Tuesday, March 29, 2011

Chapter 24

[Gabby's Point Of View]


Nakatulog pala ako nun. Nagulat na lang ako nasa iisang kwarto na ako tapos nakakumot ako. Tumingin naman ako sa paligid 'ko. Hindi 'ko nakikita si Dustin. Tiningnan 'ko yung cellphone 'ko at dun 'ko lang naman nalaman na low battery na pala ako. Ano ba yan? Tawag kasi ng tawag si Paolo eh. Hindi 'ko naman sinasagot yung tawag niya kasi alam 'kong wala rin namang dapat pag-usapan.

Nasa isang hotel kami na pagmamay-ari ng tatay ng kaibigan ni Dustin. Buti na lang kundi hindi na din namin alam kung anong gagawin namin. Tama ba 'tong ginagawa 'ko? Hinanap 'ko naman sa bag 'ko yung charger 'ko at sa sobrang katangahan 'ko, dun 'ko lang nalaman na naiwan 'ko pala yun sa bahay.

Napahiga na lang ako dun sa kama 'ko. Naiisip 'ko si Paolo. Hinawakan 'ko yung left chest 'ko. Pakiramdam 'ko sumasakit na din yung ulo 'ko, bakit ba kasi siya pa yung naiisip 'ko? Hindi ba 'ko masaya sa ganito? Panigurado na ang kasama 'ko ay si Dustin, bakit parang sobrang kulang pa? Naalala 'ko naman yung panaginip 'ko kanina. Narinig 'ko yung boses ni Paolo.


"Hahanapin 'ko po yung anak niyo. Pasensya po kung hindi ko siya masyado naalagaan pero gagawin 'ko ang lahat para maramdaman niya na hindi siya nag-iisa"

Bumilis yung pagtibok ng puso 'ko. Paano kung totoong sinabi niya yan sa puntod ni mama at ni papa? Naiipon tuloy sa puso 'ko yung mga guilt feelings. Lalo tuloy sumasakit. Nakakainis talaga. Sana kasi wag na niya akong iwanan diba. May narinig naman akong kumatok dun sa pintuan. Binuksan naman yun ng isang familiar na lalaki. Si Dustin, syempre.

"Kakagising mo lang? Nagdala ako ng pagkaen oh"
sabi naman niya sakin. Ang weird niya kasi mas lalo siyang nagiging sweet ngayon.
"Uh... Hindi ako gutom. Pasensya" sabi 'ko naman. Wala na talaga akong ganang kumaen eh.
"Ay. Ganun ba. Sige, iiwan 'ko na lang 'to dito" sabi ni Dustin sakin. Nagaalala na ako para sa ginawa namin ni Dustin. Paano kami mabubuhay diba?
"Dustin, hanggang kailan ka ba magtatago?" tanong ko naman sa kanya at mukhang napatigil naman siya dun.
"Hanggang sa makilala 'ko ang sarili 'ko. Sorry Gabby kung nagawa 'kong idamay ka dito" sagot naman niya sakin.
"Paano kasi tayo mabubuhay diba? Hindni pwede na naasa ka lang sa mga kaibigan mo! Wala tayong pera!" sabi 'ko naman sa kanya.
"Kinuha 'ko yung Credit Cards ni papa pati na din yung ATM ni mama kaya wala tayong problema dyan" nagulat naman ako dun sa sinabi niya.
"Ano ka ba, Dustin?! Pwede kang makulong sa ginawa mo! Ano ba talagang nangyayare sayo, ha?!" napasigaw na talaga ako nun.
"Hindi ko alam. Ito na lang ang alam 'kong solusyon" sabi naman niya sakin with his straightforward voice.
"Wala ka namang nasolusyonan Dustin eh! Pinalala mo lang! Ikaw naman kasi eh. Ang tanging ginawa mo lang ay tumakas. Hindi mo kayang harapin yung problema mo!" sabi 'ko naman sa kanya. Nakita 'kong napaclose fist siya nun pero wala naman akong naramdamang kaba.
"Gagawa ako ng paraan, okay?" sabi naman niya sakin. "Basta wag mo 'kong iwan"

Nagkaroon ng moment of silence pero sa huli nagawa 'ko din namang basagin yun.

"I once made that promise to a close friend of mine pero hindi 'ko rin nagawa" napatingin naman siya sakin ng diretso nun. "Mas pinili kasi kita eh"
"Si Paolo?" nanlaki yung mata 'ko nun at mas bumilis ang pagtibok ng puso 'ko.
"Yes" yun na lang ang nasabi 'ko sa kanya. Tumalikod ako kay Dustin nun. Feeling 'ko kasi iiyak ako.
"Do you love him?" tanong naman niya sakin. "Prangkahin mo na kasi ako, Gabby. Ayaw 'ko ng hinuhulaan kita"

Napatanong naman ako sa sarili 'ko. Mahal 'ko nga ba siya? Love na ba yung tawag sa feeling na 'to? Eh ano 'tong nararamdaman 'ko para kay Dustin? Pwede ba talagang main love ka sa dalawang tao ng sabay? Hindi naman pwede yun diba. Hindi ako makasagot. Nakakatakot kasing sumagot ng totoo eh. Nakakatakot sumagot ng 'Oo, mahal 'ko siya'. Ugh. Ang labo 'ko talaga.

"Pero kung mahal mo siya, bakit mas pinili mong sumama sakin? Ano bang nararamdaman mo sakin, Gabby?" napatingin na ako sa kanya nun. "Ganun pa din ba?" wala akong nasabi pero umiling na lang ako.

[Dustin's Point Of View]

Umiling siya sakin nun. Bumilis yung pagtibok ng puso 'ko at sobrang kinabahan ako. Nainis ako bigla. Anong ibig sabihin ng pag-iling na yun? Malinaw na bang sagot yun na hindi ako mahal ni Gabby?

"So, ano yan? Naawa ka sakin?" pagalit na yung boses 'ko nun pero wala akong nakitang takot sa pagkilos ni Gabby. Ang tagal sumagot ni Gabby sakin nun.
"I'm sorry" yun na lang yung nasabi niya sakin.

Parang nagunaw naman yung mundo 'ko nun sa sinabi sakin ni Gabby. Nagkapira-piraso na ata yung puso 'ko nun. Mas nawalan ako ng pag-asa. Tumayo siya nun tapos kinuha niya yung twalya niya.

"Liligo muna ako" sabi naman niya sakin. Kumuha siya ng damit niya mula sa bag niya tapos pumasok siya ng banyo. Narinig 'ko nun yung pagbuhos ng tubig mula sa shower.

Napasandal na lang ako sa pader na yun. Without Gabby, ano na nga ba ako? Napakawala 'ko talagang kwenta oh. Pakiramdam 'ko life force 'ko si Gabby na kawag wala na siya eh parang wala ng essence 'tong buhay 'ko. Ang sakit palang ma-reject no. Lalo na kung sobrang mahal mo yung taong yun. 

Dahil wala rin naman akong magagawa,lumabas na lang ako ng kwarto at pumunta muna sa may Canteen para magpalipas ng oras. Ako din naman ang may kasalanan, siya na din ang nagsabi na harapin 'ko ang problema 'ko. Pero paano ko haharapin kung wala siya? Paano ko haharapin kung sobrang hina 'ko pa?

[Gabby's Point Of View]

Madali lang akong naligo nun. Syempre, nagsuot lang ako ng jeans at sando nun. Nag-jacket na lang ako para mas komportable para sakin. Wala si Dustin nun. Tama lang ba yung mga nasabi 'ko sa kanya? Napasigh na lang ako. Lumabas ako ng kwarto 'ko nun at napagpasyahan 'ko na magliwaliw muna sa labas nung hotel. Namataan 'ko pa nga si Dustin sa may canteen pero mukhang hindi naman niya akong nakita.

Lumabas ako ng hotel nun. Dun 'ko lang naman narealize na parang nasa isang sosyalen na city din kami. Tiningnan 'ko yung oras nun, 7 P.M na din pala halos no. Ang haba naman ng tulog 'ko kaninang hapon. Palibhasa, hindi ako natulog nung madaling araw kakaisip kay Paolo. Hay nako naman.

Pumasok naman ako sa isang mall para magpalamig. Dumaan ako sa isang store kung saan nagbebenta ng mga musical instruments. Mabilis naman akong pumasok sa stall na yun. Namiss ko naman yung piano 'ko sa bahay. Nakadaan din ako sa isang keyboard. Hinawakan 'ko yung mga keys na yun. Pakiramdam 'ko iniinvite ako nung mismong instrument na tugtugin 'ko siya. Siguro, pwede naman diba.

Hindi 'ko naman napigilan ang sarili 'ko. Unang pagpress 'ko pa lang sa mga keys, halata na yung kantang 'Halo' ni beyonce yung napili 'kong tugtugin. Nakakahiya namang kumanta nun. Syempre, kahit kaunti yung tao alam kong magtitinginan sila sakin. So, pinalampas 'ko naman yung isang verse. Medyo may napapatingin din naman sakin yung mga tao.

"Ang galing niya no?" narinig 'ko naman ang isang bulong ng isang bata na natingin sa Violin section nung stall. Pasulyap-sulyap ng mga tingin sakin yung nagbebenta, nabili at mga nagwi-window shopping. Hindi 'ko napigilan yung sarili 'ko na kumanta.

Everywhere I'm looking now
I'm surrounded by your embrace
Baby I can see your halo
You know you're my saving grace

Halos binubulungan 'ko na lang yung sarili 'ko nun para naman walang makarinig na iba. Last chorus na rin naman 'to ng kanta kaya minabuti 'kong kantahin na din. May tumabi naman sakin na isang lalaki nun na napatanong ako kung lalaki nga ba? Nakangite siya nun habang pinapakinggan yung pagtugtog at pagbulong/kanta 'ko.

You're everything I need and more
It's written all over your face
Baby I can feel your halo
Pray it won't fade away

Nagpapadala na lang ako sa bawat nota. Napapapikit ako nun pero hindi pa rin ako nagkakamali sa isang key. Naiisip 'ko nun si Paolo. Naalala 'ko yung mukha niya. Dun 'ko lang naalala na hindi 'ko pa pala siya natugtugan.

I can feel your halo halo halo
I can see your halo halo halo
I can feel your halo halo halo
I can see your halo halo halo

Medyo lumakas naman na yung boses 'ko nun. Napapatingin na sakin yung mga tao nun. May iba na inaayon na nila yung pagclap ng hands nila sa beat nung kanta. Yung iba naman nakangiteng nakikinig lang sakin. Hindi 'ko akalain na naka-caught ako ng sobrang laking attention sa stall na 'to.

I can feel your halo halo halo
I can see your halo halo halo
I can feel your halo halo halo
I can see your halo halo halo

Tapos ko na yung kanta nun. Napangite na lang ako lalo na nung pumalakpak sakin yung mga tao na nakikinig sakin. Bongga. Parang lang akong nag-concert. Haha

Hinawakan ako ng "lalake" sa balikat 'ko nun. 

"Girl" sabi niya sakin. Okaaay. Halata naman siguro na ehem siya. Haha. Mukhang nasa early twenties lang naman yung ehem na yun.
"Po?" tanong 'ko naman sa kanya.
"Maganda ang boses mo. Gusto mong magka-trabaho?" nagulat ako dun sa tanong niya. Napangite naman ako ng over over nun. Akalain mo yun. May paparating na Ka-ching sa bulsa 'ko. Tumango naman ako kaagad nun.

No comments:

Post a Comment