Thursday, March 31, 2011

Chapter 31

[Gabby's Point Of View]


Bago ako matulog, halo-halong emosyon pa yung naramdaman 'ko. Natutuwa ako kasi at last, nagising na si Dustin sa katotohanan at syempre, sobrang saya 'ko dahil kasama 'ko na ulit si Paolo. Tapos kinikilig din naman ako sa kanya. Ewan 'ko ba. Sobrang landi 'ko naman kung dahil lang sa "kiss" na yun. Ugh. Hindi rin naman namalayan ng diwa 'ko na nakatulog na din ako. As usual, late ako nagising ng kinaumagahan pero hindi naman usual na makita 'kong tulog pa si Paolo.

Tumayo na ako nun at nag-ayos ng gamit 'ko. Hindi 'ko rin naman maiwasan na mapatingin kay Paolo. Eh lalo naman palang gwumagwapo kapag tulog eh. Mukha namang naalipungatan siya nun kasi halatang medyo minumulat niya na yung mga mata niya. Sa unang paggising niya, ako ang unang nakita niya. Sana palaging ganito no. Na sa bawat paggising 'ko din, siya rin ang una 'kong makita.

"Good morning" sabi 'ko naman sa kanya ng may ngite.
"Anong oras na?" yun agad yung tanong niya. Ay, alam niyang late na kasi mas nauna ako sa kanyang magising.
"Quarter 'to ten na. Bakit?" mukhang nag-panic naman yung diwa niya nun.
"Shit. Kailangan na nating umuwi. Badtrip. Bilisan natin" nagtaka naman ako sa kanya. Bakit naman siya nagmamadali? Meron bang importanteng tao na pupunta sa bahay?
"Ha? bakit?" tanong 'ko naman sa kanya.
"Wag ka na magtanong. Basta lika na" sabi naman niya sakin.

Tumayo siya at mabilis na nag-ayos ng mga gamit niya. Nagpatong na lang ako ng t-shirt nun at nag-tali na lang ako ng buhok. Napagpasyahan 'ko naman na magpaalam muna ako kay na Joni kaya naman lumabas muna ako ng kwarto at pumunta sa kabilang kwarto para kay Joni. Kumatok ako dun ng mga tatlong beses at sa awa ng Diyos, binuksan niya na yung pintuan. Pawis na pawis siya at mukhang may tinatago. Ay, eto na nga ba yung Rated PG na part? Haha. Dirty thoughts. Kadiri.

"Uy Joni!" pagbati 'ko naman sa kanya.
"Oh. Bakit?" tanong naman niya sakin. Mukhang naka-istorbo ako sa kung ano mang ginagawa niya ah.
"Uuwi na kasi kami ni Paolo sa Laguna. Bibigay 'ko na lang sayo yung number 'ko. I-text mo na lang ako kung kailangan niyo ako. Sigurado na naandun ako. Promise" sabi 'ko naman sa kanya ng may ngite.
"Sure" sabay bigay niya sakin ng cellphone niya. Mabilis 'ko namang pi-nunch in yung number 'ko. Alam 'ko namang tarantang-taranta na si Paolo eh kaya hindi na ako nagmabagal.
"Thanks Joni! Bye" sabi 'ko naman sa kanya. Kinawayan niya lang naman ako nun sabay sarado ng pintuan. Halatang may ginagawa nga! Ang baklang yun talaga. Haha.

Nakita 'ko namang lumabas na nun si Paolo ng kwarto hawak yung mga gamit 'ko. Medyo nahiya ako kasi siya pa yung nagdala ng mga bagahe 'ko.

"Ui. Ako na yan" sabi 'ko naman sa kanya habang hinahabol 'ko siya sa paglalakad.
"Ako na. Baka maglayas ka pa eh" napangite ako dun sa sinabi niya. Walanjo. Sa tingin niya ba maglalayas pa ako sa lagay na 'to?

Lumabas na kami nung gate. Hindi na kami nagpaalam kay Kyla kasi alam 'ko naman na busy yun sa pagbe-beauty rest. Hindi 'ko naman nabanggit sainyo na magpinsan si Kyla at Joni kaya nasa iisa silang bahay. Tapos kababata/kapitbahay lang nila si Yael kaya sobrang close naman nila.

Pumasok na kaming dalawa ni Paolo sa kotse. Mabilis siyang nag-drive nun at sobrang pawis na pawis siya. Malayo pa naman ang Laguna dito. Siguro dalawang oras din ang byahe. Dahil naman sa pagiging antukin 'ko, nakatulog ulit ako sa byahe.

[Paolo's Point Of View]


Mahigit dalawang oras ang byahe pauwi. Badtrip lang eh. Tiningnan 'ko yung orasan 'ko. Time na para sa lunch. Juskopo. Sana wala si kuya sa loob. Ginising 'ko naman nun si Gabby. Ang hirap nga niyang gisingin eh. Bakit kasi dinapuan pa ng antok, diba?

"Andito na tayo?" tanong naman niya sakin. Tumango na lang ako sabay bukas ng pintuan ng driver's seat. Mabilis akong lumabas nun para kunin yung mga gamit 'ko at gamit ni Gabby.

Maya-maya naman eh, lumabas na rin si Gabby ng kotse. Siguro, namiss niya rin 'tong bahay niya. Siya yung nagbukas ng gate nun. Hindi ako makapagsalita dahil baka mamaya magulat na lang, andyan na si Kuya.

"Oh. Paolo, bakit ngayon ka lang?" speaking of the Devil nga naman.

Pagpasok na pagpasok namin ni Gabby dun sa bahay. Siya agad ang nakita naming dalawa. Mukhang gulat na gulat nun si Gabby. Sino nga naman ang mag-aakala na kapatid 'ko ang isang katulad niya diba?

"Grabe! Si Mr.Trinidad yan ah!" napasigaw nun si Gabby. Nakakahiya siya, sa totoo lang. Nginitian siya nung kuya 'ko nun.
"Oh Gabby. Kaen ka muna dito. Ikaw naman, saan ka nagpupunta? Alam mo bang sobrang nag-alala sayo si Paolo" sabi naman ni mama kay Gabby. Nahalata 'kong namula nun si Gabby. Ang cute, parang nakakagigil.
"Ah...Eh... Sorry po" lumapit naman siya dun sa dining area tapos umupo siya sa tabi ni mama. ayaw 'kong lumapit nun kaya naman nakatayo lang ako malapit dun sa may pintuan.

Maya-maya naman eh mismong si Kuya Patrick na ang lumapit sakin. Naka-suot siya ng isnag black suit nun. Mukhang mayaman talaga. Tss. Ang yabang pa ng presensiya niya, nakakainis lang eh.

"Bakit ayaw mo makikaen dun?" tanong niya sakin. Nabwibwiset talaga ako sa presensiya niya.
"Bakit ka ba andito?" ang sama ng tanong 'ko nun sa kanya. Mukha ngang nagulat nun si Gabby saming dalawa eh.

[Gabby's Point Of View]


Nagulat ako dun sa sinabi ni Paolo dun kay Mr.Trinidad. Naguguluhan na nga ako eh. Ano ba sila sa isa't-isa? Hinawakan nun nung mama ni Paolo yung kamay 'ko.

"Hayaan mo na sila. Ganun lang talaga yung magkapatid na yan. Hindi lang nagkakasundo" bulong sakin nung mama nila. So totoo ngang magkapatid sila. Grabe, hindi ako makapaniwala.
"Bakit po ba? Anong nangyari sa  kanila?" naging usi na naman ako. Chismosa 'ko talaga eh.
"Misunderstanding lang talaga ang lahat. Akala kasi ni Paolo, galit sa kanya si Patrick gawa ng pagkamatay ni Summer. Pero sa totoo lang, hindi lang talaga siya makausap ni Patrick gawa ng sinisisi niya din yung sarili niya sa pagkamatay ng kapatid nila" napasigh ako nun. Hanggang ngayon, unti pa lang ang alam 'ko tungkol dun sa "summer incident". Basta ang alam 'ko, bago mag-high school si Paolo, wala na si Ate Summer.
"Ganun po ba" hindi 'ko na lang naman inusisa yung tungkol sa nangyari nung araw na yun. Ano ba yan? Sana mag-kaayos na sila. Buti nga sila may pamilya pa eh, ako wala na. Dapat i-cherish na nila yung mga moments na magkakasama sila.
"Eh sayo? Ano bang meron sa parents mo?" mukhang wala ng epekto sakin yung sinabi ng mama ni Paolo. Hindi tulad dati na feeling 'ko eh madudurog na 'ko kapag nao-open yung topic na yan. Naka-move on na nga siguro ako. Siguro dahil na rin kay Paolo.
"Si mama kasi, nagkaroon ng Cancer kaya yun. Kinuha na siya ni Lord. Tapos si papa, sumunod din. Dahil na rin siguro sa sobrang depression. Kaya ngayon, umaasa na lang ako sa ninang 'ko na nasa ibang bansa. Pero okay na ako ngayon" mukhang nagulat sakin nun si Tita.
"Ow. Sorry. It must be so hard." sabi naman niya sakin.
"Okay na 'ko ngayon. Nung una siguro. Pero natapos din yun nung nakilala 'ko si Paolo" sabi 'ko ng may ngite. Napangite din naman sakin si Tita. Siguro, proud na proud din siya sa anak niya.

[Paolo's Point Of View]

"May idi-discuss ako sainyo" sabi naman niya sakin. Wala naman akong masabi. Sa kung ano mang idi-discuss niya, wala akong pakielam basta alam 'kong hindi makakaabala sakin. Tiningnan 'ko lang naman siya ng masama at linagpasan na rin siya. Tinabi 'ko na lang sa sofa yung mga gamit at mabilis din akong pumunta sa may dining area.

"Paolo, be nice to your kuya naman. Kakadating niya lang eh" sabi sakin ni mama. Hindi 'ko rin naman siya pinansin. Bakit ako magiging mabait sa kanya? Aba, parang dati hindi niya nga ako kinakausap at pinapabayaan niya lang sa kung saan-saan tapos ngayon susuklian 'ko siya ng kabaitan. Swerte siya? Chicks ba siya? Hinde!

Umupo ako nun sa upuan sa harapan ni Gabby. Nakatingin lang siya sakin. Wala pa pala siyang alam tungkol dito no. Siguro iintrigahin na naman niya ako mamaya.

"Don't worry ma. Sanay na ako" sabi naman ni Kuya habang umuupo sa upuan sa tabi 'ko. Tinabihan pa talaga ako. Walastek.
"Sinanay mo kasi eh" sabi 'ko naman gamit ang pabastos 'kong boses. Napatingin saming dalawa nun si mama at pati na rin si Gabby. Mukhang hindi na rin naman ako pinatulan nun ni Kuya.
"Paolo, girlfriend mo?" alam ko na yung tanong niya eh patungkol kay Gabby. Binabago pa yung topic para  lang makausap ako eh, hindi ba halata na wala ako sa mood na makipagusap sa kanya?
"Ay, hindi po!" sobrang defensive nun ni Gabby. Hindi ko malaman kung ano bang expressiong ng mukha niya. Napapangite siya at the same time kinakabahan siya tapos bigla siyang lumigalig. May pailing-iling pa siya ng ulo na nalalaman. Isabay mo pa yung paggalaw ng kamay niya na nangangahulugan na wala naman talagang namamagitan saming dalawa.

Tiningnan 'ko naman si kuya na biglang ngumite kay Gabby. Parang mababali 'ko na yung tinidor nun dahil sa ngite ni Kuya. Nabwiset ako bigla. Parang kasing nakikipag-flirt kay Gabby. 

"Ibang klase ka rin no" sabi 'ko kay Kuya. Nag-iinit na yung dugo 'ko nun.Wag ka kasing mang-agaw diba. Putek. Kakadating lang, babadtripin na naman ako.

[Gabby's Point Of View]

Nataranta naman ako ng bonggang bongga nun sa tanong nung Kuya Patrick niya. Kasi naman yung tanong diba, sobrang intense. Naalala 'ko na naman yung "toot". Parang akong nababagabag ng konsensiya 'ko. Grabe ha.

"Itigil niyo na nga 'yan. Ang kulit niyo talaga. Patrick, ano ba yung idi-discuss mo samin?" nakisingit na si Tita sa kanila. Baka mamaya magkasuntukan pa eh. Haha.
"About that..." inayos ni Kuya Patrick yung suit na suot niya. Sobrang elegante niya ngang tingnan. Sosyal. At ibang-iba nga siya kay Paolo na mukhang loko-loko lang. "May binili kasi akong isang bahay sa America and gusto 'ko sanang i-suggest sainyo na tayong buong pamilya eh tumira na lang dun"

Nagulat ako dun. Si Paolo? Titira ng America? Napatigil ako sa pagkaen nun. Mukhang nagulat si Paolo nun pero yung mama niya eh medyo masaya naman. Kaso kakayanin 'ko ba yun? Baka anytime umalis na si Paolo ngayon. Parang tumigil yung pag-ikot ng mundo 'ko. Akala 'ko ba walang iwanan. Bakit parang mabilis na rin niya akong iiwanan?

"A-anong sabi mo?" parang napikon naman nun si Paolo.
"Dun na lang tayo titira. Naisip 'ko lang na mula ng mawala si papa at si Summer, nagkalayo-layo na tayo sa isa't-isa. Siguro dapat naman na magsama-sama ulit tayo diba" sabi naman ni Kuya Patrick.
"Nasabi mo na ba yan kay Paula?" tanong naman ni Tita. Yung Paula siguro yung isa pa nilang kapatid.
"Yes, nasabi 'ko sa kanya before ako pumunta dito sa Pilipinas. Pero nalaman 'ko mula sa assistant niya na umuwi siya dito sa Pilipinas para may i-meet na lalaki. Wala pa naman siyang sinasabi kung sang-ayon pa siya o hindi" lilipat na kaya talaga sila? Parang nawalan tuloy ako ng gana.
"Eh paano kung ayaw ko?" parang rebelde talaga ang dating ni Paolo nun. Halatang ayaw niyang pumunta ng America.
"eh bakit ba ayaw mo? Dahil sakin?" sinagot naman na siya nung kuya niya. Hindi nakapagsalita nun si Paolo. Siguro nga sobrang ayaw niya sa kuya niya. Pero hindi pa rin matanggal sa utak 'ko na aalis siya papuntang America. Parang ang sakit eh. "Kahit anong gawin mo, titira rin tayo sa America kapag majority satin nag-vote ng 'yes'. Live with it or Die for it"

Emphasize na emphasize ni Kuya Patirick yung phrase na 'Live with it or Die for it'. Kaso parang napupunta naman ako sa ibang dimensyon. Kakadating 'ko lang dito, bigla 'kong malalaman na may posibilidad na iwanan ako ni Paolo.

No comments:

Post a Comment