Friday, February 11, 2011

Chapter 9

[Gabby's Point Of View]


Lalong kumirot nun yung puso ko. Nahalata kong nagulat siya saming dalawa ni Paolo. Siguro na din sa kakaibang posisyon namin ngayon ni Paolo. Inalis na din ni Paolo yung kamay niya sa pisngi ko. Pero mag mula nun, halata pa din yung gulat na expression ni Dustin.

"Gabby?" muli niyang pagtawag sakin
"A-ano?" masama nun yung tingin ni Paolo kay Dustin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dun o ikakainis ko din 'tong tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa.
"Okay ka lang ba?" Lalong dumagdag yung pagkainis ko sa kanya. Bakit niya pa kailangang tanungin 'to?! Ganun ba ako ka-pathetic para kaawaan? Nakakabadtrip.
"Ang kapal talaga ng mukha mo" diretso kong sinabi sa kanya yun. Nakita 'kong nagsmirk nun si Paolo which made me feel good. Bigla nung dumating si Toni at nung mga panahon na yun, parang hindi ko na rin alam yung gagawin ko.

"Dustin, let's go" sabi niya kay Dustin habang hawak niya yung kamay neto. nakakainis. Ako dapat yung may hawak nun eh. Hindi nun kumikibo si Dustin. Nakatingin lang siya saming dalawa  ni Paolo at halatang nababalot siya ng tensyon.

Hinawakan ni Paolo yung kamay ko nun at hinila niya ako para lampasan si Dustin. Naramdaman ko nun yung paghinga ni Dustin ng malalim. Hindi ko alam kung para saan yun o kung may meaning man yun. Lumabas na kami ng site nung activity. Grabe, pinagpawisan ako sa sobrang kaba. Fail man yung pagkanta ko sa stage, at least nakabawi ako kay Paolo sa pagdiretso kay Dustin kung gaano kakapal yung mukha niya.

Naalala ko yung pagsabi ko nun kay Dustin. Heartbreak. Yun ang naramdaman ko. Never in my life sumagi sa isip ko na kaya kong sabihan si Dustin ng ganun. Nasasaktan din ako pero kailangan kong masatisfy dun.

"Nice one" sabi sakin ni Paolo. Nag-apir kaming dalawa at tuluyan na akong nawalan ng poise.

[Dustin's Point Of View]


Ang bilis ng pagtibok ng puso ko nung nakita ko si Gabby at yung lalake na sa pagkakaalam ko ay may pangalang Paolo. Hawak niya yung inosenteng mukha ni Gabby. Nababadtrip ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman sa mahal ko si Gabby... Pero hindi nga ba? Sobrang naguguluhan na ako.

Akala ko iiyak ulit sa harapan ko si Gabby katulad ng dati pero ngayon linagpasan niya lang ako at sinabihan pa niya ako ng makapal ang mukha. Naiinis ako kay Gabby. Pero mas naiinis ako sa sarili 'ko.

"Dustin, wag mo ng isipin si Gabby. Isipin mo na lang yung activity. Nagpapahabol lang yun sayo, okay?" sabi sakin ni Toni. Naiinis ako dun sa sinabi ni Toni. Kasi pakiramdam ko tama siya. Nagpapahabol nga si Gabby. Pero ako 'etong gusto siyang habulin.
"I'm just so tired Toni" sabi ko sa kanya.
"Hay nako Dustin. Bawal yan. Marame pa tayong ie-entertain na guests!" sabi niya sakin kaya lalong uminit yung ulo 'ko. Hindi niya ba alam ang ibig sabihin ng `tired`?
"Please Toni. Ayokong makipag-away ngayon. Gusto ko ng umuwi" sabi ko sa kanya. Tatalikuran ko na sana siya ng marinig ko yung paghikbi niya. Naiyak siya nun. Pero hindi ako nataranta. Hindi tulad ng dati na kapag naiyak siya, gustong-gusto ko siyang makita na nakatawa.

"Oh. Bakit na naman?" tanong ko sa kanya na may halong galit. Ang arte-arte naman kasi eh.
"Porket ba nakita mo lang si Gabby ulit, ganyan ka na? Nagdadalawang isip ka na ba satin?! Sobrang bilis mo namang magbago! Ano ba naman yan Dustin!? Nasasaktan ako!" napailing ako dun sa sinabi niya. masyado talagang maarte.
"Ano ba yang sinasabe mo Toni?" tanong ko sa kanya. Gusto ko sa kanya tanungin kung nababaliw ba siya o ano.
"Nagdadalawang isip ka samin ni Gabby no? Sabihin mo ang totoo, Dustin" parang tumigil yung mundo ko nung sinabi sakin ni Toni yun. Nagdadalawang isip nga ba ako?
"Wag na nating pag-awayan 'to, Toni. Please" Gusto ko nun na ilayo yung topic namin.
"Bakit?! Ako ba ang nagawa ng gulo?! Hindi naman ako diba?!" napaka-irrational talaga ng babaeng 'to oh.
"Oo na. Pero napakaliit netong bagay para pag-awayan natin" page-explain ko sa kanya.
"Nakakainis ka talaga Dustin!" sumigaw siya sakin nun.
"Then fine! ako na ang may kasalanan! ako na ang nakakainis! Pwede na ba akong umuwi ngayon?!" pasigaw ko ding sinabi sa kanya. Nakakapikon na din eh. Tatalikuran ko na siya nun kaso bigla niyang kinuha yung kamay 'ko.

"Ano?!" pasigaw kong tanong sa kanya.
"Bakit ka ba ganyan, Dustin?!" umiiyak siya nun. Nasisira na diin yung make-up niya sa mukha.
"I have no time for this" humiwalay ako kaagad sa kanya nun at naglakad ako papaalis dun sa event.

Naglakad ako mag-isa papunta ng bahay namin. Dinaanan ko muna yung bahay nila Gabby. Naaalala koy ugn mukha niya at yung mga ginagawa namin noon. Masaya ako noon. Pero ngayon, masaya nga ba ako? Siguro nga manloloko ako. At sobrang bilis kong magsawa sa ibang bagay. Pero iba si Gabby. Yung company niya at mga ngite niya ay hindi talagang madaling pagsawaan. And I miss her for that.


[Paolo's Point Of View]


Kinabukasan na ngayon. Syempre, maaga akong nagising. Nag-shower ako nag-ready mag-jogging. Tulog pa nun si Gabby. Napapangite ako pag naaalala ko yung pagsabi niya kay Dustin ng makapal ang mukha. Siguro nga natututo na siya. Lumabas ako nun ng bahay at nagsimula ng mag-jogging.

Naglagay ako ng earphones para hindi ako madaling mapagod. At chineck ko din kung nasa pocket ko pa din yung pinaka-iingatan kong picture.

Pumunta ako dun sa park. Yung park lang na yun yung memorize 'kong lugar dun. Dun ako nagkakakita ng mga lola at lolong  na nagjo-jogging. Pati mga couples na naglalambingan sa isang tabi. Mga batang nag-aalaga ng aso nila. Mga pamilyang nagpipicnic. Ang saya nilang panuorin at tingnan. Dun ko naisip na kung isama ko kaya minsan dito si Gabby para naman ma-experience niya 'to.

Uminom muna ako ng baong tubig ko nun. Grabe, naubos ko agad. Napagpasyahan ko nun na umupo muna sa isang bench at magpunas muna ng pawis. Meron akong nakitang grupo ng babae na tumitingin sakin. Nakaramdam ako ng awkwardness at unting pagkabadtrip. Dulot na nito ang pagkahiya 'ko. Tumayo ako nun para mag-jogging sana ulit ng magulat ako ng makita ko si Dustin na nagjo-jogging paikot sa buong park.

Ngayon ko lang siya nakita kaya nagtaka naman talaga ako. Pakiramdam ko namataan niya ako nun kaya tumigil siya sa harapan 'ko. Hindi ko alam kung babatiin niya ako o babatiin ko ba siya.

"Ikaw yung kasama ni Gabby kagabe diba?" dala niya pa din hanggang dito yung yabang niya.
"Oo, bakit?" tanong ko naman sa kanya.
"Alam kong natutulog ka dun sa bahay niya, sigurado ka bang wala kang ginagawa sa kanyang masama?" tanong niya sakin. Napikon ako dun sa tanong niya.
"Bakit mo natanong? Ano namang pake mo kung may gawin kami?" sinabi ko yun para asarin siya. Pakiramdam ko gusto niya na akong suntukin nun. Halatang napipikon siya kaagad pero hindi ko alam ang dahilan. Unless, may nararamdaman pa din siya para kay Gabby. "Nagsisisi ka na ba na pinakawalan mo si Gabby?" Napatigil siya nung sinabi ko yun.
"A-ano? Sira ka ba?" tanong niya sakin.
"Aba, tinatanong ko lang. Ayaw ko naman magkaroon ng kaaway" parang nagtaka siya dun sa sinabi ko.
"Kaaway?"
"Kaaway kay Gabby. Gusto ko sanang magpakasigurado na siguradong magiging kami at wala ng haharang dun kahit na ikaw pa. Mahal ko si Gabby" sabi ko sa kanya ng may ngite. Nagulat siya dun sa mga kasinungalingang sinabi 'ko. Pati din ako nagulat sa sarili ko pero ayaw ko na lang ipahalata. Alam kong sinisimulan 'ko ng ipasok ang sarili 'ko sa gulo nila.
"Mahal mo si Gabby?" ngumite ako sa kanya.
"Oo, mahal ko siya. May problema?" nagkaroon ng tensyon saming dalawa.
"Goodluck na lang sayo. Alam kong mahal pa din niya ako" Pucha. Makapal nga ang mukha.
"Talaga? Sa tingin mo ba masasabihan niya ang mahal niya ng makapal ang mukha?" Napatigil siya nun. Alam niyang siya ang tinutukoy 'ko. Ngumite siya nun na may halong pagkaasar.
"Sige, bahala ka. Gawin mo ang gusto mong gawin" sabi niya sakin.
"Wag kang mag-alala. Hindi ko siya papaiyakin. Hindi tulad mo." Yun ang huli kong sinabi sa kanya bago magsimulang mag-jogging ulit.

[Gabby's Point Of View]


Nagising ako nun ng wala si Paolo. Grabe, gusto kong magpasalamat sa kanya. Pakiramdam ko nalutang ako ngayon. Ang sarap ulit-ulitin yung scene na sinabihan ko si Dustin ng makapal ang mukha niya. Party party. Sobrang saya. Haha.

Ilang minuto lang nung dumating na si Paolo.

"Paolo!" sigaw ko sa kanya. Nakangite siyang lumapit at umupo dun sa sofa para magpahinga.

"Alam mo bang nakita ko si Dustin kanina?" natigilan ako dun. Bumilis yung pagtibok ng puso ko. Ano kayang nangyari sa kanilang dalawa. Pinag-usapan kaya nila ako?
"Talaga? Anong nangyare?" punong-puno ako nun ng curiosity.
"Wala. May mga sinabi lang ako sa kanya"


Napalunok ako nun.

"Anong sinabi mo?" 
"Sinabi 'ko na mahal kita" Parang may nag-flush ng puso ko sa kubeta. Hindi ko alam kung bakit. Siguro sa sobrang kaba sa reaksyon ni Dustin o siguro sa kagustuhan kong lumutang dahil masaya ako na sinabi yun ni Paolo kay Dustin. Pero bakit nga ba ako masisiyahan?

No comments:

Post a Comment