Gusto ko ng mamatay. Ayoko na. Hindi ko kakayanin 'to. Biglang tumulo yung luha ko nun. At kasalukuyang nadudurog ang puso ko. Akala ko siya na. Akala ko pang-habang buhay na kami. Pero hindi pala. Sobrang sakit. Ang sakit-sakit. Parang namatayan ulit ako. Bakit ba ganito?
Hindi nakayanan ng tuhod ko ang lahat. Napaluhod ako sa harapan ni Dustin. Sobrang pathetic ko.
"Tumayo ka nga dyan!" he commanded me. Hindi na rin ma-process sa utak ko na kinausap niya ako nun. Basta isa lang ang alam ko. Na sobrang sakit talaga. "Ano ba naman yan, napakaisip bata mo! Yan ang isa sa mga dahilan ko kaya hiniwalayan kita eh!" Napatingin ako sa kanya. Hindi niya ba alam kung gaano kasakit 'tong sinasabi niya sakin? Hindi man lang ako makapagsalita. "Dali na kasi! Tumayo ka na!"
Hinawakan niya nun yung dalawa kong shoulders tapos tinayo niya ako. Nanghihina na rin ako nun kaya kusang sumunod yung katawan ko sa kanya.
"Wag ka ngang umiyak Gabby!" sinigawan niya ako nun. Lalo nung nadurog yung puso ko.
"Anong gusto mong gawin ko?! Tumawa ako?! Ang sakit-sakit Dustin! Sobrang sakit!" napasigaw ako sa kanya. Sa mga panahon na 'to, gustong-gusto ko na talagang basagin yung mukha niya. Hindi siya nun nakapagsalita. Tinitigan ko siya. Tinataga ko sa bato na hindi ko makakalimutan 'tong ginawa ni Dustin sakin. Kasi kahit anong mangyari, magste-stay pa din sa puso ko yung marka ng ginawa niya.
Hindi ko na rin nakayanan na makipagusap sa kanya. Wala din namang pupuntahan. Tinalikuran ko siya kaagad at agad-agad akong pumasok sa bahay ko. Sinarado ko ng malakas nun yung gate. Napaupo ako nun sa sahig at napasandal ako dun sa gate. Nahihirapan akong huminga. At the same time, naninikip yung dibdib ko. Hindi tumitigil ang pagbuhos ng luha ko. Pakiramdam ko magkakasakit ko. Bakit ang bagal ng oras? Sana matapos na 'tong lahat. Sana bukas makalimutan ko na ang lahat. Narinig ko nun na bumukas yung pintuan ni Paolo. Napatingin ako sa kanya. Nakakahiya naman 'to. Nagpapakita ako ng kahinaan sa kanya. Pinunasan ko agad yung luha ko at tumayo ako ng maayos.
"Oh. Sorry kung maingay ako ha? Naistorbo pa ata kita" Nakatitig lang siya sakin nun. Pinipigilan ko yung pagluha ko nun kaso parang kahit anong gawin ko, waepek pa din. Ang pathetic ko talaga.
[Paolo's Point Of View]
"Bakit ka umiiyak?" tinanong ko sa kanya. Pero sa pagtanong ko na yun, halatang hindi ako nakatulong sa kanya. Umiyak pa lang siya lalo nun. Mabagal siyang lumapit sakin. Parang siyang bata. Sobrang nakakaawa. Lumapit din ako sa kanya. "Gabby?"
"Break na kami ni Dustin" ramdam na ramdam ko sa boses niya yung sakit. Napatitig ako sa kanya. Pawis na pawis siya at nahihirapan siyang huminga. Hinawakan ko nun yung kamay niya at hinila ko siya papunta sakin. Yinakap ko siya.
Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginawa. Basta ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko yung bawat paghikbi at pag-iyak ni Gabby nun. Kaso wala akong magawa. Pinat ko yung likod niya para i-comfort siya.
"He doesn't deserve you. Yan ang tandaan mo?" Parang hindi niya ako narinig nun pero patuloy pa din ako sa pagsasalita. "Gago siya para hindi ka ma-appreciate. Makakahanap din siya ng katapat niya." Napasigh na lang ako nun. Kampante na ako nun na nag-break na sila. Linoloko lang naman siya ni Dustin eh. Mas mabuti na ganito. Kesa naman siya pa mismo ang makakita na nakikipaglandian si Dustin sa ibang babae. "Tandaan mo yan, Gabby? Okay? Maraming pang iba dyan na kaya kang mahalin. Hindi lang si Dustin ang lalaki sa mundo. Ipakita mo sa kanya kung gaano ka katatag. Wag na wag kang magpapakita sa kanya ng kahinaan. Sa paraan na yun, makikita mo siyang luluhod sa harapan mo para habulin ka ulit..." Hindi ko alam kung bakit ko 'to sinasabi sa kanya. Sweet Lies. Pero siguro, eto lang talaga ang magagawa ko para sa kanya. Ang aking bagong kaibigan.
[Toni's Point Of View]
Nasa kwarto ako ngayon ng magulat ako ng biglang mag-vibrate yung cellphone ko. Dali-dali kong binuksan yung cellphone ko. Natawag nun si Dustin.
"Dustin?" tawag ko sa pangalan niya. "anong nangyari?"
"Nagawa ko na yung pinapagawa mo." Napangite ako nung narinig yun. Sa wakas, break na sila ni Gabby. Isa na lang ang problema ko. Ang friendship namin ni Gabby.
"Really?! Thank you Dustin! I love you so much! Magpahinga ka na. Alam kong pagod ka. Pupunta ako kaagad sa bahay niyo. okay? I so love you!" sa sobrang tuwa ko, yan ang nasabi ko sa kanya. Solong-solo ko na talaga si Dustin.
"I love you too..." then in-end niya na yung call. Mula nung gabing yun, hindi na talaga maalis yung ngite sa mga labi ko.
[Dustin's Point Of View]
Inend ko na nun yung call ni Toni. Napasandal ako dun sa pader. Hanggang ngayon, hindi pa din ako umaalis sa tapat ng bahay ni Gabby. Naaawa ako sa kanya. Kapag naaalala ko yung mukha niya, nasasaktan din yung puso ko. Nakaramdam ako ng pagkasisi. Pero ano naman ba ang magagawa ko? Ginagawa ko 'to para kay Toni. siya ang mahal ko. Siguro sapat naman na kay Gabby na minahal ko siya ng dalawang taon. Patawad na lang sa kanya kung dun sa mga sumunod na taon ng pagsasama namin ay tuluyan na akong nagsawa sa kanya.
Tao lang naman ako. At lalaki din ako. May karapatan din namang magsawa. Napasigh na lang ako nun. Ang hirap naman neto. Pakiramdam ko, ako yung nalugi eh. Parang tinanggalan ako ng kalahating buhay ko. Lugi.
[Paolo's Point Of View]
Dumaan nun ang ilang araw. Lagi kong sinasamahan si Gabby na mukha na-trauma pa din sa break up nila Dustin. Kahit anong sabihin ko sa kanya, lumalabas din naman sa tenga niya. Ano bang gagawin ko sa babaeng 'to na mula't sapul eh umikot na ang mundo sa iisang lalaki? Sinamahan ko siyang manuod ng Saw. Gusto daw niya kasing manood ng brutal para makalimutan si Dustin.
"Ang sakit-sakit" Imbis na matakot siya dun sa palabas, naiiyak siya. Nagmukhang nakakaiyak na love story tuloy yung Saw. "Parang hinihiwa yung bituka, laman loob at puso ko nung sinabi ni Dustin sakin yun ng harap harapan" Nagmumukha na talaga siyang Dustin. "Sana umikot yung mundo ng tama no? Para ako naman yung hihiwa ng bituka, laman loob at puso ni Dustin!" Sunod-sunod nun yung pagkain niya ng popcorn
"Nakakadiri ka naman" sabi ko sa kanya.
"Hindi mo kasi ako naiintindihan. Sobrang sakit kaya. I felt so alone" Nagindian seat siya dun sa sofa. Hindi na rin namin maintindihan yung pinapanood namin.
"Anong tingin mo sakin? Hindi ka sasamahan?" tanong ko naman sa kanya. Naging ka-close ko na din siya. Nakakaawa din naman kasi eh."Ang bait bait mo naman pala! Akala ko masama ka nung una kitang nakita! Parang ang yabang mo kasi! At buti naman ay hindi ka naninigarilyo! Hindi nga ba?" Napasmirk na lang ako nun. Dun ko naman narealize na hindi na nga talaga ako naninigarilyo mula nung sinaway niya ako. Nakakatuwa namang isipin na in two weeks na pagkakilala ko sa kanya, gusto ko ng isipin na kapatid ko siya.
"Hindi na no!" sabi ko naman sa kanya.
Sabay kaming kumakaen ng lunch nun. Napapatawa ko din naman siya kahit sobrang hirap niyang patawanin. Buti na lang mabenta sa kanya yung mga korni kong jokes. Ang isip bata talaga eh. Nakakatuwa lang talaga eh. Sa sobrang pagiging malapit ko sa kanya, pinayagan ko siya na i-pedicure niya yung paa ko. Grabe, this is so gay. Hindi ko akalain na magagawa ko 'to. Pinagsuot pa niya ako ng headband. Lalo tuloy akong nagmukhang bakla!
"Bakit ba ako pumayag na gawin mo 'to sakin?!" sabi ko naman sa kanya na may halong biro.
"Eto naman! Alam mo namang broken hearted ako ngayon eh!" sabi niya habang linalagyan niya ng design na bulaklak yung kuko ko. ang bakla talaga eh.
"at anong koneksyon naman ng paa ko sa puso mo?!" tanong ko naman sa kanya.
"Pagbigyan mo na kasi ako!" Napasigh na lang ako nun pero at the same time natatawa na din ako.
"Ang pangit ng bulaklak. sa susunod na kuko ko, lagyan mo ng bubuyog" sabi ko sa kanya. Natawa lang naman siya nun.
"sige sige!" busy siya nun sa pagdedesign ng kuko ko. Tinititigan ko lang siya nun. Nakatali nun yung buhok niya tapos nakaputing shirt siya. Nakikita ko nun yung strap ng bra niya na color blue. Nakikita ko din yung leeg niya na sobrang puti at sobrang kinis. Napalunok ako nun. Nakaramdam ako ng awkwardness kaya nagalaw ko nun yung paa ko. "Ano ba yan?! Ang kulit mo Paolo! Nasira tuloy yung bubuyog!"
"Ulitin mo na lang. Kaya mo yan" Parang pinagpawisan ako nun. Ngumite lang naman siya sakin tapos tumuloy pa din siya sa pagdedesign nung kuko ko. Okay. Back dun sa iniisip ko kanina. Pinagpatuloy ko yung pagtingin ko sa leeg niya. Dun ko narealize na napapangite na pala ako nun. Parang tanga ako eh. Ano ba 'tong iniisip ko?! Haha.
[Toni's Point Of View]
Halos araw-araw na akong nasa bahay ni Dustin nun. Pero napapansin ko sa kanya na sobrang tahimik niya. Side-effects ba 'to ng mga nangyare sa kanila ni Gabby? Oh please. Sana kalimutan niya na si Gabby.
"Dustin? May problema ba?" tanong ko sa kanya. Tinabihan ko siya nun sa sofa.
"Wala" sabi niya sakin
"ang cold mo naman eh." sabi ko sa kanya na may halong pagtatampo.
"May favor ako sayo" nagulat ako sa kanya nun. Nginitian ko lang siya nun.
"Ano yun?" bumibilis yung pagtibok ng puso ko nun. Hindi ko alam kung bakit.
"Bigyan mo ng invitation si Gabby bilang performer dun sa fund raising project natin para kay Mang Rosme" napakunot yung noo ko sa sinabi niya.
"A-ano?" nababadtrip ako nun. Halatang gusto pa din niyang makita si Gabby. Na gusto pa din niyang icheck ang kalagayan ni Gabby.
"Gawin mo na yun. Alam kong takot ka pa sa kanya. Takot ka pa na mawala siya sayo pero dapat lang na maging quits tayo. Nawala siya sakin. Kaya wag ka ng maging duwag dyan, para mawala rin siya sayo" diretsong sinabi sakin ni Dustin. Hindi ko akalain na masasabi niya 'to sakin. "In short, wag kang magmalinis" Parang nag-backfire sakin lahat nung mga sinabi niya. Nangingig yung buong katawan ko. Nababadtrip ako.
"Okay. Fine. Kung yan, ang gusto mo" Nagsmirk lang siya nun sakin. Yung tipong, inaasar niya lang ako.
Sobrang saya ko ngayong araw. Nagluto, nagpedicure, nagmovie marathon at nagdilig kami ng halaman ni Paolo. Two weeks pa lang kaming magkakilala, pero pakiramdam ko ilang buwan na din yun. Parang naging kuya ko na nga din siya eh. Nakakatuwa lang. Busy kami ngayon sa paghahanap ng pwedeng mapanuod sa TV. Tinititigan ko siya. Pakiramdam ko nun nagka-kuya ako. Halos gabi na rin nun. Pero hindi pa din ako dinadapuan ng gutom.
Nagulat naman ako ng biglang may kumatok sa gate namin. Nagtaka ako kung sino kaya yun. Si Dustin lang naman ang pumupunta sa bahay ko sa oras na 'to. Pero bakit ko nga ba siya iniisip? Impusible naman na si Dustin yung kumatok. Tumayo ako nun at pumunta dun sa gate para tingnan yung taong kumatok.
Nakita ko nun si Toni na nakangite sakin.
"Toni?" hinila ko yung kamay niya nun papasok tapos niyakap ko siya ng sobrang higpit. Sobrang namiss ko talaga siya.
"Hey Gab" sabi niya sakin habang bumibitaw siya sakin. Napansin ko na may isang papel siya na hawak. Mukhang invitation. "Eto nga pala" Inabot niya sakin nun yung papel. Ayoko munang tingnan yung papel kasi mas gusto ko pang kwentuhan si Toni yung tungkol sa nangyari namin ni Dustin.
Nagulat naman ako ng marinig ko yung boses ni Paolo sa likod ko.
"Ikaw..." Tinutukoy niya nun si Toni. Hindi ko alam na magkakilala pala sila.
Naalala ko nun yung lalaki. Siya yung nagtapon ng juice kay Dustin. Biglang bumilis yung pagtibok ng puso ko. Lalo na nung binigkas niya yung mga salito na panigurado akong ikakasakit ni Gabby.
"Ikaw yung babae ni Dustin" Plain words but too strong.
No comments:
Post a Comment