangite nung mga panahon na yun. Ewan 'ko ba kung bakit. Inunahan niya na ako nun by entering the driver's seat. Mukhang na-stressed naman siya dun sa ginawa naming dalawa. Wala na din akong pinalampas kahit kaunting minuto, pumasok na din ako dun sa front seat.
"Sa Frontier Hotel. Medyo malayo yun dito" sabi 'ko naman sa kanya then ini-start niya na din yung kotse at tuluyan ng nag-driver.
"Bakit andun ka?" tanong naman niya sakin.
"Yung anak kasi ng may-ari nun kabarkada ni Dustin. Kaya yun, dun muna kami nag-stay" buti na lang ng mga panahon na yun, wala masyadong traffic.
"Magkasama kayo sa isang kwarto?" nagulat naman ako sa tanong niya pero napa-tango na lang ako. Akala 'ko magre-react siya ng bonggang-bongga nun pero wala rin naman siyang sinabi.
"Hinanap mo ba talaga ako?" tanong 'ko naman sa kanya.
"Hindi ba obvious?" parang nakakapikon yung sagot niya pero pinalampas 'ko na lang. Hindi na din naman ako nagsalita nun. Pinalampas 'ko na lang ang isanng oras ng katahimikan.
9:30 P.M ng makapag-park siya sa parking lot sa Frontier Hotel. Napasigh siya nun bago siya magsalita.
"Sige. Dito muna ako. Bumaba ka na lang ulit dito. Sabihin mo na lang sakin kung uuwi ka pa o hindi?" sobrang cold ng boses niya nun. Hindi ako sanay. Sobrang laki ata ng galit niya sakin.
Binuksan 'ko nun yung pintuan tapos lumabas ako pero bago 'ko pa man tuluyang isarado ang pintuan, nagsalita muna ako sa kanya. "Sorry kuya" hindi niya ako pinansin nun. Dahan-dahan 'ko namang sinarado yung pintuan at naglakad papasok dun sa hotel.
Nasa 4th floor nun yung kwarto namin kaya nag-elevator pa ako para lang makapunta dun. Unti-unti 'ko namang binuksan yung pintuan nun at nagulat naman ako ng hindi 'ko nakita si Dustin sa loob. Binuksan 'ko nun yung mga ilaw. Napansin 'ko naman na wala na din yung mga gamit ni Dustin. Bigla naman akong kinabahan nun.
Napatingin ako dun sa may pintuan ng biglang kumatok si Drew. Yun yung kaibigan ni Dustin na anak ng may-ari ng Frontier Hotel.
"Gabby, right?" tanong naman niya sakin.
"Uh... Oo, asan si Dustin?" tanong 'ko naman sa kanya. Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko nun.
"About that, sabi niya ipabasa 'ko na lang daw sayo yung text niya" dahan-dahan niyang binigay sakin yung cellphone niya na may nakabukas na isang message
From: Dustin
Drew, pakisabi kay Gabby na wag
niya na akong hanapin dahil
kailangan 'ko ng hanapin
ang sarili 'ko..
Parang tumigil naman nun yung mundo 'ko. Imbis na umiyak ako, napangite na lang ako nun.
"Ibang klase talaga si Dustin eh. Well, good luck na lang sa kanya" sabi 'ko habang binabalik 'ko yung cellphone kay Drew.
"So, anong plano mo?"
"Uh... Magche-check out na ako dito. Thanks sa lahat. Aayusin 'ko lang yung mga gamit 'ko" sabi 'ko naman sa kanya ng may ngite.
[Paolo's Point Of View]
Parang hindi naman ako maka-recover nun kanina nung hinalikan 'ko siya. Nakakatanggal pala ng hininga yun. As in. Ang intense ng wala eh. Napagpasyahan 'ko naman na tumambay muna sa labas ng kotse habang naghihintay kay Gabby. Hawak 'ko pa nun yung charger na nakalimutan niya sa bahay para kung sakaling mag-stay siya, maco-contact 'ko pa din siya. Medyo natatagalan nga siya eh. Ganun ba katagal para makipag-diskusyon kay Dustin?
Ilang minuto lang ang lumipas ng namataan 'ko si Gabby na may dalang dalawang bag na malamang eh mga gamit niya.
"Tara. Uwi na tayo" sabi niya sakin ng may ngite. Medyo nagulat naman ako dun. Hindi 'ko akalain na sasabihin niya sakin eh parang kanina lang ayaw niyang umuwi. Siya na mismo ang nagbukas ng front seat at naglagay ng mga gamit niya sa back seat.
"Sa susunod na maglalayas ka, wag mong kalimutang magdala ng charger ha?" inabot 'ko naman sa kanya nun yung charger. Mukhang nagulat nga siya dun sa sinabi 'ko eh. Kinuha niya yun tapos nginitian niya lang ako then pumasok na siya sa loob ng kotse.
No comments:
Post a Comment