Saktong pagbukas ng TV 'ko nun, lumabas agad ang isang breaking news na nagsasabi na nagbabalik na si Patrick Trinidad. Tinitigan 'ko naman yung lalaki na yun sa TV. Bakit parang sinasabi ng instinct 'ko na kapatid yan ni Paolo? Tapos ganyan talaga kasikat ah. Tsaka may hawig din naman siya kay Paolo kaya pwede rin na magkapatid nga sila. Eh di ibig sabihin super duper sa yaman etong si Paolo. No wonder din kasi nakapagtayo ng isang company ang mama niya. Medyo nagulat naman ako nun ng biglang pumasok si mama sa kwarto 'ko.
"Toni, alam na namin kung saan nagpunta si Dustin" sabi ni mama sakin. Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko nun.
"A-ano? Saan?" sobrang nagpapanic na ako nun. Halos dalawang araw na din nung bigla siyang nawala.
"Sa isang hotel ng kaibigan niya. Pupuntahan na yun kaagad ng mga magulang niya kaya don't worry, okay?" sabi naman sakin ni mama. Napatango na lang ako nun. Kinakabahan pa din ako sa mga pwedeng mangyari.
[Dustin's Point Of View]
Mabilis na dumaan ang oras. Wala pa din si Gabby. Halos 4 P.M na rin ngayon. Ang tagal naman niyang nawala, at hindi man lang siya nagpaalam sakin. Sana naman kasi diba nagiwan man lang siya ng note kung anong oras siya uuwi. Nagulat naman ako ng biglang binuksan ng kaibigan 'ko na si Drew yung pintuan ng kwarto namin. Hapong-hapo siya at halatang may importante siya sasabihin sakin.
"Tol" sabi niya sakin.
"Oh. Bakit?" tanong 'ko naman sa kanya.
"Tumawag sa mama 'ko yung daddy mo. Hinahanap kung saan ka. Hindi 'ko nasabi kay mama na pagtakpan ka. Huli ka na. Malamang papunta na yung mga yun dito!" Patay na. Nataranta ako bigla nun. Wala pa naman akong ibang kakilala na pwedeng puntahan. Dedo na.
"Ano?! Pero teka, paano si Gabby?" ano ba 'tong ginawa 'ko sa buhay 'ko?! Naiinis na ako.
"Mag-iwan ka na lang ng note dyan o ano. Ako ng bahala sa pagpapaalam sa kanya. Basta sabihin mo sakin kung nasaan ka, para makasunod siya sayo" bigla akong napatigil nun. Tama pa bang ipasunod 'ko si Gabby sakin? Tama bang dalhin 'ko pa siya sa ibang lugar? Ang tanging ginawa 'ko na lang eh magtago sa likod niya. ayaw 'ko na siyang pahirapan.
"Osige Tol. Salamat" sabi 'ko sa kanya sabay naghigh-five na lang kami. Nag-ayos agad ako ng mga gamit. Syempre, chineck 'ko kung kumpleto lahat-lahat. Hindi 'ko dapat makalimutan yung ATM at Credit Cards. Yun na lang ang ikabubuhay 'ko ngayon. Bahala na talaga ang buong Justice League sakin.
"Osige Tol" sabi sakin ni Drew.
"Ite-text na lang kita. Ikaw ng bahala na magsabi kay Gabby" sabi 'ko naman sa kanya.
Mabilis akong lumabas ng kwarto nun dala-dala lahat ng gamit 'ko. Pumunta agad ako sa may parking lot. Pinasok 'ko lahat ng gamit 'ko sa loob ng kotse at madaliang nag-drive. Kung saan man ako pupunta at magpapalipas ng gabi ay hindi 'ko na alam.
[Gabby's Point Of View]
Sigurado akong nasa hysterical mode na si Dustin. Dapat kasi nagpaalam ako sa kanya eh. Buti naman medyo mapagtyatyagaan na yung pagkanta 'ko ng isang Japanese song. Ibang klase ah. Hindi 'ko akalain na aabot ako sa ganito. Sumakay na kami nun sa Van para tumungo na sa Megamall. 4 P.M pa lang pero syempre dapat medyo maaga kami dun. Para na rin ma-set up ni Yael dun sa sound system yung mga cables para ma-connect ang sound system dito sa van at dun sa mismong event. Pinapakinggan 'ko lang sa iPod ni Yael yung kanta para sigurado ako na wala akong makakalimutan na tono. Tiningnan 'ko na rin yung lyrics.
Binigyan ako ni Yael ng isang wireless na headphone na merong mic. Papasok kami mamaya dun sa isang event at magtatago kami sa dressing room ni Kyla at dun ako kakanta gamit yung wireless na headphone na yun na magse-send ng signal sa computer sa loob nung Van na malamang eh makaka-abot sa sound system ng mismong event. Sobrang talino ni Yael. As in, grabe. Magkanong pera kaya ang linustay nila dito para lang gumawa ng isang bonggang-bonggang star?!
Medyo kinakabahan na din ako nun. Kanina lang ako nabigyan ng trabaho, tapos biglaang ganito. Aba, may 10, 850 pesos agad ako. Bongga nga naman talaga oh. Nakadating kami sa may Megamall makalipas ng isang oras. Nagsimula na si Joni at Yael sa pagse-set up ng kung anu-ano. Ang astig nilang tingnan lalo na kapag sobrang serious sila sa paggawa ng program gamit ang isang laptop. Lumabas si Joni nun ng van para pumasok sa backstage nung event. Siguro, patago niya na ding linagay dun yung censor na magre-receive ng signal mula dun sa Van. Ilang minuto lang ang dumaan at bumalik na din siya sa may Van. 30 minutes lang ang kinuha nila para magawa yung mga preparations na yun.
"Okay. All set na tayo. Ready na" sigaw naman ni Yael. Lalo naman akong kinabahan nun.
"So, first show 'to ni Kyla. Dapat pagbutihin natin 'to!" sabi samin ni Joni kahit na sakin lang siya nakatingin. Nginitian 'ko naman siya at tumango ako to show them na gagawin 'ko ang lahat ng makakaya 'ko.
Tumayo na kaming dalawa ni Kyla nun at sinuot 'ko naman na yung ID na nagsasabi na VIP ako at pwede akong pumasok ng backstage. Ang saya-saya naman neto oh. Haha.
"Galingan mo ah" bulong sakin ni Kyla. Halatang kinakabahan siya nun. Napangite lang naman ako nun kasi lumalambot din pala ang puso niya kapag kinakabahan siya. Sana pala palagi siyang kinakabahan no. Haha.
"Anata wa daijobuda" naks naman ako. Naghahapon na din. Haha. Napangite naman siya dun sa sinabi 'ko. Ang cute din talaga ni Kyla no. May future 'tong babaeng 'to.
6:30 P.M na nung napagpasyahan namin na pumasok sa may backstage. Nagkakandagulo na yung kung sino-snong tao. Tapos ang daming mga cosplayers 'kong nakikita. Pumasok kami sa isang dressing room. Nakapost sa dingding nung dressing room na pangatlong magpe-perform si Kyla. Kinakabahan pa rin talaga ako. Parang gusto 'ko ng magpalamon sa lupa.
Nagsimula ng magbihis si Kyla nun. Ang cute ng suot niya nun. Parang siyang fashion model sa suot niya. Siguro connected din 'to dun sa kanta na "kakantahin" niya. Inayos ni Joni yung buhok. Narinig 'ko naman na yung mga hiyawan ng mga tao sa labas. Ano kayang nangyayari sa labas? Siguro sobrang daming tao. Waaa. May narinig akong mga nagsisimula. Siguro parang emcee na ewan. Whatever. After ilang minutes, dun 'ko narealize na may nagpe-perform na mga tao na malamang eh hindi 'ko kilala pero ang lakas ng sigawan sa labas kaya malamang medyo sikat sila.
Malapit ng matapos yung make-up nun ni Kyla. Grabe, ang cute. Mukha nga siyang anime. Natutuwa naman ako.
"Ang cute mo, Kyla!" sabi 'ko sa kanya. Nakita 'kong namula nun si Kyla. Kapag naka-cosplay ba, nagbabago din ang ugali? Mas naging kalmado siya ngayon eh.
"Kyla, ready na!" sigaw ng isang lalaki na dumaan lang sa dressing room ni Kyla. Eto na ba talaga yung start?
"Sige. Kyla, do your best. Okay?" tumango nun si Kyla sa kanya. Sinamahan siya ni Joni papalabas nung dressing room. Kami lang ni Yael yung naiwan nun. Rineady ni Yael lahat ng mga abubot. Susunod na pala si Kyla sa magpe-perform. Grabe, kinakabahan na talaga ako.
Sinarado niya yung dressing room. Sinuot 'ko na din yung headphone 'ko. Eto na talaga, start na talaga 'to. Nanlalamig yung buong katawan 'ko nun. Rineady 'ko yung mga lyrics. Bigla 'kong narinig ang hiyawan ng mga tao kasabay ng pagsisimula ng kantang Lovely in Gorgeous.
Gozen rei-ji, tobidashita
Tobira o ketobashite
Garasu no kutsu ga warete
Doresu mo yabureta
Nee Akirete iru n deshou?
Oikakete mo konai
Namida ga afurete Mou hashirenai wa…
Jerashii kamo… SE-TSU-NA-I…!!
“Lonely in Gorgeous” Yeah…
Party night… I’m breaking my heart
Ima sugu mitsukete Dakishimete hoshii
Nasa Megamall ako ngayon. Hindi naman sa gusto 'kong makita si kuya no. Sadyang coincidence lang na sa paghahanap 'ko kay Gabby, dito ako napudpod. Dumaan naman ako sa isang store ng nagbebenta ng mga TV. Napatigil ako ng may pinapalabas dun na Live Coverage nung Live Power Music na nangyayare lang sa Event Center ng Mall na 'to.
Nagtataka ako sa sarili 'ko. Parang kaboses ni Gabby yung nakanta pero sa nakikita 'kong sumasayaw sa stage, hindi naman siya yun. Isang commercial model yun na lumalabas sa isang Anime Channel. Pero kahit na, bothered din ako kasi parehas na parehas talaga.
Medyo nagulat naman ako ng may tumabi sa 'king grupo tatlong babae. Nakikinuod din sila dun sa TV.
"Uy. Diba si Kyla yan?" sabi nung isang babae sa isang kaibigan niya na babae rin.
Heddo raito ga hikaru
…where are you bad boy?
Ai no sukaafu de namida o fuite
Nan ni mo mienai
Hoshikuzu o kakiatsume
Anata ni butsuketai
Naze kamau no?
Jibun shika aisenai kuse ni…
Shitsuren kamo… Maji na no…?!
"Oo nga eh! Diba hindi marunong kumanta yan? Bakit parang iba yung boses?" medyo nagulat naman ako sa comment nung isang babae.
"Oo nga no! Hindi naman yan nakanta sa school natin ah! Ang panget kaya ng boses niyan!" dagdag pa nung isa. Siguro ka-eskwela yan ng 15 year old na nagpe-perform sa stage ngayon.
"Baka naman nandadaya lang yan. Diba meron yung nagrerecord ng kanta tapos ie-edit na lang?" sabi ng isang babae.
“Lonely in Gorgeous” Yeah…
Party time… Umaranai
Anata ga inai to Karappo na sekai
"Oo nga eh. Baka yun nga yung ginawa" pag-sang ayon naman ng isa.
"O siguro, may nagpeperform sa backstage. Yung parang sa 200 pounds beauty?" sabi naman nung isa.
Napaisip naman akong bigla nun. Lalo na dun sa sinabi nung huling babae na may nagpeperform sa backstage. Paano kung si Gabby yun? Malabo kasi na sobrang kaparehas ng boses ni Gabby yung "boses" ng Kyla na 'to.
[Gabby's Point Of View]
Yume no tsuzuki ga mitai
“I miss you bad boy”
Kirameki no naka ni tojikomenaide
Kowarete shimau wa
“Lonely in Gorgeous”
I’m breaking my heart
Where are you bad boy?
“Lonely in party night”
Nakangite na kaming dalawa ni Yael nun. Buti naman at walang problemang nangyayare nun sa pagkanta 'ko. Feeling 'ko nga nage-enjoy lang talaga ako ngayon eh.
Overwhelmed ako habang naririnig yung paghiyaw ng mga tao. Gusto ba nila yung boses 'ko o sadyang sobrang cute lang ni Kyla? Malapit ng matapos yung kanta. Eto na talaga. Ka-ching. Nakita 'ko na linalagay na ni Yael sa isang brown na envelope yung pera na sasahudin 'ko ngayon. Ay, heaven nga naman oh.
[Paolo's Point Of View]
“Lonely in Gorgeous”
I’m breaking my heart
I miss you bad boy
“Lonely in party time”
“Lonely in Gorgeous” Yeah…
Party night… Waraenai
Nani mo iranai Tada soba ni ite
Napagpasyahan 'ko nun na pumunta ako sa may event center. Bumili ako ng ticket nun papasok sa Live Power Music. Nagbabakasakali rin na makita 'ko si Gabby at nagbabakasakali rin ako na masuntok 'ko yung kuya 'ko. Haha. 350 pesos yung ticket. Nakakainis ah. Buti na lang may pera pa ako nun.
Kakatapos lang nung kanta nung "Kyla". Sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao. Sobrang dilim nun. pero may makikita ka pa ding iba't-ibang kulay ng mga ilaw. May mga naka-costume na pang-anime. Meron namang mga nakikitalon lang sa mga nanunuod nung mga performances.“Lonely in Gorgeous” Yeah…
Party night… I’m breaking my heart
Anata ga nokoshita Kirameki no hako no naka de
Kodoku o daite ugokenai
Nani mo iranai no Tada soba ni ite
Hizamazuite Watashi o mite
Ai o chikatte
Tumayo na ako nun. Grabe, sa wakas tapos na din.
"Ang galing mo, ate Gabby!" sabi sakin ni Yael sabay bigay sakin nung envelope.
"Talaga?" tawa ako ng tawa nun. Succesful kasi diba.
Kakapasok lang nun ni Joni at Kyla. Sobrang saya sila sa turnout nung nangyare. Succesful din talaga no.
"Ang galing ng performance ngayon ah!" sabi samin ni Joni. "Sige, Gabby. I-enjoy mo na lang yung event"
Tumango na lang ako sa kanila sabay sabi sa kanila ng "Sige. Thank you ha.". Umalis muna ako ng backstage nun at nagtungo ako dun sa mga audience. Syempre, libre na ako nun. Ang saya nga ng mga tao eh. Ang dilim pero may makikita ka pa din na iba't-ibang uri at kulay ng mga ilaw. Malapit ako nun sa entrance ng biglang may nakabangga akong isang lalaki. Nagulat talaga ako nun. Tiningnan 'ko yung mukha nung lalaking yun.
"Paolo?" sobrang nanlaki yung mata 'ko.
No comments:
Post a Comment