Friday, February 18, 2011

Chapter 13

[Gabby's Point Of View]


Humiwalay na din ako sa kanya. Inexamine ko yung mukha niya na nagpapakita ng satisfaction. Ngumite siya sakin pero ako 'tong hindi makangite sa kanya. Bigla 'kong naalala na may relasyon sila ni Toni pero eto siyang hinahalikan ako. Wala din pala akong pagkakaiba kay Toni. Yun ang sumagi sa isip 'ko.

Tinulak ko ng bahagya si Dustin nun. Pero na-guilty ako sa pagtulak sa kanya papalayo. Kasi pati para sa'kin eh, gustong-gusto 'ko pa siyang halikan.

"Good night" sabi ko naman sa kanya.

Hindi ko na hinintay yung response niya sa sinabi 'ko. Sa sobrang hiya, pumasok na lang akong bigla sa bahay 'ko. Pinakaramdaman 'ko yung sarili 'ko. Feeling 'ko nanlalamig ako. Hinawakan 'ko yung chest 'ko, sobrang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. Iba talaga. Sobrang sarap sa feeling. Napangite ako nun. Ano ba yan, Gabby. Sobrang Landi mo. Ugh. Napahawak na din ako sa lips 'ko. Sa totoo lang, ngayon 'ko lang nahalikan si Dustin ng ganun. Sobrang Intense. Sobrang sarap. Sobrang saya.

Dun ko lang naman narealize na nakatingin sakin nun si Paolo. Siguro nagtataka siya kung bakit ganito kagaan yung pakiramdam 'ko.

"Oh. Anong nangyayari sayo?" labas ngipin naman akong ngumite sa kanya.

Lumapit ako sa kanya nun. Kumuha ako ng headband na nakapatong dun sa side table at sinuot 'ko sa kanya yun. Ang astig niyang tingnan kapag naka-head band eh. Haha.

"Masaya lang ako. Bakit ba?" sabi ko naman sa kanya. Parang akong nalutang sa Cloud 9 nun sa sobrang saya. "Gusto mo ng popcorn? Movie marathon tayo?" pahabol ko sa kanya.

[Dustin's Point Of View]


Kakapasok niya lang nun sa bahay niya. Ang hirap kalimutan nung kiss na yun. Ibang klase. Napahawak ako sa labi 'ko. At hindi 'ko na rin napigilang ngumite. Napa-upo na lang ako dun sa stairs papunta dun sa gate ng bahay niya. Gusto ko lang tumambay dito.

Si Gabby lang ang naiisip 'ko. Ayaw kong isipin si Toni. Isa siya sa mga pagkakamali 'ko. Pagkakamali 'ko na mahalin siya. Pero minahal ko nga ba talaga siya? O sadyang nadala lang ako sa mga kilos niya sakin nung kami pa ni Gabby? Mali ako na sinabi 'ko kay Gabby na siya ang may kasalanan. Pinagmukha ko siyang tanga. Kung tutuusin, si Toni ang may kasalanan. Alam niya namang girlfriend ko ang bestfriend niya, pero patuloy pa din ang panglalandi niya sakin.

Tapos ngayon, iiyak siya sakin kasi nabuntis 'ko siya. Kalokohan. Anong tingin niya sakin? Papanagutan siya?

[Paolo's Point Of View]


Sobrang saya nun ni Gabby. Nakakapagtaka nga eh. Ayaw naman saking sabihin kung bakit siya ganun kasaya. Ang dami niyang popcorn na mina-crowave nun. Ang sarap pa nga eh. May touch of love pa. Haha. Nanunuod kami ng Final Destination nun pero mabagal siyang nakain nun. Tapos yung mga mata niya eh daig pa ang nanunuod ng love story. Grabe, parang na-in love lang eh.

At the thought of it, naalala 'ko si Dustin. Napa-close fist ako nun. Pero hindi pwede. Gago si Dustin. Kalokohan lang yun kung papatawanin pa niya si Gabby. Pagkatapos ng ilang movie, napagpasyahan na rin naming matulog.

"Good night na! Matutulog na ako!" sobrang energetic pa niya nun.
"Makakatulog ka pa ba niyan?" tanong ko naman sa kanya.
"Syempre!" iba yung ngite niya nun. yung tipong may maganda talagang nangyare.
"Oh. Basta bukas, wag mong kakalimutan. A-attend tayo dun sa opening ni mama!" paalala 'ko naman sa kanya.
"Oh sure!" sabi pa niya sakin. Parang sinapian ata 'to ng isang optimistic na espiritu ah.
"Bakit ka ba masaya, ha?"Tinanong ko ulit siya. Nagbabakasakali na sasabihin na niya sakin ang mga pangyayare.
"Kanina ka pa nagtatanong! sasabihin ko na nga sayo!" bumigay na din sa wakas. Ginagawa pa akong manghuhula eh.
"Oh sige. Ano yun?" inaalay 'ko na sa kanya ang dalawang tenga 'ko. Haha.
"Nag-kiss kami ni Dustin! As in oh my gosh! As in kinikilig ako ng bonggang bongga! Tapos sabi pa niya alam niya na hindi ako si Toni! Hinalikan niya ako as si Gabby! Grabe, Paolo! Kinikilig ako!" sinigaw niya sakin na may halong hampas pa.

Parang tumigil nun yung mundo 'ko. Parang kumulo nun yung dugo 'ko at nag-init talaga yung ulo 'ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero nakaramdam ako ng galit. Nagagalit ako kay Dustin. Kalokohan lang yan. Yan na naman. Bumabalik na naman ang dating Gabby.

[Toni's Point Of View]

Sobrang gabi na nun. At hindi ako pa din ako makatulog. Hindi man lang sakin natawag si Dustin. Naiinis na ako. Ugh. Hindi 'ko rin naman siya matiis kaya ako na rin mismo ang tumawag sa kanya. Nakailang ring pa bago niya sagutin yung tawag 'ko. badtrip talaga 'tong loko na 'to oh.

"Ano ka ba ha?! Kanina pa ako natawag sayo ah!" sigaw ko sa kanya kaagad.
"Ano bang problema mo?" lasing siya nun. Halata sa boses niya.
"Ikaw ang problema ko! Naglalasing ka na naman! Nakakabadtrip ka talaga! Ano bang gusto mong gawin sa buhay mo? buhay 'ko? buhay natin?" pinamukha 'ko talaga sa kanya yung buhay NAMIN.
"Ha? Ano bang sinasabi mo?" nababadtrip talaga ako sa kanya.
"Duh? Ewan ko na lang kung anong magiging reaksyon nila mama at papa kapag nalaman nila! Kalmado ka p, ha?! Humanap ka ng lusot dyan, Dustin!" sigaw ko ulit sa kanya.
"Bahala ka nga dyan. Wala akong panahong kausapin ka" sabay end ng call.

Nagulat ako nun. Never na nagawa sakin ni Dustin yun. Binato 'ko yung cellphone 'ko sa kama 'ko. Nakakainis. Medyo nahihilo na ako nun. Bakit ba kasi nagpuyat ako?! Nagpuyat ako para kay Dustin?! Para sa isang walang kwentang tao!

[Gabby's Point Of View]

"So naniwala ka naman dun agad?" tanong ni Paolo sakin kaagad.

Hindi yun ang ine-expect kong sagot kaya medyo natigilan na din yung kasiyahan 'ko sa mga nangyare.

"Eh. Hindi 'ko alam" medyo nahiya na rin naman ako kay Paolo nun. Narealize 'ko kasi na naniwala ako kaagad. Paano kung pinapaasa niya lang ulit ako? Paano kung niloloko niya na lang ulit ako? Ako na naman ang talo. Ako na naman ang masasaktan sa huli.
"Hindi mo naman alam? ganyan ka naman palagi eh!" sermon na naman galing sa kuya 'ko. "Hindi ka pa rin natuto no! umaasa ka pa din na mamahalin ka niya ulit! Tandaan mo, niloko ka niya. Pinagpalit ka pa niya sa bestfriend mo. Hindi na totoo kung hahabulin ka niya ulit ngayon pagkatapos ng ginawa at sinabi niya sayo!"
"Tama na!" sinigawan ko siya nun. Ayaw ko ng marinig yung sasabihin niya.
"Ang childish mo talaga! Ayaw mo pang makinig!" gusto 'kong takpan nun yung tenga 'ko. nababadtrip ako kay Paolo. Ano bang problema niya?! "Linoloko ka lang nun! Ikaw naman, nagpapaloko kaagad!"
"Wag ka ngang magsalita ng ganyan!" ang tanga ko talaga. Bakit ko ba 'to sinasabi?!
"Alam mo, sa tingin ko hindi mo siya mahal eh!" sabi niya sakin.
"Mahal ko siya!" halos naasigaw na ako nun. Mahal ko si Dustin. SOBRANG MAHAL KO SIYA. Bakit hindi ba niya maintindihan yun?!
"HINDE! HINDI MO SIYA MINAHAL. ANG TANGING GINAWA MO LANG AY MAGPAKATANGA SA KANYA!" tumagos sakin yung mga sinabi niya.

Katahimikan.

Nakita 'kong sinarado niya yung fist niya. Huminga pa siya ng malalim nun tapos nilayasan niya ako. Mabilis siyang pumasok nun sa kwarto niya. Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko nun. Totoo ba yung sinabi niya? Napa-upo ako nun sa sofa at napaisip.

Mahal ko siya. Pero nagpapakatanga lang ako sa kanya. Hindi ko napigilang tumulo yung luha 'ko. Bakit ba ang komplikado ng lahat. Nakakabadtrip lang.

[Paolo's Point Of View]

Bwiset talaga. Hindi ka talaga nag-iisip Gabby! Nakakabadtrip ka talaga. Syempre, niloloko ka lang ng gagong si Dustin na yun. Yun pa. Wala naman siyang ginagawa kundi lokohin ka eh. Pinapaasa ka lang niya. Sasaktan ka lang niya. At ayaw kong mangyari yun.

Hindi ako makatulog nun kakaisip kay Gabby. Kay Dustin. Sa kanilang dalawa. at saming dalawa ni Gabby.

Dumating ang kinabukasan. Maaga akong nagising nun pero nawala na din ako sa mood na mag-jogging. Naligo na lang ako kaagad nun. Nag-jeans lang ako at nag-shirt. Umalis ako ng bahay ng walang paalam kay Gabby. Naisipan 'ko na pumunta na agad dun sa office ni mama. Dahil sa ngayon, wala pa ako sa mood na makipagusap kay Gabby.

[Gabby's Point Of View]

Kakagising 'ko lang nun. Halos hindi rin naman ako mapakali. Kinakabahan ako. Ano kayang isisigaw sakin ni Kuya? Ano kayang unang sasabihin niya sakin? Pero dapat akong mag-sorry sa kanya. May point naman siya eh. Siguro, gusto niya lang akong protektahan. Diba?

Kumatok ako dun sa kwarto niya pero walang sumagot. Dahan-dahan 'ko namang binuksan nun yung pintuan at dun 'ko narealize na wala pala siya dun.

"Si Paolo?" napatanong ako sa sarili 'ko. Tiningnan 'ko yung ibang parte ng bahay pero wala pa din siya. Ang late na para sa pagjo-jogging niya no.

Napaisip ulit tuloy ako. Mamayang dinner, pupunta pa kaya ako dun sa opening nung mama niya? ano kayang sasabihin sakin ni Paolo? Baka palayasin niya ako dun! Hala naman! Nakakatakot!

Kaso sobrang bilis ng oras. Dumating na din ang 5pm. Ano ba, Gabby?! Pupunta ka pa ba dun sa opening nung mama niya?!! Halos nagpapanic na ako nun. Tiningnan ko muna yung cellphone ko nun at nakita 'kong kakatext lang sakin ni Paolo.

From: Paolo
pnta ka na lang d2. ingat

Napangite ako nun. Isang pangitain na hindi niya ako kayang tiisin. Naligo ako nun at naghanda na para dun sa opening ng mama niya.

[Paolo's Point Of View]

Kakatext ko lang nun kay Gabby. Ano ba naman yan, Paolo. Hindi mo naman pala siya matiis eh. Palibhasa... importante sayo yung tao.

No comments:

Post a Comment