Friday, February 11, 2011

Chapter 8

[Gabby's Point Of View]


Sobrang kabado ako nun. Sabay kaming lumabas nun sa bahay ko. Gusto ko ng umatras. Pakiramdam ko talaga ay hindi ko kakayanin na mag-perform dun sa fund raising project para kay Mang Rosme. Walking distance lang naman yung site kung saan gagawin yung activity. Siguro, naramdaman na din ni Paolo yung kaba ko. Hinawakan niya nun yung kamay ko. Nag-intertwined pa nga yung mga fingers namin. Parang naging fit yung kamay namin sa isa't-isa. Tiningnan ko siya nun. Nakaramdam ako ng awkwardness pero at the same time ay kasiyahan. Pakiramdam ko natupad na ang wish ko na maka-meet ng isang tao na hindi ako iiwan at palaging makikinig sakin. Si Paolo yun. Sana siya na nga. Isa talaga siyang napakabuting kaibigan.

Medyo nag-boost na nun yung confidence ko na kaya ko na ngang maka-move on kay Dustin. Pumasok na nun kami sa activity. May arko nun na punong-puno ng bulaklak. Nasa gilid pa nun ay yung welcoming committee kung saan binabati nila kami ng "Good Evening". Ang daming ilaw nun. Yung tipong nakakasilaw na. Tiningnan ko yung mga tao sa  paligid ko. Pabonggahan ng suot. Parang lahat ng tao naka-dress nun. Tiningnan ko yung sarili ko. Bigla na lang akong na-insecure sa sarili ko. Napatitig sakin nun si Paolo. Medyo tumaas naman yung buhok ko sa katawan nung lumapit sakin si Paolo para bulungan ako.

"Don't worry. Maganda ka" Napangite ako nung sinabi niya yun sakin. Napasigh na lang ako nun. Kaya ko talaga 'to.

Napatingin ako nun kay Dustin na kausap yung Pamilya ng mga Elpidio. May class nga siyang makipagusap. Nakakamangha. Nakasuot siya ng black pants nun na match na match dun sa black coat niya. Ibang klase siyang tingnan. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Kahit na gusto kong punuin yung isipan ko ng hatred at bitterness para sa kanya, hindi ko pa din magawa. Kasi sa tuwing makikita ko siya, pakiramdam ko pinapatawad ko na siya. Ang hina ko talaga.

Napatingin din ang mga mata ko kay Toni. Nagsisimula na naman ako na ikumpara yung sarili ko sa kanya. Sobrang ganda niya. nakataas nun yung buhok niya at sobrang ganda nung tiara na nakalagay sa ulo niya. Nakakainggit. Siguro, kung ako si Dustin, Mas pipiliin ko talaga si Toni kesa sakin. Ang ganda pa ng suot niya nun. Black na dress na sobrang elegante ang design. Kelan kaya ako makakapagsuot nun?

Hinila ni Paolo yung kamay ko papunta sa isang table. Merong nagserve samin ng drinks. Umupo kami sa mga upuan. Nabwiset pa ako kasi dun pa ako sa table kung saan malapit kay Dustin at Toni. Kinutkot ko yung kuko ko para hindi ko sila maisip. Gusto kong maiyak pero naisip ko na sayang lang yung make-up na linagay ko kung iiyakan ko pa sila.

Tumingin ako sa paligid ko. Nagtipon tipon dun yung iba't-ibang tindahan. Nag animo fair yung activity pero merong touch of elegance at class. Lalo akong nanlumo. Siguro kung ako yung kasama ni Dustin sa pago-organize ng activity na 'to, hindi magiging kasing enggrande ng activity na 'to. Napaka-pathetic ko talaga. Hay Nako.

Nagsimula naman na yung program. Hindi ko rin naman masyado naintindihan kasi lipad ng lipad yung isip ko. Nakatitig lang ako kay Dustin at Toni. Naka-akbay nun si Dustin kay Toni. Napapaimagine tuloy ako. Kung ako kaya yung inaakbayan ni Dustin ngayon... Pero wala na pala kami... Nakakalungkot lang...

Nagulat naman ako ng biglang nagpalakpakan yung mga tao at sabay-sabay silang nagtinginan sakin. Ano ba yan. Wala akong kaalam-alam. Tumingin sakin si Paolo nun.

"Pumunta ka na sa stage. Tandaan mo. Ikaw na ang bagong Gabby" sabi sakin ni Paolo. Napalunok muna ako nun. Nagulat ako nun na ako pala ang unang magpe-perform. Kakayanin ko kaya? Hindi ko alam.

Tumayo na ako nun. Nakita kong tumingin sakin si Dustin at si Toni. Nakita ko yung mama at papa ni Dustin na nakangite sakin. Siguro, wala silang kaalam-alam sa nangyari sa amin ni Dustin. Andun din yung mama ni Paolo na pinapalakpakan ako. Nauna na pala siya sa pagpunta nun. Tiningnan ko yung ibang tao na mukhang excited na din sa performance ko.

Dahan dahan akong naglakad nun sa papunta sa stage. Tiningnan ko ng mabuti yung mga back-up singers at intrumentalist na kasama ko na magpeperform. Lalo akong kinabahan. Tiningnan ko nun si Paolo. Nakatitig lang siya sakin.

Nagsimula na yung violinist sa pagtugtog at accompanied yun ng isang pianist. Nagpalakpakan ulit yung mga tao kabilang si Toni na kung pumalakpak ay may class. Fineel ko nun yung bawat note na tinutugtog nung mga instrumentalist.

I bust the windows out your car
And no, it didn't mend my broken heart

Perfect. Pakiramdam ko magagawa ko na talaga ng tama 'to. Nakita ko nung ngumite si Paolo. Para lumutang yung puso ko nun. Satisfaction.

I'll probably always have these ugly scars
But right now, I don't care about that part

Hindi ko alam kung scripted ang lahat. May mga taong nagtayuan nun. More on sabihin natin na mga couples sila, nagsimula silang magsayaw dun sa kinakanta 'ko.

I bust the windows out your car
After I saw you laying next to her
I didn't wanna but I took my turn
I'm glad I did it cause you had to learn

Napatingin ako nun kay Toni at Dustin na akala ko ay tatayo din. Nakatitig lang sakin si Dustin na parang may halong awa. Ano mang ibig sabihin nung mga titig na yun, eh hindi ko alam. Tiningnan ko din yung titig sakin ni Toni. Nakaramdam ako ng pagkainis sa mga titig niya. Siguro alam nila na para sa kanila ang kantang pineperform ko ngayon.

I must admit it helped a little bit
To think of how you'd feel when you saw it
I didn't know that I had that much strength
But I'm glad you see what happens when

Bumilis yung pagtibok ng puso ko. Sinarado ko yung mata ko para ilet go lahat ng memories na binigay sakin ni Dustin at ni Toni. Tandaan mo Gabby, ginagawa mo 'to para sa sarili mo. Hindi para sa kanilang dalawa.

You see you can't just play with people's feelings
Tell them you love them and don?t mean it
You?ll probably say that it was juvenile
But I think that I deserve to smile

Minulat ko yung mga mata ko. Tiningnan ko si Toni at Dustin. Halos malaglag yung puso ko ng hinawakan ni Toni at si Dustin. Parang kumirot ng kaunti yung puso ko nun pero hindi ko na lang pinahalata sa mga manunuod.

I bust the windows out your car

Napatigil ako bigla. Hindi naman sa nakalimutan ko yung lyrics. Sadyang, naiiyak na talaga ako nun. Tumalikod muna ako nun para hindi makita ng mga tao. Medyo nag-sway din ako nun para hindi nila mahalata na kinokondisyon ko lang ang sarili ko. Buti na lang nasalo ako ng mga back up singers ko.

I bust the windows out your car
You should feel lucky that was all I did
After 5 whole years of this bullshit
Gave you all of me and you played with it

Back. Yun ang naisip ko. Nagsimula ulit ako sa pagkanta. Pakiramdam ko inaasar ako ni Toni nun sa pagpapamukha sakkin kung gaano sila ka-sweet ni Dustin sa isa't-isa. Lalong nadurog yung puso ko ng makita kong hinalikan ni Toni si Dustin sa cheeks.

I must admit it helped a little bit
To think of how you'd feel when you s-saw i-it

Nauutal na ako nun. Tumalikod ulit ako nun dahil hindi ko na kayang tingnan ulit sila. Sinasalo na lang ulit ako ng mga backup singers ko. Isang buong chorus ang hindi ko nakanta. Nung pakiramdam ko ay kaya ko na talaga. Humarap ulit ako at kumanta.

Oh yeah, I did it, you should know it
I ain?t sorry, you deserved it
After what you did to me
You deserved it, I ain't sorry no, no

Tuloy pa din nun sa pagsayaw yung mga couples. Hindi ko na tiningnan si Dustin at si Toni. Si Paolo na lang nun yung tiningnan ko. Nakita ko siyang napailing.

You broke my heart, so I broke your car
You caused me pain, so I did the same
Even though what you did to me was much worse
I had to do something to make you hurt

Napapaluha na ako nun. Syempre, nagugulat yung mga tao. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Nakatitig lang sakin si Paolo. Nagulat ako ng makita ko siyang tumayo mula sa kinatatayuan niya.

Oh, but why am I still crying?

Incomprehensible na din yung kinanta 'ko. Napatigil ako nun pero sinasalo pa din ako ng mga backup singers ko. Nagtinginan lahat ng tao sa lalaki na nagngangalang Paolo na papalapit sa kinaroroonan 'ko. Napaiyak na talaga ako nun. Nakakainis. Napaka-pathetic ko talaga. Hinawakan ni Paolo nun yung kamay 'ko. Wala na siyang pakialam kung magtinginan sa kanya yung mga tao. Hinila niya ako pababa ng stage papunta sa backstage. Nagpakausisero pa ata yung mga tao nun.

"Sorry... Hindi ko talaga kaya" sabi ko sa kanya. Walang tigil nun yung pag-iyak ko. "Ang sakit-sakit lang kasi eh" Lumapit siya sakin nun. Tapos hinawakan niya yung mukha ko. Parang akong na-electrify nun. May kakaibang sensation akong naramdaman. Pinakalma niya nun yung puso ko na gustong gusto ng sumigaw. Pinahid niya nun yung mga luha 'ko. Pero kahit na ganun, yung sakit na naramdaman ko ay hindi pa din napapawi.

Tiningnan ko yung mga mata niya. I disappointed him. Yun lang ang alam ko. Kailangan kong makabawi. Napasigh na lang ako nun.

"Gabby?" Nagulat ako ng marinig ko yung boses niya. Napatingin ako sa kanya. Dustin. Sa taong, pinag-aaksayahan ko ng mga luha 'ko.

No comments:

Post a Comment