Sunday, February 6, 2011

Chapter 3

[Gabby's Point Of View]


Medyo 10am na din akong nagising nun. Syempre, nagunat-unat muna ako nun. Grabe, parang ang sakit ng katawan ko nun. Binuksan ko yung cellphone ko. Ano ba yan? Wala man lang message galing kay Dustin. Namimiss ko na naman siya. Gusto ko sanang makipagtigasan sa kanya so tinext ko na lang si Toni para i-remind siya dun sa movie marathon namin mamayang gabi. Grabe, ang dami kong ikwekwento sa kanyang kakiligan. Lumabas ako ng kwarto nun. Kumuha ako ng tinapay. Okay na 'to bilang almusal ko. Syempre, naghilamos ako at nag-ayos ng kaunti. Nakakahiya naman kung haggard pa din ako no?

Nagulat naman ako ng biglang pumasok si Paolo dun sa bahay namin. Nakasando siya pati naka-jogging pants. Mukhang galing lang sa jogging. Parang hindi niya ako nakita nun. Hindi man lang niya ako pinansin. Ang labo naman ng lalakeng 'to. Hindi ko na alam kung anong ginawa niya basta ako ay kakaen at manunuod ng TV.

Natatawa pa ako dun sa pinapanuod ko. Pero pinipigilan ko na tumawa ng malakas. Poise. Kailangan ko ng poise. Haha. Syempre, natapos na din yung palabas. Uminom muna ako ng tubig. Then yun, napagpasyahan ko na mag-cr muna kasi naiihi na talaga ako. Papunta na ako dun sa likuan papunta ng cr ng magulat ako na makita si Paolo na nakatopless.

"Ay sorry" tumalikod ako sa kanya kaagad. Pusang galis. Eto na yung kinatatakutan ko eh. Yung mga scenes na ganito. Ang awkward talaga eh. Hindi naman siya nagsalita. Linampasan niya lang ako. Ano ba yan. Pakiramdam ko umurong na yung ihi ko. Over.

[Paolo's Point Of View]


Kakatapos ko lang mag-shower nun. Syempre, nagdamit na din ako nun. Nabigla nga ako ng makita ko si Gabby. Pero masanay na siya, aba. Haha. Natatawa nga ako dun sa reaksyon niya eh. Mukhang ngayon lang nakakita ng katawan ng lalake. Parang bata talaga eh.

Triny ko na kalimutan yung mga nalaman ko kagabi. Pero kahit na ganun, bumabalik pa din eh. Kapag tinitingnan ko si Gabby, nakakaramdam ako ng awa. Nasa kitchen siya ngayon at naghuhugas siya ng pinggan. Nilapitan ko siya.

"Maglakad-lakad naman tayo" sabi ko naman sa kanya. Mukhang nagulat sakin si Gabby nun.
"Uh... saan?" tanong naman niya sakin.
"Kahit saan. Gusto ko lang lumabas." Ngumite naman siya sakin nun. Bakit ganon? Parang pati ako nagu-guilty para sa kanya? Iba kasi yung ngite niya eh. Ang inosente.
"Sige. Pagkatapos ko neto..." Mabilis niyang tinapos yung mga hugasin. Pumunta din siya sa kwarto niya para mag-ayos. Then yun, lumabas din siya para sabihin sakin na "Lika na" Ngumite na lang ako tapos sinundan ko siya. Lumabas kami sa bahay nun at tuluyan na kaming naglakad. Nakangite siya nun. Mukhang masaya naman siya. Ayoko ng sayangin yun.
"San tayo pupunta?" tanong ko naman sa kanya.
"Basta. Sundan mo na lang ako" Syempre, sinundan ko na lang naman siya. Ang bilis niyang maglakad. Ang ligalig lang eh. Haha. Hindi siya tulad ng ibang babae na kapag may kaharap na lalake eh limited lang ang movements. Dumaan kami sa isang laruan kung saan maraming bata ang kumaway kay Gabby. Sikat siya sa bata. Palibhasa, mga kasing ugali niya lang. Hahaha. Napapailing na lang ako pero at the same time napapangite na din ako.

Dumaan din kami sa ibang tao na mukhang kakilala ni Gabby. Halata naman na sikat siya dito. Siguro, sa sobrang bait niya. Sa sobrang bait niya, ginagamit na siya ng ibang tao. At the thought of it, nalulungkot ako para sa kanya. Nung nakakita ako ng isang arko, alam ko na kung saan kami pupunta.

"andito na tayo..." sabi niya sakin ng nakangite. Pumasok kami sa isang sementeryo. Sinundan ko lang siya habang papunta sa isang puntod. May nakita akong dalawang puntod na magkatabi. "Gusto ko lang sayong ipakita si mama at papa" sabi niya sakin. Speechless ako nun. Unpredictable talaga yung ugali niya. Umupo siya dun sa bermuda grass. Tinabihan ko rin naman siya nun. Nakita kong napatingin siya sa isang matanda na nagbibigay ng bulaklak sa isang puntod. "Tingnan mo yun" Tinuro niya sakin yung matanda.
"anong meron?" tanong ko naman sa kanya.
"Alam mo ba na nung mismong araw ng kasal niya, hindi siya sinipot nung groom niya. Ang sakit nga nun eh. Tapos after 10 years, hindi pa rin siya nag-asawa. Hintay pa rin kasi ng hintay dun sa mahal niya. Kaso nga lang nalaman niya na may iba na palang asawa yung mahal niya... Sobrang nasaktan siya nun pero hanggang nung namatay yung lalaking yun, andun pa din siya. At hanggang ngayon, binibigyan pa rin niya ng bulaklak. Siguro nga kahit gaano kasakit yung ginawa sayo ng isang taong mahal mo, kung mahal mo talaga eh hindi mo kayang basta-bastang bitawan..." napakwento siya nun. Napatitig ako sa kanya. Wala akong masabi. Asa namang may alam ako tungkol sa mga ganyang bagay diba? "Para sakin yan ang true love..." Nakangite niyang sinabi yun. Napatitig ako sa kanya. Ibang klaseng babae. Goodluck na lang sa tinatawag niyang true love na yan. "Lika na. May pupuntahan pa tayo"
"Ang energetic mo. Daig mo pa ang nag-enervon" sabi ko naman sa kanya. Tumayo siya kaagad nun. nakakatuwa lang eh. Hinawakan niya yung kamay ko at tinulungan niya akong makatayo. Parang siyang katropa ko lang. Masarap at masayang kasama. Haha. Ano ba 'tong sinasabi ko?
"Syempre! Dapat ganito palage diba?! Lika na!" Mabilis siyang naglakad nun. Sinundan ko lang naman siya. Naglalakad ako habang nakalagay yung dalawa kong kamay sa loob ng dalawang bulsa ng pantalon ko. Ang ligalig niyang gumalaw. Parang timang lang eh.
"Ang ligalig mo. Grabe" Sabi ko naman sa kanya. Parang kaming umakyat sa bundok nun na ewan pero hindi naman amsyadong mahirap akyatin. Tumigil siya sa highest point nung inakyat namin. Pagod na pagod ako nun pero siya, parang hindi dinapuan ng pagkapagod.

Nawala yung pagod ko ng makita ko yung dagat pati magandang tanawin. Nasa tuktok na pala kami. Ang lamig ng simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Tiningnan ko si Gabby nun. Nakapikit siya. Napapangite lang ako eh. Ilang araw lang ba kaming nagkakilala? Pero ganito na kagaan ang loob ko pagdating sa kanya.

"ang ganda no." Tumingin siya sakin nun. Nakaramdam ako ng awkwardness kaya binalin ko na yung tingin ko sa ibang bagay. "Yung tanawin ba talaga yung maganda o ako?" nagulat ako sa sinabi niya. Syempre, tinawanan ko lang siya.
"Ang tikal ah." Sabi ko naman sa kanya. Nag-stay kami dun at nagkakwentuhan kami tungkol sa kung anu-ano.

[Toni's Point Of View]


Kasama ko ngayon si Dustin sa bahay namin. Inaasikaso namin yung activity na gagawin namin para kay Mang Rosme. Pero kahit na ganito, lumilipad pa rin yung isip ko sa ibang bagay.

"Dustin..." Tumingin siya sakin. May kakaiba talaga sa kanya na nagpapabilis ng pagtibok ng puso ko pero at the same time pinapakalma rin niya 'to. ang labo diba? Pero ewan ko ba. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, pumayag ako na maging `The Another` kesa sa maging `The One`. Nasasaktan ako kapag kailangan kong makisama sa relasyon nila ni Gabby. Hindi ko siya maintindihan. Bakit kailangan niya pang pagtyagaan si Gabby kung ako naman talaga ang mahal niya? "Magbreak na kaya kayo ni Gabby"
"A-ano?"


[Gabby's Point Of View]

"Paolo Winter Trinidad. Yun ang buo mong pangalan?" Nahihiyang tumango sakin si Paolo. Tinawanan ko lang naman siya nun. Ang cute lang na ewan nung pangalan niya eh. Medyo tinulak niya naman ako nun. Ang pikon naman neto. Hahaha. "ang cute nga eh!"
"Anong cute dun ah?!" tanong naman niya sakin. Patuloy ko lang naman siyang inasar.
"Hm... Nainlove ka na ba?" tanong ko naman sa kanya. Napakausisera ko talaga no. Haha.
"Hindi pa. Bakit?" ang diretso ng sagot niya sakin. Hindi mukhang pinag-isipan.
"Talaga?! Weh?! Siguro kasi manloloko ka no? Mukha ka naman kasing playboy eh!" sabi ko naman sa kanya. Syempre, pang-asar ko lang yun.
"Eh di inamin mo na gwapo nga talaga ako?" ang yabang talaga neto oh. Hahaha.
"Iniiba mo yung topic eh! Nainlove ka na ba talaga?" pinilit ko naman siya nun.
"Hindi nga. Tsaka ayoko pa. Waste of time lang yun." sabi naman niya. bakit kaya ganitong magsalita yung lalakeng 'to?
"Wag ka ngang ganyan. Sobrang sarap magmahal. Lalo na kung mahal ka din ng mahal mo..." Namula ako nun. Naaalala ko kasi si Dustin. Kinikilig talaga ako.
"Ewan ko lang ha?" sabi naman ni Paolo. "May kakilala kasi ako na may boyfriend... mahal na mahal niya yung boyfriend na yun pero hindi niya alam niloloko lang siya nung lalake..."
"Talaga?" Kawawa naman yung kakilala niyang yun. "Kawawa naman yun.. Buti na lang ako... May Dustin..." Ngumite lang naman nun si Paolo.
"Lika na... Umuwi na tayo..."

[Dustin's Point Of View]

Nagulat ako dun sa sinabi ni Toni. Medyo naluluha nga siya nun eh. Ayaw ko pa naman siyang nakikitang umiiyak.

"Magbreak na kayo ni Gabby... Yun ang gusto ko..." Mabilis yung pagtibok ng puso ko. Tinabihan ko siya nun sa pagkakaupo.
"Bakit?" tanong ko naman sa kanya.
"Dustin, kung mahal mo talaga ako... Hihiwalayan mo siya... Ayaw ko ng magtago... Gusto ko ng malaman niya na ako naman talaga ang mahal mo... Pare-parehas lang naman tayong nasasaktan eh..." Hinawakan ko yung mukha niya para punasan yung luha niya.
"Pero... masasaktan siya... wala na siyang ibang kasama... sana maintindihan mo Toni..." sabi ko naman sa kanya. Pero lalo ata siyang nagalit.
"Bakit? Anong tingin mo sakin? hindi nasasaktan?!" sumisigaw na siya nun. hinawakan ko yung kamay niya. "Makipagbreak ka na sa kanya! Okay? Gusto ko tayo lang. Ayaw  ko na ng may kaagaw sayo!"
"Pero Toni..." Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.
"Hanggang ngayon talaga duwag ka pa din Dustin no? Stand up. And grow up! Dalawa lang naman ang pagpipilian mo diba?! Ako o si Gabby?" Bumilis yung pagtibok ng puso ko nun.

[Paolo's Point Of View]

Kakauwi ko lang nun. Syempre, uminom muna ako ng tubig. Grabe, nakakapagod. Eto namang si Gabby, mukhang nakainom pa din ng Enervon. Haha. Nakita kong tiningnan niya yung cell phone niya. Pero pagkatapos nun, nalungkot na naman siya.

"Oh bakit?" tanong ko naman sa kanya.
"Wala man lang text o tawag si Dustin sakin eh..." sabi naman niya. Sana kaya kong sabihin sa kanya kung ano yung katarantaduhan ni Dustin.
"Hayaan mo na yan! Cheer up!" yun na lang ang sinabi ko sa kanya. Nakita ko naman na kinalikot niya yung cellphone niya. Mukhang may tinext siya. 

[Toni's Point Of View]

Biglang nagvibrate yung cellphone ko. Nagtext pala sakin nun si Gabby.

From: Gabby
Toni :( nu oras ka pnta d2?
dme kong kwento! miss ko na si Dustin :( huhu...

Nabwibwiset ako sa text na nun si Gabby. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat. Pinakita ko kay Dustin yung text na yun ni Gabby.

"Tingnan mong mabuti. Nagmumukha siyang tanga, okay? Kaya wag kang magmalinis! Kasi ikaw ang mas higit na nakakasakit sa kanya!" sigaw ko nun kay Dustin. "so, ano ng plano mo?"
"Sige makikipag-break na 'ko. Maghahanap lang ako ng tyempo." napangite ako nung sinabi ni Dustin yun then i hugged him.
"I love you Dustin..."

No comments:

Post a Comment